Chapter 14 - Cuddle


Chapter 14 – Cuddle

Dahil sa sinabi ni Duncan ay hindi ako nakatulog ng maayos. Nagpanggap pa akong inaantok na ako kaya 'pag dating sa bahay ay kumain lang ako at saka natulog.

Kinaumagahan ay maaga akong gumising kahit pakiramdam ko ay antok na antok pa ako. Hindi ko na nakita si Duncan sa kuwarto at feeling ko ay nasa baba na siya.

Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nadatnan ko si Duncan na umiinom ng kap. Nagtama ang mga mata namin at agad akong nag-iwas ng tingin.

"You're early," he said. Pinilit kong ngumiti at saka naupo sa harap niya.

"Gusto ko sanang pumuntang restaurant," sabi ko. Tiningnan niya ako at ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa sinabi ko.

"You're not working—"

"Hindi naman ako pupunta doon para magtrabaho. Gusto ko lang makita sina Aina at Lian. Name-miss ko na sila," I said pouting.

"Pero hindi na ako nag-o-office sa restaurant, Moira. Alam mo naman na nasa main na ako, 'di ba?" he said.

"Iwan mo muna ako sa restaurant. Hindi naman ako pababayaan ni Aina, eh. Promise uupo lang ako do'n ay makikipag-kuwentuhan," itinaas ko pa ang right hand ko para mag promise. I heard his heavy sigh. Lihim lang akong napangiti nang tumango siya.

"Fine. I'll call you every hour,"

"What? Text na lang," I complained.

"We'll text each other every minute. And I'll call you every hour. Take it or leave it, Darling," he said then sipped his coffee.

"Sige na nga." Sabi ko at saka kumuha ng toasted bread at butter.

***

Hinatid ako ni Duncan hanggang sa loob ng restaurant. Agad naman akong niyakap ni Lian nang makita ako. God, I miss my bestfriend.

"Oh, Kuya, nandito ka pala. Moira!" excited na lumapit sa akin si Aina at niyakap ako ng mahigpit.

"Hey! You're squishing the baby!" saway ni Duncan sa kapatid niya at hindi ko mapigilang hindi matawa.

"Ang OA mo talaga, Kuya. Umalis ka na nga nang makapag bonding na kami," umiirap nitong sabi.

"I am warning you, Aina. Huwag mong ini-stress ang asawa ko. Kapag 'yan dinugo na naman—"

"Magku-kuwentuhan lang kami, don't worry," nakangiting sabi niya at kumindat pa ito sa akin.

"I'll be going. Dito na lang ako magla-lunch. I'll text you kapag nakarating na akong hotel," sabi niya tapos binigyan akong isang mabilis na yakap sa gilid. He even kissed the side of my forehead.

"Ingat," I said.

"You, too,"

Naglakad na siya palayo at bago tuluyang makalabas sa entrance ay isinuot niya ang kayang sunglass.

Nagulat na lang ako nang akbayan ako ng dalawa at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Ano 'yon?" panunuksong sabi ni Lian.

"Anong ano 'yon?" nagtataka kong tanong.

"Huwag ka nang mag-maang-maangan, sister-in-law. Tell us the juicy details," Aina said giggling.

"Anong juicy details pinagsasasabi mo diyan?" natatawa kong sabi.

"In love na ba?" ani Lian.

"Sino?" tanong ko.

"Ikaw,"

"Ewan ko sa inyo,"

"Kailan ba kayo lilipat ng bahay?" tanong ni Aina.

"Alam mo ang tungkol do'n?" tanong ko.

"May bago kayong bahay?" manghang tanong ni Lian.

"Nasa iisang subdivision lang tayo, 'no. Hindi lang ako roon nakakauwi kasi malayo. Maganda iyong napiling lote ni Kuya, eh. Nasa tuktok ng hill."

"Ay bongga! Ikaw na, bess. Pero sayang naman no'ng bahay niyo ngayon,"

"Hindi kasi safe para sa bata ang bahay ngayon ni Kuya. Ang ganda no'ng sa South hillside kasi matatanaw mo itong cuidad,"

"Iba na talaga kapag mayaman. Daming bahay," sabi ni Lian at natawa na lang ako.

