Chapter 12 - The Wedding
Chapter 12 – The Wedding
Everything was set. Mamayang gabi na ang kasal ko. My wedding dress was hanging on the closet. May hair set din na nakalagay sa ulo ko na nilagay kanina ng hair dresser. Nandito ako sa aking bridal suite sa hotel nina Duncan. Kinakabahan ako. Para akong maduduwa sa nararamdaman ko. Maya-maya lang ay magiging official Mrs. Sevilla na ako.
I was frantically pacing back and fort inside my room. Gusto ko nang kausap. Gusto kong makita sina Mama. Gusto kong makarinig ng encouraging words galing kay Lian. Gusto kong sabihin sa akin ni Aina na magiging okay din ang lahat. Ito na 'ata ang tinatawag nilang cold feet. Para na akong maiiyak na ewan.
Ala una pa lang ng hapon at alas ng gabi ang kasal namin. Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto kaya agad ko itong binuksan. Tumambad sa akin si Lian at may mga kasama siyang beautician. Nakilala ko iyong isa dahil siya ang naglagay nitong curler set sa buhok ko.
Nag set-up sila sa loob ng kuwarto at may mga camera rin na naka-standby. Para 'ata sa video presentation mamaya. No'ng isang araw kasi ay nagkaroon kami ng pre-nuptial shoot. Pinagsuot lang nila ako ng mga maluluwang na dress para hindi mahalata ang belly ko.
"Okay ka lang, bess? Ang putla mo na," nag-aalalang sabi ni Lian.
"Kinakabahan ako, Lian," sabi ko.
"Natural lang 'yan. Relax yourself. Mamaya makasama pa 'yan sa babies mo," sabi niya kaya natigilan ako.
Nanghihinang napaupo ako sa kama. Tinabihan naman ako ni Lian at nginitian ako na puno ng encouragement.
"Cold feet lang 'yan, bess. Dapat maging masaya ka kasi kay Duncan ka ikakasal. Baka kung kay Walis ka ikinasal ay ako ang makaramdam ng nararamdaman mo ngayon,"
"Huwag mo nga 'yong binabanggit. Naiinis ako," umiirap kong sabi sa kanya.
"Ay, sorry na. Pero teka nga, after ng kasal saan kayo magha-honeymoon? Mag-a-out of the country ba kayo?" tanong niya dahilan para manlaki ang mga ko.
Honeymoon? Oh, shit! Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na iyon?
Okay, Moira. Relax ka lang. Buntis ka. Hindi naman siguro gugustuhin ng mapapangasawa mo na maging quadruplet ang anak niyo, 'di ba?
Narinig ko ang malakas na tawa ni Lian. Nang-aasar na tiningnan niya ako at ginalaw-galaw pa ang kilay niya.
"Ang pula-pula ng tainga mo, bess," sabi nito at humalakhak na naman.
"Kasi naman ikaw, eh! Kung ano-anu ang pinapasok mo sa isipan ko!" pagalit kong sabi sa kanya.
"Nagtatanong lang naman ako, eh. At saka anong masama do'n? Mag-asawa na kayo. Maliit pa lang ang tiyan mo kaya puwedeng-puwede pa si Duncan mag dunk sa—"
"Lian!!" I shrieked with disbelief. Jusko 'tong bestfriend ko. Kung ano-anung kamunduhan ang pinagsasasabi.
"What?" tawang-tawa niya pa ring sabi.
"Ewan ko sa'yo, Lian! Hindi namin gagawin ang iniisip mo, 'no!" umiirap kong sabi.
"Ito naman. Badtrip agad ang buntis. I was just joking, okay?"
May sasabihin pa sana ako nang pumasok si Aina. She was holding a box while walking towards me.
"Pinapabigay ni Kuya," kinuha ko sa kanya ang box at binuksan iyon.
It was a white laced doll shoes na may silver linings sa gilid. It was so simple yet very elegant.
"Pakisabi salamat. Ang dami na niyang binibigay sa akin," I said beaming but Aina just shook her head.
"Wala naman 'yon kay Kuya. Anyway, okay ka lang ba rito? Wala naman bang kulang?"
"Wala naman," nakangiti kong sagot.
"Oh, good. Pa'no ba 'yan, see you at the chapel?"
Tumango ako at saka naman siya lumabas.
Nagsimula na akong ayusan ng beautician. They curled my hair then tied it to make a messy bun. Ginawa nilang smokey ang mata ko na mas na-enhance ang black eyes ko. Pink matte lipstick din ang iniligay sa akin.
A simple diamond stud was my earing matched with silver necklace with cross pandant that has small diamonds around it.
