Chapter 19 - The Present and the Past
Chapter 19 – The Present and the Past
Kinakabahan ako. Hindi ko alam pero para akong maiihi na ewan. We're on our way papunta sa apartment ni Lian. Kasama ko si Duncan at ang tatlo sa loob ng kotse. Inilagay lang namin sila sa isang secured crib na para sa sasakyan.
Tahimik lang si Duncan habang nagda-drive. Ako naman ay panay ang tingin sa likod para i-check ang tatlo. Mabuti nga at behave naman sila.
"Duncan, huwag kang kabahan," biro ko pero inismiran niya lang ako.
"I'm not nervous!" he hissed.
"Sayang ano? Sana pala si Ace na ang nagbinyag sa tatlo. Pero okay lang, siya na lang ang magpapa-kumpisal sa mga anak niya. At kung si-suwertehin, siya na rin ang magkakasal sa mga anak niya," natatawa kong sabi. "'Di ba, Duncan?" sabi ko at bumaling sa kanya.
"Ewan ko sa'yo." Napanguso lang ako. Ang suplado na naman ng asawa ko. Ganyan 'yan kapag nagseselos. Galit-galitan kahit ang totoo ay kinakabahan.
Nakarating kami sa apartment at nakita ko doon ang pamilyar na kotse ni Ace. Nasa loob na pala siya.
Ang nakakatawa kasi ang bait-bait na sa kanya ni Lian na para bang hindi niya ito minura-mura noon. Nako-konsensya raw ang kaibigan ko kasi magpapari pala ang lalaking isinusumpa niya. Baka raw hindi siya tanggapin sa langit kapag inaway niya ang pari.
Duncan parked the car outside the gate at nakita kong lumabas si Lian.
"Bess!" excited na tawag niya kaya kumaway lang ako.
Pumunta ako sa back seat at kinuha ang tatlo. Lian helped me carrying the babies habang ibinababa ni Duncan ang triple stroller na pinasadya pa talaga namin para sa tatlo.
"Kanina pa siya?" bulong ko sa kaibigan ko at tumango naman siya.
"Sobrang excited ni father!" she said then giggles.
"Let's go." Seryosong sabi ni Duncan at naunang naglakad. Napailing lang sa mga kinikilos niya. Akala mo naman isang malaking threat ang kakaharapin namin.
Nahuli ako pumasok at kaya nagulat na lang ako nang makita ko ang asawa ko na nakatayo sa gitna nang living room at nakaharap niya si Ace wearing his white polo ang black trousers. Ang hitsura nila ang para bang iyong may balak mag one on one. Parehong seryoso habang nagtitimbangan ng tingin.
"Ehem... ehem!" pilit na tikhim ni Lian at parehong nag-iba ng tingin ang dalawa.
"Ah...Ace, siya nga pala ang asawa ko, si Duncan." Sabi ko at ikinabit ko ang braso ko sa braso niya at inilayo kay Ace.
"So you're the infamous Wallace." Sabi ni Duncan. Pa-simple ko siyang siniko. Walang galang sa pari, eh.
"I am... and the father of Moira's children." Ace said beaming.
"Yes. But I am the legal father... and Moira's husband... and Moira's love one... and Moira's—"
"I get it. You're Moira's true love. You don't have to make me jealous."
"I am not making you jealous. I am just making a point on where you should stand."
"But you don't have the reason to point anything from me because I understand everything."
"Well, you should be. Because it will be very disrectful to box off a priest especially in front of my wife and my children."
"Hep! Hep! Huwag kayong mag boxing dito sa apartment ko!" saway ni Lian. "At ikaw Duncan, igalang mo si father Ace. Ayaw mo bang mapuntag heaven? Heaven pa naman ang pangalan ng anak niyo!" pangaral ni Lian.
Doon naman ako tiningnan ni Ace at biglang ngumiti. Nagbaba siya ng tingin at mas lalong lumapad ang ngiti niya nang makita niya ang tatlo na tahimik na nakahiga sa stoller.
"Can i?" he said at agad akong tumango.
Lumapit siya at nag squat sa sahig. Isa-isa niya itong tiningnan at hinawakan ang pisngi. Narinig ko ang hagikhik ng tatlo na para bang nakiliti sila sa hawak ni Ace.
Nagulat ako nang may nangilid na luha sa mga mata niya pero agad niya itong pinunasan.
