Chapter 11 - Preparations
Chapter 11 – Preparations
After one week ay nakabalik na kaming Manila. We only have seven days left and after that ay pinal na asawa na ako ni Duncan. Bago kami umalis ay kinuha na namin ang sukat ng idadamit ng mga kapatid ko at ilan sa mga pinsan, auntie at uncle ko na kasama sa entourage. Three days before the wedding ay magba-biyahe sila papunta rito care of Duncan.
Lian was helping Aina and it seems that they're very close na. Syempre si Li ang magiging maid of honor ko. Sa dami ba namang pinagdaanan naming dalawa. Baka magtampo pa iyon kapag sinabi kong bride's maids lang siya or secondary sponsor.
Nagulat nga ako no'ng pag-uwi ko kasi naka box na ang ilan sa mga gamit ko. Utos daw ni Duncan para raw huwag akong mahihirapan kapag lumipat ako sa bahay niya.
"Maiiwan ka pala rito? Solo mo na ang rent pati ang mga bills?" I said to her but she just shrugged.
"Ganito na kami ng may-ari ng restaurant, bess," pinagdikit niya ang kanyang dalawang daliri at pinag-ekis iyon. "Sabi ko ay bigyan ako ng salary raise kasi kukunin nila sa akin ang other half ko since kinder."
"Nag demand ka kay Duncan?" gulat kong tanong.
"Oo naman! Best friend kita at hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin na tuluyan ka nang malalayo. It hurts me both emotionally and financially!" she said feining a weep. Tumawa lang ako sa kanya. Ah, mamimiss ko 'tong babaeng 'to.
"Magta-trabaho pa naman ako sa restaurant, ah?"
"Oo, pero hindi na kita makakasama sa bahay. Wala na akong makaka-kuwentuhan. Boring na sa apartment," nakanguso niyang sabi.
"Ayaw mo bang lumipat sa medyo maliit na apartment?" tanong ko.
"Kumportable na kasi ako apartment, bess. Nag-suggest nga si Aina na paupahan ko iyong kuwarto mo kapag umalis ka na. Pero nakakatakot kasing magtiwala sa ibang tao, eh,"
"Mmm, pag-isipan mo. Para makatipid ka," sabi ko at tumango naman siya.
***
Kahit napaka hands-on ni Aina sa pag-aasikaso ng kasal namin ng Kuya niya ay tumutulong pa rin naman ako. Siya ang madalas kong kasama dahil hindi muna ako pinapapasok ni Duncan sa restaurant. Ngayon ko lang din na-realize na napaka traditional ng pamilya Sevilla. Aina was suggesting of having a garden wedding or a bohemian/Coachella themed wedding pero hindi pumayag ang Lolo ni Duncan. He wants it formal and the reception will be held at their hotel.
Puno na rin ang schedule sa mga malalaking simbahan kaya we settled sa isang chapel that could accommodate hundreds of guest. The motif was pastel yellow and the flowers were white ad yellow daisies. Iyon ang gusto ni Duncan. Hindi ko naman alam na favorite niya ang daisy. Maganda raw kasi sa paningin.
"Aina..." tawag ko sa kanya habang tinitingnan namin ang mga souvenirs.
"Mmm? Ay, cute 'to, oh?" ipinakita niya ang snow globe na may dalawang couple. Iyong lalaki ay nakaupo sa bench habang iyong babae ay nakahiga sa lap nito. May lamp post din sa tabi nila at glass schrubs and bushes.
"Kailan ba ang birthday ni Duncan?" tanong ko dahilan para tingnan niya ako.
"Hindi mo siya tinanong?" nagtataka niyang sabi. Umiling naman ako.
"I actually don't know anything about him except he is Duncan Magnus Sevilla, 29 years old, panganay sa apo ni Lolo Wiscon at kapatid mo, and the owner of the restaurant I am working,"
"Ah, ah. May mali ka. Kuya will be the next owner of the hotel and I will manage the restaurant. Sa kanya na rin mapupunta ang major shares ng empire including the resorts, other restaurants na hawak ni Daddy,"
"Oh, kita mo? Hindi ko talaga siya lubos na kilala,"
"Eh, bakit hindi mo kilalanin?"
