Chapter 5 - Bloody Doubts
Chapter 5 – Bloody Doubts
It's been two and a half months at nararamdaman ko nang may konting umbok ang tiyan ko though hindi pa naman siya halata ng iba. Ang dami ring nagbabago sa katawan ko. Feeling ko mas lumaki ang dibdib ko at medyo umangat ng konti. Ang bilis din ng pulso ng leeg ko. At ang tamad kong bumangon sa umaga. Nakiusap din ako kay Ma'am Aina na gawing nine AM to six PM ang duty ko kasi nahihirapan ako kapag six AM.
Napapansin ko rin na bukod sa cheese ay mahilig ako sa carbonara. Ayaw na ayaw ko sa kahit na anong isda at mas gusto ko pa ang gulay at karne. Mabuti na lang nga at napaka considerate ng mga katrabaho ko. Pinayagan na rin akong magsuot ng flat shoes ni Ma'am Aina at pinapaupo rin nila ako.
"Buntis ka ba talaga, Ms. Moira? Bakit ang sexy mo pa rin?" tanong ni Cheeky habang nagku-kuwentuhan kami sa counter.
"May umbok na. Hawakan mo nga," pinahawak ko sa kanya ang tiyan ko na medyo matigas na.
"Ay, oo nga. Ano ba'ng feeling?"
"Wala naman. Parang normal lang. Siguro kapag lumaki na siya mararamdaman ko na ang bigat,"
"Ano ba'ng gender ng baby?"
"Hindi pa ako nagpapa-ultrasound, eh. Pero sana babae,"
"Eh, paano 'yan kapag nanganak ka na? Sino mag-aalaga sa baby?" nginitian ko lang si Cheeky dahil sa tanong niya.
"'Yon din ang problema ko, eh," nasabi ko na lang.
Break time namin at tinawag na naman ako ni chef para payagan akong kumuha ng cheese. This time hinahayaan na niya akong pumasok sa walk-in refregirator basta wala si Ma'am Aina at Sir Duncan.
Dali-dali akong pumasok sa walk-in refregirator kumuha ng cheddar cheese at binalot sa wax paper. Lumabas ako at pumuntang employee's lounge. Nandoon na si Lian kumakain. Bago kami umalis kanina sa apartment ay nagluto siya ng chopsuey para ulamin namin.
"Kumain ka na," sabi niya tapos napatingin sa dala ko. I saw her cringe at parang umay na umay na makita ang cheese. "Iuulam mo na naman 'yan?" parang nadidiri niyang sabi.
"Yeah. Masarap siya sa kahit na anong ulam," nakangiti kong sabi.
"Ang weird mo naman magbuntis,"
"Sumasama kasi ang pakiramdam ko kapag hindi ako nakakakain ng cheese, eh,"
"Naku, kapag 'yang anak mo lumabas na cheesy, ewan ko na lang," napapailing niyang sabi kaya natawa ako.
"Paanong cheesy? Kulay yellow?"
"Hindi. Cheesy as in bolero! 'Wag ang magmamana sa tatay niyang tingting at naku talaga!" napailing na lang ako sa sinabi ni Lian.
Hindi na muling nagpakita sa akin si Ace. Siguro natakot sa mga pangbabanta ni Lian. Kahit naman magmakaawa pa siya ay hindi ko na siya tatanggapin. Nakakapagtaka nga kasi natanggap ko agad. Para bang may kakayanan ang anak ko na pawiin ang sakit na nararamdaman ko. Mamahalin ko ang batang 'to at hindi niya mararamdaman na wala siyang ama.
Hapon na at medyo maraming kumakain sa restaurant ngayon. Kahit taga supervise lang ako ay tumulong na ako sa pagpapa-order. I can't just stand here and watch them busy.
Habang nagpa-punch ako ng orders ay naramdaman kong may tumapik sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Ma'am Aina. She was genuinely smiling at me kaya napangiti na rin ako. Hindi kagaya ni Sir Duncan ay malambing ang mukha ni Ma'am Aina kagaya ni Mrs. Sevilla. Iyong tipong kahit seryoso ay parang laging nakangiti ang mga mata.
"Moira, pinapatawag ka ni Kuya," sabi niya kaya nagulat ako.
"Hala, bakit po?" kinakabahan kong sabi.
"Basta. Iwan mo muna ang trabaho mo. Nasa taas siya naghihintay,"
Sumunod ako kay Ma'am Aina at umakyat kami sa second floor na puno rin ng mga kumakain. Pumasok kami sa pasilyo at binuksan ang office na ginagamit ni Sir Duncan.
"Pasok ka na," malambing niyang sabi. Pumasok ako at mas lalo akong kinabahan kasi hindi siya sumama sa akin.
"Have a sit, Ms. Madrid," pormal na sabi ni Sir. May sinusulat siya sa papel tapos tumingin sa akin. Naupo naman ako sa harap ng table niya at mas lalong nadagdagan ang kaba ko.
