CHAPTER 66
Elena's POV (May)
Kasama ko ngayon si Ma'am Diane papunta sa tirahan nila Yummie. Napag-usapan naming kausapin si Tita Titania bilang simula ng bagong yugto ng buhay ng mga Perez.
"So, you're saying you really are not Elena?" Muling tanong ni ma'am Diane sa akin.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Alam kong nahihirapan din siyang maniwala tulad na lang ng naging reaksyon nila Elena at Luke pero tulad nga ng laging sinasabi ng ibang tao patungkol kay Ma'am Diane ay may isang salita siya. Nangako siya sa aking papakinggan niya ako.
"It's true, I assure you that," sambit ni Luke na ngayon ay nagdadrive.
Hindi na muling nagsalita si ma'am Diane at malalim na nag-iisip.
"I guess I have no choice but to believe. Everybody thinks she's a strong independent woman but behind that facade is a coward little girl who can't really go against me."
Isang mahabang katahimikan any namuo sa amin.
"So tell me about my grand daughter I am not aware of" pagputol ni ma'am Diane sa katahimikan
"She's a mystery, completely unexplainable. She was like a snow to me, beautiful but cold. It was difficult to convince her that she needs love in her life, that she needs someone to save her from her own chaos. She built a high wall around her and as time went by I've learned her scars, bruises and flaws but despite all that, it only made me want to love her more."
Bakas sa mukha ni Luke ang sinseridad at pagmamahal kay Elena. Parang may mabigat na bato ang dumagan sa dibdib ko. Mahal kita Luke, kahit pa bawal at may nag mamay-ari na sa puso mo
"I wish he was like you," bulong ni ma'am Diane habang tumatanaw sa labas.
Lungkot? Totoo ba ang nakikita ko sa mukha ni ma'am Diane? Hindi ko inakalang may kakayahang magpakita ng ganitong ekspresyon si ma'am Diane. Kinakatakutan sya ng lahat pero lingid sa kaalaman ng lahat may malungkot na kwento sa likod nito. Isang kwento na nabaon sa limot at galit
"We're here," biglang anunsyo ni Luke.
Nakita namin na masayang nakikipaglaro ang isang babaeng nakatalikod kasama ang isang bata at si Tito Steve. Pinulot ko ang bola na gumulong sa aming direksyon
"Oh! You're that lady from before!" Manghang sambit ng bata. "You're really pretty!"
Saglit akong napatutok sa kanya. Oo nga! Siya yung batang nawawala noon.
"A-anong ginagawa niyo dito?!" Nauutal na wika ng isang boses at hinila sa kanyang likoran ang bata. "Freya, dito ka lang sa likod ko."
Muling nabalik ang atensyon ko kay Tito Steve. Nakakapit ang babae sa kanyang braso at bakas sa mukha nito ang takot. Sya yung babaeng kumuha kay Freya noon at tumakbo ng makita ako
"I invited them over," wika ni Yummie na walang emosyon. "Kailangan niyong mag-usap Mamita, ay oo nga pala hindi pala iyan ang dapat kong itawag sa'yo..." Bumuntong hininga si Yummie bago nagpatuloy. "Sunny Perez."
Bakas sa mukha ni Tito Steve ang pagtataka ngunit nanatili lamang siyang tahimik na nanonood. Talaga bang wala siyang alam sa totoong katauhan ng babaeng napakasalan niya?
"What is the meaning of this?" Nagugulohang tanong ni Tito Steve. "Who are they?"
"Sila nag unang pamilya ng babaeng pinakasalan mo, Pa," sagot ni Yummie.
"Let me explain," tarantang wika ni Tita Titania. "Steve, please."
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya ng malapitan. Tanging pangalan niya lang ang alam ko noon dahil nasa America siya noon.
"Yummie, anong ibig mong sabihin? Sunny? Perez?"
"Pa, alam kong mahirap paniwalaan pero si Mamita ang matagal ng hinahanap ng kaibigan ko... Siya si Sunny Perez," hinila niya ang aking kamay at pinakita ako kay Tito Steve. "Ang ina ni Elena."
Gulat na napatingin sa akin si Tita Titania ngunit napansin namin ang pag-iling ni Tito Steve at tinalikuran kami. Agad namang hinabol ni Tita Titania si Tito na tila ba hindi niya nakilala nag mukha ng anak niya. Mabuti na lamang at ako ang narito, hindi ang totoong Elena. Tama ba 'to? Tama ba ang desisyon ko? Napaka malapit ako kay Tito Steve, sa ginagawa ko ay parang sinisira ko ang pamilya nila.
"Sunny."
Napatigil siya sa paglalakad ng tawagin siya ni sir Elandro. Anong ginagawa ni sir Elandro dito? Bakas sa mukha nito ang pangungulila. Parang naistatwa si Tita Titania. Walang nag-salita matapos siyang tawagin ni Sir Elandro tila ba lahat ay nakikiramdam.
"Sunny, I won't expect you to forgive me but I still want to apologize," panimula ni ma'am Diane. "I'm sorry for only giving you hardship and pain. I'm sorry for hurting you and your daughter. Elandro has nothing to do with it."
Hindi pa rin lumilingon si Tita Titania sa amin.
"It's too late for that, hindi ko alam kung kaya kong patawarin ka ngayon. At may pamilya na ako ngayon, masaya na ako at mahal na mahal ako ni Steve at ganoon rin ako sa kanya," ani niya.
"Elandro tried to search for you but I was on the way," malakas na wika ni Ma'am Diane. "So please, please give my son a chance."
Nagulat kaming lahat ng biglang hawakan ni ma'am Diane ang kamay ni Tita Titania at lumuhod. Marahas na lumingon si Tita Titania at hinila patayo si Ma'am Diane.
