Chapter 16 - Different
Chapter 16 – Different
Duncan and I celebrated his birthday just like what Aina suggested.
Naglakad-lakad kami sa isang park. Kumain kami sa food kiosk where he enjoyed his kwek-kwek very much. He said it was his first time. Nagsimba rin kami at pinuntahan namin ang charity na sinu-suportahan niya.
No'ng hapon na ay tumambay kami sa mall. Ibinili ko siya ng maliit na chocolate cake at pinagsaluhan namin iyon sa food court. Pumapasok din kami sa mga boutiques pero wala kaming binibili.
Pakiramdam ko para kaming mga teenager lalo na't mga casual na damit lang ang suot namin.
Dumaan kami sa supermarket at tumikim sa free taste. Nahihiya pa si Duncan kaya ako na ang kumuha para sa kanya.
"Funny. Because I experience this things after I wed. Hindi ko alam na ganito kasaya maging normal na tao," sabi niya habang mabagal kaming naglalakad.
"Kung bakit ba naman kasi wala ka man lang niligawan noon. Ayan tuloy," sabi ko.
"Things happen for a reason, Moira."
Nauna siyang naglakad sa akin at sumunod naman ako.
"Duncan," I called him.
"Hmm?"
"Ang dami mo nang ginawa para sa akin. Hindi ko nga alam kung deserve ko ang lahat nang 'yon, eh. Pero kung sa tingin mo ay hindi ka na masaya sa akin, kung sa tingin mo hindi ako makakapagpasaya sa'yo, sabihin mo lang sa akin. I will let you go. You deserve someone better. You deserve to be happy."
He stared at me. Narrowing his eyes at me.
"What makes you think I don't deserve you, Moira? What makes you think you can't make me happy?"
***
It was Saturday nang bisitahin ako ni Aina at Lian sa bagong bahay namin ni Duncan. May dala silang cupcakes at cookies.
Si Duncan muna ang nagbabantay sa tatlo sa taas kaya naiwan kami nina Aina at Lian sa backyard habang nakatambay sa harap ng infinity pool.
"Ang ganda talaga dito. Siguro lalo na kapag gabi," sabi ni Lian.
"Ay sobra!" pang-iinggit ko pa.
"Pagawa ka rin ng ganitong bahay, Li," sabi ni Aina at tinawanan lang siya ni Lian.
"Tataasan mo ba sahod ko? Ah! Better yet, ihanap mo na lang ako ng mayaman at guwapong mapapangasawa," sabi niyang natatawa.
"Marami akong kilala," pakikisakay pa ni Aina sa kabaliwan ng kaibigan ko kaya napailing na lang ako.
"Bess, sinisilip ka ni Duncan, oh?" sabi ni Lian na nakatingin sa side view ko. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Duncan sa may balkonahe sa second floor. karga-karga niya ang tatlo sa braso niya.
"Ang cute ni Kuya tingnan!" Aina said giggling.
She's right. Ang sarap lang picture-an. Parang gusto ko pang matawa kasi ang macho-macho niya tapos may hawak siyang hindi lang isa kundi tatlong baby.
"Nagtapat ka na ba kay Duncan, bess?" biglang sabi ni Lian kaya napatingin ako sa kanya.
"Nagtapat sa ano?" tanong ko.
"Playing innocent pa 'to. Eh, 'di sa pag-ibig mo sa kanya," sabi niya tapos tumawa silang dalawa ni Aina. Hayan na naman sila. Pinagkakaisahan ako.
"Excuse me—"
"Wala ka ba talagang gusto kay Kuya? Kahit katiting?" malungkot na sabi ni Aina na para bang nagpapa-konsensya pa.
"A-ano kasi..."
"May pag-asa bang mahalin mo siya?" tanong pa ni Lian.
I looked away at pinagmasdan ko ang mag-aama ko. He was humming while making a back and fort step para libangin ang mga bata.
I formed a smile just staring at them. Kahit siguro araw-araw akong mapagod at mapuyat kakaalaga sa kanila basta ganito ang makikita ko, masaya na ako.
I just loved them so much.
Natigilan ako sa naisip ko.
Ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi lang para sa mga bata kundi para na rink ay Duncan.
I love him.
Oh, my God! I love him.
"Mahal mo na siya, Moira." Sabi ni Aina kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.
"Natatakot ako," pag-aamin ko.
"Don't worry. Wala kang dapat ikatakot. Kung mayroon man, si Kuya 'yon," sabi ni Aina.
She took a quick glance at Lian and gave her a knowing smile.
Ano na naman kayang binabalak nitong dalawa?