Isinuot ko na ang wedding gown at namangha ako dahil hindi halata ang umbok ng tiyan ko. It was a sweetheart neckline with laced long sleeves. Pababa sa bust ko hanggang sa tuktok ng aking belly ang haba ng top. The skirt was a layer of satin and laced that could hide my baby bump.
Isinuot sa akin ang belo na may silver crown sa top. I look like a queen. Napangiti ako sa nakikita ko. They made me so beautiful.
"Thank you," sabi ko sa mga beautician na nag-aayos sa akin at nginitian lang nila ako.
"Ang ganda-ganda niyo po, ma'am. Sa totoo lang hindi halatang buntis kayo. Bihira na kasi ngayon ang mga sexy na buntis,"
"Almost three months pa lang naman kasi ang babies ko. Baka sa kalagitnaan ng aking second trimester ay tumaba na ako," nahihiya kong sabi.
"I'm sure babalik din ang katawan mo, ma'am," sabi ng isa kaya napangiti na lang ako.
Matapos nila akong ayusan ay nagsimulang kuhanan ako ng mga video. Gusto nga nila may sabihin sana ako, message para kay Duncan but I declined it. Kung mayroon man akong dapat sabihin sa kanya. I don't think na kailangan iyong marinig ng lahat.
Nakaupo lang ako sa kama nang pumasok si Mama at Papa. She was wearing a light yellow gown na maraming sequin sa bust area. My mother has aged gracefully even with the fine lines on her eyes. Papa was wearing a a white longsleeves, a checkered gray vest and a black suit and a black trousers. Kulay dilaw ang kanyang necktie at napansin kong bago ang kanyang tungkod. Nakapumada ang kanyang buhok brush-up.
"Ang ganda mo, anak," sabi ni Mama nang makalapit sa akin. Ah! Para na naman akong maiiyak. Ang make-up ko!
"Handa ka na ba, Moi?" tanong ni Papa kaya tiningnan ko siya. Marahan akong tumango at saka ngumiti.
"Opo, Pa," I replied.
"Ito nga pala, something barrowed," sabi ni Mama at napatingin ako sa hawak niya. It was Yanni's hairclip na may tatlong fake stone. Inilagay iyon ni Mama sa tuktok ng ulo ko, sa may belo.
"Salamat po,"
"And something old," hinubad niya ang kanyang old wristwatch na madalas niyang i-pawnshop noon kapag nauubusan kami ng pera.
A tear fell down my cheeks with the memories. Naalala ko noong high school ako at nasa hospital si Eli. Naubos ang ni-loan ni Mama sa isang cooperative kaya wala siyang choice kundi i-pawnshop ang relo na minana niya kay Lola Agatha. My grandmother on mother's side. Wala na kasi kami no'n makain dahil napupunta lahat para sa gamot ni Eli. No'ng nagsweldo si Papa ay saka niya tinubos ang relo para kay Mama kasi alam niyang may sentimental value ang relo na iyon.
"Anak, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang sabi ni Mama. I beamed weakly. Nahihiya ako kasi nagpabuntis ako. Nahihiya ako kasi hindi ko man lang naibigay sa kanila ang pinapangarap ko para sa kanila. Nahihiya ako kasi nasayang ang lahat ng ipinangako ko sa kanila. Tanggap man nila ang kalagayan ko, hindi pa rin mabubura ang katotohanan na binigo ko sila bilang anak.
"I'm sorry, Ma, Pa. Sorry po kung nagpa-buntis ako. Sorry po kasi... kasi..."
"Sshhhh... Moira, anak, ang make-up mo," sinubukan ni Mama na punasan ang mukha ko pero agad niyang tinanggal ang kamay niya. Mas lalo lang kasing masisira ang make-up.
"Papa..." tuloy-tuloy pa rin ang luhang pumapatak sa mga mata ko. Lumapit sa akin si Papa at niyakap ako. Mahigpit ko siyang niyakap pabalik.
"Huwag mong isipin na disappointed kami sa'yo. Marahil ay ito talaga ang nakatakda para sa'yo. Huwag ka nang umiyak, Moi-moi,"
"Salamat po sa lahat-lahat, Papa. Mahal na mahal ko po kayo," sabi ko at naramdaman ko ang malalim na paghinga ni Papa. Pati 'ata siya ay madadala na rin sa pagda-drama ko.
"Mahal na mahal ka rin ni Papa. Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang sa amin. Kung magkaroon kayo ng problema ni Duncan, nandito lang kami ng Mama mo," sabi niya kaya napatango ako.
