CHAPTER 39
Elena's POV (May)
"You must be having a difficult time, don't you? This is the first time I've felt this way. Now I can truly claim to be superior to you," masayang sambit ni Misty
Kasalukuyan niya akong tinuturuan ng martial arts. Nang nalaman kasi ni Lola Diane na 'di ako marunong nagalit siya. Dapat daw sa isang Elena Perez ay alam ang lahat.
"Elena, you were the greatest of the bunch! I created you flawlessly in every way! You're supposed to be perfect! And now you can be defeated by Misty?! What's the worst you can go?!" galit na singhal ni lola Diane
"Hey, old hag! What do you mean even me? I am not weak you know," inis na sigaw ni Misty.
"What did you call me again Missy?" mataray na sambit ni lola
Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ni Misty parang nagsisisi siya sa sinabi niya kaya mabilis niyang itinuod ang atensyon niya sa akin sabay sipa sa aking kaliwang paa.
"As for your punishment, you must teach Elena everything until she defeats you once again." utos niya, halatang irita sa nangyayari. "Winter, you must teach her from the start because her communication and social skills have considerably deteriorated."
Napatayo naman si Winter na nanlalaki ang mata, "What?! That's a pain grandma! I have no time for such—ok fine." Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Misty. "I'll really kill you Misty."
"Where's the pride of Elena Perez? I can't believe you let a low-life species defeat you," pagpaparinig ni Winter.
"Shut up kiddo!" inis na sigaw ni Misty
"Who are you calling a kid? Stupid!" galit na sumbat ni Winter
Lumingon sa akin si Winter bago binatukan si Misty. Mula sa unang pagkikita namin at simula ng makasama ko sila ay napapansin kong laging nagtatalo ang dalawa ngunit pansin mo na malapit at komportable sila sa isa't isa.
"Elena, I'm going to teach you during my vacation or in my spare time," sambit niya pero ang huli ay pabulong lamang na 'di ko naman narinig "I can't believe I'm going to educate my older sister, who is far superior to me before."
"Ano 'yon Winter?" tanong ko
Umiling lamang siya at kinuha ang manika niya at naglakad palayo.
"Are you ready Elena?" paghahamon ni Misty
Parang may bumara sa lalamunan ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Pumosisyon na ako. Napaka lakas ni Misty, so ibig sabihin ba mas malakas pa ang tunay na Elena?
Isang alaala ang biglang pumasok sa aking isipan... "Tsk, kahit saan ka pa mapunta pabigat ka talaga. Wala ka talagang kwenta mas mabuti pa talagang hindi ka nabuhay. Malas ka talaga!"
"Oops! Hey, are you alright?!" patakbong lumapit sa akin si Misty
Napahawak nalang ako sa sikmura kong sumasakit. Napaubo ako sa kirot, nakita ko ang pagkamot ni Misty sa ulo niya.
"You were spacing out, what's with you?" tanong niya bago bumuntong hininga. "Hey, hey! Did I really hit you that hard?" natatarantang tanong sa akin ni Misty
Wala na akong pakealam. Tama si Tatay. Mahina ako, walang kwenta at malas. At nadamay pa ang mga Perez sa kamalasan ko, nadamay pa si Elena. Isang pagbabadya ang alaala ko, pinapaalala nito na kahit anong gawin ko. Kahit gustohin kong bagohina ng lahat ay wala akong kakayahan. Tama si Tatay...
"Ugh, you are so frustrating can you please stop crying," histerikal na utos ni Misty.
Tinakpan ko nalamang ang aking mga mata. Dito naman ako magaling... ang umiyak. Isang magandang panaginip ang maging si Elena Perez pero bali-baliktarin man ang mundo, ako si May Gonzales at hinding hindi magiging Elena Perez. Nagulat ako ng maramdamang may yumakap sa akin.
"This is so disgusting you know," bulong ni Misty. "I know that old hag can be a pain in the ass. You've suffered for a long time. I know and I'm sorry."
Napatingala ako sa kanya at nakitang namumula ang pisngi niya at nakatingin sa ibang dereksyon. Mas lalo lamang akong naiyak. Ito ba ang pakiramdam na may pamilya? Napaka swerte mo talaga Elena, maraming nagmamahal sa'yo.
"Ooh, I didn't you know you have that sweet side, Misty. It's creepy and I wanna literally vomit."
Napalingon kami sa nakangisi na si Winter habang nakapamaywang. Mabilis na humiwalay sa akin si Misty at kumuha nga bato at itinapon kay Winter
"Violent as ever," sambit ni Winter na nakangisi pa rin
"Hey, girls!"
Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Jake Javier, bakit andito na naman siya? Narinig kong umubo si Misty. Bakit napapadalas ata ang pagpunta niya rito? Paano niya nalaman na nadito kami kung kahit si Luke ay hindi alam kung nasaan ako?
"I guess, it's time for us to go," bulong niya at hinila si Winter
"No! Are you trying to be a matchmaker now?!" galit na giit ni Winter
Isang pilyong ngiti lamang ang sinagot ni Misty. Nagsalubong ang kilay ni Winter at napalitan ng pagkairita ang ekspresyon niya.
