CHAPTER 59

Elena's POV (May)

Panoorin mo May, panoorin mo ang lungkot sa mata ng lalaking mahal mo habang papalayo sa kanya ang babaeng tanging minamahal niya. 'Wag mong kakalimutan ang eksenang ito, ang eksena kung saan nasira mo ang dalawang taong nagmamahalan. Ito ang resulta ng pagiging makasarili mo, ito ang resulta ng pagpapanggap mo at 'di pagsabi ng katotohanan sa simula.

Ito ang resulta ng kasinungalingan mo. Panoorin mo at hayaang madurog ang puso mo habang nakikita ang lalaking mahal mong umiiyak at 'di mo mapunasan ang mga luha sa kanyang mga mata sapagkat ikaw ang dahilan nito. Kahit pa ilang beses akong humingi ng tawad ay alam kong kalian may 'di magiging sapat 'yon. Patawarin mo ako Elena, alam kong naging mahirap sa'yo ang desisyon. Pinanood kong naglakad papalayo si Luke.

Wala na atang mas sasakit pa sa makita ang lalaking mahal mong nasasaktan dahil sa'yo. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayong nakatulala sa aking kintatayuan, nagsimula na akong maglakad. 'Di ko alam kun san patungo. Muli kong naalala ang sumagi sa aking isipan kanina.

Isang mapaklang halakhak ang naibigay ko sa aking sarili. Hindi na ako magugulat na kung may makakaalam sa estoryang ito ay tawagin akong makapal ang mukha, ilusyonada, panira ng relasyon o ano pa diyan. Elena,patawad. Patawarinmo ako. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Luke. Kung sinabi ko lang ang totoo noon pa man ay di na magiging ganito ka komplikado ang buhay niyong dalawa.

"ARE YOU MAD?!"

Napakurap na lamang ako ng mabilis at nagulat ako ng makita ang galit na galit na mukha ni Misty. Hawak-hawak niya ang braso ko. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ang sarili sa gitna ng kalsada. Galit na busina galing sa sasakyan na malapit sa amin ang una kong napansin. Hindi ko man lang namalayan kung nasaan na ako.

"We're going home Elena," seryoso niyang sambit saka hinila ako palayo. Ito ang unang ppagkakatan na may makia akong galit sa mga mata ni Misty. Madalas ay pilyo lamang siya at mappag-asar. "I don't know what's going with you and Luke but suicide is never an answer Elena. You're smarter than that."

Wala naman akong balak magpakamatay. Wala akong karapatan na kitilin ang buhay na hiram ko lamang. At isa pa... suicide, depression at ano pang ibang mental illness ay hindi nababase sa katalinohan ng isang tao. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at napahagulgol na ako. Wala naman akong balak magpakamatay eh, hindi ko lang talaga alam anong gagawin ko.

Gulong gulo na ako. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Misty. Nagmahal lang naman ako. Patawarin mo ako Elena, patawad Luke. Hindi ko lang napigilan ang sarili kong mahalin ka ng lubusan. Nasa harap ko na ang matagal kong pinapangarap, hindi ko napigilang angkinin ang buhay na hindi akin.

"You certainly still have feelings for him. I'm not sure why you're both torturing each other like way. I'm not sure what's wrong, and I'm not trying to pry, but Elena, I really want you to be happy right now..." Malambing at malumanay na ani ni Misty. "You have done more than enough"

Matapos niyang sabihin ang mga makahulogang saita niya ay tahimik na lamang siyang nag-drive. Makalipas ng ilang oras ay tumigil kami sa tapat ng mansyon ng mga Perez. Biglang bumukas ang pintoan sa tapat ni Misty at bumungad si Winter at Luke.

"We know you're confused and stressed out especially with this kid being a brat to you," turo ni Misty kay Winter. "You don't have to worry about Winter, please Elena. This is the last thing I could do for you and Luke."

Napasalubong ang kilay ko. Nagugulohan pa sa anong nangyayari.

"Hindi, walang kinalaman si Winter dito. Maniwala kayo, maniwalaka Luke totoo lahat ng sinabi ko sa'yo, ako si Ma—"

"It's useless. People would naturally deny something they do not want to accept. They would rather choose to believe the lie that is much easier to believe. No matter how much you struggle some truth will just be buried alive. A lie often told will eventually become the truth. You have lied too much and it's too late now" walang emosyong sambit ni Winter

"Winter apologize to Elena now," striktong utos ni Misty. "Don't make me repeat myself Winter."

