CHAPTER 50

Elena's POV (May)

Alam kong pag may makakaalam ng estoryang ito ay magagalit at kakamuhian ako kahit pa sabihin kong nagsisi ako. Naging makasarili ako at niloko hindi lang ang mga tao sa paligid ko, kung hindi pati sarili ko. Sana simula ng mapagtanto ko ang katotohanan ay ginawa ko na ito. Kamusta na kaya si Miss Elena, ilang beses kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko tulad noong nahospital siya. At doon ko napatunayan na konektado pa rin kaming dalawa kahit papaano. Sinubukan kong tawagan si Luke pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nakarinig ako ng katok na nagpaputol sa aking iniisip.

"Miss Elena, andiyan na po ang sundo niyo," anunsyo ng aming kasambahay.

Sumakay na ako sa sasakyan. Please Luke, pumunta ka. Ikaw lang ang pag-asa ko. Nang makarating kami sa destinasyon ay agad akong bumaba. Ang pinaka ayaw ni ma'am Diane ay ang paghintayin siya. Nagkasalubong kami ni Chase sa entrance. Siya ba ang sinasabi ni Ma'am Diane? Salubong ang kilay niya at halata mong galit siya pero ganoon pa man ay makikita mo ang kagwapohan sa kanyang mukha, mas nagbibigay pa nga ng maangas na awra. Bad boy kumbaga.

"Walking together side by side, this must be fate!" aliw na sambit ni Ma'am Diane.

"Spare me those bullcrap, just so you know I went here to turn your offer down," walang paligoy ligoy na sambit ni Chase.

"Where are your manners boy? Sit first and take an order, after then we'll talk about that," pormal na utos ni Ma'am Diane.

"I'm going to say this now, I have no plans in associating with your company," walang takot na sagot ni Chase.

Naglakad na palayo si Chase ng mapatigil siya dahil sa sinabi ni Ma'am Diane. Napansin kong ni hindi man lang nag effort mag suot ng pormal si Chase sapagkat isang simpleng v-neck shirt at jeans lamang ang kanyang suot. Hindi nababagay sa restaurant na ito na sumisigaw ng elegante at yaman.

Napansin koa ng pag-ukit ng ngiti sa labi ni Ma'am Diane, "May Gonzales, wasn't it?"

Lumingon si Chase na puno ng pagkamuhi ang mukha.

"Now, do as I told you and I won't do some unnecessary works..." Bakas sa boses ni Ma'am Diane ang pananakot. Ano ang ibig niyang sabihin? Ngunit 'di naman nagpatinag si Chase. "You know what I mean by work."

"Do not lump me in the same category as Elena, I am not afraid of you," puno ng diin na sambit ni Chase.

Muling tumalikod si Chase pero hinarangan siya ng personal na gwardiya ni Ma'am Diane. Wala talagang sinasanto si Ma'am Diane, makakaya talaga kayang suwayin ni Chase si Ma'am Diane?

"I have many men in Tagaytay. I believe you are smart enough to understand, Chase," pagdagdag ni Ma'am Diane. Anong ibig niyang sabihin?

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Chase. Pansin ko rin ang pagtiim baga at pagtalim ng tingin ng mga ito sa akin. Bakas naman sa kanyang mukha na napipilitan lamang siya. Ano kaya ang hawak ni Ma'am Diane sa kanya at napasunod siya nito?

"As expected of my granddaughter's ex-fiancé," magiliw na wika ni Ma'am Diane. Kinuha niya ang menu at binasa ito. "Eight years ago I let you escape on purpose. Do you really think that you can escape from my clutches? Every move I make Chase is calculated... I realized Elena was too young to be involved with men and I needed time for her to nurture but this time is different Chase."

"Then I'll just have to run away from you again and I'll make sure you won't catch me," sagot ni Chase.

"Chase Rodriguez, like your name, you are only good in chasing people away and chasing one good for nothing girl..." Ibinaba ni Ma'am Diane ang hawak na menu at sinalubong ang mga galit na mata ni Chase. "Just one phone call Chase and I could ruin that girl's life."

"I won't let you," matapang na sagot ni Chase.

Muling tumayo si Chase at akmang lalabas nang nakita ko ang pagtawag ni Ma'am Diane sa isang utusan niya kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Chase. Baka mapahamak pa siya ng wala sa oras!

"Hands off Elena," giit niya.

"Please, gawin mo 'to para kay May. Magiging huli na ang lahat bago mo pa siya maabutan. Kilala ko si ma'am Diane at alam kong kaya niyang sirain ang buhay ni May," katwiran ko.

Buti sana kung ako ang naroon pero ang tunay na Elena ang nasa katawan na iyon. Hindi pwedeng may masamang mangyari sa kanya.

"One phone call Chase, you'd be too late and it's game over for that girl"

Padabog na umupo si Chase at kinuha ang menu. Lumingon sa akin si ma'am Diane

"It seems like you failed" nakangiting sambit ni ma'am Diane

Napatitig sa amin si Chase, dumating na ang order at nagsimula na kaming kumain.

"It's unusual for you to be pleased that your little Miss Perfect creation failed," pangungutya ni Chase. "You won't show sympathy and compassion to anyone as long as it benefits you, won't you? Not even Elena."

Humalakha lamang si Ma'am Diane na tila mas naaaliw pa sa pangungutya ni Chase, "Nothing less from my future son-in-law."

"And who are you calling your future son-in-law?" Inis na tanong ni Chase.

"There's only three of us inside this room. Who do you think I'm calling my son-in-law Chase?" Sagot naman ni ma'am Diane.

"Maybe that roasted beef you're eating," walang ganang sagot ni Chase. "Sarcastic old hag" bulong niya sa sarili ngunit sapat na para marinig namin.

