Chapter 20 - Reality
Chapter 20 – Reality
Malakas na tapik sa pisngi ang gumising sa akin. Nag-aalalang nakatingin sa akin si Duncan. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuhan ng silid.
"Umiiyak ka habang tulog. Ang tagal mong gano'n. Binabangungot ka ba?" concern niyang tanong.
Walang pasabi na niyakap ko siya. Sobrang higpit. Napahagulhol ako.
Isang masamang panaginip. A nightmare. It feel so real!
"Ang pangit no'ng panaginip ko," I said pouting. Nakayakap pa rin ako sa kanya habang habang hinahagod niya ang buhok ko.
"It's just a dream, wife." Sabi niya.
Umiling ako tapos hinarap ko siya.
"Ang sama ng panaginip ko, swear! Si Lolo Wiscon daw nalaman ang totoo. Tapos binayaran niya ako ng limang milyon para hiwalayan ka. Wala akong choice kasi gusto niyang patayin 'yong mga anak natin. Ang sama-sama niya do'n para siyang hind si lolo! Kung ano-anu ang tawag niya sa akin!" umiiyak kong sabi. Ramdam na ramdam ko talaga ang sakit. Mabuti na lang at panaginip lang pala ang lahat.
"Sshhh... Tama na. It's just a bad dream. Mas matatakot pa 'ata ako kung nagbago ang isip ng ex mo pilit kang kinuha sa akin." Sabi niya kaya napatigil ako sa pag-iyak. I formed an evil grin.
"A-actually, nandoon din siya sa panaginip ko," sabi ko habang nakasubsub pa rin sa dibdib niya. kinagat ko ang loob ng labi ko para hindi matawa.
"Bakit pati siya kasama sa panaginip mo?!" irritable niyang sabi.
"Ewan ko rin. Pero ayon nga. Ayaw niya pala talagang maging pari at naghihintay lang siyang maghiwalay tayo. Sinuyo niya uli ako tapos nag propose siya tapos—"
"Enough! Panaginip lang 'yon! At hindi na babalik ang lalaking 'yon sa buhay mo. Do you get me?!" naiinis niyang sabi.
Napangiti lang ako sa kanya. Ganito siya magselos, eh. Nagagalit.
"Pero hindi pa ako tapos magkuwento," nang-iinis ko pang sabi. I heard his heavy sigh.
"Okay, I'm all ears." Sabi niya.
"Eh, 'yon nga. Second birthday na raw ng tatlo tapos happy kami sa party. Tapos doon siya nag propose. Sasagot na sana ako ng oo kaso dumating ka. Epal ka talaga!"
"Ah, gano'n?" napaigtad ako nang kilitiin niya ako sa tagiliran. He used his short stubbles on his chin para kilitiin ang leeg ko.
"Epal pala, ah?"
"Hahahaha! Du...Duncan! Hahaha! Tama na!"
"Sino'ng epal?" tanong niya habang hindi ako tinitigilan.
"Wala! Hahaha! Joke lang 'yon!" sigaw ko na may kasamang tili.
"Ha! Wala! Walang joke-joke! Akin ka ngayon!" he said mischievously.
Naglakbay ang kamay niya sa dibdib ko kaya napaarko ang likod ko. Nagpakawala ako nang mahinang ungol dahilan para mas lalo siyang mapangisi.
His lips went to my lips and I willingly welcomed him. Napahawak ako sa matigas niyang braso habang nararamdaman kong unti-unti niyang itinataas ang kamay niya sa laylayan ng damit kong pantulog.
"God!" he groan when his fingers traced my cotton undies. "Can we?" he asked huskily.
Tumawa lang ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi niya kaya napahiyaw siya ng malakas.
"What was that for?!" he scowled.
"Tine-test ko lang baka kasi isang magandang panaginip 'to," sabi ko.
"Then let me show the real thing, darling. Hindi lang magandang panaginip ang mararamdaman mo." He said the started kissing me again.
***
"Mama, play." I heard Sky said kaya kinalong ko siya.
Nag-iisang taon pa lang itong tatlo at sobra nang hyper. Hindi namin sila bine-baby talk kaya natuto agad silang magsalita.
"Me too, Mama!" Heaven wails kaya wala akong nagawa kundi kalungin ko rin siya.
"How about you, Cloud? Do you want Mama to cuddle you?" I asked pero umiling siya habang nagbibilang ng daliri. Ang tahimik talaga ng batang 'to.
"Cloud, Cloud, Cloud! Here, here." Tinapik ni Heaven ang maliit na space sa legs ko at sinasabihan siyang maupo doon.