***
Weeks before pasko ng ay nagbiyahe sina Mama, Papa, Yanni at Eli dito palabas ng probinsya.
Dahil sa pagiging motherly ni Mama ay siya ang nag-aalaga sa tatlo. Pakiramdam niya raw ay bumalik siya sa panahon na baby pa ako.
"Ate, hindi ba kayo naghahanapan ni Kuya Duncan dito? Ang laki talaga ng bahay niyo." Namamanghang sabi sa akin ni Eli. Natawa lang ako sa kanya at ginulo ko ang buhok niya.
"Sooner or later magiging masikip na ang bahay na ito para sa amin lalo na kapag lumaki na ang tatlo," sabi ko at tumango naman si Eli.
Ito na 'ata ang pinakamasayang pasko sa buhay ko. Kumpleto kami at naging source of happiness na namin itong anak namin.
After ng Christmas ay bininyagan na sila.At dahil isang Sevilla ang mga bata, naging engrande ang handaan sa hotel nila Duncan.
Naging malapit na rin sina Mama at Papa sa parents ni Duncan and surprisingly, gustong-gusto ng mga cousin-in-law ko si Yanni at Eli.
After ng occasion ay sa hotel kami lahat ng stay. Napansin kong aloof sa akin si Duncan. Hindi ko alam pero nakita ko lang na nag-uusap sila kanina ni Aina tapos bigla na lang nag-iba ang timpla ng mood. Ni hindi nga niya ako kausapin, eh.
Laking pasalamat ko nang mag-presinta sina Mommy Dahlia na sila na muna raw mag-aalaga sa tatlo. They jokingly said na kailangan daw namin ng alone time ni Duncan.
Yeah, as if naman may mangyayari. Para bang may nagawa akong mali sa kanya.
"Are we okay?" I asked nang kami na lang sa loob ng kuwarto. We are staying at his connecting room on his office.
"Yeah," tipid niyang sagot.
"Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali?" nag-aalala kong tanong.
"Wala. Matulog ka na," malamig niyang sagot.
Napabuntong hininga na lang ako at saka ako sumampa sa kama para matulog. Nakatalikod siya sa akin at nakatanaw siya sa may windowpane habang may hawak na brandy glass.
Tumalikod din ako sa kanya at pinatay ko ang lamp shade sa bedside table.
Nasasaktan ako sa pinapakita niya. Sino bang hindi? Bigla na lang nag-iba.
Nakakainis! Gusto ko pa naman sanang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Na handa na akong ibigay at ialay ang sarili ko sa kanya.
Kapag nga naman may topakin kang asawa!
***
Bisperas nang bagong taon at punong abala ako sa kusina. Kahapon ay namalengke kami ni Mama sa supermarket.
"Ate, umiiyak po si Cloud! May masakit 'ata sa kanya, eh!" sabi sa akin ni Eli na siyang nagbabantay sa tatlo sa nursery.
"Ah, mama—"
"Sige na, anak. Ako na ang bahala rito. Tingnan mo na 'yon at baka gutom lang," sabi ni mama kaya tumango ako.
Hinubad ko ang apron at saka ako umakyat sa second floor papunta sa nursery room. Nakasunod sa akin si Eli nang pumasok ako sa loob.
Nasa kuna ang tatlo. Umiiyak si Cloud at ang pula-pula nang mukha niya. Bigla akong kinabahan. Agad ko siyag binuhat sa kuna niya para matigil siya sa pag-iyak. Tulog kasi si Sky at Heaven. Baka magising pa, iiyak din 'yan.
"Sshh. Cloud, may masakit ba sa'yo? Gutom ka ba?" tanong ko. Kinapa ko ang diaper niya at tuyo pa naman. Imposible namang gutom siya kasi pinapagatas ko lang siya 10 minutes ago.
Humina na ang pag-iyak nito pero umuungol pa rin. Isinayaw-sayaw ko siya katulad ng ginagawa ni Duncan kapag pinapatahan ang mga bata.
Humarap ako sa may windowpane at tanaw ko ang front yard. Kanina umalis si Duncan kasi may kukunin daw siyang cake sa hotel.
Ewan ko nga sa lalaking 'yon. Tatlong araw na simula nang binyag nitong tatlo pero hanggang ngayon lagi na ring inis sa akin. Kapag tinatanong ko laging wala ang sagot. Parang babae.
Hindi nagtagal ay humupa rin ang iyak ni Cloud. Kaso kapag ibinabalik ko siya sa kuna ay umiiyak na naman.
Naupo ako sa sofa at pinadapa ko si Cloud sa dibdib ko. Pinababa ko na rin si Eli para tumulong kay Mama.
