Chapter 2 - The Two Red Lines


Chapter 2 – The Two Red Lines

Isang linggo nang nag-o-office ang boss namin dito sa restaurant and unfortunately lagi siyang nakabantay sa counter. Ito tuloy si Cheeky laging nagkakamali dahil nara-rattle sa presence ni Sir. Hindi ko alam kung natatakot lang siya rito o natataranta kasi may guwapong lalaki na laging nakabantay sa kanya.

Dahil walang gaanong diners kapag umaga ay madalas nakatayo lang ako sa may waiter station. Halos lahat kami nakatayo lang. Na hindi naman namin ginagawa dahil kapag walang diners, madalas ay maingay kami at nagbibiruan.

Pupunta sana ako sa staff's CR nang biglang may pumasok na diners. At hindi lang basta-basta diners kasi family sila ni Sir Duncan. Si Sir naman ay agad na lumapit sa kanila.

"Mom, Dad. What are you doing here?" I heard him say. Iba talaga kapag nagsasalita siya. Iyong tipong matatahimik ka na lang at gusto mong pakinggang lang ang boses niya.

"We're here to dine, of course!" sabi naman ni Mrs. Sevilla. Madalas ko siyang makita rito kapag binibisita niya si Ma'am Aina.

"Where's your sister, Magnus?" seryosong sabi ni Mr. Sevilla. Sa tingin ko sa kanya nakuha ni Sir Duncan ang pagiging seryoso. Magkapareho rin ang features ng mukha nila pati ng tangkad.

"Nasa itaas," tipid lang na sabi ni Sir.

Kung titingnan si Sir Duncan, well, he's not bad naman for my taste. Though hindi ko talaga type ang mga lalaking alagang gym. Matangkad din si Sir pero halatang nag-gi-gym. Lagi rin siyang naka suit and tie. Laging naka brush up ang buhok niya kaya mas lalong intimidating.

Sinenyasan naman ni Sir ang waiter na pa-orderin ang parents niya. Ako na ang lumapit dahil syempre, VIP treatment dapat ang may-ari.

"May I take your order, Mr. and Mrs. Sevilla?" I said politely. Nag-angat naman sa akin si Mrs. Sevilla ng tingin at ngumiti ng matamis. Si Mr. Sevilla naman ay seryosong nakatingin sa menu book.

"Oh, you have a lovely waitress here, Duncan," nakatinging sabi ni Mrs. Sevilla at bigla akong pinamulahan.

"She's the head waitress, Mom," sabi naman ni Sir at binigyan ako ng apologetic smile ni Mrs. Sevilla.

"Oh, I'm sorry, hija. I should have known. Iba pala ang uniform mo,"

"Okay lang po," sabi ko lang.

"I'll take the usual," biglang sabi ni Mr. Sevilla. And by the word usual, ibig sabihin ay 'yong favorite niyang fillet mignon.

"Honey, you have to cut your meat in take," saway sa kanya ni Mrs. Sevilla. "I'll take the baked scallops with stir fried asparagus,"

"Okay po. One fillet mignon and a bake scallops with stir fried asparagus," nakangiti kong sabi habang sinusulat ang order. "How about your dessert, Ma'am?"

"Ah, no dessert for us, hija,"

"A tea will do," sabat naman ni Sir Duncan kaya tumango ako saka nagpaalam.

I punched the order sa POS at nagprint ng order slip. Kinuha ko ang isang copy at ibinigay sa cashier. May POS sa loob ng kitchen at automatic na 'yon na magpi-print sa loob.

"Ms. Moira, salamat po at ikaw ang nag volunteer magpa-order. Nakakatakot na nga ang bossing mas nakakatakot pa ang erpats ng boss," sabi ni Shaun na isang waiter.

"Ano ka ba, okay lang 'yon," nakangiti kong sabi.

Ala una nang mag break ako. Sumabay sa akin si Lian at seryoso lang na nakatingin sa akin. Nasa employees launch kami.

"Ano'ng ulam mo?" tanong niya.

"'Yong ulam ko kagabi. Ininit ko lang kanina. Male-late kasi ako kapag nagluto pa ako," sabi ko sa kanya. Ang shift ko kasi ngayon ay six AM to three PM samantalang si Lian ay nine AM to six PM.

"Hotdog? Tss. Oh, 'eto, share tayo. Nagluto ako bago umalis," binuksan niya ang lunchbox niya at umaliwasaw ang amoy ng paksiw na tilapia.

"Ang asim! Baho!" hindi ko mapigilang sabi. Tinakpan ko ang ilong ko. Nagtatakang tiningnan niya ako.

"Paborito kaya natin 'to. At saka, okay naman ang amoy, ah," sabi niya pero umiling-iling ako.

"Ang baho talaga bess! Ugh! Naduduwa ako!" tumakbo ako papunta sa sink dahil pakiramdam ko ay iluluwa ko ang lahat nang kinain ko kaninang umaga.

"O-okay ka lang, bess?" nag-aalalang tanong ni Lian. Nasa likod ko siya habang nilalabas ko ang halos puso tubig lang. Pinabuhos ko ang gripo at uminom ako ng tubig gamit ang kamay. Naramdaman ko ang paghimas ni Lian sa likod ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bigla rin akong nahilo at nanghihina ang tuhod ko.