"S-sir, bakit niyo po ba ako pinatawag?" magalang kong sabi. Tiningnan niya lang ako. Seryoso lang at akala mo ay binabasa niya ang kaluluwa ko.
"I have a proposition to make, Ms. Madrid," my boss told me coldly. I was silently fidgeting my fingers. Shit lang! Sisisantehin na niya ba ako dahil nalaman niyang kumupit ako ng cheddar cheese sa walk-in refrigerator?
Kasi naman Moira, eh! Alam mo naman na may CCTV sa kitchen ay pumuslit ka pa papunta sa pantry! Pero wala akong magagawa, eh. Naglilihi talaga ako sa cheese!
"Sir, 'wag niyo po akong sisisantehin, please? Siguro po ay nakarating na sa inyo ang balita na buntis ako. 'Di ba po, sa labor code ng human rights ay bawal sisantehin ang buntis lalo na kung tinakbuhan ng walang balls na boyfriend?!" I said exaggerating every word.
Alam kong hindi ako naging mabuting employee at panay ang absent ko dahil sa aking bakulaw na ex-boyfriend. Pero sana talaga maawa siya sa akin kahit ngayon lang. Hindi alam ng pamilya ko na buntis ako at ayaw ko namang tumigil sa pagpapadala sa kanila ng pera sa probinsya dahil may sinu-soportahan pa akong mga kapatid na nag-aaral.
"I'm not going to fire you. I am not that heartless, Ms. Madrid. And I'm kind of disappointed because you think that low to me," sabi pa nito kaya mas lalo akong napayuko.
"Sorry po," mahinang sabi ko.
"As what I'm saying I want to make you a deal. A deal that you can't decline, in my own opinion," sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Ano po ba 'yon?" hopeful ko pang sabi.
"I want to claim the responsibility of your pregnancy. I will give your baby my name, support, and nourishment for a lifetime. All you have to do is to marry me and tell everyone that I am the father of your child."
My eyes fluttered with what he said. Parang gusto kong tumawag ng interpreter dahil hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya. Nabibingi na nga 'ata ako. Tama. Sabi sa akin ni Winnie, katrabaho ko na may anak na, humihina raw ang pandinig ng mga buntis sa hindi ko alam na dahilan.
"Ah, sir. Puwede pong pakiulit? Medyo hindi ko po kasi naintindihan, eh," sabi ko tapos tumawa ng mahina. Tiningnan naman niya ako ng matalim. Ang ganda pala ng mga mata niya. Kulay gray at napaka mysterious tingnan. Sana paglihian ko ang mga mata niya.
"Mamaya, after your shift, I want you to come back here in my office at pupunta tayo sa mall para bumili ng damit mo,"
"Damit po?" naguguluhan kong tanong.
"You will meet my family, Moira. You will meet the whole Sevilla Clan."
Matapos ang pag-uusap namin ni Sir ay lumabas ako sa kanya office. Doon lang nag sink-in ang lahat nang sinabi niya sa akin.
Gusto niyang akuin ang pagbubuntis ko? Gusto niyang akuin ang responsibilidad na tinakasan ng ex-boyfriend kong walang balls?
Hala! Bakit?!
Nakatulala akong lumabas ng office. Tama ba 'yong mga narinig ko? Hindi naman siguro ako nagha-hallucinate, 'di ba?
Dahil sa sinabi ni Sir ay parang wala sa sarili akong nagtrabaho. Bakit niya ba 'yon sinabi? At bakit gusto niyang panagutan ang pagbubuntis ko, eh, ni hindi nga kami close para magmagandang loob siya.
Alas sais nang mag-out kami ni Lian. Hindi ko pa sa kanya sinasabi ang nangyari dahil hindi rin ako sigurado kung tama nga talaga ang narinig ko. Hindi ko rin alam kung pupunta pa ako sa office ni Sir. Nababaliw na 'ata ako.
Nasa harap kami ng restaurant at naghihintay ng traysikel na dadaan nang biglang may pumarada na kotse sa harapan namin. It was so familiar kaya agad akong napahawak sa braso ni Lian.
"Moira, let's talk," sabi ni Ace. He was wearing a black shirt and a jeans. Ngayon ko lang ulit siya nakita at alam kong na-miss ko siya kahit hindi ko naman dapat 'yon nararamdaman.
"Ano na naman ba'ng kailagan mo, Walis?!" galit na sabi ni Lian. Napaatras ako nang lumapit sa akin si Ace. Hinawakan niya ang braso ko.
"Mag-usap tayo, Moira," pagususmamo niya and for a second ay parang gusto kong bumigay. Na-miss ko talaga siya. Na para bang gusto ko na lang siyang yakapin at sabihin na pinapatawad ko na siya.