"Come na, baby. Mama will cuddle you," nakangiti kong sabi.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinarga ko siya at pinaupo sa kandungan ko. Ang bigat-bigat nila lalo na si Heaven. Pero ang sarap-sarap sa pakiramdam kapag malapit sila sa akin.
"Ma'am Moira, nasa baba po si Sir Wiscon," anunsyo ng maid kaya napaigtad ako sa sofa.
Simula nang managinip ako ay nag-iba na ang tingin ko kay Lolo Wiscon. Oo at panaginip lang 'yon pero nato-trauma pa rin ako. Mabuti na lang at mahal na mahal talaga niya ang tatlo kaya hindi ko pa naman nakikita ang pangitain ba baka magkatotoo ang panaginip ko.
Magkahawak ng kamay ang tatlo habang naglalakad palabas sa play room nila. Nasa likod lang nila ako para umalalay. Ang cute-cute nila maglakad habang magka holding hands.
Pagdating sa hagdan ay kinarga ko silang sabay-sabay. Ito pa lang na tatlo ay work out na.
"Dios mio, Moira! Mahulog kayo diyan!" narinig kong sigaw ni Mommy Dahlia. Pati pala siya kasama.
Kinuha niya sa akin si Heaven na pinakamabigat sa lahat at inupo sila sa single couch.
"How's my apo?" nakangiting sabi ni Lolo Wiscon. Binigyan niya ng tig-isang lollipop ang tatlo na agad namang binuksan ni Heaven.
"Lolo Pa!" sigaw ni Heaven na ginaya ni Sky. Iyon ang tawag nila kay Lolo Wiscon.
"Kumusta ka na, hija. Hindi ka ba na-s-stress dito sa tatlo?" tanong ni Mommy.
"Naku, mga pasaway na po 'yan mabuti nga at maagang nade-desiplina ni Duncan. Kaya nga po hindi ko na 'yan isinasama sa shop kasi ang gulo-gulo," napapailing kong sabi at tumawa naman si Mommy Dahlia.
"Ganyan talaga." Sabi ni Mommy.
Napatingin ako kay Lolo na nakikipagkulitan sa tatlo. I hastily took my phone at kinuhanan sila ng picture. As much as possible gusto ko may mga candid shots ako ng tatlo kapag nakikipaglaro sila para makikita nila kapag malaki na sila. Hindi ko naman siya ina-upload sa facebook pero pinapa-develop ko siya at nilalagay sa scrapbook. Nakahiligan ko na rin kasi iyong gawin simula nang ikasal ako kay Duncan.
"Dahlia, tell her why we came here," sabi ni Lolo at lumiwanag naman ang mukha ni Mommy.
"Oo nga pala. Where's Duncan? He should be here. It's Sunday." Pangaral ni Mommy. Sa kanilang pamilya ay napaka importante na dapat magkakasama kapag Sunday lalo na't wala silang pasok kapag ganyang araw.
"Nasa likod po may kausap na karpintero. Papalagyan po kasi namin ng wooden fence sa may pool kasi kahapon itong si Heaven at Sky muntik nang lumangoy nang wala sa oras. Iyon nga po ang problema namin ngayon lalo na't nakakalakad na ang tatlo. Minsan kapag nakakatakas sa mga maid ay kung saan-saan nagtatago."
Nakita ko ang takot sa mukha ni Mommy at Lolo. Pati rin ako halos atakehin nang makita ko sila nasa pool inaabot ang tubig. Eh, nagkataon na nasa taas ako no'n. Akala ko kasi tulog sila sa nursery. Eh, itong dalawa marunong nang ibaba ang harang sa crib.
"My goodness! At ano naman ginagawa ng mga maids? Tatlo sila rito!" nag-aalalang sabi ni Mommy.
"Hindi raw po nila napansin.
"Jusko! Kung nalunod ang mga apo ko!" napahawak si Mommy sa noo at parang hindi kinakaya ang sinabi ko.
"Siguro kailangan may Yaya na naka-assign lang dapat sa kanilang tatlo." Sabi ni Lolo.
"Kaya nga po," sabi ko na lang.
"Hindi kasi talaga advisable na magkaroon ng pool sa bahay lalo na kung may mga bata. Sky and Heaven are one curious children kaya kung ano ang makikita nila lalapitan nila. Mabuti itong si Cloud at behave." Sabi ni Mommy.
"Minsan po nadadala rin siya ni Heaven," sabi ko.
"So Heaven is the BI? Is that true apo?" sabi ni Lolo kay Heaven at pumalakpak lang ito.
"Papa Lo! I want candies!" tumatalon-talon nitong sabi.
"Later apo, okay?"
