Chapter 10 -Madrid Family
Chapter 10 –Madrid Family
Lumapit sa akin si Mama. Akala ko ay sasampalin niya ako o susumbatan pero nagulat ako kasi niyakap niya ako.
"Mama, hindi po kayo galit sa akin?" mahinang tanong ko.
"Hindi ko kayang magalit sa'yo, Moira. Alam ko ang nararamdaman mo dahil mahirap humarap sa mga magulang at aminin na buntis ka," sabi ni Mama. Humarap naman siya kay Duncan at ginagap nito ang kamay niya. "Alagaan mo si Moira. Lumaki siyang kami ang laging iniisip bago ang kapakanan niya."
"I'll provide anything for her, Ma'am," seryosong sabi ni Duncan.
"H'wag mo na akong mina-ma'am. Hindi naman kita estudyante, eh. Mama na rin ang itawag mo sa akin," nakangiting sabi ni Mama.
"Stella, ang bilis mo naman 'atang tanggapin ang bumuntis sa anak natin?" seryosong sabi ni Papa. Mahigpit na napahawak ako sa braso ni Duncan. Sabi na, eh. Mabait si Papa pero alam kong hindi niya agad matatanggap ang mga ganitong bagay. Iisipin niya na may pagkakamali siya sa pagpapalaki sa akin.
"Papa—"
"Ilang araw ba kayo rito, Moira?" tanong nito.
"Isang linggo po, Pa," nakayuko kong sabi.
"Isang linggo. Hindi iyon sapat para makuha mo ang loob ko, hijo. Maaring nabuntis mo nga si Moira pero hindi ibig sabihin no'n ay papayagan ko na kayong magpakasal para lang maisalba sa kahihiyan ang anak ko,"
"I will do anything to earn your approval, Sir," malugod na sabi ni Duncan at isang tango lang ang sinabi ni Papa.
***
May apat lang na silid sa bahay namin. Kuwarto nila Mama at Papa tapos tig-iisa kaming silid na magkakapatid. Si Eli ay sa kuwarto muna ni Yanni matutulog dahil doon muna matutulog si Duncan. Nangunguna si Papa sa pagtututol na magtabi kami sa kama ni Duncan. Like hello, kahit naman ako ay hindi papayag, 'no. May kaunting delikadesa pa naman akong natitira sa sarili ko.
Hindi rin ako pinapalabas ni Mama sa bahay dahil ayaw niyang maging usap-usapan ako ng mga tao rito.
Mabuti na rin pala na hindi kilala nila Mama at Papa si Ace. At least, hindi sila masasaktan na ang totoong ama ng pinagbubuntis ko ay wala na.
The next morning ay nagising na lang ako sa tawanan ng mga kapatid ko. Tiningnan ko ang oras sa wall clock at alas diyes na ng umaga. Masyadong napasarap ang tulog ko, ah.
Bago ako lumabas ng kuwarto ay naligo na ako. Nagsuot lang ako ng maluwang na daster habang ang tuwalya ay nakabalot pa sa buhok ko.
Naabutan ko si Mama na nagluluto ng tanghalian. Naamoy ko ang paborito kong sinigang na niluluto niya.
"Pasensya na po, Ma, kung tinanghali ako,"
"Ayos lang. Ganyan talaga kapag buntis. Antukin. Gusto mo bang kumain?" tanong niya habang naghahalo ng sangkap.
"Isasabay ko na lang po sa lunch, Ma," nakangiti kong sabi.
"Ano? Hindi puwede. Magtimpla kang gatas diyan. May natira pa sa yema cake na dinala niyo. Hindi puwedeng hindi ka nag-aalmusal dahil hindi iyon maganda sa pagbubuntis." Tinakpan ni Mama ang kaserola at pumunta sa cupboard. Kinuha niya ang lalagyan ng gatas pati ng baso. Inilabas niya rin ang natirang yema cake sa ref. Kinuha ko naman ang termos at nagsalin ng mainit na tubig sa baso.
"Nabanggit sa amin ni Duncan na triplet ang anak niyo. Kung nakita mo lang ang reaction ng Papa mo. Parang aatakehin sa puso," napapailing na sabi ni Mama.
"Galit pa rin po ba si Papa?" tanong ko.