"Does my opinion doesn't matter to you now?" galit na sambit ni Winter, bakas sa kanyang mga mata ang pamumuo ng luha. "I'm telling you she is not Elena!"

"You don't know what you're saying, Winter." malumanay na sambit ni Misty saka bumuntong hininga. "You hate being called a kid but you're acting like one, now."

"Why can't you understand?! Accept it! Why are you not believing me now Misty? She is not Elena! It's all her fault why you have to—"

Nagulat ako ng biglang sampalin ni Misty si Winter, nakita ko ang tuloyang pagtulo ng luha ni Winter. Ito ang unang pagkakataong makita kong may bahid ng luha nag kanyang mga mata na lalong nagpakonsensya sa akin.

"Apologize to Elena! NOW!" Puno ng diin na utos ni Misty.

"I will never apologize for speaking up for the truth that you all refuse to acknowledge!" sigaw ni Winter saka tumakbo palayo.

"Winter! Come back here!"

Hinawakan ko ang kamay ni Misty ng tangkang habulin niya si Winter. Sigurado akong lalo lamang silang mag-aaway kung susundan niya ito. Sa ilang buwan kong pananatili kasama sila ay isa ang sigurado ako... parehas silang mapilit at ipaglalaban kung ano man ang pinaniniwalaan nila.

"Ako na, ako na ang kakausap sa kanya," sambit ko pero hinawakan ni Misty ang kamay ko at umiling.

"No, you and Luke talk. You both need it," ngiti niya sa akin saka naglakad palayo.

Tulala ko lamang sinundan ng tingin ang papalayong Misty.

"I'm sorry for kissing May Gonzales. I understand if you'll hate me, I won't blame you. I realize I was a jerk, but hearing all of that simply made me feel...." simula ni Luke na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Agad akong lumingon sa kanya at umiling. "Luke, wala kang dapat ihingi ng patawad ka—"

"You almost fooled me Elena. Alam kong ginawa mo lang 'yon para kay Winter. At naiintindihan kong hindi pa rin bumabalik ang alaala mo," malambing niyang tugon. Kunot noo kong sinalubong ang kanyang mga titig. Anong ibig niyang sabihin? "You're just confused Elena, I know. I understand, with your grandma pressuring you, the company, the accident, Chase and May, yes I understand. I know it's hard for you."

"Luke, making ka. Makinig ka sa akin. Maniwala ka—" naputol muli ang sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ni Luke.

"I need to apologize to May," sambit niya tila pinipigilan akong magsalita. "She was right, I was using her to make you jealous. I was using her. I was just using her so I need to apologize."

Base sa tono ng kanyang tinig ay tila sarili niya ang kausap niya. Parang pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili.

"Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka sa akin Luke?" nanglulumo kong tanong. "Akala ko—"

"Do you love me?" seryoso niyang tanong sa akin. "I don't need explanation, excuses or whatnot. I only need you to answer me yes or no."

Tumango ako bilang sagot. Sa lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa akin ngayon, ito lang ang alam kong totoo, ito lang ang isang bagay na hinding hindi ko kayang magsinungaling. Ito lang ang totoo sa akin, ito lang ang totoo sa pagkatao kong binuong kasinungalingan. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti.

"Iyan lang ang isipin mo Elena, 'yan lang importante ngayon, mahal na mahal kita at mahal mo ako, 'yan lang ang mahalaga," hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang malambot niyang kamay. "You don't have to think of anything. May reminded me of you but there's really no one else but you. There's only one Elena in my heart, I don't care if you can't remember anything, I will treasure the present."

"Pero hindi nga ako si Elena, Luke," naiiyak kong sambit.

"Let us not live in the past anymore... let's think of what is now, what is with today. You don't have to worry about the past, the present is more important to me now. I will love you no matter what Elena. I will love everything about you, the old you..." pinasadahan niya ako ng tingin. "And even the new you."

Hindi ko na pigilan ang mga luha ko. Pwede ba ako maging maramot muli kahit sandali lang? Pwede ko bang angkinin muli ang lalaking ito kahit saglit lang? Kahit isang buwan lang o isang lingo o isang araw o isang oras o isang segundo o kahit isang sandali lang?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top