Chapter 3 - Forsaken


Chapter 3 – Forsaken

It was positive. I took my second test kanina at perehong two red lines ang lumabas. Lumiban ako ngayon sa duty at nagpaalam naman ako kay Ma'am Aina. Hindi kasi nagre-reply si Ace kaya pupuntahan ko na lang siya sa hospital. Alam ko naman kasi na nandoon siya, eh.

Simpleng yellow dress lang ang isinuot ko. Nagtaxi ako papunta sa hospital dahil ayaw kong ma-stress sa jeep. Medyo malayo kasi ang hospital kung saan siya naka-duty.

Nakarating akong hospital at tinawagan ko muna siya. Luckily ay sinagot niya 'yon.

"Mahal, dito 'ko sa labas ng hospital. Where are you?" I asked on the other line.

"What? What are you doing here? Teka, pupuntahan kita. Sa lobby ka na lang maghintay," sabi niya lang at saka niya pinutol ang linya.

Pumasok ako sa loob ng lobby at hindi nagtagal ay lumabas na siya. He was wearing his prescribed uniform and a white coat with a stethoscope. Napangiti ako kasi doctor na doctor na talaga ang dating niya.

"Why are you here, love?" he said bago humalik sa noo ko.

"Can we talk? Somewhere private?" I asked. Napalingon naman siya sa paligid bago nagsalita.

"Love, we can't have a quickie because—"

"I'm not talking about sex," I said pouting. "Usap tayo sa coffee shop. May sasabihin lang ako sa'yo," sabi ko.

"Hindi ba puwedeng itext na lang ang sasabihin mo? Medyo busy kasi ako ngayon sa ER, eh. Si mommy kasi ngayon ang—"

"This is important, Ace. Please, kahit five minutes lang," pakiusap ko kaya tumango siya.

We went to the nearest coffee shop. Pareho lang kaming nag-order ng brewed coffee dahil 'yon lang ang mabilis na mai-serve.

Ace was eyeing me impatiently. Hindi ko alam pero parang nag hesitate ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kahit kailan hindi ako nagtampo sa kanya kapag wala siyang oras. Iniisip kong kailangan matured na ako at hindi na dapat ako maging isip bata. I tried to be the most understanding girlfriend ever. Kaya nga minsan lang kami mag-away, eh. Kasi ako lagi ang nagpapakumbaba.

"Ace, I'm pregnant," I said almost audible. It took him seconds before responding. Na para bang nag-process muna sa utak niya ang tatlong salita na sinabi ko.

"What?" he incredulously said. "I thought you're taking your after pill, Moira?" may halong iritasyon sa boses niya at pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. Hindi ko siya matingnan sa mata dahil natatakot ako sa makikita. Para bang may nakabara sa lalamunan ko para hindi ako makaimik.

"I...I didn't take them. I'm sorry, Ace. Akala ko kasi—"

"What were you thinking? We have plans, Moira. Ang sabi ko tatapusin ko muna ang residency ko then we can settle down. Is that hard to understand?" he was trying his best not to raise his voice.

"H-hindi naman kita pinipilit na pakasalan ako, eh. Sinasabi ko lang sa'yo kasi akala ko magiging masaya ka. Nagbunga ang pagmamahalan natin, Ace. Marriage can wait," I said calmly kahit ang totoo ay nanginginig na ang tuhod ko. Pinipigilan ko ring 'wag umiyak dahil nasasaktan talaga ako sa reaction niya. The way I see his face, para bang lahat nang sisi ay dapat sa akin lahat.

"Masaya? Are you kidding me, Moira? It's the total opposite of it!" galit niyang sabi.

"So you don't want this child?" pigil hininga kong sabi. A tear was threatening to escape my eyes kaya agad ko 'yong pinalis.

"I don't want to do anything with that child of yours. Not right now," sabi niya at nanigas ang katawan ko sa sinabi niya.

"The way you say it, parang pinapalabas mong anak ko lang 'to. This is our child, Ace! Are you suggesting an abortion?!" anger inside me was starting to build up.

"If you want to put it that way, then so be it. Marami akong kilalang doctor na gumagawa—"

Tumagilid ang mukha niya nang dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Ang kaninang pinipigilang luha ay kusang lumabas sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na sa kanya ko 'to maririnig. Ang sakit-sakit. Nasasaktan ako hindi para sa sarili ko kundi para sa namumuong bata sa tiyan ko. Hindi pa man siya sinisilang ay kinaayawan na siya ng kanyang ama.

"I'd rather raise this child alone. Pero ito ang tatandaan mo, Wallace Buenaventura. Isang araw, hahabulin mo kami at hinding-hindi ka makikilala ng anak mo. I don't want my son or daughter to know that his father has no balls to support him!" tumayo ako sa kinauupuan ko at tinapunan siya ng malamig na tingin. "And just so you know? We're so done, you boneless balls!"

Nagmamadaling umalis ako sa coffee shop. I hailed a taxi at nagpahatid sa apartment. Panay ang punas ko sa pisngi ko dahil hindi natatapos ang pag-iyak ko.

