CHAPTER 57
Elena's POV (May)
Kinakabahan akong sumusulyap sa relo ko. Ngayon ang araw na magkikita kami ni Miss Elena. 3 pm ang usapan namin pero maaga akong pumunta sa Moon Café. Eksaktong alas tres ay iniluwa ng pinto si Miss Elena. Suot niya ay isang simpleng puting slip-on sneaker, isang plaid shirt, at puting jeans na bagay na bagay sa kanya. Hindi ko naisip na nakikita ko ang aking sarili na ganito kaganda sa simpleng kasuotan.
Agad akong tumayo para salubungin siya
"M-miss Elena," awkward kong bati.
"Just call me May. It'll be less confusing that way," sambit niya saka umupo.
Lumapit naman sa amin ang waiter at ibinigay ang menu.
"I'll just have a black coffee," sambit ni Miss Elena na hindi na nag-abalang tingnan ang menu.
"V-Vanilla frappe lang akin," nauutal kong dagdag.
Sarili kong mukha nag nakikita ko ngunit ang presensya ng isang Elena Perez ay talagang hindi mapagkakaila kaht pa na na sa kataohan ko siya. Hinintay namin ang order bago nagsimulang mag-usap.
"Talk," utos ni Miss Elena.
"Hindi ko alam kung paano o bakit pero nagkapalit tayo ng katawan," nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay na tila ba iniisip na nababaliw na ako. "Maniwala ka sa akin, sigurado akong nagkapalit tayo."
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin kaya. Nakakasakal ang katahimikang ito. Ramdam ko ang matalas na pagtitig sa akin ni Miss Elena.
Humigop siya sa kape niya bago nagsalita, "Frankly, hindi ako naniniwala sa inyo. I don't know what you and Luke is after but if this is one of your games, stop. You can't win against me."
Mukha ngang wala akong ibang masasabi pa. Tantya ko sa kanyang mga ekspresyon na kahit ano pa ang sabihin ko ay hindi siya maniniwala sa akin. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Masasabi ko sa'yo ang katotohanan pero hindi kita pilit na mapapaniwala," sagot ko. Ramdam ko ang pinaghalong kaba at determinasyon na nabubuo sa aking dibdib. "Pero pareho nating alam ang totoo. 'Wag ka ng mag bulag-bulagan pa."
Nakita ko ang pag-ukit ng isang maliit na ngiti sa kanyang labi, "For a whole six months, you didn't say anything, why now? What are you really after?"
Ramdam ko na sinusubok lang niya ako. All I have to do is to be honest 'di ba? Lalo akong nakaramdam ng konsensya sa mga tanong niya. Oo, inabot ako ng anim na buwan bago magsalita at sabihin ang katotohanan. Umabot pa ng mahabang panahon at tumpok ng mga pagkakamali pero hindi pa naman huli para itama ang pagkakamali ko hindi ba?
"Kasi alam kong mali na. Marami na akong buhay na nasira dahil sa pagtatago ko sa katotohanan," pag-amin ko. Ni hindi ko mapatawad ang aking sarili na inabot ako ng ganito katagal. Nabulag ako sa kasakiman ko. "Sa totoo lang... Nang magising ako ay muntik na akong mapaniwala na ako nga si Elena pero noong nagkita tayo... doon ko napatunayan na totoo ang unang hinala ko," sinalubong ko ang kanyang mga mata. "Noong gabi na nalasing ka at nag-drive sa rumaragasang ulan... ako ang nabanga mo noon at tiyak akong doon nagsimula ang lahat."
Salubong ang kilay ni May at matamang nakatitig sa akin, "I don't know if you're just a good liar or what. But let's straight up the facts here, we are not in a children's story, okay? You and I both got into an accident and I lose my memory as May Gonzales. And because you were there when I had the accident I claimed to be you—"
"Dahil sa aksidenteng iyon ay nagkapalit ang kaluluwa natin," putol ko sa kanya.
Matagal siyang tumitig sa akin saka biglang humalakhak ng malakas. Pinunasan niya ang nangingilid na luha sa kanyang mata.
"Wait, is this some fantasy movie? Are we in a film?" mapang-asar niyang sambit habang inilibot ang mata sa paligid na tila naghahanap ng hidden camera.
Hindi ako nagsalita at tumitig lamang sa kanya. Kailangan kong ipakita sa kanya na seryoso ako. Kailangan ko siyang mapaniwala. Hindi ito ang panahon para matakot ako sa kanya. Nang mapansin niya na wala akong reaksyon ay tumigil siya sa pagtawa.
"I'm sorry," sambit niya at uminom ng kape niya. "You were just hilarious, I can't help laughing. Kaya pala napaniwala mo si Luke, you are such a great actress."
"Wala kang maaalala na alaala tungkol kay May dahil hindi ka si May. Ako ang totoong May Gonzales," pagpupumilit ko.
Dahil sa sinabi ko ay napatitig siya sa akin. Hindi siya umimik at seryosong tumingin lamang sa akin.
"So, what now? Are you unhappy with being Elena Perez kaya andito ako? Will you demand me to let me give your body back? Unfortunately I can't," sarkastik na tugon ni May.
"Bakit ako magiging malungkot kung ako si Elena Perez? Perpekto na ang buhay niya, may pamilya siya, may lalaking nagmamahal sa kanya, na sa kanya na ang lahat ng pangarap ko," nabasag ang boses ko kasabay ng pagpatak ng luha sa pisngi ko. "Ikaw ang lahat ng gusto kong maging."
"Iyon naman pala eh," nagulat ako sa pagbago ng ekspresyon ni Miss Elena. "Then why are you making things complicated?"