Buong umaga ay magkasama kami ni Aina sa office. Si Lian ay nasa kitchen at busy. No'ng break time na niya ay agad ko siyang pinuntahan sa employees lounge. Marami akong gustong sabihin sa kanya na hindi ko naman masabi kay Aina kasi kapatid nito si Duncan.

Ikinuwento ko sa kanya ang sinabi ni Duncan kagabi na gusto niyang magkaanak sa akin. Hindi kasi 'ata ako papatulugin nang sinasabi niya kung kikimkimin ko lang ito.

"Natural lang na maghangad siya ng anak sa'yo, bess. Oo nga at ituturing na niyang anak ang dinadala mo. Pero syempre, bilang lalaki, gugustuhin niya rin magkaroon ng anak na galing sa kanya. Walang masama sa sinabi niya, bess. May respeto sa'yo si Duncan kaya niya ipinaalam ang nais niya."

"Hindi naman ako labag sa sinabi niya, eh. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kasi ang weird lang talaga ng nararamdaman ko. Natatakot din akong alamin kung ano itong weird feeling na ito. Baka masaktan na naman ako,"

"Bess, hindi imposible na magkagusto ka sa kanya dahil sa iisang bubong lang kayo nakatira. Idagdag mo pa na isang knight in shining armor sa buhay mo si Duncan. Huwag kang matakot sa nararamdaman mo. Hindi man ngayon, naniniwala ako na mamahalin ka rin ni Duncan. O baka nga noon pa,"

"Teka, wala naman akong sinasabi na mahal ko siya, ah?" I scowled.

"Sus. Do'n din naman punta niyan, 'di ba?"

"Ayaw kong mag assume—"

Pareho kaming natigilan ni Lian nang biglang magbukas ang pinto. Dumungaw ang isa sa mga kitchen crew at tumingin sa akin.

"Ms. Moira, hinahanap po kayo ni Sir Duncan," sabi nito at tumango lang ako. Napatingin ako sa wrist watch ko at almost 12 na pala.

"Sabay ka na sa aking kumain, bess," sabi ko pero agad naman siyang umiling.

"May baon ako. Kayo na lang ng asawa mo," sabi nito tapos ngumiti ng nakakaloko.

"Kasabay namin si Aina," sabi ko pero tumawa lang ang loka.

***

"Uhm, hindi ako kumakain ng cauliflower at broccoli," sabi ko nang salinan ako ng mixed vegetable sa plato ni Duncan.

"Vegetable is good for you and th babies. Lagi ka na lang naka manok," sabi niya.

"Kumakain ako ng gulay pero except talaga sa dalawang 'yan," I said grimacing.

"Try mo lang," he insisted. Tinusok niya ng tinidor ang broccoli at itinutok sa bibig. My lips are pursed. Ayaw ko talaga.

"No," I said with closed mouth.

"Moira..." he said reprimanding pero mas lalo akong umiling.

"Kuya, you can't force someone to eat what she doesn't like. Ikaw nga ayaw mo sa talong at okra, eh," sabat ni Aina at tiningnan lang siya ng matalim ni Duncan.

"Pero kumakain ako ng cauliflower at broccoli," he reasoned.

"At kumakain din ng okra at talong si Moira. Ikaw kaya ang pilitin niyang kumain no'n, ano?" paghahamon ni Aina.

"Fine. But at least try it?"

"Kuya!"

"H'wag na kayong mag-away. Pasensya na hindi ko lang talaga gusto ang lasa niyan," nakayuko kong sabi.

"Okay lang. Ito na lang na carrots ang kainin mo," sabi ni Duncan at napatango lang ako.

After ng lunch ay agad na bumalik si Duncan sa main. Naiwan kami ni Aina sa office pero hindi ko naman siya ma-istorbo kasi mukhang busy siya sa accounting book. Kinuha ko na lang ang phone ko at tiningnan ko ang mga naka online sa messenger.