Dumating ang pagkain na inorder ni Ma'am Diane, "You really didn't change much since I first met you, Chase."

"If I could turn back time, I won't leave my bedroom so I won't ever meet you," inis na singit ni Chase.

"Still the imperfect Mr. Perfect of business industry," ani ni Ma'am Diane.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Chase kay ma'am Diane. Kung nakakamatay ang tingin niya ay nakabulagta na si Ma'am Diane sa sahig. Isang mapainsultong tawa ang ibinigay ni ma'am Diane. Nakakamangha rin ang tapang ni Chase tila ba hindi siya nasisindak sa presensya ni Ma'am Diane— ang babaeng kinakatakutan ng lahat ng Perez.

"Oh, forgive me for my rudeness. I forgot, you tried rebelling to make people stop labeling you and Elena as humanity's perfect business celebrity figure but it just all backfired," mapang-asar na sambit ni Ma'am Diane. "Let's continue the unfinished business we had eight years ago," prangkang sambit ni Ma'am Diane.

Inis na ibinagsak ni Chase ang hawak niyang kutsara. "I have no intention of marrying anyone, and the thought of a Perez joining our household is unfathomable."

Marry? Business? Hindi ba dapat ang mahal mo ang papakasalan mo? Ganito ba talaga ang mayayaman? Hindi mahalaga sa kanila ang damdamin at tanging reputasyon at pera lang ang importante sa kanila? Ngunit ngayon ko lang nakitang ganito si Chase. Iba talaga si Ma'am Diane

"You lack imagination boy. Wouldn't it be interesting to read in the headlines about the perfect business couple's magnificent reunion and engagement celebration, or even the return of the runaway groom from eight years ago? It would undoubtedly be a blockbuster."

"An undoubted disaster if I may say. It would definitely be a nightmare for me," walang kagatol gatol na sagot ni Chase.

"I know you're the source of the false rumor concerning Perez Estate Company's bankruptcy. You deserve praise for that," pinunasan ni Ma'am Diane ang kanyang labi gamit ang panyo. Ni wala man lang akong sabi sa mga nangyayari, wala akong lakas para kalabanin siya o ang desisyon niya. "You had the courage to attack my firm, and you planned an excellent strategy, but Chase, you will need at least a hundred more years to bring the Perez down. You will never be able to defeat us as long as I am present."

"Conceited old hag," bulong ni Chase. "You have no solid evidence for your accusation to me Perez" matapang na sagot ni Chase

"I can make one," puno ng kumpiyansa na sagot ni ma'am Diane

Nagsukatan silang dalawa ng tingin. Mahaba at nakakasakal na katahimikan ang bumalot sa amin. Ramdam na ramdam mo ang tensyon pero sa huli ay si Chase din ang sumuko. Lumingon sa akin si Chase.

"Until when are you going to keep silent, Elena?! Say something to your annoying granny," singhal niya sa akin.

Napadukom na lamang ako. Ano nga ba nag laban ko? Wala akong karapatan kung hindi sumunod. Muling pumasok sa aking isipan ang nanagyari noong nakaraan...

"You might not remember this," ani ni Ma'am Diane. May inabot sa akin na folder si ma'am Diane at doon nakasulat ang isang kontrata. "That's a contract for our discussion before about your so wanted freedom. The terms and agreement are all written there."

Agad kong binasa ito at kunot noong binasa ang bawat pahayag sa sulat.

This letter is a letter of agreement between Elena Perez and Diane Veronica Perez. Now, therefore, it is mutually agreed by both parties as follows:

First, in exchange for having the freedom to choose a man, Elena Perez is only allowed to choose once and if they fail, Elena Perez would allow Diane Veronica Perez to choose the man she should marry.

Second, Elena Perez should maintain the Perez Estate Company on top with no failure and a clean reputation as it should.

Third, Diane Veronica Perez promises to give Misty Perez and Winter Perez their freedom as an agreement made with Elena Perez.

Fourth, Elena Perez should never step inside the Moon Café.

If those conditions aren't met, this agreement would automatically be terminated and Diane Veronica Perez shall have the say to everything as usual.

At doon ko naintindihan na kapalit ng pagmamahal niya kay Luke at sa mga kapatid niya ay ibinenta niya ang kaluluwa niya sa isang tusong walang puso. Sumugal siya dahil may tiwala siya kay Luke at gusto niya maging masaya ang mga kapatid niya pero may isang kondisyon na akong nalabag at ito ang pinaka malaking kasalanan ko kay Elena at kailangan kong gumawa ng paraan.

"I'll give you some chance to discuss the future, but I'll be leaving ahead of you since I have an indispensable meeting," pormal na paalam ni ma'am Diane na halatang masaya.

Lumabas si ma'am Diane at naiwan kaming dalawa ni Chase at limang bodyguard.

"C-Chase. Kailangan nating mag-usap," nauutal kong sambit.

Hindi niya ako pinakinggan at naglakad siya palayo. Hinarangan siya ng mga bodyguard pero mabilis niyang napatumba ang lima. Parang sanay na sanay na siya sa basag ulo.

"Chase, kailangan mo makinig. Hindi si May Gonzales ang mahal mo kung hindi ang katauhan ni Elena Perez, ang totoong Elena Perez na nasa—"

Nagulat ako ng bigla niya ako tinapunan ng isang business card, "Try to consult that psychiatrist. I have no time to hear your delusions. Kailangan ko pang puntahan si May before your evil grandma do something."

Tuloyan ng lumayo si Chase at wala akong nagawa kung hindi tumulala. Paano ko ba dapat ipaliwanag 'to sa kanya, kay Elena at kay Yummie? Gusto ko itama ang lahat ng ito pero paano?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top