CHAPTER 62

Elena's POV (May)

Hinalikan ako ni Luke sa noo at nginitian. "I'll be seeing you again tomorrow babe."

Limang araw na simula ng mag-usap kami ni Elena. At sa limang araw na 'yon ay naging sweet at malambing si Luke sa akin. Mas sweet siya kaysa dati pero sa di malamang dahilan, nararamdaman ko na nagpapanggap lang siya. Nasasaktan akong makita siya paminsan-minsan na nakatitig sa kawalan na may nakasulat na lungkot sa kanyang magandang mukha. Ano ang maaari kong gawin upang maalis ang kalungkutan na iyan, Luke?

"I lov—"

Pinutol ko ang susunod na sasabihin niya sa akin. Umiling ako, ayokong pilitin mo ang sarili mo na sabihin ang mga katagang alam nating dalawa na hindi totoo.

"Handa akong maghintay Luke," mapakla kong ani.

Nginitian niya lang ako at sumakay na sa sasakyan nya. Pinanood kong umalis palayo si Luke bago napagdesisyonang pumasok sa bahay.

"May..."

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakitang nakatayo si Yummie suot ang simpleng gray na slacks at pares ang isang itim na sneakers at puting tee. Bago ko pa natanong ang katanungan sa aking isipan ay sinagot niya na ako.

"Alam ko na ang lahat," madilim ang kanyang mga ekspresyon.

Alam niya na? Sinabi ba ni Miss Elena ang totoo sa kanya? Nagtatampo ba siya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo? Napabuntong hininga ako at nginitian sya.

"Pumasok ka muna sa loob," sambit ko sabay lakad patungo sa mansyon. "Namiss kita Yum."

Napakunot ang noo ko ng mapansing hindi siya sumunod sa akin kaya agad namana kong naglakad patungo sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at muli siyang nginitian. Ito na ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Sa wakas ay makakasama ko na ulit ang best friend ko! Hindi ko na kailangan siyang panoorin sa malayo.

"Nagtatampo ka ba Yum? Hindi ko naman planong itago 'to sa'yo pero alam mo—"

"Mag-usap tayo, May," seryoso niyang sambit.

Ngayong alam nya na ang lahat ay parang nabawasan ang mabigat na nararamdaman ko. Matalik kong kaibigan si Yummie at mahirap sa akin ang mapalayo sa kanya. Naiintindihan ko naman kung nagtatampo siya sa akin, sino ba namang hindi? Pero ngayon ang unang pagkakataon mula sa mahabang panahon na magkakasama ulit kami.

"May, tulungan mo akong tulungan si Elena," ani niya. "Nailigtas ka niya noon at pagkakataon mo ng masuklian ang utang na loob mo sa kanya."

Nagsalubong ang kilay ko, anong ibig nyang sabihin? Hindi niya ba ako binalikan dahil alam niyang akoa ng tunay niyang best friend? Si Miss Elena lang ba talaga ang ipinunta niya rito? Ano bang iniisip ko? Baka na-overwhelm lang din siya?

Hinawakan ko ang kamay niya. "Ang dami kong ikekwento sa'yo. Ang tagal nating hindi nakapag-usap."

"Kausapin mo si Luke, kausapin mo siyang buma—"

Hindi ko sya hinayaang ituloy ang sasabihin niya. Hindi, ayoko. Ayoko marinig mula sa best friend ko ang mga salitang iyon. Isa pa, malakas si Elena. Ano man ang pinagdadaanan niya, alam kong malalagpasan nya ito. Siya mismo ang nagsabi na mabuhay na ako sa katauhan niya. Ano pa bang magagawa ko?

"Patawarin mo ako at hindi ko nasabi sa'yo agad ang totoo," pag-iiba ko ng usapan. "Hindi ko kasi alam kung maniniwala ka ba. Pero Yum, ito na talaga. Natupad na ang pangarap ko," masaya kong sambit.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti pero nabigo ako ng walang pagbabago ang ekspresyon niya.

"May pagkakataon ka pang itama ang pagkakamali mo, hiling ko ang kaligayahan mo May," mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at napansin ko ang pahlambot ng kanyang mga titig. Sabi ko na eh, maiintindihan ako ni Yum. "Pero hindi sa ganitong paraan."

Naglaho ang mga ngiti sa labi ko sa sunod niyang sinambit. Ano bang mali na maging masaya ako? Wala naman akong magagawa na eh. Huminga ako ng malalim. Sinubukan ko naman pero anong magagawa ko kung si Elena na mismo ang sumuko? Si Elena na mismo ang humiling na patuloy kong mahalin si Luke. Kung sila mismo ang sumuko, wala na akong magawa kung hindi gawin ang nais nila.

"Sinubukan ko naman Yum, sinubukan kong itama lahat pero sila na mismo ang humiling na ipagpatuloy 'to," pagpapaliwanag ko.

Nakipagsukatan ako ng tingin kay Yummie. Ikaw ang pinaka matalik kong kaibigan Yummie at alam kong maiintindihan mo ako. Naniniwala ako sa'yo. Ngunit hindi ko maintindihan ang mga titig niya,

"Masaya ka ba talaga?" Makahulogang tanong ni Yummie.