He's an asshole! God, I hate him! Wala man lang akong makapa na pagmamahal mula sa kanya para sa bata. Na para bang diring-diri siya sa ideya na buntis ako. Ako naman kasi si tanga! Ibinigay agad ang bataan! Napaka walang kuwenta niyang lalaki! He's just like the others! Magaling lang sa una. Pero kapag may problema na ay nang-iiwan na sa ere!

Nakarating ako sa bahay at agad kong tinext si Lian tungkol sa nangyari. Nanghihina na napahiga ako sa kama. Parang tinutusok ang puso ko. Ang sakit-sakit. Sana naman hindi maa-pektuhan ang baby ko nito.

Kinalma ko ang sarili ko at saka huminga ng malalim. Tumunog naman ang phone ko at naka-receive ako ng text galing sa kapatid ko at kay Mama.

From Yanni:

Ate, graduation na po namin sa next week. Thank you po sa padala niyo.Makakauwi po ba kayo? Nakapasa po pala akong college entrance exam sa isang public school malapit lang sa atin.Makakatipid ka na po. Hihihi

From Mama:

Anak, may tabi ka pa ba diyan? Ibibili ko lang kasi ng gamot sa Papa mo. Naubos kasi ang suweldo ko sa bayarin sa school fees nitong dalawa lalo na si Yanni at ga-graduweyt. Uuwi ka ba next week? Miss ka na namin.

Mas lalo akong napahagulhol dahil sa nabasa ko. I failed them. Hindi puwedeng malaman nila na buntis ako. I will keep this for myself and no one needs to know from my family. Marami na silang alalahanin sa bahay at ayaw kong dumagdag pa. Problema ko 'to, I can face this alone.

***

"Eh, gago pala talaga 'yang Walis na 'yan, eh! Ano, tatawagan ko na ba ang troops? Ipapa-gang rape ko talagang tingting na 'yon sa bakla, ano?!" galit na galit na sabi ni Lian nang sabihin ko sa kanya ang lahat pagdating niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, bess. Paano na 'to?"

"Magpakatapang ka, Moira. 'Yan na lang ang gawin mo. Hindi lang para sa'yo kundi para sa magiging anak mo. Hindi mo kailangan si Walis, okay? Nandito ako para suportahan ka. Kung ayaw mong malaman ng family mo, okay lang. Back up mo ako," sabi niya at isang tipid na ngiti lang ang naigawad ko sa kanya.

"Kahit galit ako kay Ace, mahal ko pa rin siya. Kapag humingi siya sa akin ng tawad tatanggapin ko siya. Kapag sabihin niyang aakuin niya ang baby namin kakalimutan ko ang sinabi niya," sabi ko at narinig ko naman ang nang-uuyam na tawa ni Lian.

"Puwede ba, Moira? Gumising ka nga. Ayaw nga niya, 'di ba? Huwag mong sabihin na naguguluhan lang siya o nabigla. Kasi kung totoong mahal ka niya, dapat masaya siya. You don't need a guy like him. Let him be. At kapag dumating ang panahon na gusto niya ng custody ng bata, aba, huwag mong ibigay. Ano siya, sinu-swerte? Matapos ka niyang punlaan tapos iiwan ka niya? Aba! Maski nga magsasaka ay may decurom na kahit ikaw ang nagpunla, kung hindi ka naman ang nag-alaga at nagpalaki, wala kang karapatan sa bunga! Kung gaano siya kanipis ay gano'n din kakapal ang pagmumukya niya!" gigil na gigil na sabi ni Lian.

"Kumusta pala sa restaurant kanina? Ano'ng sabi ni Sir?" pag-iiba ko na lang ng topic dahil kitang-kita ko ang pamumula sa mukha ni Lian pati ang ugat sa leeg niya ay lumalabas sa sobrang galit.

"Ewan ko do'n. Badtrip 'ata, eh. 'Buti na lang at wala ka. Nasigawan kami sa kitchen kasi mali 'yong naibigay na order sa customer. Nakakainis talaga. Dapat bumalik na siya sa Main,"

"Haay naku. Iiwasan ko siya. Baka ma-stress ako sa kanya. Kawawa ang baby ko," sabi ko.

"Teka, bess, kailangan mong magpa-check-up. Gusto mo bang samahan kita bukas?"

"Ha? Eh, aabsent na naman ako? Sayang ng bayad. Sa day off ko na lang," sabi ko.

"Sige, mag-a-absent ako niyan,"

"Sasabihin ko ba sa mga katrabaho natin na buntis ako?"

"Oo naman. Para itrato ka nilang buntis, 'no. At saka bawal ka ng magsuot ng heels, bess. Masasama 'yan kapag nanganak ka na,"

"Ay, oo nga. Pero hindi pa naman halata ang tiyan ko. Ilang weeks na kaya 'to? Flat pa naman tiyan ko, eh," hinimas ko ang tiyan ko. Siguro ang sarap sa pakiramdam kapag malaki na ang tiyan. Lalo na kapag sumipa.

"Kaya nga magpapatingin ka sa doctor para malaman natin,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top