"Yes, Papa Lo! You heard that, Sky? More, more, more candies later!"
"Yehey!" segunda ni Sky.
Napailing na lang ako sa dalawa. Mukhang hindi ko na gugustuhin na madagdagan pa ang anak namin ni Duncan. Mukhang tatanda ako ng maaga dito sa tatlo.
"Lo, Mom, nandito pala kayo," sabi ni Duncan na kakapasok lang galing sa dining room. Kasama niya iyong lalaki na gagawa ng fence.
"I'll go ahead, Sir," sabi nito.
"Sige, you can start tomorrow. Okay lang kung magsama ka ng katulong para mas mapadali ang gawa."
"Yes, sir." Sabi nito at umalis na.
"May sasabihin sana kami ni Dahlia sa inyong dalawa ni Moira, apo." Sabi ni Lolo. Lumapit sa akin si Duncan at hinapit ang beywang ko.
"What is it?" tanong niya.
"Alam namin na after no'ng kasal ay hindi kayo nakapag honeymoon dahil buntis itong si Moira...so we were thinking..." tumingin si Lolo kay Mommy.
"We were thinking to give you a one month vacation around the world. Puwede mo sa aming iwan ang tatlo." Sabi ni Mommy Dahlia.
"W-wala po akong visa, eh," sabi ko at tinawanan lang ako ni Mommy.
"Sevilla ka na, hija. We can process your visa in less then one month. So ano?" excited pa nitong sabi.
"I don't know, Mom. Hindi ko alam kung kaya ng tatlo na hindi kami makita ng isang buwan. Besides, lahat sila nagbe-breast feed pa." sabi ni Duncan.
Tiningnan ko naman siya. Akala ko ba matagal na niyang gusto na mag out of the country kami?
"Are suggesting na isama ang tatlo?" tanong ni Lolo.
On the second thought, parang ayaw ko naman na mag stay sa kanila ng isang buwan ang tatlo. I don't know, ang daming puwedeng mangyari sa isang buwan.
"Kung maari." Sagot ni Duncan.
"Kaya niyo ba?" parang hindi sigurado na sabi ni Lolo.
"Pero hindi iyon matatawag na honeymoon kung kasama niyo ang mga bata," sabi ni Mommy.
Pakiramdam ko tuloy pinamulahan ako. Nakakahiya naman na ito ang topic namin.
"Gusto sana naming iwan ang tatlo sa probinsya—sa parents ni Moira," sabi ni Duncan na ikinagulat ko.
"You do?" masaya kong sabi. Tiyak matutuwa nito sina Mama at Papa.
"Yes, darling." Nakangiti niyang sabi.
Napabuntong-hininga naman si Mommy Dahlia at halata ang lungkot sa mukha ni Lolo. Nakaka-konsensya tuloy.
"Kung 'yan ang desisyon niyo. Pero huwag niyo naman kaming pagbawalan na bumisita sa probinsya." Sabi ni Mommy Dahlia.
"Welcome po kayo sa bahay namin, Mommy." Sabi kong nakangiti.
"Then it's settled. We will process your visa, we will take the three to the province, and we will visit them." Excited na sabi ni Mommy.
Mas okay na rin siguro 'yon. At sigurado naman akong aalagaan ni Mama ang tatlo.
***
After maasikaso ang visa ko ay umuwi kami ni Duncan sa Bicol. We stayed there for weeks hanggang sa bumalik kaming Manila para sa flight.
Mabilis na nasanay ang tatlo kina Yanni at Eli kaya hindi kami nahirapan umalis. Akala ko nga iiyak sila, eh.
Naghihintay na lang kaming tawagin ang aming flight habang nakaupo. Nakaakbay sa akin si Duncan at nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.
First off namin ang Asia bago kami pumuntang America at Europe. Sa Singapore muna, then Japan, sunod ay South Korea. Alam niya kasing gustong-gusto kong pumunta sa lugar na iyon.
Sabay kaming tumayo ni Duncan nang tawagin ang flight number namin. Tig-isang maleta lang kaming dala at isang shoulder bag kung saan dala ko ang lahat ng personal belongings naming dalawa.
"Excited, darling?" tanong niya habang papasok kami sa check-in area.
"Yes!" sagot ko.
"How about next year, isama na natin ang tatlo? Every year lalabas tayong bansa. How's that?"
Tiningala ko siya at ngumiti.
"Sounds great!"
Tumango siya at inakbayan ako.
Everyone has their own crossroads. And there'll be that one person who will walk with us through every intersection. Don't let challenges affect your life. Do not let life part your ways. Enjoy the scenery, appreciate your partner, and never let the day pass without telling him how much you love him.
-The End-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top