"Kaya nga kita tinatanong, 'di ba? Mamaya niyang ngayon pala birthday niya," natatawa kong sabi at napangiti lang siya.
"December 7 and birthday niya. His favorite color is white, he likes tinola, hates eggplant and okra. He graduated in UST as BSBA. He took his MBA in Princeton University. Kukuha sana siya ng doctoral degree pero kailangan siya sa business so hindi na niya tinuloy. Mayroon siyang sinu-suportahan na charity institution at thirty percent ng kanyang income ay napupunta do'n. Hmm, ano pa ba? Kapag nagalit siya sa'yo, bigyan mo lang ng chocolate cake bati na kayo niyan. Madali siyang ma-turn off sa babaeng maingay at hindi pinong kumilos."
"Ano pa?" interesado kong sabi. Kung puwede lang na gawan niya ng biography book si Duncan ay babasahin ko iyon na puno ng pag-uunawa.
"Uyy. Gusto mong malaman ang past love life ni Kuya, ano?" nangtutukso niyang sabi at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.
"H-hala! Hindi, ah. Interesado lang ako kasi, 'di ba, mapapangasawa ko na siya?"
"Sabagay. Pero huwag kang mag-alala kasi wala naman akong alam na sineryoso ni Kuya, eh. Guwapo siya pero sa totoo lang ay nerd 'yan. Matalino at lagi mo siyang makikita sa sulok nagbabasa ng libro. Kahit maraming nagkakagusto sa kanya ay hindi niya iyon pinagtuonan ng pansin kasi pinag-bawalan din siya noon na makipag-relasyon para study lang ang pagtuonan niya ng pansin. Kaya wala 'yang social life no'ng high school pati no'ng college."
Para naman akong nakaramdam ng awa kay Duncan. Kahit hindi kami mayaman, nagagawa ko naman ang mga gusto ko noong college. Hindi ako pinaghihigpitan. And look what I have become.
"Isa lang sana ang hihilingin ko sa'yo, Moira?" hinawakan niya ang kamay ko at seryosong tiningnan ako sa mata.
"Anything,"
"Make my brother happy. Ipakita mo sa kanya na hindi lang sa kundisyon niya kaya ka pumayag sa kanyang magpakasal. Na kahit hindi siya ang totoong ama ng anak mo, na kahit magsisimula kayo sa kasinungalingan, sana iparamdam mo sa kanya ang isang masayang pamilya."
Napangiti ako kay Aina at tumango.
"I will do that, not because you told me so. Not because I am in debt with with. But because Duncan and I deserve to have a happy family. Siguro hindi pa 'to alam ng lahat, pero si Duncan na 'ata ang pinaka-responsableng lalaki na nakilala ko. So much, that he wants to claim my baby," natatawa kong sabi.
"Pero sana matutunan niyo ring mahalin ang isa't-isa. Alam kong hindi iyon madali lalo na sa'yo dahil iniwan ka ng boyfriend mo. I hope na sana, while you're in process of moving on, ay mahalin mo rin ang Kuya ko," she said beaming.
Move on? Hindi ko alam. No'ng lagi ko na kasing kasama si Duncan, parang hindi ko na gaanong naiisip si Ace. Hindi ko na rin naiisip 'yong mga possible 'what ifs' kung pinanagutan niya ako. Na para bang nagsariling nag-shut down ang feelings ko sa kanya nang tinalikuran niya kami ng baby ko.
Dati, kapag nakakapanuod ako ng pelikula or nakapagbabasa ng libro tapos makikita kong naghahabol ang babae, lagi kong naiisip na 'if I am on her shoes, never akong mag-hahabol'. At gano'n na nga ang ginawa ko. I have my own beliefs. And I don't want to down myself. Isang beses kang maghabol, fine. Pero kung paulit-ulit ka nang pinagtutulakan, take it as a sign. He doesn't want you.
"You want to know a secret, Moira?" she said and I nodded. "Kuya told me that you're a loveable person. At hindi ka raw mahirap matutunan na mahalin."
