Chapter 18 - The Real Father

Chapter 18 – The Real Father

Nakatulala lang ako na para bang nakakita ako ng isang multo. A ghost of my past.

"Lian, bakit—"

"You should really talk, bess. Closure. Don't worry, nakatikim 'yan sa akin ng libo-libong mura at pagbabanta." Sabi niya tapos pumasok sa kuwarto niya.

"You're so beautiful, Moira." He said.

"Why are you here? Bakit ka pa bumalik?" seryoso kong tanong. Naupo ako sa sofa katapat niya.

He's changed. Medyo nag mature ang mukha niya. Lumaki rin ng kaunti ang katawan niya. He was wearing a white polo and a black trousers.

"I came here to see you pero sabi ni Lian ay hindi ka na rito nakatira. How are you?"

"I'm fine. What do you want?" malamig kong tanong.

"Lian told me everything. Don't worry, hindi ako bumalik para manggulo." Sabi niya tapos ngumiti ng tipid.

"Hindi ko sa'yo ibibigay ang mga anak ko, Ace. Iniwan mo kami and someone took your postion. Masaya na ako. Please, huwag mo na akong guluhin." Pakiusap ko.

Kung madadaan si Ace sa pakiusap, I will be very greatful.

"I came here not to bring havoc, Moira. But I want to tell you everything bago ako bumalik." Sabi niya kaya napatango ako.

"Spiel," sabi ko.

"I'm sorry kung hindi ko kayo napanindigan ng mga anak natin. I'm sorry if I lied to you. The truth is, I really don't want to be a doctor. Nangibang bansa ako hindi para magpractice ng internship. I left because..." he sighed. "I wanted to be a priest, Moira. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kita mapanindigan. But don't get me wrong. I love you, okay? Until now. Pero mas nangingibabaw ang calling sa akin to serve the Lord. No'ng huli tayong nag-usap, I was determined to choose you at tatalikuran ko ang pagtawag sa akin para manilbihan. Siguro kung sumama ka sa akin that time ay hindi na ako tumuloy sa pagpapari."

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig. Si Ace? The Wallace that I has loved is now a priest? Teka, hindi 'ata kayang ma-process ng utak ko ang mga sinabi niya.

"P-pero... may anak ka sa akin, Ace. Is that... allowed?" I asked slowly.

"It is not," he said then looked at me in the eyes. I flinched when he held my hands. "Pinalabas kaming semenaryo to test our faith. Ang sabi ko kapag nakita kita at muli mo akong tanggapin ay lilisanin ko ang pagpapari para panindigan kayong mag-ina ko. But Lian told me that you're already married. That someone had my place in your heart. Ngayon ko lang na-realize na ang daming hadlang para piliin kita. Maybe I am destined to serve him."

You know that feeling na gusto mong magalit sa isang tao pero hindi mo magawa? Ace wanted to be a priest and serve Him. Who am I to judge that? Who am I to take him away from Him?

Hindi ko na rin siya magawang sisihin dahil sa pambubuntis niya sa akin. Lahat nang nangyari ay nakatadhana na. He was meant to serve Him. And I was meant to be a mother and be a wife of Duncan. Kinuha man sa akin ni Lord ang pagmamahal ni Ace, may ipinalit naman siya at mas wagas pa sa kung ano ang nararamdaman noon ni Ace para sa akin.

Slowly, I smiled. Letting him know that I understand him and I will no longer hold a grudge on him. Na para bang hinaplos ng holy spirit ang puso ko para patawarin na ang lalaking maglilingkod sa kanya.

"How about your Mother? Do they know?" I asked.

"Nalalaman pa lang nila nang umuwi ako. They're very disappointed. Alam mo naman si Mommy. Ang nakakatawa kasi gusto na nilang akuin ko ang anak ko sa'yo."

"Ace, masaya ako sa pamilya ko. Please, I beg you. Sabihin mo sa pamilya mo na hindi mo anak ang mga anak ko. No one knows the truth. Nang sinalo ni Duncan ang responsibilidad mo, kasama na doon ang pag-ako niya sa mga anak ko. Hindi alam ng pamilya niya pati ng pamilya ko. Nakikiusap ako sa'yo, Ace. Ito na lang ang hihingiin ko sa'yo, ang itago ang katotohanan."

Nakita kong tumango siya at may malungkot na ngiting sumilay sa labi niya.

"No one will know, I promise you that, Moira."

"Thank you," sincere kong sabi.

"But I want to see them. Lian already told me na triplets sila. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang marinig ko iyon. It's just so sad that we can't be together anymore."

"Of course you can see them. Si Duncan ang nagbigay ng pangalan nila. Sky, Heaven, and Cloud. They don't get much from you pero kuhang-kuha nila ang mga ngiti mo." Sabi ko at napangiti naman siya.

"That's a beautiful name. Gusto ko rin sanang makilala si Duncan. He's your boss, right?"

"Oo," tipid kong sagot. Tumawa naman siya ng mahina.