I was humming habang tinatapik-tapik ko ang maliit na legs ni Cloud.
"Baby, alam mo ba hindi ako pinapansin ng Papa mo? Hindi ko nga alam kung ano ginawa ko, eh. Mamaya, ibibigay kita sa kanya tapos ihian mo siya, ah? Ang arte-arte kasi ng Papa mo."
Baby Cloud snorted kaya hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko. Tumingala siya sa akin habang nakangiti. Ugh! Ang cute!
"At sabihan mo rin sila Kuya Sky at Kuya Heaven na ihian si Papa, opo? Para matuto," sabi ko at pareho kaming napahagikhik.
Siguro kung malaki na 'to tatawanan lang ako ng bata 'tong. Iisipin nitong ang childish ng Mama niya.
***
Nagising ako nang makarinig ako ng tunog ng pamilyar na kotse. Napatingin ako kay Cloud na tulog na tulog na nakadapa sa dibdib ko.
Madalas talaga kapag nagpapatulog ako ng bata pati ako nakakatulog din.
Maingat kong inihiga si Cloud sa kuna katabi ng mga kapatid niya.
Imbes na bumaba ay dumeretso ako sa kuwarto namin ni Duncan. Nagpalit ako ng damit at inayos ko rin ang buhok ko. I was combing my hair with my fingers inside the walk-in closet nang may nakita akong white folder sa side ng closet ni Duncan. Nakapatong ito sa pasamano at may nakalagay na bugkos ng mga susi.
Without thinking ay kinuha ko ang folder. I opened it and flipped the pages. As if my eyes has zoom vision. Binasa ko ang title ng papeles.
'Annulment Papers'
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang wala sa sariling binabasa ang nakasulat doon.
So this is the reason why he is so indifferent towards me? Kaya ba galit siya sa akin dahil gusto na niyang ipawalang bisa ang kasal namin?
May tumulong luha sa mata ko pero agad ko itong pinalis.
This is the reason why I'm scared. Scared of falling in love with him.
At kung kailan ko pa siya natutunang mahalin?
Agad kong ibinalik ang folder sa dati nitong kinalalagyan. Lumabas akong kuwarto at pumunta sa nursery room.
I opened the door pero nakita ko doon si Duncan. Mas lalo akong nasaktan sa nasaksihan ko. He was staring at the them with love, caressing their fragile head with care, and humming happy songs.
Maybe he has grown affection towards them but not to me.
"They're asleep. Don't bother them." Malamig kong sabi, announcing my presence.
Abruptly, he turn his head to me at biglang nawala ang mga ngiti sa labi niya. Na para bang ayaw niya akong makita.
Masakit. Damn it!
"Kanina ka pa diyan?" tanong niya. Umiling ako.
"Napadaan lang ako. Sige baba na ako."
Agad akong tumalikod at umalis.
Siguro makikipaghiwalay na siya kasi porke't nakuha na niya ang mana niya. 'Di ba 'yon naman talaga ang totoong pakay niya kaya ka niya pinakasalan?
I thought spending New Year with him would be fun and different. Pero mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko.
Ang sakit palang ngumiti kapag salungat naman doon ang nararamdaman mo. Para bang mapupunit ang bibig ko kakapilit ngumiti ng pilit.
Sana nandito si Lian. Siya lang ang makakaintindi sa nararamdaman ko. Hindi naman ako makapag open kay Aina dahil kapatid niya si Duncan. Kahit anong mangyari ay ang Kuya niya ang kakampihan niya.
Ayaw ko sanang magpalit ng taon na hindi kami okay pero sa tingin ko, hindi ako magiging okay dahil sa nakita ko.
Kaunti na lang talaga ay maiiyak na ako. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko ay baka nag break down na ako.
Before midnight ay nagsidatingan sina Mommy Dalhlia at Daddy Sergio kasama si Aina at Lolo Wiscon.
Kanina ko pa tinitingnan si Duncan na seryoso. Well, sanay na naman kaming seryoso siya kaya walang magdududa sa kanya. Eh, ako. Kailangan laging nakangiti kahit umiiyak ang puso.
Parang manika na pinagpapalit-palitan ng mga Lolos at Lolas nila ang mga bata. Thank you for that dahil baka maiyak ako kapag niyakap ko ang mga anak ko.
"Moira, can we talk?" sabi ni Duncan sa akin.
"P-puwede bang mamaya na lang?" tanong ko.
Thirty minutes before new year and he choose to drop the news? Ganoon ba siya kawalang puso?
"This is important. Please?" pakiusap niya.
"F-fine," mahina kong sagot.
� �.��J
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top