***
Kasama ko sa kotse si Lian papunta sa chapel. Marami siyang sinasabi pero parang wala akong naririnig. Lumilipad kung saan ang isipan ko. Ang dami ring tumatakbo sa utak ko. Tama ba itong gagawin ko? Tama bang ipaako kay Duncan ang lahat? Tama ba na magsinungaling kami sa lahat?
Nakokonsensya rin kasi ako. Siguro okay lang na siya ang umako ng pagbubuntis ko kung alam ng lahat na iba ang ama ng anak ko. Pero hindi, eh. Niloloko namin sila. Si Duncan para sa kanyang mana at ako ay para sa aking kahihiyan. Is this worth it? Walang sikreto na hindi nabubunyag.
"Bess, baba na raw tayo," untag sa akin ni Lian. Sa kabilang bintana ay nakadungaw ang wedding planner. Naunang bumaba si Lian at inalalayan niya ako. Umakyat kami sa simbahan at nakasara ang two-giant front door. Malaki naman pala talaga itong chapel. Iyon nga lang hindi gaanong mahaba ang aisle.
Pumasok na sa loob si Lian since siya ang maid of honor. Naiwan ako sa labas kasama ang ilan sa mga wedding coordinator. Hinihintay nila ang signal sa loob para buksan ang dalawang naglalakihang pinto.
Inabot sa akin ng babae ang bouquet isang kumpol ng yellow roses. Nakasara pa ang petals niya kaya mukha siyang tulip.
"It's time," sabi sa akin ng babae kaya tumango lang ako.
The two doors has been slowly opened. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang mga matang nakatingin sa akin. I took a small walk, feigning a bright smile kahit ang totoo ay para maiiyak na naman ako. Sa gita ng aisle ay nakita ko sina Mama at Papa na naghihintay sa akin. Nagmano ako sa kanila at saka ko ikinabit ang mga kamay ko sa braso nila.
Hindi ko gaanong makita isa-isa ang mga bisita dahil bukod sa mga ilaw ng camera na naka-centro sa akin ay unti-unti ko nang natatanaw si Duncan.
I let out a soft chuckle when our eyes met. He was so handsome with his black tuxedo. Ang fresh niyang tingnan at parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya. Gusto kong maamoy ang samyo niya.
Nagniningning ang kanyang mga mata at parang gusto kong maniwala na in love siya sa akin. Pakiramdam ko kasi mahal na mahal niya ako sa gawi ng kanyang titig.
Nagmano siya kay Mama at Papa bago kinuha ang kamay ko. Giniya niya ako papunta sa altar kung saan naghihintay ang pari.
The ceremony is already starting when I felt Duncan leaned close to me.
"Do you want me to kiss you in the lips or just on your cheeks?" bulong niya at pakiramdam ko ay pinamulahan ako sa sinabi niya.
"Ah... ano..."
"May we request the sponsors to please come in front for blessing," sabi ng pari kaya hindi na ako nakasagot.
Dahil sa sinabi ni Duncan kaya pakiramdam ko ay lutang na naman ako. Sa buong ceremony at para akong manika na sumusunod lang. Nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin kaya agad akong napapaiwas.
Naku naman kasi itong si Duncan. Dapat hindi na niya tinatanong ang mga bagay na gano'n. Hindi ba siya aware sa kasabihan na "Ignorance will lead you to your way."
Hanggang sa nagpalitan kami ng vows ay hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nanghihina ako sa paraan ng kanyang mga titig. It feels like, he was consuming me, body and soul.
"You may now kiss the bride," rinig kong sabi ni father dahilan para marinig ko ang kabog ng dibdib.
Slowly, he unleashed my veil and stared right back to me. There's a glint of amusement evident on his gray eyes. Na para bang alam niya ang lahat ng iniisip ko.
"I'm going to kiss you now," he said huskily and I felt a lump on my throat. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Slowly and passionately,"
Aangal pa sana ako nang sakupin niya ang mga labi ko. Naramdaman ko ang kanyang malambot na labi nakalapat sa akin. My eyes involuntarily closed and respond to his soft kisses. Pakiramdam ko ay ito ang pinaka-unang pagkakataon na nahalikan ako. There was something in his kisses and I can't help but compare it to Ace. Pakiramdam ko ay isa akong babasagin. Na para bang isa akong mamahalin na bagay na kailangan ingatan. The tingling sensation was there. Iyon bang para akong kinukuryente. Parang pinipilipit ang tiyan ko at parang mayroong sasabog sa dibdib ko.
