CHAPTER 47

Elena's POV (May)

Tumingala ako sa kalangitan habang nababasa ng malamig na tubig ng ulan. Mukha yatang nakikisabay ang langit sa aking dalamhati. Muling pumasok sa aking isipan ang mga huling salita ng aking dating nobyo bago si Sebastian.

"Ha! Sa tingin mo sinong lalaki ba ang magtiyatiyaga sayo? Kung wala kang mabibigay sa akin mas magandang maghiwalay nalang tayo!"

Pang-ilang lalaki na ba si June sa mga naging kasintahan ko na ginamit lang pala ako? Kailan ba ako matuto? Akala ko siya na talaga pero akala ko lang pala iyon. Palagi akong pulutan ng katatawanan sa office. Ngayon naman si Sebastian, akala ko... siya na talaga pero tama pala talaga ako. Hindi talaga kami magtatagal, alam ko simula palang na susuko din siya. Sa lahat ng lalaking akong minahal, siya lamang ang hindi ako ginamit pero mas masakit pa rin pala talaga.

Dalawamput apat na taong gulang na office lady sa Perez Estate Company ako. Walang pamilya o ni maraming kaibigan. Sigurado akong walang magluluksa sa pagkamatay ng isang tulad kong talunan at walang kwenta. Napagdesisyunan kong tapusin nalang ang buhay ko sa karagatan. Sa karagatan kung saan nagsimula ang lahat, doon ko rin tatapusin ang lahat ngunit...

"Gising ka na ba? How do you feel?"

Masyadong nakakasilaw! May... Nagligtas ba sa akin?

"Miss Perez?"

"Miss Elena Perez?"

Ano? Sinong tinatawag niyang Elena Perez? Ang pangalan ko ay May Gonzales!

"You can rest easy. There were no major injuries naman ayon sa tests mo. See? Magandang maganda pa rin ang mukha mo," magiliwing wika ng nurse sa aking tabi sabay abot ng salamin sa akin.

Napatitig ako sa salamin at saka nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan. Agad akong napabangon. Ano 'to? Sino 'to? Ako ba 'to? Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin.

"I'm so glad you're awake Elena! I almost thought that you would leave me! You scared the hell out of me!" Isang makisig at mabangong lalaki ang mahigpit na yumayakap sa akin ngayon.

"T-teka! Nagkakamali kayo! Ang pangalan ko ay May Gonzales. S-sa 'di malamang dahilan ay andito ako sa katawan ng isang estranghero!" Natataranta kong sambit.

Gusto kong mamatay pero hindi ako namatay. Napalingon ako sa bintana at napatitig sa mga ulap. Sinasabi niyo bang kailangan kong mabuhay kahit na sa katawan ng ibang tao? Ano ba talagang nais mong ipagawa sa akin?

"Your memory mix-up is probably an after effect of the accident. Rest comfortably and recover," nakangiting sambit ng isang lalaking nakaputing lab coat.

"I'll inform the family," sambit ng maginoong lalaki sa tabi ko. Bakit napaka pamilyar ng kanyang mukha?

Lumipas ang ilang minuto ay may dumating matandang lalaki at kausap ang maginoong lalaking biglang yumakap sa akin kanina.

"Iyong babaeng nabangga ako? Kamusta siya?" tanong ko

"She's—" naputol ang kung ano mang sasabihin nung binata sa akin dahil nagsalita yung matandang lalaking bagong dating na pumagitna sa amin.

"What are you talking about Anak? Nabangga mo ang poste dahil sa sobrang kalasingan. There were no casualties naman and you don't have to worry about anything kasi naayos ko na. All you have to do is rest and recover," malumanay na saad ng matandang lalaki.

Anak? Pero... hindi siya ang Tatay. Kahit na kinamumuhian ako ni Tatay ay siya lamang ang bukod tanging magiging ama ko sa mundong ito. Kahit na ayaw niya pa sa akin ay kung mabubuhay akong muli, siya pa rin ang gugustohin kong maging Tatay. Hindi hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Hindi ko siya susukoan hanggang sa mapatawad niya ako.

"I know you're quite confuse right now, Miss Perez but gagawin namin ang lahat para mabalik ang alaala mo," sabi ng babaeng nag-abot sa akin ng salamin.

Nabalik ako sa reyalidad matapos ilahad ang aking alaala sa simula ng lahat at tinitigan si Luke na nasa aking harapan ngayon. Dapat noong araw na nakita ko ang totoong Miss Elena ay sinabi ko na agad.

"Kahit na ilang ulit kong sambit na nagkakamali sila ay di nila ako pinakinggan. Lumipas ang panahon at kahit ako ay naniwala na sa sinasabi nila, sa sinasabi niyo," sambit ko.