"Funny, because I can still remember you complaining about his attitude as a boss. Pero masaya ako at napunta ka sa isang responsableng lalaki."

Tumango lang ako sa kanya. Naalala ko ang sinabi ni Duncan noon na "Everything happens for a reason."

Siguro ito na iyon. Ito ang lahat nang kapalit. And I've never been so thankful that He gave me the best reason for those heartache.

***

Umuwi ako sa bahay at nadatnan ko si Duncan na nakikipaglaro sa tatlo sa nursery. I took my phone on my pocket at agad kong k-in-apture ang moment.

I wanted to take a lotof pictures pero lumingon na siya kasi narinig niya ang shutter sound ng phone ko.

"Aha! Stalker!" he said joking kaya pumasok na ako sa loob ng nursery.

"Ang aga mo 'ata?" tanong ko.

"Excited akong umuwi, eh," then he winked. Napailing na lang ako. "Saan ka ba galing? Dumaan ako kanina sa shop pero maaga ka raw umalis. Saan ka nagpunta?" he asked habang nilalaro ang rattles.

"Iyon sana ang pag-uusapan natin, eh," seryoso kong sabi. Nawala ang ngiti sa labi niya.

"Do we have a problem?" he asked.

"Wala naman. But Ace talked to me." napatuwid siya ng tayo at tiningnan ako. There goes his jealous stare.

"He's back? At nag-usap kayo? Ano naman pinag-usapan niyo? Saan kayo nagkita? Why didn't you tell me? What, did he force you or something? Gusto niya ba ng custody ng mga—"

"Duncan, huwag kang paranoid diyan. We just talked. And he wants to see them," sabi ko at tumingin sa tatlo.

"And it's okay to you?!" he incredulously asked.

"Yes. It's not like—"

"Moira! Mangyayari na ba ang kinakatukan ko? Do you want him to become part of your life? Really, Moira?!" he said pissed.

Napabuntong hininga lang ako. Hindi pa nga ako tapos mag-explain ang dami nang sinasabi.

"Puwede patapusin mo muna ako?" naiirita kong sabi. "Ace left me because he wants to be a priest. Long story. Anyway, he said he wants to see his children before he goes back abroad. And... he wants to meet you."

Tiningnan niya lang ako na parang hindi niya agad nakuha ang mga sinabi ko. ang bilis ko kasing nagsalita. Mamaya niyan unahan na naman niya ako.

"Why does he wants to meet me?" he said with brows furrowed.

"Because you are my husband?" I said sarcastically. "Sige na naman, oh. At saka, huwag mong awayin 'yon. Umuwi lang siya kasi binigyan sila ng two months para ma-test daw ang faith nila, hindi ko alam tawag do'n. And he promised na hindi niya sasabihin kahit kanino na siya ang totoong—"

"Fine! When and where?" he said that made me excited.

"Bukas!" agad kong sagot.

"Where?"

"Sa dating apartment namin ni Lian," I answered.

"Bakit doon?" nakakunot noo niyang tanong.

"E-eh... kasi, ewan?" napapakamot kong sabi.

"Dahil ba sa doon nabuo ang tatlo?" tanong niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Duncan!" I said flushed. Jusko!

"God! I hate what I have just said! Ugh!" sabi niya at bigla akong hinila palapit sa kanya.

"Ha? Bakit?" nagtataka kong tanong.

"I don't want to imagine it! Ugh! Erase! Erase!" sabi niya pa.

"Ano ba kasi iyon?" I asked innocently pero niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"D-Duncan..." I said. Napatingin ako sa tatlo na humahagikhik sa habang nakatingin sa amin. "Ang mga bata... nakatingin sila."

"It's okay," he said.

"But—"

"I want them to witness how their parents love each other," he mumbles on my neck that gave vibrations on my skin.

"Nakakahiya," I said. I heard him sigh kaya bumitaw siya sa akin. Bumaling siya sa tatlo at saka sila tinuck-in sa comforter.

"Behave lang kayo diyan, ha? May gagawin lang kami ni Mama, opo?" sabi niya kaya napalo ko siya sa braso.

He turn on the baby radio bago kami lumabas ng nursery. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papasok sa kuwarto.

"Hindi ka ba nagugutom? Let's have dinner," I asked nang makapasok sa kuwarto.

"Nah. I'll pass. I'd rather have you as my dinner." Sabi niya dahilan para magtaasan ang balahibo sa batok ko.

Lumapit siya sa akin at tiningnan ako sa aking mata. Staring at him is enough to consume my mentality. Lagi akong nawawala sa sarili sa tuwing tumitingin ako sa kanyang mga mata.

Slowly, he guided me to the bedside as he caress my cheeks.

No one can question my love for this man. And no one can question his love for me. He accepted me for who I am and the least thing I could do is to show him my love and offer him myself.

"Ilang year daw bago tayo puwedeng magka-baby?" he asked huskily kaya napangiti ako.

"Three years? Five years?" I said grinning.

"Ah! Three years will do." Then he started kissing me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top