"Hindi iyon galit. Malamang ay sinisisi no'n ang sarili niya dahil pinayagan ka naming magtrabaho sa malayo. Maaring iniisip niyang, nagkulang kami sa pag-gagabay sa'yo,"
"Pero, Mama, hindi po kayo nagkulang sa akin. Nagkamali po ako. At pinagsisisihan ko talaga ang lahat pero—"
"Pero hindi na dahil nandiyan si Duncan? Naiintindihan ko, anak. Biyaya ng Diyos ang magbuntis. At bunga lamang ito dahil nagmamahalan kayo," nakangiting sabi ni Mama at nag-iwas na lamang ako ng tingin.
Minsan, iniisip ko na lang na baka blessing in disguise ang pagdating ni Duncan sa buhay ko. At may chance naman kaming maging masaya bilang isang pamilya. Pero kapag naaalala ko ang dahilan niya kung bakit niya gustong akuin ang pagbubuntis ko ay napapaatras na lang ako. Pareho lang kaming naglolokohan. And we will both benefit on this charade. Siya na ang magmamana ng Sevilla empire, at magkakaroon ng ama ang mga anak ko. Society will not condemn me for being a single mom because Duncan saved me from disgrace.
Pumunta ako sa bakuran kung saan nakita kong tinuturuan ng mga kapatid ko si Duncan na magpakain ng baboy. He was wearing a six pocket short and a printed shirt with 'YOLO' written on it.
"Oh, fuck!" I heard him cussed nang umamba ang baboy sa kulungan nito. Natawa lang ako sa hitsura niya. Akala niya 'ata ay makakalabas ang baboy.
"Hala, kuya! Bawal magmura," sabi ni Yanni pero halatang natatawa rin ang dalawa kong kapatid.
"I'm sorry," sabi nito tapos naglagay uli ng feeds sa kakainan ng baboy.
"Bakit ikaw ang nagpapakain ng baboy?" I said to announce my presence.
"Ate..." my two siblings said in unison.
"Inutusan niyo ba ang kuya Duncan niyo?" I said feining a stern voice.
"Hala ate—"
"I volunteered," aniya at binitawan ang balde na may lamang feeds. Lumapit siya sa akin kasunod ng dalawa.
"Pero hindi mo na dapat 'yan ginagawa. Bisita ka namin. Besides, boss pa rin kita," mahina kong sabi sa kanya pero umiling siya.
"Weeks from now, you are going to be my wife at magiging parte ka na ng pamilya. Hindi rin ako papayag na mahirapan ka pa sa pagta-trabaho sa restaurant. Kung ako lang nga ang masusunod ay gusto kong tumira rin tayo sa probinsya habang buntis ka."
Napangiti ako sa sinabi niya. Gusto ko rin sana iyon. But we both know na may responsibilidad siya sa hotel at restaurant.
"Ate, abay po ba ako sa kasal niyo?" tanong ni Yanni.
"Yanni, simpleng kasal lang sana ang—"
"Of course you are. At pati ikaw, Eli, kasama ka sa groomsman," nakangiting sabi ni Duncan.
"Talaga po, kuya? Kung sakali ay ito ang pinaka-unang pagkakataon na makakasama ako sa procession ng isang kasal. Saan po ba kayo ikakasal?" excited na tanong ni Eli. Hindi na lang ako umimik at hinayaan si Duncan na magsalita. Maikling panahon lang ang mayro'n kami para makapag-plano at simpleng kasal lang ay okay na sa akin.
"Pag-uusapan pa namin ng ate niyo kung doon sa amin o dito kami ikakasal," Duncan answered at saka tumingin sa akin.
"Sana po sa Manila. Hindi pa po kasi ako nakakapuntang Manila, eh," sabi ni Eli na tinanguan naman ni Yanni.
"Then we'll have our wedding in Manila," aniya dahilan para mapatalon sa tuwa ang dalawa at excited na tumakbo papunta sa bahay.
"You're spoiling them," saway ko sa kanya.
"They're your siblings," he said as a matter of factly.
"Oo, pero—"
"Moira, I like them, okay? Gusto kong ibigay sa kanila ang lahat. I'm sorry to say this, but your stupid ex-boyfriend missed one half of his entire life from running away from you. And I've never been so grateful that I have claimed his supposed to be spot. You have an amazing family and I am proud to be part of it," he said with his oh so gentle voice.
My eyes watered with his words. Duncan must be a writer or a poet for he knows how to say the right words to make my heart melt. He's been so good to me at hindi ko alam kung paano ko papasalamatan ang Panginoon dahil ibinigay niya sa akin ang 'tulad ni Duncan.