Naguguluhang tumitig sa akin si Luke. Humjnga ako ng malalim. Mahabang paliwanag ito pero buo na ang aking pasya na itatama ko ang lahat. Muling pumasok sa aking isipan ang unang mga sinabmit sa akin ni Ma'am Diane.

"I don't care if you are May Gonzales or whoever you claim to be. But you are a Perez now. So act like one. I don't want to hear pointless excuses. This is your fate as a Perez," walang emosyon niyang sambit sa akin bago isinara ang pinto at tuloyang umalis.

Malalim akong bumuntong hininga at sinalubong ang mga mata ni Luke, "Halos mabaliw ako Luke. Sa una ay pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na ako nga si Elena Perez pero simula ng magtagpo muli ang landas namin dalawa ay doon ko napagtantong, mali ako, mali kayo. Ako si Elena Perez sa pisikal pero my soul is of May Gonzales."

"W-What are you..." nauutal at nagugulohang tanong ni Luke.

"Ikaw ang una kong sinabihan ng lahat ng ito dahil alam kong ikaw ang totoong makakapagsabi kung kathang isip lang ba lahat ng sinasabi ko o katotohanan ito," mapakla akong ngumiti at iniwas ang aking mga tingin. Parang kinikirot ang aking damdamin ngayon. "Dahil ikaw ang lubos na may kilala sa totoong Elena Perez. Dahil nakita mo na at nakasama ang totoong Elena..."

"This is, this just doesn't make sense!" Frustrayed na sambit ni Luke habang sinasabunutan ang sarili.

"Simula palang ay may gusto na ako sa'yo. Nang maramdaman ko kung paano ka magmahal, kung paano mo mahalin si Elena ay natakot ako. Sa mga oras na 'yon ay tanging naiisip ko lamang ay ayokong mawala ka sa akin. Naging madamot ako at unfair sa inyo ni Elena," muntik ng mabasag ang aking tinig.

Nilapitan ako ni Luke, "But you are Elena."

Umiling lamang ako at binigyan siya ng malungkot na ngiti. Maniwala ka sa akin Luke, maniwala ka sa sinasabi ng puso mo.

Inilahad ko ang aking kamay, "Muli nating simulan ang ating pagpapakilala, Ginoong Javier."

Alam ko, alam kong 'di ako mapapatawad ni sir Luke at handa ako para doon.

"Ako si May Gonzales, pinanganak sa Cagayan De Oro, 24 years old at sa 'di malamang dahilan ay masa katawan ng babaeng mahal mo," pagpapakilala ko sa aking sarili.

"I-impossible," bulong ni Luke sa sarili.

"Sana ay mapatawad niyo pa ako sa panglilinlang ginawa ko," ani ko.

Kung matatawag nga ba itong panglilinlang kung 'di ko din naman alam bakit na sa ganito kaming sitwasyon. Nagulat ako ng biglang mahigpit na hinawakan ni Luke ang magkabilang braso ko.

"Tell me you are just making this up. There's no way this is all true. Are you still half-asleep? You should have a rest—" histerikal na sambit ni Luke pero pinigilan ko siya.

"Luke!" Malakas kong pagkuha ng atensyon niya at puno ng determinasyon na tiningnan siya. "Tumingin ka sa mga mata ko."

Sinalubong ko ng seryosong mga titig ang naguguluhan niyang mga mata. Ito ang unang hakbang ko tungo sa pagbabago kung hindi ko siya makumbinsi ngayon, sino ang makukumbinsi ko? Dito nagsisimula ang lahat.

"Sa buwan na wala ako dito at nakasama mo si May Gonzales, may napansin ka ba sa kanya? Hindi ba't nakikita mo sa kanya si Elena?" Tanong ko

"No, no, no. This is just—" wala sa sariling bulong ni Luke sa sarili niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Makinig ka sa akin Luke. Biktima din ako ng lahat ng ito pero ako..." Napalunok ako bago muling nakuha ang lakas ng loob. "Pinagsamantalahan ko ang kaguluhan at hindi ko pilit na inamin sa iyo ang katotohanan."

"Why? Why tell me now?"

Agad akong nagpaliwanag, "Sumuko ako agad na paniwalain kayo, naging komportable ako sa pagiging isang Elena Perez. Ayokong bumalik sa pagiging May Gonzales. Nakita ko kung gaano katapang si Elena sa katawan ko, naisip kong malakas siya, kaya niya na ang buhay maging May, kaya niyang lumaban. Pero nang magtagal ay napagtanto kong mali ang ginagawa ko. Hindi lang kayo ang niloloko ko pati sarili ko niloloko ko."