"B-bess," nanginginig na sabi ni Lian kaya nagtatakang tiningnan ko siya.

"Bakit?" nakakunot noo kong tanong.

"Buntis ka ba?" tanong niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Buntis? Ako? Pakiramdam ko ang nagyelo ang buong katawan ko. I felt numb at the same time frightened.

When was the last time I had my menstruation? When was the last time I bought a sanitary napkin?

Holy mother of tacos!

"L-Lian..." natatakot kong sabi nang ma-realize ko ang lahat.

Ilang beses ba akong nagkaroon ng unprotective sex kay Ace? Maraming beses lalo na't alam niya ay umiinom ako ng after pill.

Shit!

"Lian..." pag-uulit ko pero naiiyak na ako. "Oh my God!" natatakot kong sabi.

"Hey, relax ka lang. Bumili tayo mamaya ng PT. Baka naman false alarm lang. Don't worry," she gave me sweet and warm smile pero hindi pa rin ako mapanatag.

Nanghihinang napaupo ako sa may stool at tumabi sa akin si Lian. Nakahawak lang ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang lakas ng heartbeat ko.

Hindi puwede. Oo at gusto kong magkaroon kami ng anak ni Ace pero hindi pa ngayon. Though I am certain na pananagutan niya ako ay hindi pa rin puwede. Twenty-four pa lang ako. May tatlong kapatid pa akong pinapaaral sa probinsya. Si tatang may maintenance sa highblood at si mamang ay magre-retire na sa pagtuturo.

Bigla na lang akong naiyak. May tumulong luha sa mga mata ko at tuluyan na akong napahagulhol. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Lian kaya mas lalong lumakas ang iyak ko.

"A-ano na ang gagawin ko, bess?" umiiyak ko pa ring sabi.

"Sshh... Hindi pa naman tayo sure, 'di ba? Bibili tayo ng PT mamaya, okay? Uuwi ka sa bahay at hintayin mo ako. Ako na ang bibili para 'wag kang mahiya sa botika. Kung positive, sabihin mo agad kay Walis, ah? Naku! Kapag ikaw ay tinakasan no'n ay ihahampas ko sa kanya ang mga walis!"

Napatango lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako tatakasan ni Ace, eh. Maiintindihan ko naman kung hindi muna kami magpapakasal. Tama na sa akin na lagi siyang sa tabi ko. I'm not going to demand him to marry me.

"What's going on in here?"

Pareho kaming napatayo ni Lian nang biglang pumasok si Sir Duncan sa employees lounge. Nakatingin siya sa akin kaya agad akong nagpunas ng luha. Shit. Nakakahiya naman.

"Have you been crying?" tanong nito.

"M-may family problem lang po siya, Sir," sabi ni Lian at napayuko lang ako.

"As long as it won't affect your work, I'm not going to meddle on your personal life," seryosong sabi nito tapos umalis.

Ano 'yon? Pumasok lang siya tapos aalis na?

"Heartless," bulong ni Lian.

***

After ng shift ko ay umuwi agad ako. Sinunod ko ang sinabi ni Lian. Tinext ko rin si Ace dahil hindi siya nagtext sa akin buong araw. Baka busy. Hindi ko rin sa kanya sinasabi pa na baka buntis ako.

Tatlong oras ang hinintay ko bago dumating si Lian. May dala siyang plastic bag at alam ko ang laman no'n.

"Mura lang pala ag PT? Akala ko naman sobrang mahal. Kaya hayan, ibinili kita ng tatlo para sureness," nakangiti niyang sabi. Siguro kung normal instances lang 'to ay baka natawa na ako. Pero malaking problema 'tong kakaharapin ko, eh.

"Natatakot ako, bess," pag-aamin ko.

"Nandito naman ako, 'di ba? Kaya sige na. Mag jingle ka na tapos mag try ka ng isa. Tapos bukas ulit ng umaga pag gising mo,"

"Eh, 'yong isa?" tanong ko.

"Souvenir. Gagawin kong keychain," sabi niya tapos tumawa.

"Sira!" sabi ko lang.

Binasa ko ang instruction sa kahon. Kailangan mong umihi sa kit. Tama lang para mapuno. Pumasok ako sa CR at naupo sa toilet bowl.

Nakapikit akong umihi at itinapat ko ang PT kit sa gitna. After ilang minuto ay tiningnan ko ang PT kit. 'Yong white indicator ay unti-unting nagkakaroon ng linya. It was color red.

A two red lines.

Lumabas akong CR at nakatulalang nakatingin sa kawalan. Lumapit sa akin si Lian at narinig ko ang pagsinghap niya.

"Buntis ako," wala sa sariling sabi ko. "Buntis ako!" natatakot kong sabi.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Natatakot ako pero may kung anong saya naman akong nararamdaman. Nagbunga ang pagmamahalan namin ni Ace. Magiging Mommy na ako at maging Daddy na siya.

"I have to tell him," I said pero pinigilan ako ni Lian.

"We still have to do one test. Mas effective daw kasi kapag bagong gising, eh," sabi niya kaya napatango ako. She's right. Hindi dapat ako magpadalos-dalos.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top