Without saying anything, I closed our gap between us and hugged him tighly. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya. I inhaled his minty-fresh kind of scent at gumuhit iyon sa ilong ko at pakiramdam ko ay henehele ako papunta sa mahimimbing na tulog. Iyan lagi ang epekto niya sa akin.
"You like my scent, huh?" he said and I can sense him grinning.
"Ang bango, eh," was all could say and I heard him chuckled that vibrated from his chest. Ah! Bakit ba ganito ang ang nararamdaman ko?
"You know I can do this all day," he said.
"Me too,"
"But as much as I wanted to hug you all day, darling, your father was eying me like I am some kind of a prey," aniya dahilan para mapabitaw ako sa kanya. Tumingin ako sa likod ko kung saan si Papa at seryosong nakatayo sa pintuan. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at tinatago ang ngiti sa labi.
***
Matapos ang tanghalian ay pinapunta kami ni Papa sa balkonahe para makapag-usap tungkol sa plano namin. Ibig sabihin no'n ay tanggap na niya kami dahil gusto na niyang pakinggan ang plano namin. If only I could tell them the truth. Pero ayaw ko pang dagdagan ang sama nila ng loob sa akin. Baka atakehin sa puso si Papa kapag nalaman niyang tinakasan ako ng totoong nakabuntis sa akin.
"Nabanggit sa akin ni Yanni na sa Manila kayo magpapakasal at gaganapin ito sa susunod na linggo. Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong dito lang sa Naga ikasal ang anak namin. Pero dahil buhay niyo 'yan, kayo pa rin naman ang masusunod," wika ni Papa habang si Mama ay nasa tabi niya lang.
Pareho kaming nakaupo ni Duncan sa settee at palihim akong napahawak sa braso niya para humingi ng saklolo sa kung ano ang isasagot.
"Moira and I would want a small and intimate wedding but I really have a big family, sir. And my parents won't allow their eldest son to marry and settle in simple wedding. My sister Aina is the one planning everything,"
Nakita ko ang pagkadisguto ni Papa sa sinabi ni Duncan. My father always wanted me to get marry here in Naga specially sa Basilica. But we really have to consider Duncan's family kasi alam kong hindi sila papayag na sila ang dumayo para sa kasal.
"Papa, pina-plano na po kasi ni Aina 'yong kasal namin sa Manila. Mas marami po kasi silang connections do'n kaya mas madali ang pag-asikaso do'n. Dito po sa atin, matatagalan pa lalo na po sa pagpapa-schedule ng date. Alam niyo naman po na istrikto sa Basilica, 'di ba?" malumanay kong sabi at lihim na nagdadasal na sana ay maintindihan ako ni Papa.
"Paano naman ang mga kamag-anak natin? Ang lola Selya mo, ang auntie Grace mo, pati mga pinsan mo,"
"I will shoulder everything, sir. From fare to Manila, to your accommodation, lahat lahat. Kahit po mga kaibigan pa ni Moira ang isama okay lang po, ang importante ay maikasal kami," nakagiti niyang sabi kay Papa.
"Kung gano'n, kailangan mong makilala ang buong pamilya," anunsyo ni Papa at halos mahulog ang panga ko.
Matapos nang pag-uusap na iyon ay nasimula na si Mama na tawagan ang malapit na kamag-anak namin. Nagulat na lang ako kasi pupunta raw kami bukas sa bahay nila auntie Grace. Pakiramdam ko ay okay lang naman kay Duncan ang lahat ng demands ni Papa.
"Anak, masyado naman 'atang mayaman iyang mapapangasawa mo," ani Mama nang mapagsolo kami sa aking silid.
"Hindi naman po ang yaman niya ang habol ko, Ma," tipid kong sabi. Oo nga at matutulungan ako Duncan para mapadali ang buhay namin ng magiging anak ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko rin ang yaman niya. Hindi ako gano'n ka-desperada.
"Hindi ko naman sinasabi na iyon ang habol mo, anak. Pero nakakatakot lang. Matapobre ba ang pamilya niya? Paano kung apihin ka nila?" natawa lang ako sa sinabi ni Mama. Minsan talaga ang morbid niya mag-isip.