Naluluha man ay pinigilang ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Matagal na natulala si Luke ng magtagal ay sinalubong niya ang aking mga tingin.

"Why? How did this happen? You ruined my life! You ruined Elena's life! You ruined us! Anong ginawa mo?! Kasalanan mo 'tong lahat!" Puno ng poot niyang sumbat, tila binabasag ang aking puso sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya.

"Ito ang huling pagkakataon na magkakausap tayo Luke. Tumawag ako sayo noon Luke at sinabi kong ihanda mo ang sarili mo dahil maraming magbabago," sagot ko at piniling hindi sagutin ang mga paratang niya sa akin. I deserved this...

"Do you expect me to believe those bullshits?!" Galit na sigaw sa akin ni Luke.

"At hanggang ngayon ay nakikiusap ako sayong 'wag mo akong iiwan," pagmamakaawa ko. Lumuhod ako sa harap ni Luke, desperado na kung desperado pero hindi ko kaya to ng mag-isa. Kailangan ko siya, kailangan ko si Luke. "Alam kong galit ka sa akin at hindi ko ipagpipilitang patawarin mo ako pero ikaw lang ang makakatulong sa akin."

Nanlalaking matang inalalayan ako patayo ni Luke, "Stop! Stand up! Don't humiliate Elena more than you ever did! Don't use the voice, the face of the woman I love to deceive me!"

Tumayo ako at pinunasan ang mga luhang 'di ko napigilan. "Biktima rin ako dito Luke, sana maintindihan mo yun. Oo pinagsamantalahan ko ang pangyayaring ito pero—"

Napakagat labi ako ng mapagtanto ang mga tingin na ipinupukaw sa akin ni Luke. Galit, galit ang nakikita ko sa mga mata ng lalaking iniibig ko. Kinamumuhian niya ako ng buong puso niya. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang puno ng galit. Pinigilan ko ang mga luha ko at 'di nagtagal ay lumabas si Luke. At nang marinig ko ang pagbagsak ng pinto ay doon lamang tuloyang bumagsak rin ang aking luha. Napahagulgol na lamang ako at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking dalawang kamay.

"Do you believe that if you cry, a man will come to your aid or something? Elena, don't make me laugh!" galit na sigaw ni Ma'am Diane. Kaya napataas ang aking tingin. Ni hindi ko napansin na pumasok pala siya. "You should never rely on anyone, so toughen up! Elena, it is the most fundamental law of life."

Buong buhay ko wala akong ginawa kung hindi umiyak at maawa sa sarili ko. Kailan man ay 'di ako gumawa ng paraan para mabago iyon. Alam kong bilang nalang ang araw ko kaya sumuko ako agad pero iba si Elena. At dahil doon ay nagkaroon ako ng lakas na loob na lumaban at gawin ang tama. Pinanood ko ang paglabas ni Ma'am Diane. Madalas gawin iyon ni Ma'am Diane, papasok lamang siya sa aking silid upang kutyahin ako.

"You just wasted your chance, Elena," napalingon ako kay Misty na nakatayo sa gilid ng aking pinto.

Chance? Anong ibig niyang sabihin? Nagalakad siya patungo sa akin at umupo siya sa tabi ko sabay malalim na humugot ng hininga.

"You know, I've always despised you... that's why me and Winter always play a prank on you. I hated that you are a blank as a doll and let that old hag control and use you. I thought you have no heart but not until I saw you and old hag arguing. It was my second time seeing you full of emotion, the first one was when mom left us. I bet you don't remember the contract you made with old hag but you played a gamble for Luke. It was clear that the old hag has the advantage in that contract but you still agreed at all her conditions. Luke was the first and last guy you could choose on your own," mahabang paliwanag ni Misty.

Contract? Ganoon ba ang mga Perez? Lahat ay parang umiikot sa negosyo? Bakit maraming alam si Misty?

Nakita ko ang lungkot sa mata ni Misty, "You chose to carry all the burden on your own, I know everything Elena even if you didn't want us to know. We respected your decision Elena, that's why we stayed quite but still... we wanted to be close with you because we're sisters, we're family."

Ito ang kauna unahang nakita kong ganito kalungkot ang mga mata ni Misty.

"Forgive me for being an incompetent older sister and thank you," Sambit niya at kasabay noon ay ang pagbuhos ng mga luha sa mata ni Misty.

Matagal pa bago ko tuluyang naintindihan ang mga sinabi ni Misty at nang malaman ko ang kahulugan sa likod ng mga salita niya ay doon ko napagtanto ang malaking kasalanan ko kay Elena at Luke.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top