Napatingin ako sa gilid ko at hinihila na ni Lian si Duncan palabas sa living room. Gusto 'ata nila kaming mapag-solo.
"I'm sorry I didn't choose you and your mother. I hope someday, you can forgive me." rinig kong sabi niya sa tatlo.
Tumabi ako kay Ace at lumuhod sa tapat ng stroller. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.
"Huwag kang ma-guilty. Siguro hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag mas pinili mo kami kahit gusto mong mag lingkod Sakanya."
"I abandoned you. I etched you pain."
"And you gave me three wonderful kids. They are my treasure, Ace. And thank you for giving me them."
"Kung puwede ko lang silang makasama lagi."
"Puwede mo naman silang bisitahin anytime, eh."
"I don't know. Baka hindi na ako bumalik dito. Masasaktan lang ako kapag makikita kayo." Sabi niya at rumehistro sa mukha niya ang pagsisisi at lungkot.
"Sana masaya ka sa pinili mo," sabi ko at tipid siyang ngumiti.
"I am contented serving Him. I wish you nothing but happiness, Moira. You deserved it."
"Salamat," sabi ko.
Kinarga niya si Sky na tahimik lang na nakatingin sa kanya. Siguro kinikilala pa siya ng anak namin.
"Ito ba ang panganay natin?" he asked at tumango ako. "Be a good boy, okay, little fella. Someone will take good care of you. Don't give your Mom and Dad a headache or else they will take you to me to confess," he said jokingly.
Ibinalik niya si Sky sa stroller at kinuha naman si Heaven.
"Siya ang pang-gitna," I said.
"Hindi talaga sila identical. And baby Heaven is a heavier than Sky."
"Yeah. Pansin ko rin," natatawa kong sabi.
"Be a good son, okay?" sabi niya at ibinalik ito sa stroller. Sunod niyang kinarga si baby Cloud na agad na tumawa nang kargahin niya ito.
"He likes you," sabi ko.
Hindi nagsalita si Ace at niyakap niya lang si baby Cloud. I can hear soft sobs. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Alam kong nasasaktan si Ace.
Niyakap ko sa gilid si Ace dahil pati ako naiiyak na rin. Siguro kung hindi nagpari si Ace, at humingi siya ng custody sa tatlo, papayag ako. Baka nga ibigay ko pa sa kanya si Cloud, eh. I may have hate him before, pero mabilis akong magpatawad 'pagdating sa kanya. He has the soft spot inside me. After all, he was my first love. He will always be especial to me.
Iniwan namin ang tatlo kay Ace kasama si Lian sa apartment. Ako ang kusang nagpahiram sa kanya sa tatlo for the mean time. Bukas ay susunduin din naman agad namin ito. Ang gusto ko lang ay makasama ni Ace ang mga anak niya sa loob ng maikling oras.
"Are you happy?" tanong sa akin ni Duncan habang pareho kaming umiinom ng kape sa likod ng bahay. Nakatanaw kami sa may infinity pool habang nakaupo sa long bench.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"I am very happy, Duncan," sabi ko habang nakahawak sa mug.
"Me, too," he said then leaned towards me. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Duncan?"
"Hmm?"
"Mahal na mahal kita." sabi ko at tumingala sa kanya.
"Mahal na mahal din kita, Moira."
He kiss the side of my lips. It was quick. Then I heard him sigh.
"Tulog na kaya ang mga maid?" tanong niya kaya napatingin ako sa likod namin.
"Oo na 'ata. Bakit? May ipag-uutos ka ba? Ako na lang ang gagawa," sabi ko.
Nakita kong may pilyong ngiting sumilay sa labi niya.
"Duncan?"
Humarap siya sa akin at kinabig ako palapit sa kanya. He crushed his lips on mine. Pakiramdam ko ay nanginig ang katawan ko sa halik niya kaya bigla kong nabitawan ang mug sa carpeted grass.
He placed his arms around my waist leaning closer to me.
Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Hindi naman ito ang pinaka-unang beses na nahalikan niya ako pero para akong nabigyan ng first kiss. Hindi rin ito ang first intimate moment namin pero pakiramdam ko nahihiya pa rin ako.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya napasinghap ako.
"D-Duncan!" saway ko. Baka kasi may makakita sa amin.
"Let's take this upstairs," he said huskily.
"Yes," I agreed.
And without seconds thoughts, pinangko niya ako at muling hinalikan sa labi.