"Mababait po ang mga Sevilla, Ma. Huwag po kayong mag-isip ng kung ano-anu dahil hindi ko naman po hahayaan na maapi ako. Si Moira, maaapi? Not on my watch, Mama," biro ko at natawa naman si Mama. Hinaplos naman niya ang buhok ko at nginitian ako.
"Tuluyan ka nang malalayo sa amin, 'nak. Dalaw-dalawin mo kami kapag nakapanganak ka na, ah?" nararamdaman kong naiiyak na si Mama kaya humilig ako sa balikat niya.
"Pangako po iyan, Mama. Pero puwede naman na kayo ang dumalaw sa amin,"
"Kung papayag ang Papa mo,"
"Papayag po 'yan,"
***
The next day ay pumunta kaming bahay nila auntie Grace kung saan nakatira rin si Lola Selya at ilan sa mga pinsan ko. We rented a multicab to my mother's close friend at iyon ang sinakyan namin pababa ng Carolina. We are headed to San Felipe kung saan ang bahay nina Lola at auntie. Si Duncan ang nagdrive ng sasakyan and I can feel that he's uncomfortable with the drive. Bukod kasi sa pababa, hindi niya pa kabisado ang daan. Nasa front seat ako at ako ang nag-ga-guide sa kanya sa daan. Sila Mama, Papa, at mga kapatid ko ay nasa likod.
"First time mong mag maneho ng multicab, 'no?" I said amused.
"Yes, so don't tease me," he countered while half laughing.
"Bukod sa jeep ay multicab ang transpo rito. Iyong mga traysikel ay nasa centro lang naman iyon. Besides, ayaw ko sa traysikel dito sa Naga. Masyadong maliit. Pero uso na rin dito ang taxikel," sabi ko sa kanya.
"Walang pinag-kaiba sa Manila," he said.
"Ah, ah? Hindi, ah. Tolerable ang traffic dito, except kapag may occasion. Eh, sa Manila? Naku, aalis kang fresh, uuwi kang dugyot," sabi ko dahilan para matawa siya.
"True. That's why most of my family resides outside the City. Maging si Aina ay malayo ang bahay kasi ayaw niya sa Manila. Pero sa condo niya siya umuuwi dahil sa work,"
"Aina is at my age. Wala ba siyang boyfriend?" I asked. He took a quick glance at me and beamed weakly.
"She had. I think they broke up because the guy's father died and he chose to take care of her bedridden mother in states. My sister didn't tell me everything pero iyon ang narinig ko,"
"She must be very lonely," I said.
"Are you talking about experience?" he said.
"Huh? Ano'ng—"
"Do you miss your ex?" tanong niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Napalingon ako sa likod namin at nakahinga ako ng maluwang nang makita kong busy na nagku-kuwentuhan ang apat.
"I don't miss him. I actually hate him," I said with gritted teeth.
"Paano kung—"
"Ikaw na ang ama ng mga anak ko, Duncan. Ayaw ko na siyang pag-usapan pa," mahina ngunit mariin kong sabi.
Nakarating kami sa bahay nila auntie Grace at parehong tahimik lang kami ni Duncan. Akala ko nga magsusungit siya, eh. Pero nginitian niya ang mga kamag-anak ko nang salubungin nila kami. Pakiramdam ko nga ang bilis ng mga pangyayari dahil nakita ko na lang na naka-kapit ang mga kamay ng auntie ko sa braso ni Duncan at ginigiya siya papasok sa lumang bahay.
Pareho lang ng bahay namin ang bahay nila auntie Grace. Luma na pero mas malaki. Kulay puti rin ang pintura ng bahay at nagmumukha siyang sinaunang mansion.
"Apo..." napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Lola Selya. Napatingin siya sa tiyan ko at muli akong tiningnan sa mukha.
"Mano po, Lola," nakangiti kong sabi kahit sa totoo lang ay nahihiya ako. Dinungisan ko ang pangalan ng mga Madrid.
"Kumusta ka na, apo?"
"Okay lang po ako, Lola," sabi ko. Napangiti naman siya sa akin at tumango.
"Siya na ba ang mapapangasawa mo?" tanong ni Lola at saka tumingin sa gawi ni Duncan kung saan ay pinagkakaguluhan siya ng mga auntie ko na akala mo ay artista. Nakita kong hinila ni Mama palayo si Duncan at ito namang huli ay tatawa-tawa lang. Enjoying the attention he was getting.