Lihim akong napangiti nang makita kong online si Duncan. I clicked the thumbnail of his DP at nasimulang mag type. Ngayon ko lang na-realize na wala palang laman ang chatbox naming dalawa.

Me: Busy?

Napaayos ako sa pagkakaupo nang makita kong may nakalagay na typing.

Duncan: Why?

Me: Wala kasi akong kausap, eh.

Duncan: Where's Aina?

Me: Busy with the reports.

Duncan: Gusto mo na bang umuwi?

Me: Mamaya na. Walang maghahatid sa akin.

Duncan: Ihahatid kita.

Me: Wag na. Busy ka, eh.

Duncan: Hindi ako magre-reply kung busy ako. Pupuntahan kita.

Me: Huwag na. Hintayin na lang kita rito mamaya. Siguro I'll just take a nap muna sa couch.

Duncan: Good idea. Drink a lot of water.

Me: I will.

Duncan: sent a sticker.

I chuckled when I saw the sticker. It was a silhouette girl dancing.

Me: Ikaw ba 'yan?

Duncan: It's a girl, Moira. -_-

Me: Oh.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?" untag sa akin ni Aina.

"W-wala. Iidlip muna ako," pag-iiba ko nang usapan.

"Did you check your facebook?" she asked.

"Hindi. Messenger lang, bakit?" I asked.

"Kuya uploaded something weird,"

Agad kong binuksan ang facebook app ko at dinalaw ang wall niya. Nangunot naman ang noo ko nang makita kong halos inubos niyang i-status ang lahat ng klase ng emojis sa phone.

"Ang jeje ni Kuya!" tawang-tawa na sabi ni Aina. "Hindi kaya na-hack account no'n?"

"Ha? Eh, ka-chat ko siya not a minute ago,"

"Kaya naman pala," she said then laughed wholeheartedly.

"Bakit? Ano ba'ng mayroon?" nagtataka kong tanong.

"Nothing. Sige umidlip ka na diyan. Pupunta lang ako sa accounting office,"

***

Umuulan nang makauwi kami ni Duncan sa bahay. Sa sobrang lakas ay akala mo nagbabagyo. Kumain na rin kami sa restaurant bago umalis para hindi na kami magpaluto sa mga maid.

It was already dark dahil na stuck pa kami sa traffic kanina. Nawalan pa ng ilaw sabayan ng kidlat. Sa glass stairs kami umakyat kasi hindi gumagana ang elevator kapag walang kuryente. Hindi rin siya kaya ng generator at ayaw namang buhayin ni Duncan ang generator dahil gabi na.

Nagpalit lang ako ng damit pangtulog at saka sumampa sa kama. Grabe ang lamig!

"Do you want me to turn on the heater?" Duncan asked. Nahalata niya 'atang nanginginig ako sa sobrang lamig.

"Walang kuryente," na sabi ko lang at saka pumasok sa comforter.

"Bubuhayin ko ang generator. Kesa naman sa nilalamig ka diyan. Wait lang at—"

"Don't leave me!" pigil ko sa kanya.

"Pero—"

"Kumikidlat. Takot ako sa kidlat. At saka baka ma-kuryente ka umuulan pa naman,"

"But you're cold!" nag-aalala niyang sabi.

"Comforter can warm me. Matulog na tayo," sabi ko na lang.

Napipilitang tumango siya at saka nahiga na rin. Tumalikod ako sa kanya at nakaharap ako sa may bintana. Gumagalaw-galaw ang kurtina at nakikita ko ang malakas na hampas ng hangin sa mga puno.

Nagulat na lang ako nang maramdaman kong lumapit sa akin si Duncan at yumakap ang kanyang bisig sa bewang ko. Pakiramdam ko ay biglang nabasag ang yelo na nakabalot sa katawan ko nang maramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko. His head was nuzzled on my neck at naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa gilid ng batok ko.

"I can make you warm, too, Darling."

Y㽏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top