Chapter 6 - He's the Father


Chapter 6 – He's the Father

Isang haplos sa noo ang gumising sa akin. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at halos mapapikit ako dahil sa silaw na sumalubong sa akin.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi kaya minulat ko muli ang mga mata ko. Kinakabahan na kinapa ko ang tiyan ko.

"Ang baby ko?! Ang baby ko!" naghe-hysterical kong sabi.

"Bess, relax. Makakasama sa'yo ang ma-stress," sabi ni Lian sa gilid ko at tiningnan ko siya sa mata.

"Ligtas ba ang baby ko?" natatakot kong tanong.

"Your baby is fine. Makapit ang baby mo, bess," nakangiti niyang sabi kaya nakahinga ako ng maluwang.

"Ilang oras na akong nandito?" tanong ko.

"Isang araw ka na dito, bess. Kakaalis lang ni Ma'am Aina at Sir Duncan kasi bumibili ng pagkain," nakangiti niyang sabi kaya napakunot noo ako.

"Si Sir? Bakit naman siya nandito?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ko alam, eh. Nagulat din nga kaming lahat, eh. Pero alam mo kung ano ang mas nakakagulat? He was claiming that he was the father of your child," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Bakit naman niya 'yon gagawin? I asked myself.

"Oh, shit!" I cussed when I remembered his proposition last day.

"I want to claim the responsibility of your pregnancy. I will give your baby my name, support, and nourishment for a lifetime. All you have to do is to marry me and tell everyone that I am the father of your child."

"Ano ba 'yon, bess?" nagtatakang sabi ni Lian.

"Kahapon, pinatawag ako ni Sir Duncan sa opisina niya ang sinabi niya sa akin na gusto niyang akuin ang responsibilidad ng pagbubuntis. Willing daw siyang ibigay ang pangalan niya, sa isang kundisyon," sabi ko.

"Anong kundisyon?" curious na tanong ni Lian.

"Pakasalan ko raw siya at sabihin ko sa lahat na siya ang ama ng dinadala ko," sabi ko at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Whaaat?! OMG! Bakit naman niya 'yon gagawin? Charity work, gano'n?" sabi niya at nagkibit balikat na lang ako.

"Hindi ko rin alam, eh,"

"Baka naman may lihim siyang pagtingin sa'yo?" sabi niya kaya natawa lang ako.

"Wala, 'no,"

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Ma'am Aina kasama si Sir Duncan.

"Gising ka na," nakangiti niyang sabi. Pa-simple kong tiningnan si Sir Duncan na nilalagay sa mesa ang mga pagkain.

"You have to eat," sabi niya lang.

"Gusto ko ng cheese," sabi kong nakatingin kay Lian.

"Ay, ito, ito. Bumili kami kasi sabi ni Lian ay naglilihi ka raw ng cheese. Tapos may carbonara rin," sabi ni Ma'am Aina. Nakakahiya naman at sila pa talaga ang bumili ng pagkain para sa akin.

"Ma'am Aina, salamat po,"nahihiya kong sabi but she just waved her hand dismissively.

"Wala 'yon. Magiging sister-in-law na naman kita, eh,"

"Uhm, tungkol po pala, do'n—"

"Lian, samahan mo ako. Tawagin natin si doctora. Sabihin natin na gising na si Moira," sabi bigla ni Ma'am Aina at hinila niya palabas ng kuwarto si Lian.

Naiwan kaming dalawa ni Sir Duncan. Nakita kong hiniwa-hiwa niya ang cheese at inilagay sa carbonara. Pakiramdam ko ay kumalam ang tiyan ko.

"Here, eat this," sabi niya at tinulungan niya akong bumangon. May suwero ang kaliwang kamay ko kaya kanan ang ginamit ko. Napansin niya 'atang nahihirapan ako kaya kinuha niya sa akin ang plato at tinidor.

"Sir, 'wag na po. Nakakahiya na sa inyo," sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

"Seryoso ako sa sinabi ko kahapon, Moira. You need a husband to father your child and I need a wife who is pregnant," sabi niya. Nilunok ko muna ang pagkain bago ko siya tiningnan. Sigurado na akong malinaw ang narinig ko.Hindi na 'to hallucination.

"Bakit po ako? Naaawa po ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanya. Hindi man lang siya nagpapakita ng emosyon sa mukha niya.