Bahagya siyang lumayo at muli akong tinitigan. The playful grin was gone and I can see it in his eyes that he was confused. Para bang hindi siya makapaniwala na ako ang kaharap niya.
Our little magical moment was impede by loud applause. Doon ako natauhan. Pakiramdam ko ang tagal-tagal naming magkahalikan. OMG! Nakakahiya kina Mama at Papa. Tapos nakita pa nina Yanni at Eli! Ugh!
Humarap kami sa lahat at hinapit ni Duncan ang bewang ko. Napatingin ako kay Lian na katabi na si Aina. And I know, by the way they smiled at me, alam kong inaasar na nila ako sa isipan nila. Lalo na't wala akong tiwala sa ngiting nang-uuyam ni Lian.
***
Akala ko magiging awkward kami sa reception. Pero para bang pareho na naming nakalimutan ang nangyari kanina nang batiin kami ng mga kamag-anak namin.
We immediately went to the hotel for the reception after the photoshoot. Tinanggal ni Aina ang belo ko para maging kumportable ako.
I enjoyed everything. Not until when the emcee told a little story of how Duncan and I met. Hindi ko alam kung sino ang nag-imbento ng kuwentong 'yon but everyone believe it. Nakaka-konsensya kasi kinikilig sila sa isang kuwento na hindi naman totoo.
And then the message from parents' came. I felt like crying lalo na nang sina Mama at Papa na ang nagsalita. Para bang gusto ko na lang humagulhol at umamin sa harapan nila.
But then, Duncan held my hand, squeezing it. Na para bang sinasabi niya na okay lang ang lahat. Na wala dapat akong ipag-alala kasi lagi siyang nasa tabi ko.
Kahit tapos na ang program ay hindi umalis ang mga tao. Nagpaiwan ang relatives ko at relatives ni Duncan para raw mas lalong magkakilanlan.
I took that moment to escape. I took the back door at dumeretso sa garden ng hotel.
Naupo ako sa isang bato at tumingala sa langit. A tear fell down my cheeks as I heaved a heavy sigh.
There is no turning back now. What I am feeling right now is a mere conscience lingering on me. Whatever consequence life will give me, I will gladly face it. Alam kong walang sikretong hindi nabubunyag. Alam kong baling araw ay magkikita kami ni Wallace. And if I have to lie again, just to keep my children away from him, I will do that. Wala na akong pakialam kung magkapatong-patong ang kasinungalingan na binuo namin ni Duncan. Alam ko naman na nasa tabi ko lang siya lagi. Hindi niya ako pababayaan.
"What are you doing here?"
Abruptly, I turn my head around to see him. Nakakunot na naman ang noo niya. He looks pissed.
"You just left there. Akala ko kung saan ka na nagpunta!" naiinis niya pa ring sabi.
"S-sorry. Ano kasi...nagpapahangin lang," I said feining a smile.
"Nagpaalam ka dapat. I look stupid out there,"
"Sorry na nga kasi," I said pouting.
"Aina did a really good job," he said. Nakatayo siya sa tabi ko habang nakatingala rin.
"S-siya ba 'yong nag-imbento ng mga kuwento? Napaka too good to be true," I said then let out out s soft chuckle.
"Bakit? Ayaw mo ba sa idea na na-love at first sight ako sa'yo?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya at nakatingala pa rin siya habang nakapamulsa.
"H-hindi naman sa gano'n. Parang hindi kasi kapani-paniwala na magkakagusto ka sa akin sa unang tingin. Hindi naman ako kagandahan,"
"Damn right," natatawa niyang sabi kaya napasimangot ako.
"Grabe!" I scowled.
"What?" he said laughing.
"Bakit ka nag-agree?"
"Because I'm a good husband. I vowed to understand and agree with my wife," he shrugged with playful grin.
"Nang-aasar ka lang, eh,"
"Am I?" he said teasing.
"Duncan, huwag kang ganyan," I said almost audible.
"Huh? Are you saying something?" he asked.
"Wala,"
Humarap siya sa akin at nag squat sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata. Heto na naman ako sa weird feeling na 'to. Para akong kinukuryente.
"You're very beautiful, inside and out. And I am very lucky to have you as my wife."
"Tula ba 'yan?" natatawa kong sabi. He glared at me and I giggled.
"Seryoso kasi, eh,"
"Ang cute mo,"
"Guwapo ako,"
"Ah, oo nga pala. Ang guwapo mo,"
"Thank you,"
"Ikaw na 'ata talaga ang pinaglilihian ko," sabi ko.
"Dapat lang. I'm the father, remember?" he said and I nodded.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top