"What do you want from me, Ace?" pinilit kong patapangin ang boses ko. Hindi niya dapat malaman na nagiging malambot ako sa kanya.
"Sumama ka sa akin sa Boston, Moira. Tatangapin ko ang baby at pagsasabayin ko ang apprenticeship at sa pag-aalaga sa inyo ng baby natin. Kung kailangan mag sideline ako para matustusan ko ang pangangailangan niyo gagawin ko. Hindi ko na kayang malayo pa sa'yo."
Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. I clasp my chest kasi hindi ko kayang makita siyang ganito. Ang hirap-hirap. Pinipigilan kong huwag maiyak dahil ayaw kong isipin niya ang bilis kong bumigay pagdating sa kanya.
"Moira, maniniwala ka ba diyan sa gagong 'yan?!" naiiritang sabi ni Lian.
"Love, please?" nagmamakaawa niyang sabi.
"It took you months to realize that?" nahihirapan kong sabi.
"I know and I am sorry. I've been an asshole to you. Please, forgive me, love. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng family ko basta kasama lang kita," hinapit niya ang legs ko at sinubsub ang mukha sa tiyan ko.
A tear fell down my cheeks. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahal ko pa rin siya pero nandito pa rin ang galit sa dibdib ko. At hindi ko siya puwedeng tanggapin kung hindi ko pa siya napapatawad.
"Love, please, say yes," he said begging. I was about to open my mouth and say something nang may bumusina na isa pang kotse sa likod ng sasakyan ni Ace. Lumabas ang Mommy ni Ace na nanlilisik ang mga mata. May kasama itong dalawang babae na Ate ni Ace at ang isa ay pinsan niya.
"Wallace! What do you think you're doing?! Mamaya na ang alis mo! Are you really throwing everything for that girl?!" galit na sabi ni Tita Felicity. Noon pa talaga ay ayaw na niya sa akin dahil hindi ako galing sa marangyang pamilya.
"I love her, Mom!" sabi ni Ace na umiiyak.
"Wallace, listen to Mom!" singit din ng Ate niya.
"She's pregnant, Mom!" sabi niya at saka tumayo.
"And are you really sure it was yours? Mag-isip ka nga!"
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Pinagdududahan nila kung sino ang ama ng anak ko? Tiningnan ko si Ace kung naniniwala ba siyang hindi siya ang ama ng anak ko.
"Ace?" I said almost audible.
"Ako ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?" mahinang tanong niya at pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Sa lahat ng masasakit na salita na binitawan niya noon, ito na ang pinaka-masakit. Ang pag-asang namumuo sana para patawarin ko siya ay biglang natapon kung saan at bumalik ang galit sa dibdib ko.
"How dare you to ask that!" naiiyak kong sabi. Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ni Lian sa gilid ko. "Ikaw lang ang minahal ko, Ace! I was a virgin when you had me and now you're asking me that?!" I said almost choking with my own words.
"Moira—"
"Umalis ka na! Sumama ka na sa nanay mo! Hindi ako makapaniwala na pumunta ka lang dito para mas lalong saktan ako!" matalas kong sabi sa kanya.
"Love, I'm sorry. I didn't mean to—"
"Umalis ka na!" sigaw ko pa.
"Wallace, tara na!" galit na sabi ng Mommy niya.
"I will come back for you, love. Babalik ako, I promise," pagkasabi niya noon ay tumalikod siya at sumakay sa kotse niya.
Napahagulhol ako sa balikat ni Lian nang makaalis ang dalawang sasakyan. Natatakot ako kasi puro sama ng loob ang nararamdaman ko ngayon at ayaw kong maapektuhan nito ang baby ko.
"Lian, puwede bang bumalik muna tayo sa loob? Naiihi kasi ako, eh," nanghihina kong sabi tapos tumingin naman si Lian sa paa ko at halos manlaki ang mga mata niya.
"Oh, my God! Bess, you're bleeding!" she shrieked kaya biglang gumapang ang kaba sa dibdib ko. Doon ko lang naramdaman na parang may sumipa sa tiyan ko sa sobrang sakit nito.
"A-ang baby ko..." nahihirapan kong sabi.
"Hala! Bess!" inalalayan niya ako papunta sa parking lot para makaupo sa pavement. "Dito ka lang bess, tatawag ako ng tulong sa loob. Tatagan mo, bess! Madali lang ako!"
Kahit nahihirapan ay tumango ako. Tumakbo si Lian papasok sa restaurant at hindi ko na alam ang mga susunod pang nangyari dahil nanlalabo na ang mga mata ko. Wala sa sariling nasapo ko ang tiyan ko.
"Baby, kapit ka ng mabuti kay Mama. Huwag kang bibitaw, please?" nahihirapan kong sabi.
Nakarinig ako ng ingay sa paligid. I can hear screams and cries. The next thing I knew is someone carried me and I could smell a masculine perfume that leads me to my slumber.
s":\+S����
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top