***
Three days before the wedding ay dumating na ang mga relatives ko. Sa hotel ng Sevilla sila nag-s-stay. Kasama namin ni Duncan na ipinasyal sina Yanni at Eli sa buong Manila. We went to Luneta, Ocean Park, museums, MOA at no'ng nag-gabi ay sumakay pa kami sa ferris wheel. Panay ang picture sa amin ni Duncan sa phone niya.
Nang magutom ang dalawa ay pumunta kami sa isang bistro kung saan ay ti-nake-out namin at sa sea side namin kinain.
"Do you have a facebook?" tanong ni Duncan kaya napatingin ako sa kanya.
"Mayro'n. Pero hindi ko na siya nagagamit," sabi ko at tumango siya.
"Accept my friend request," sabi niya.
"Mamaya 'pagdating kong apartment," sabi ko. Biglang nangunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay.
"Bakit hindi ngayon?"
"Sa laptop lang kasi ako nag-i-internet. 'Kita mo 'tong phone ko? Hindi siya android kaya walang internet at hindi rin maka-connect sa wifi," paliwanag ko.
Nagulat ako nang tumayo siya at umalis. Akala ko ay iiwan niya kami pero pumunta lang pala siya sa kotse niya at may kinuha. 'Pagbalik niya ay may dala na siyang mini ipad.
"Here. Log in your account and accept my freaking friend request," sabi niya.
Napailing na lang ako habang napapangiti. Kung minsan talaga 'to si Duncan may ugaling parang bata. Pero kahit gano'n ay natutuwa pa rin ako sa kanya.
Pa-simple kong tiningnan ang dalawa kong kapatid na busy sa pagkain sa hindi kalayuan. Nag log-in ako sa facebook at nakita kong maraming notifications do'n. Matagal-tagal na rin kasi simula nang buksan ko 'tong account ko. Kami pa 'ata no'n ni Ace, eh.
I accepted his friend request. Ti-nag din niya ako sa pictures na kinuha niya kanina. Maraming stolen pictures. Feeling ko tuloy ay sa akin lang siya nakatingin kanina.
"Ano 'to?" he asked with forehead creased. Ano naman bang ginawa ko para mangunot ang guwapong mukha niya?
"Alin?" nagtatakang sabi ko.
"Bakit naka in a relationship ka pa sa gago mong ex?!" napatingin ako sa phone niya at binisita niya pala ang wall ko.
"Eh, kasi..."
"Tsk. Tanggalin mo 'yan!" utos niya na agad ko namang sinunod. I removed Ace as my boyfriend and even blocked him. As much as I wanted him to see how happy I am right now, ay ayaw kong malaman niyang sa iba ko pinaako ang dapat na kanya. Ayaw kong may maging kinalaman pa siya sa buhay ko. I just wanted to forget him completely.
"Okay na,"
"Accept my request again," pagkasabi niya noon ay may notification na naman. Tinanggap ko ang request niya at lihim na napangiti.
'Moira Hylene Madrid is engaged to Duncan Magnus Sevilla'
"Moira..." tawag niya sa akin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Hmm?"
"Thank you," sincere niyang sabi.
"Dahil in-accept ko ang requests mo?" natatawa kong sabi.
"Sa lahat..."
"Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo, eh," nakangiting sabi ko. Ginagap niya ang mga kamay ko at pinisil iyon. Ramdam ko ang init na hatid ng mga palad niya. Ang sarap sa pakiramdam kapag hinahawakan niya ang kamay ko. Na para bang may kung anong mahika ang hawak niya dahil lagi niyang napapagaan ang pakiramdam ko.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa at parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. All I could see was his handsome face and his gray calm eyes. All I could hear was my heart beating frantically. All I could feel was his warm hands on mine. I was in a trance. I was under his spell. Entralled and captivated. But just like any other spell, it was distracted by a loud ringtone. Para kaming napaghiwalay na magnet. Pareho kaming natauhan at nagmamadali siyang tumalikod sa akin para sagutin ang tawag sa kanya. Ako naman ay tumayo at pinuntahan ang dalawa kong kapatid. Niyaya ko silang umuwi na dahil baka ma-stuck pa kami sa traffic.
Muli kong tiningnan si Duncan na nasa hood ng kanyang kotse habang may kausap. I heave a heavy sigh. Mukhang matutupad na ang kahilingan ni Aina. Kaunti na lang... at mahuhulog na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top