"Ano bang ginagawa mo at ginugulo mo na naman ang buhay ko?! Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap mo sa akin no?! Hindi na ako ang dating Sunny, ibinaon ko na ang lahat sa limot!" Umiiyak na sumbat ni Tita Titania. "Tumayo ka at kahit anong gawin mo ay huli na ang ang lahat. Wala na kaming dapat pag-usapan ni Elandro. Kalimotan niyo na na nakilala niyo ako."
Biglang lumapit si Yummie sa kanya at lahat kami ay nagulantang sa ginawa niya. Rumaragasa ang mga luha sa kanyang mata.
"Have you no shame?!" Galit na sigaw ni Yummie. "Nagsinungaling ka sa amin, sa akin, kay Papa. Paano mo nagawang sabihin ang mga katagang iyan?! At sa harap pa ng anak mo?!"
Pumagitna ako sa kanila at pinakalma si Yummie. Alam kong nasasaktan siya ngayon. Ang pinaka ayaw niya ay ang may masaktan na iba na damay siya na wala naman siyang alam. Humarap ako kay Tita Titania.
"Magpasalamat nalang tayo at hindi si Elena ang nakarinig nito," kalmado kong sambit.
Matagal niyang hinintay si Tita Titania at alam kong lubos siyang masasaktan kung maririning niya lahat ito kahit pa na ipakita niyang wala siyang pakealam. Wala talagang perpekto sa mundo.
"Sa maniwala ka man o hindi, hindi ako ang tunay na Elena. Nang dahil sa isang hiling, sa 'di malamang dahilan ay nagkapalit kami. Ako ang tunay na May Gonzalez," pagpapaliwanag ko. "At hanggang ngayon ay hinihintay ka pa rin ni Elena."
Sunod sunod na tumulo ang mga luha ni Tita Titania. Siya ang ina ni Elena kaya alam kong siya ang mas nakakakilala sa kanya. Umiwas ng tingin si Tita Titania
"Papa, hayaan na natin sila. Ipapaliwanag ko ang lahat sa'yo," wika ni Yummie kay Tito Steve.
Hinila ni Yummie si Tito Steve papasok sa bahay nila. Susunod sana si Tita Titania ng pigilan siya ni Luke.
"Hanggang kailan mo siya paghihintayin? I have been with Elena and witnessed her struggles and pain. Please, she at least deserves an explanation," pagmamakaawa niya. "I'm sorry but all I want is Elena's happiness. She has been waiting for you since the day you promised to come back."
"Kung totoo man 'yan ay hindi ko siyang kayang harapin," malungkot na sambit ni Tita Titania. "Sabihin niyo na lang na patay na ako. Wala akong karapatang makita siya."
"Tita, na sa katawan ko si Elena at may malubha akong sakit," wika ko. Nanlaki ang kanyang mga mata tila ba may impormasyon na hindi niya maproseso. "At sa tingin ko ay maibabalik lang ang lahat sa dati kung maayos ang pamilya niyo. Upang makabalik siya ay ito lang ang paraan dahil dito nagsimula ang lahat. Ito ang ugat ng kahilingan niya."
Sigurado akong mahirap para sa'yo ang harapin si Elena kung hindi mo kayang pakawalan ang nakaraan na bumabagabag sa'yo ngunit bilang nalang ang oras ko para maitama ito lahat.
"Lahat kayo ay bihag ng nakaraan. In order to move on, kailangan niyong mag-usap para magkalinawan. Kailangan niyong bitawan ang mga masasasamang alaala at upang magawa iyon ay kailangan niyong pag-usapan ang lahat. Hindi lang para sa ikatatahimik ng puso niyo kung hindi para din kay Winter, Misty at Elena," pagpapatuloy ko.
Ito lang ang tanging paraan na alam ko para masuklian si Elena. Sa lahat ng pagkakamali ko, ito lang ang alam kong paraan para maitama ko ang lahat. Oras na para suklian ko ang ligaya na ibinigay mo sa akin Elena.
"I know some feelings just doesn't fade in time," malungkot na wika ni Tito Steve ng lumabas siya sa kanilang bahay
"No, Steve. Makinig ka—"
"Hindi ka magrereact ng ganyan kung talagang wala ka ng nararamdaman sa kanya," putol naman ni Tito Steve.
"Steve, maniwala ka. Ikaw ang mahal ko," nagsusumamong wika ni Tita Titania habang umiiling.
"I understand, they are doing everything for this Elena. Even my daughter, Yummie talked about it with me. Titania, no, Sunny. In order for us to move forward kailangan mong kausapin ang una mong pamilya then after that tayo naman ang mag-uusap," sagot ni Tito Steve.
Walang nagawa si Tita Titania kung hindi ang pumayag. Mabait si Tito Steve pero oras na makapagdesisyon siya sa isang bagay ay paninindigan niya ito hanggang sa huli. Bago tuloyang umalis si Tita Titania ay hinawakan ni Tito Steve ang kamay niya.
"I'm letting you go now pero sana ako pa rin ang piliin mo. I pray that you'll come back to my arms," sambit niya bago binitawan si Tita Titania. "But I'll understand kung 'di ako ang pipiliin mo. Always remember, all I want is you to be happy, if he can make you happier. I'll let you go. Ayokong balikan mo lang ako just because you're guilty. No matter what, I'll still love you Titania, Sunny or whatever your identity would be. You are my one and only Titania."
Hinalikan ni Tito ang noo ni Tita Titania at kasabay noon ay ang pagtak ng mga luha sa kanilang mga mata. Gusto kong mabuo muli ang pamilya ni Elena pero ang makita ang eksenang ito ay napaka sakit. Nakakahanga talaga si Tito Steve dahil inuuna niya ang kaligayahan ng mahal nya, kabaliktaran sa aking mga naging desisyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top