"We definitely need a honeymoon, Moira. I'm thinking one month outside the country," he said while biting the lobe of my ear.
"Isang buwan? Hala! Paano ang tatlo?"
"Aina and Mom can take care of them." Sabi niya nang tuluyan na kaming nakapasok sa kuwarto.
***
Sabi nila, hanggang sa hindi ka nakakalaya sa isang kasinungalingan, hinding-hindi kayo magiging masaya. Dahil hindi matatakpan ng isang kasinungalingan ang isa pang kasinungalingan.
Ika nga, walang sikreto ang hindi nabubunyag.
And just when I thought that everything is perfect, doon naman darating ang problema.
"I had them a DNA test."
Isang kagimbal-gimbal na anunsyo sa akin ni Lolo Wiscon nang ipatawag niya ako sa office niya.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nabuking ka. Nanlalamig ang buong katawan mo at hindi mo alam kung anong parte ng katawan mo ang nanginginig sa kaba. Sabayan pa ng malakas na kabog ng dibdib.
"L-Lolo—"
"Don't call me that, you lying sycophant! Tell me, does my grandson knows about this, or you plot this whole charade! Did you make him believe that he is the father of your children?!"
"M-magpapaliwanag po ako, Lolo—"
"Bullshit!" he growl with anger at pakiramdam ko at gustong kumawala ng kaluluwa ko sa sobrang takot.
I started sobbing. Hindi ko kayang tanggapin ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Na para bang diring-diri siya sa akin. Na para bang ako na ang pinakamaduming babae na nakilala niya. That I am not even worthy of his stare.
"I want you out of this family, you lying wench!" he said perilously.
He was assuming na kasalanan ko ang lahat. Na walang alam si Duncan dito. Siguro ito na rin ang makakabuti, ang isipin ni Lolo na ako lang ang may kasalanan dahil baka itakwil niya pa si Duncan. Aakuin ko ang lahat huwag niya lang idadamay si Duncan.
"Mahal ko po ang apo niyo at hindi ko siya iiwan!" may paninigdigan kong sabi habang nararamdaman kong walang tigil na bumubuhos ang luha sa pisngi ko.
"And who do you think you're kidding, woman?! You're just after our wealth! Sorry but that won't happen! Hindi ko hahayaan na mabahiran ng maduming babae ang pamilya ko!"
Hindi ko alam kung ano ang masakit. Ang pagtawag niya sa akin ng kung ano-anu o ang katotohanan na maaring masira ang pamilya namin ni Duncan.
A life full of happiness, love and bliss. Totoo pala na may kapalit ang lahat. Because you can't have everything in life. You can have all the money in the world but you won't have a content life.
"G-gagawin ko po ang lahat, huwag niyo lang po akong palayuin kay Duncan. Pakiusap po, Lolo. Hindi ko po kayang mawalay kami ng mga anak ko kay Duncan!"
I kneeled, even ready to kiss the floor just to beg. But I can see the conviction in his eyes. He will not mercy me.
"I'll give you five million pesos just to leave my grandson and my family alone! Isama mo na rin ang mga anak mo! Ayaw kong mabahiran ng maduming dugo ang pamilya ko!"
I cried in front of him. Pero wala akong awa na makapa sa kanya.
He was a heartless old man!
Dahan-dahan akong tumayo kahit nanghihina. Nagulat ako nang may lumabas na tatlong lalaki at hawal-hawak nila ang mga anak ko. Iyong lalaking kanina pang katabi ni Lolo Wiscon ay inilabas ang brief case at binuksan iyon.
"Five million," he said. "Five million kapalit nang pag-alis mo. Or do you want to continue your life with my grandson but without your children?" sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" naiiyak kong sabi.
"Tanggapin mo ang limang milyon at mamumuhay kayo ng tahimik ng mga anak mo pero hindi kasama ang apo ko. O mamumuhay ka kasama si Duncan pero wala ang mga anak mo. I can dispatch them easily. Anyway, they're not Sevilla by blood."
I gaped at him with disbelieve. He's nothing but a monster!
Pinagsisihan kong nagmakaawa ako. This old man will burn and rot in hell and he doesn't even deserve my guilt.
"Akin na ang mga anak ko... at ang limang milyon." Mababa ngunit matalim kong sabi.
A triumphant grin showed his face. He won, he knew that.
$8q�; ����
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top