Walang lumabas na salita sa akin. Hindi ko alam. Masaya naman ako, masaya ako at kapiling ko ang lalaking mahal na mahal ko pero bakit ayaw lumabas ng mga salitang ito sa aking bibig? Masaya naman ako at 'di ko na kailangan magpanggap dahil nakuha ko din ang permiso ni Elena, hindi ko na masasabing inagaw ko sa kanya si Luke. Siya mismo ang nagbigay sa akin, nagmahal lang ako at ito na ang pagkakataon kong maging tapat sa totoong nararamdaman ko.

"Kaya mo bang maging masaya habang may ibang taong nasasaktan dahil sa kaligayahan mo?" Naiiyak na sumbat ni Yummie sa akin.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako sinusumbatan. Tinanggap ko naman na may mali ako ah. Bakit tila tinutulok niya lahat ng pagkakamali sa akin?

"Sa bago kong buhay, natutunan kong kapalit ng kaligayahan mo ay 'di maiiwasang may masaktan. Kasi Yum, pag nagmahal ka, maaring masaktan ka at may masasaktan at masasaktan pa rin. At sana maging masaya ka para sa akin. Mahal na mahal ko si Luke, Yum," paliwanag ko

"Pero hindi ikaw ang mahal niya."

Naikuyom ko ang kamao ko. Alam ko naman pero masakit pa rin marinig ng katotohanan. Pero handa akong magpaka tanga para sa pagmamahal ko kay Luke. Hiniling din iyon ni Elena at sino ako para tanggihan pa iyon? It has been serve in a silver platter for me, mag-iinarte pa ba ako? Wala din naman akong solusyon.

"Alam ko, pero sapat na sa akin na mahalin niya ako kahit pa sa kataohan ng ibang tao. Ganon naman pagmagmahal 'di ba? Magiging tanga ka at handa kang masaktan, makapiling lang ang mahal mo"

Napailing si Yummie sa sagot ko. Bakit Yum? Bakit di mo magawang maging masaya para sa akin?

"Hindi ko alam May, hindi ko magawang maging masaya para sayo. Alam mo ba? Habang ang hiling mo ay maranasan maging si Elena dahil gusto mong makapiling ang lalaking pinapangarao mo ay hiling naman ni Elena na makitang muli ang ina niya kahit pa ang tanging paraan ay hiramin ang katawan mo," pumiyok pa siya sa pagpapaliwanag. Hindi ko naman kasalanan 'yon ha? Ang tanging hiling ko lamang ay mabago ang aking buhay. "Habang masaya ka ay naghihirap si Elena dahil sa sakit na inilihim mo sa akin. Habang masaya ka ay nasasaktan rin ang lalaking mahal mo. Alam mo ba 'yon?"

Hindi ko napigilan ang mga luha na tumakas sa aking mga mata. Oo hiniling ko na maranasan ang maging si Elena Perez pero hindi ko kasalanan na sa ganitong sitwasyon kami.

"Bakit ba ako ang sinisi mo sa lahat, Yummie?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Ano bang alam mo Yum? Hindi ko akalaing ikaw pa na matalik kong kaibigan ang manghuhusga sa akin! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko. Inaamin ko sa una, oo. Pinagsamantalahan ko ang pagkakataon pero sinubukan kong itama ang lahat kahit na nagmumukha na akong baliw! Masaya na kami ngayon, mahal—"

Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Yummie. Napahawak ako sa namamanhid kong pisngi

"Hindi ka ba nandidiri sa sinabi mo? Kung ito lang ang tanging paraan para magising ka ay sasabihin ko lahat sa iyo kahit pa hindi ito ang gusto mong marinig galing sa akin," ani niya. "Ipinagpapalit mo ang katotohanan sa pansamantalang kaligayahan."

"Kahit pansamantala lang, gusto ko maranasang maging masaya sa piling ng mahal ko"

Napailing si Yummie at tumitig sa aking mga mata. "Hindi na ikaw ang best friend ko. Kung hindi mo kayang gawin ay ako na mismo ang kakausap kay sir Luke. Ako na ang gagawa ng paraan."

Napakapit ako sa kamay nya.

"Please, 'wag mong gawin 'to," pagmamakaawa ko.

Iwinakli nya ang kamay ko at malamig na tumingin sa akin

"You lost yourself in loving a man who could never be yours," bakas sa kanyang tinig ang pagkadismaya.

"Mali ka Yum, natagpuan ko ang sarili ko nang makilala ko siya."

Hindi na siya muling umimik at tinalikuran niya ako sabay naglakad palayo. Wala sa sarili akong lumabas ng mansyon at pumara ng masasakyan. Ang tanging alam ko ay gusto kong makita si Luke. Kailangan kong humugot ng lakas sa kanya.

Nakarating ako sa apartment niya at binuksan ang pinto. Kakatok na sana ako sa kwarto niya ng makita kong hawak hawak nya ang litrato nila ni Elena at tahimik na humihikbi. Napahawak ako sa dibdib ko. Tuwing magkasama kami ay parati syang nakangiti pero sa likod pala nito ay labis na kalungkotan ang nararamdaman niya. Hindi ko ata kayang tuparin ang hiling mo Elena. Hindi ko kayang makita siyang ganito.

"Mahal na mahal kita Luke," bulong ko bago isinara ang pinto at pinunasan ang luha sa aking mukha.

________________________________________________________

Updating because it's mah birthday yay! HAHAHA birthday gift to all readers of Crossover. Happy Twenteen years for me :) Votes and a comment for  birthday gift nyo naman sa kin oh :3 09.20.17

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top