Tumango ako bago sumagot. "Opo, La,"
"Mukhang mabait naman. At gustong-gusto agad siya ng mga auntie mo. Gusto ko siyang makausap mamaya,"
"Napakabuti po sa akin ni Duncan, Lola. Wala po akong maipipintas sa ipinapakita niya sa akin. Sigurado po akong magkakasundo kayo kapag nagkausap na kayo," paninigurado ko kay Lola.
"Mabuti kung gano'n," nagagalak na sagot ni Lola.
Kumain kami ng tanghalian sa backyard kung saan ay nagpalagay ng mahabang lamesa sila auntie. Aakalin mong may fiesta pero ang totoo ay kami-kami lang naman na buong pamilya. Masayang sinasagot ni Duncan ang lahat ng mga tanong na ibinabato sa kanya ng pinsan ko. Sa isang iglap ay hindi ko na sa kanya nakikita ang 'Sir Duncan' na una kong nakilala. Wala nang bahid ng pagiging seryoso. Kumportable siyang nakaupo sa tabi ko habang kumakain. Pero kahit busy siya sa question and answer portion ay hindi niya nakakalimutan na tanungin ako kung may kailangan ako.
"Ate Moira, totoo bang na love at first sight sa'yo si Kuya Duncan?" tanong ni Anika na kasing edad ng kapatid kong si Yanni. Pa-simple akong napatingin kay Duncan kasi hindi ko alam kung ano ang inembento niyang kuwento sa mga pinsan ko kanina kung paano naging kami.
"She doesn't know that. At ngayon ay binuking mo na ako," ani Duncan at lihim akong nagpasalamat dahil naniwala naman ang pinsan ko.
"May mga kaibigan ka pa bang single, Kuya Duncan? Iyong kasing guwapo mo?" kinikilig na tanong Hannah at parehong nagkagikhikan ang mga pinsan kong babae. Sinaway naman sila ng mga auntie ko pero hindi talaga sila magpapapigil.
"I have quite a few single friends,"
Nagtilian ang mga pinsan ko at napailing na lang ako habang natatawa.
After ng lunch ay nagpatunaw kami ni Duncan habang naglalakad-lakad. Sa likod ng bahay nila Lola ay matatanaw mo ang mga ricefield o umahan. Tig-anihan ngayon kaya puro berdeng tanim ang nakikita namin. May open cottage sa gitna na may mga lubid na naka-konekta sa scare crow para galawin kapag may mga ibon na lumalapit. Sa gilid ng uma ay may mga puno ng mangga at santol na inaakyat namin noong mga bata pa kami.
"I really like your family, Moira. They've been so welcomy and hospitable," sabi niya kaya napangiti ako.
"Mabuti naman at gusto mo sila. At least kahit hindi mo ako gusto, ay pamilya ko naman ang nagustuhan mo," sabi ko. Napalingon siya sa akin. And it was too late for me to realize what I have just said.
"What makes you think na hindi kita gusto, Moira?" he said narrowing his eyes on me. Napalunok lang ako.
"Eh, 'di ba, hindi mo naman talaga ako gusto—romantically. Nasa ganitong sitwasyon tayo kasi... kasi pareho tayong magbe-benefit," nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam kung paano ko ba sa kanya ipapaliwanag ng tama ang ibig kong sabihin.
Kasi naman, eh. Why did I even say it?
"I may not like you, romantically," he said and emphasized the last word. "But I like you as a person, Moira. At hindi sarado ang puso ko na balang araw, ay baka magustuhan na kita, romantically. Walang masama do'n para sa akin. Ang ayaw ko lang ay iyong parang ipinapa-mukha mo sa akin na pareho lang tayong nag-gagamitan."
Napayuko lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko na dapat iyon sinabi. Nakaka-guilty tuloy. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, eh. Ah, ewan.
"Sorry. I didn't mean to offend you, Duncan. It's just that... it's just that..." hindi ko na matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Oh, freaking hormones. I felt like crying.
Nanunubig na ang mga mata kaya iniba ko ang tingin ko. Ang hirap naman maging buntis. Ang hirap i-handle ng emotions.
I heard his heavy sigh at dahan-dahan ay niyakap niya ako. He was caressing the back of my head while whispering "Sshh"
"Nakatingin ba sila?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
"No,"
"Good. Because I can't let go of this hug right now," I heard his soft chuckle that seems like music to me.
i
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top