"I have my reasons, Moira. If you could just say yes to me, we will both benefit. Hindi mo na kailangan magtrabaho para sa anak mo at hindi mo na kailangan magpakahirap para tustusan ang pamilya mo. I will shoulder everything. Ang gusto ko lang ay pakasalan mo ako at hayaan mo akong akuin ang dinadala mo. Hindi magiging bastardo ang anak mo and I swear I will give him everything I have. Lalaki siyang kumpleto ang pamilya,"

Nakatulala lang ako kay Sir Duncan dahil ngayon ko lang siya ulit natitigan ng malapitan. Why is he so desperate to marry me and claim my baby? Pero sa totoo lang, it was so tempting. Sa lahat ng mga nangyari sa akin, masasabi ko na mas gumagana na ang utak ko kaysa sa puso ko. Kung papayag ako sa gusto niya, hindi na ako maghihirap. Hindi ko na rin iisipin kung sino ang mag-aalaga kay baby kapag nakapanganak na ako.

"Siguro naman po may karapatan akong malaman ang dahilan niyo kung sakaling pumayag ako," sabi ko at tumango naman siya.

"May bastardo akong kapatid. We don't know him yet at lately lang namin nalaman. My grandfather was planning to make him as his heir, because unlike me, may balak daw itong magkaroon ng pamilya. Our family has a tradition na kung sino ang panganay na lalaki na may anak na ay ang magmamana ng Empire. Dahil do'n, nakagawa ako ng kasinungalingan kay Lolo at Daddy na may nabuntis ako. I didn't mean to say it. It just slip through my mouth at huli na para bawiin ko."

Napatulala lang ako sa mga sinabi niya. So dahil lang 'to sa mana?

"Pag-isipan mo, Moira. Your child could be my heir," pagkasabi niya no'n ay saktong pumasok naman ang babaeng nakasuot ng white coat at kasunod niya ay si Ma'am Aina at si Lian.

"How are you feeling, Moira?" nakangiti niyang tanong.

"Okay naman po," sagot ko lang.

"So I heard na cheese daw ang pinaglilihian mo," natatawa nitong sabi tapos tiningnan ang suwero ko at may sinulat sa notepad niya. "Bawas-bawasan mo sana ang maaalat kasi nagiging cause 'yon para maging manas ang buntis. Anyway, ang paglilihi ay nasa first trimester lang naman. Uminom ka ng maraming tubig at kumain ng prutas. Huwag ka ring magpupuyat at ma-s-stress dahil nagco-cause 'yan para mag bleed. Kapag sumakit ang abdomen mo, maupo ka lang at i-relax mo ang sarili mo, okay? Ibinigay ko na kay Duncan ang mga vitamins mo. Bumalik kayo next week para ma-monitor pa natin si baby,"

"Eh, doc, kailan po kaya puwedeng malaman ang gender ng baby?" I asked.

"Sa second trimester we can determine the gender of your baby,"

"Thank you po, doc," sabi ko lang.

"When can we discharge her?" Sir Duncan asked.

"Tomorrow," she said before leaving.

***

After kong ma-discharge sa hospital one week akong nagpahinga sa bahay. Si Sir Duncan naman ay pinupuntahan ako every lunch para dalhan ako ng pagkain. Kapag tapos na akong kumain ay aalis na siya. Gano'n ang lagi niyang ginagawa hanggang sa makapasok ako.

Kalat na rin sa restaurant na siya ang ama ng dinadala ko. Naniniwala silang lahat sa kasinungalingan na binuo niya. Ako naman ay tahimik lang kahit nga ay hindi pa naman ako pumapayag. Kaya raw pala dito na nag-o-opisina si Sir Duncan kasi gusto niya akong bantayan. Tanging si Ma'am Aina at Lian lang ang nakakaalam ng katotohanan.

"Paano ba 'yan, Ms. Moira, magiging boss ka na rin namin," sabi ni Cheeky at tipid lang akong napangiti.

"Hindi naman siguro," sabi ko na lang.

"Sabihin mo naman kay Sir na bigyan kami ng raise, oh," biro ni Winnie kaya natawa lang ako.

Ngayon ko lang rin nalaman na sensitive siya 'pag dating sa mga nakapaligid sa kanya. Or sa akin lang dahil gusto niya akong pumayag sa mungkahi niya.

Antok na antok na ako at nag request ako ng early break. Dumeretso ako sa employee's lounge para umidlip. Naka-ub-ub lang ako sa lamesa at ipinikit ang mga mata. Naririnig ko ang ingay sa kitchen pero para itong unti-unting bino-block ng sistema ko at tuluyan na akong nahimbing sa pagkaka-idlip.

Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ng aking pagkaka-idlip pero nagulat na lang ako kasi nakahiga na ako sa isang malambot na sofa. Mayroong kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan ko at may unan pa akong yakap-yakap.

Napabalikwas ako nang ma-realize kong nasa office ako ni Sir Duncan. Which is a wrong move for me dahil biglang sumakit ang ulo ko. Nasapo ko ang ulo ko nang biglang nagbukas ang pinto.

"Are you okay? Nahihilo ka ba?" he asked. Napansin kong may bitbit siyang folders.

"O-okay lang po ako. Nabigla lang po pagbangon ko kaya medyo nahilo ako," nahihiya kong sabi.

"Magpahinga ka lang diyan kung hindi maganda ang pakiramdam mo," sabi niya at hindi agad ako nakapag-react. Gusto kong humingi ng pasensya dahil natulog ako sa oras ng trabaho. Gusto kong sabihin na ayaw kong abusuhin ang kabaitan na ipinapakita niya pero para namang nanunuyo ang lalamunan ko.

Inilagay niya ang folder sa table niya at may kinuhang papers sa file cabinet. Muli siyang naglakad palabas pero bago siya tuluyang makalabas ay nilingon niya ako.

"And Moira? If you feel sleepy or tired, you can come here anytime. I don't want to see you on the employee's lounge taking a nap, do you understand me?"

"S-sige po," sagot ko. Tumango lang siya at saka tuluyang lumabas.

***

Day off ko at nagdesisyon akong magpa check-up. Balak ko ring magpadala ng pera sa probinsya. Napag-isip-isip ko rin na wala pala akong pera kapag nanganak ako. Wala akong ipon at walang gamit.

Nilo-lock ko na ang gate namin nang biglang may pumaradang kotse sa harapan ko. Bumaba naman si Sir Duncan at nakasuot siya ng gray longsleeves na nilukot niya hanggang siko. Habang tumatagal ay naga-guwapuhan ako sa kanya. Siguro dahil sa alam kong may nakatagong mabuting kalooban sa kanyang strict façade. Mas na-appreciate ko ang appearance niya.

"Lian told me na magpapa check-up ka. You should have called me," sabi niya at lihim lang akong napangiti.

"Hindi ko po kasi alam ang number niyo, eh," sabi ko at napatango naman siya. Pinagbuksan niya ang passenger seat sa unahan at pinasakay ako. Umikot naman siya at sumakay din.

"Here. I-save mo number mo sa phone ko," sabi niya at inabot niya ang iphone niya sa akin. Kinuha ko naman 'yon at nag type.

"Ito po," pero hindi niya kinuha ang phone niya.

"Call your number then save my number on your phone," sabi niya at sinunod ko naman.

"Okay na po," sabi ko kaya kinuha na niya phone niya. I saved his number on my phone as 'Sir Duncan'.

"And Moira?"

"Yes, sir?"

"Masanay ka ng tawagin akong Duncan. Just... don't call me Magnus. Only my father calls me that," sabi niya at tumango naman ako.

"Sige po,"

"Ang drop the opo. I'm just 29," sabi niya at napaangat ako ng tingin sa kanya. 29 years old na pala siya. Five years lang ang tanda niya sa akin.

Nakarating kami sa hospital kung saan ako na-admit dati. Kung dati ay sa baranggay clinic lang ako nagpapa check-up, ngayon ay sa isang professional OB-GYNE na. Ito ang pangalawang beses na sinamahan niya ako sa hospital.

Kung sana ay pinanagutan ako ni Ace, sana kami ang magkasama ngayon. Siguro mas masaya kasi sa kanya talaga 'tong baby.

Nasa loob na ako ng clinic at nakahiga sa high bed. Pinasuot ako ng hospital gown kasi may gagawin daw na mga test. May inilagay na parang jelly-ish na something sa tiyan ko at saka sinimulan ang ultrasound.

Napahawak ako sa kamay ni Duncan na kanina pa sa tabi ko. Hindi talaga niya ako iniiwan. Ito rin ang unang beses na magpapa-utrasound ako kaya kinakabahan ako.

"See this? This is the outline of the heads. We can't see exactly their gender kasi 12 weeks pa lang sila, ano?"

"Doctora, you talk as if it's plural," sabi ni Duncan kaya kinabahan naman ako. Sabi niya kanina ay 'heads'. Dalawa ba ang ulo ng baby ko? Ngumiti naman si Doc at parang sayang-saya sa mga reaction namin.

"You're going to have a triplet, Duncan and Moira. Congratulations!"

i

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top