CHAPTER 40
Elena's POV (May)
Agad akong tumungo sa kwarto ko at dumeretso sa banyo. Matagal kong tinitigan ang sarili ko. Napaka ganda talaga ni Miss Elena at napaka swerte, siguro kung katulad ko siya baka matanggap pa ako ni Tatay pero sa kasamaang palad ay hindi. Matapos kong magbanyo at tumungo na ako sa aking higaan. Pinikit ko ang mga mata ko at napagpasyahang matulog.
"Elena, wake up. You have a suitor I mean a visitor,"
Dinilat ko ang mata ko at nakita ang malapad na ngiti ni Misty.
"Hurry up. He's waiting outside," excited niyang tugon.
Hinila niya ako at kinaladkad papuntang banyo saka tinulak papasok. He's waiting? Lumakas ang pintig ng puso ko. Siya ba? Parang napuno ng kaligayahan ang puso ko nagmadali akong naligo at agad na inayos ang sarili. Mabilis akong pumunta sa ibaba.
"Let's grab fresh air. What do you think? Want to go with me?"
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Umasa na naman ako. Napaka tanga ko talaga at inisip na si Luke ang makakaharap ko. Numiti nalang ako ng pilit at tumango. Maganda din sigurong magpahangin nalang muna ako. Wala sa sarili akong sumakay sa sasakyan niya.
"Shall we go?"
Napalingon ako kay Jake, pinagmasdan ko ang paligid at napagtantong nasa isang park pala kami. Lumabas ako kasama si Jake at nag-ikot ikot sa park. Nabaling ang atensyon ko sa isang batang umiiyak. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nilapitan siya at binuhat.
"What's wrong? Are you lost?" tanong ko
Tumango siya kaya lumingon ako kay Jake. Hindi ko kabisado ang lugar na 'to kaya 'di ko alam kung matutulungan ko itong bata.
"You could play with us while we search for your mom," nakangiting sambit ni Jake
Lumiwanag naman ang mukha ng bata. Kaya naman napangiti ako. Ang saya siguro maging bata, walang problema sa mundo.
"Okay! So for a start, can you tell us your name? I'm Elena and he's Jake," masigla kong tanong sa kanya
"My name is Freya David... I'm six years old," mahina niyang sambit
Pumunta kami sa palaruan at masayang nakipaglaro kay Freya. Simula palang ay mahilig na ako sa mga bata, madalas akong nasa bahay ampunan noon. Para kasing saglit kong nakakalimutan ang mga problema ko pagnakikita ang masasayang tawanan at ngiti ng mga bata.
"I didn't know you were fond of kids," napalingon ako kay Jake. "I mean, I never saw you playing with kids. I just assumed that you wouldn't play with kids since you're always so into your works even during your vacant times"
"Ang ngiti nila napaka inosente, masaya at walang problema. Hindi ba parang mahahawa ka sa kannila pagkasama mo sila?" nakangiti kong sambit
Napagpasyahan naming magpahinga muna at umupo sa bench. Buhat-buhat ni Jake si Freya na tulog.
"Don't I really have a chance, Elena? You know, I'm still hoping that we'll have a chance," biglang sambit ni Jake
"Huwag mo ng saktan ang sarili mo Jake. Alam mo na ang sagot diyan," malungkot kong sambit
Narinig kong bumuntong hininga siya. Lumingon ako at nakitang inihiga niya si Freya sa binti niya at tiningnan ako sa mata.
"Perhaps, no matter how much you loved them, they could pass through your fingers like water with nothing you could do about it," sambit niya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko
Hindi ako nakapagsalita. Bakit ba nakikita kay Jake ang sarili ko? Umiibig sa taong may mahal ng iba.
"Let's keep it this way for now. I promise that after this, I'll accept the fact that we'll never be more than friends. It hurts to have someone in your heart but be unable to have them in your arms," mahinang bulong niya
Masakit nga, masakit talaga. Mahal ko siya pero may mahal siyang iba at kalian ma'y hindi niya ako mamahali. Isa lamang akong hadlang sa pagmamahalan nila ng babaeng tinitibok ng puso niya
"I had fun," bulong ko
Naramdaman kong tumango siya. Salamat Jake. Tumayo si Jake at sumenyas na pupunta muna siyang banyo kaya maingat siyang umalis para di magising si Freya.
"Where's Mom?"
Nabaling ang atensyon ko kay Freya. Magsasalita na sana ako ng may biglang tumawag kay Freya
"Oh my god! I've been searching for you Frey!" sambit ng isang babae at niyakap si Freya "Thank—"
Nagtaka ako ng bigla siyang tumigil ng makita ako. Tingin ko a kasing edad lamang siya ni Sir Elandro, napaka ganda ng kanyang mala almondres na mga mata at itim at tumatalbog na buhok.
"E-Elena," namumutla niyang tawag sa pangalan ko
Kilala ba siya ni Elena? Sino siya? Bago pa ako makapagtanong ay bigla na lamang itong tumalikod at agad niyang kinuha si Freya at umalis. Naiwan akong nagtataka at nalilito.
"Where's Freya?"
Lumingon ako kay Jake na bagong dating at tumayo.
"Dumating na ang mama niya at kinuha siya. Tara, umuwi na tayo," sambit ko.
Papunta na kami sa sasakyan niya ng biglang tumunog ang phone ni Jake.
"Excuse me for awhile," pagpapaalam niya saka sinagot ang tawag. "This is Jake. What do you—what?!"
Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon niya agad niyang ibinaba ang tawag at tumingin sa akin.
"Let's go home," seryoso niyang sambit
Nagsalubong ang kilay ko. Anong problema niya? Ito ba ang tinatawag nilang bipolar? Kanina ayos pa siya ngayon napaka seryoso na. Agad naman akong sumunod sa kanya. Tahimik lang kami buong byahe at di ako nagtangkang magsalita dahil malalim ata ang iniisip ni Jake. Wala pang bente minuto ay nakarating na kami. Bumaba ana ako at sinarado ang pintuan sumilip ako sa bintana niya para magpaalam.
"Salamat Jake, naibsan ang lungkot ko dahil sa'yo," nakangiti kong pahayag
"I'll be going back to the Philippines tonight," bigla niyang sambit.
Gulat man ay tumango pa rin ako. Napaka bilis naman pero baka may problema lang sila sa kompanya niya base na din sa reaksyon niya kanina.
"Mag-iingat ka," sambit ko saka ngumiti.
Tumayo na akong matuwid at winagayway ang kamay ko sa pag-alis niya.
"So, how's the date?"
Napalingon ako sa nagsalita at walang iba kundi si Misty. Tumingin ako sa relo ko at napagtantong ala una na pala at wala pa rin akong nasisimulan sa mga inutos ni lola kaya naman di ko nasagot ang tanong ni Misty dahil nagmadali na ako patungo sa aking office. Wala akong sinayang na oras para pag-aralan ang mga librong iniwan ni lola sa akin upang pag-aralan.
"It's time for dinner Elena, come down."
Napatingin ako kay lola at tumango. Maganda ata ang mood niya madalas kasi nagagalit siya kapag late ako sa schedule niya. Sabay kaming pumunta sa dining hall. At naabutan namin ang nagtatalong Misty at Winter. Wala na atang araw na 'di sila nagtatalo.
"I have a have good news," saad ni Lola Diane na may malapad na ngiting nakaukit sa kanyang pisngi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top