"Kasi hindi tama na magpanggap ako na si Elena at ikaw namay nagdurusa bilang si May," pagrarason ko.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at nag-cross arms. Inirapan niya ako at binigyan ako ng 'ang-bobo-mo-talaga' look kung mayroon ba noon pero feeling ko 'yon ang pinapahiwatig ng titig niya.
"May Gonzales did not have an unlucky existence. It's not because I'm May Gonzales that I'm miserable," You think being May Gonzales brings misfortune because you are weak and that is the reason why your life is miserable."
Para akong sinampal ng paulit ulit dahil sa sinabi ni May sa akin pero ano bang alam niya sa buhay ko? Hindi man nila naiintindihan pero sinubukan ko naman talaga. Every day, I battle to get out of bed, and every night, I struggle to fight the heavy overthinking train.
"Sa palagay mo ba ang pagpapawalang-bisa sa aking damdamin ay tama ka na? Araw-araw akong nagpupumilit na mahanap ang aking kapayapaan pero... Siguro nga..." sinalubong ko ang kanyang mga mata. Minsan, gusto kong mabuhay ang iba sa loob ng utak ko. Maramdaman ang nararamdaman ko, siguro. Maiintindihan nila kung bakit ako ganito. "Siguro nga tama ka. Miserable ako sapagkat mahina ako ngunit hindi ibig sabihin noon ay may karapatan ka ng maliitin ang nararamdaman ko at isa pa hindi iyan ang punto rito. Andito tayo para pag-usapan ang katotohanang pilit mong tinatanggi."
"Then? Are you happy now?" Napansin ko ang pagtaan ng kanyang kanang kilay. "May nagawa ba ang pagsabi mo sa akin at kay Luke? It's not like I really believe you but you just made things complicated. You just made it complicated for you, for me, and for Luke. By doing that, sinaktan mo si Luke. Akala ko ba mahal mo siya? You don't hurt people you love."
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Lahat nalang ba ng gagawin ko ay mali? Gusto ko lang naman maging masaya nag lalaking mahal ko eh. Nagmahal lang naman ako at alam kong iyon ang pinaka malaking kasalanan ko. Nakagawa ako ng isang kakila-kilabot na pagkakamali at nasasakal ako rito pero alam kong wala akong karapatang magreklamo.
"Alam mo... ang swerte mo Miss Elena," ani ko habang ngumingiti ng mapakla. "Kahit na isa ka nalang May Gonzales ngayon, kilala ka pa rin ng lalaking mahal mo. Kahit na ako na si Elena Perez ngayon, ikaw pa rin ang hinahanap niya, ikaw pa rin ang mahal niya at kahit anong gawin ko ay ikaw pa rin at wala akong laban doon. Alam kong nahihirapan siya at nalilito kaya sinabi ko sa kanya ang totoo.
Ang mayroon kayong dalawa ay isang pag-ibig na hinding-hindi ko maikukumpara. Kayo ang true love ng isa't isa."
Ibinagsak niya ang kamay niya sa lamesa. "I've heard enough."
"Balikan mo si Luke," Agad akong tumayo at nagmamakaawang hinawakan ang kanyang kamay. "Kahit na puros pagkakamali lang ang nagawa ko simula ng mangyari to ay hinihiling ko na magawa man lang ang tama para sa lalaking mahal ko. Gusto ko lang na maging masaya siya at habang nasa ganito tayong sitwasyon ay di siya magiging masaya. Kailangan ka niya, ikaw ang kaligayahan niya."
Kinuha niya ang bag niya at akmang tatayo ng pigilan ko siya.
Mariin siyang napapikit sa mata niya bagong tinuon ang atensyon sa akin. "Let's just say, if what your saying is true—"
"Hindi if," buong diin kong tugon. "Kasi totoo talaga 'to. Alam kong mahirap tanggapin pero ito ang totoo. Tulongan mo akong ibalik ang lahat sa dati."
Inirapan niya ako at isinuot ang shoulder bag niya. Hindi ko talaga mahulaan ang iniisip niya. Ano ba ang susunod na plano namin?
"Stay with him," gulat na napatitig ako sa kanya sa sinabi niya. "Stay with Luke. Don't let him go. Love him with all your heart. Make him happy... happier than he ever was with me."
"Hindi ko maintindihan," sagot ko. Anong ibig niyang sabihin?
"The past... Let's stop talking about it, you are Elena Perez now and I am May Gonzales," nakangiti niyang wika. Ayaw niya ba mabalik ang dati sa lahat? "Let's not live in the past, it's time we both break free from being a prisoner of the past. Let's live in the present. Walang kasiguradohan na mababalik pa tayo sa dati. Only God knows so.. the present is more important now. We can't do anything about it but just live our lives."
"Mahal na mahal ka ni Luke. Handa ka ba talagang gawin 'to? Tulad ng sabi mo hindi tayo sigurado kung mababalik pa bas a dati ang lahat, ginagawa mo ba ito dahil na sa katawan ka ni May Gonzales? Dahil ako, ikaw?" tanong ko.
"This has nothing to do with being May Gonzales. This is just the most plausible option we could choose."
"Pero mahal ka niya."
"Minsan hindi sapat na mahal nyo ang isa't isa para maging kayo," sagot niya. "Well, said Tita Titania but I guess that's true."
"Still, thank you for telling me all this," sambit niya bago tuluyang umalis. "I can finally understand the memories... myself."
Tulala akong napatitig sa upuan niya. Tumatak sa aking isipin ang bawat salita na lumabas kay May. Panahon na nga ba? Pwede ba talaga akong maging makasarili? Ginawa ko na lahat ng makakaya ko, inamin ko na ang katotohanan. Dapat na nga bang kalimotan na namin ang nakaraan? Tama ba talagang mamuhay ako bilang Elena Perez?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top