"Elena is for Luke!" giit ni Winter
Bumuntong hininga na lamang si Misty at biglang binuhat na parang sako si Winter.
"Let me go! Let me go! You stupid Misty!" galit na pagpupumiglas ni Winter.
Hindi nagtagal ay naglaho na din sila sa aming paningin.
"What was that about?" takang tanong ni Jake.
Umiling na lamang ako. Kahit ako ay 'di maintindihan ang pinagtatalunan ng dalawa. Pero ang alam ko, sakit ang nararamdaman ko ngayon. Nakakatawang isipin na hanggang ngayon ay umaasa ako na pwede kami ni Luke pero tama si Winter. Si Elena ay para kay Luke at kalian man hindi iyon mababago.
"He's fine."
Napalingon ako kay Jake nakita ko ang mapaklang ngiti na umukit sa kanyang labi.
"I was expecting you'll notice me when I'll talk about him pero masakit pa rin pala. Kahit alam ko hindi ko maiwasang masaktan. Aren't I stupid?" mapait na sambit ni Jake.
Mapakla akong napangiti, pareho lang tayo Jake, parehong tanga sa pag-ibig. Parehong nasasaktan pero iba ka sa akin, alam kong may taong darating sa buhay mo na magmamahal din sa'yo. Na kayang suklian ang pagmamahal mo at 'yon ang wala ako. Kung malalaman mo ang tunay na ako ay alam kong titigil ka rin,
"I know you can do it. The Elena I love doesn't know how to give up, funny but doesn't admit defeat," saad niya.
Humiga nalang ako sa damuhan at bumuntong hininga. Iba ako kay Elena, alam kong hindi ko kaya. Simula palang ng laban talo na ako.
"Si Luke ay parang isang magandang panaginip, mahal ko siya mahal niya ako pero ayoko man magising babalik at babalik pa rin ako sa buhay kong puno ng bangungot," bulong ko sa sarili ko bago ipinikit ang mga mata ko.
Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Jake. Napaka sarap talaga ng ihip ng hangin.
"I'm at a loss for words. If breaking up with my brother gives you pain then... why? Why did you break up with him? I know you love each other so much, please tell me why."
"Kasi hindi tama, mali ang manatili sa magandang panaginip na 'yon dahil nasasaktan ko na siya. Nasasaktan ko na ang dalawang taong nagmamahalan," sagot ko
Naramdaman ko ang pag-upo ni Jake kaya idinilat ko ang aking mga mata. Kita ko ang pagkagulo at pagtataka sa kanyang mga mata. Ngumiti na lamang ako, alam kong hindi niya maiintindihan.
"Are those riddles?" takang tanong ni Jake
Tumayo ako at pinagpag ang suot ko.
"Alam mo 'yong pakiramdam na, alam mong mali pero masaya kang nangyari iyon. Masaya ka sa naging sitwasyon mo dahil nakuha mo ang mga bagay na noon ay pangarap mo lang?" tanong ko habang nakikipagsukatan ng tingin kay Jake.
"Come on, I really don't understand," sagot niya na salubong pa rin ang kilay
"Lahat pala ng bagay sa mundo ay may kapalit," pagpapatuloy ko bago siya tinalikuran. "Tara, sumabay ka na sa amin sa hapunan. Paniguradong magagalit na naman si Lola Diane kung late ako."
Sabay kaming pumunta sa hapag-kainan. Umupo na ako at nasa kanan ko naman si Jake. Sabay na dumating si Misty at Winter at umupo sa harapan namin.
"I'm glad no one's late today," striktang saad ni Lola Diane pagkapasok niya sa dining hall "Oh, Jake."
"Good evening Madam. Sorry for the unexpected visit, I just got a free time today so I decided to visit Elena," pormal niyang pahayag kay Lola Diane.
"It's alright, have a seat. Let's have dinner first," utos ni Lola Diane.
Tahimik kaming kumakain at tanging ingay lamang ng mga kutsara ang maririnig. Nakakabingi ang katahimikan
"How's Luke?" biglang tanong ni Lola Diane. "... and that girl?"
That girl? Anong ibig niyang sabihin?
"They seem to be getting along well," sagot ni Jake
"Well, that is to be expected. I met that girl once and she reminded me of her."
Sino ba ang pinag-uusapan nila? Parang may tumutusok sa dibdib ko, nahihirapan akong huminga. Hindi, wala akong karapatang magselos. Pero baka makahanap ng iba si Luke at mawala siya sa aki—hindi. Hindi na ako pwedeng maging makasarili, napagpasyahan kong gumising sa katotohanan kailangan kong panindigan ang desisyon ko.
"I don't want her to get hurt. You know how I feel about her Madam," frustrated na saad ni Jake
"Enough with these discussion," Walang emosyon na sagot ni Lola Diane
"You know, if two people are meant to be together, they will always end up at each other's side," biglang singit ni Winter
"Just when did you become a love guru? Don't act like a grown-up kiddo," sumbat ni Misty
"I am not a kid! Stupid!" inis na sigaw ni Winter
"And I am not stupid." Simpleng sagot ni Misty
"You are!" maarteng saad ni Winter
"Am not!" inis na sagot ni Misty
Tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nila. Wala naman akong maikomento sapagkat wala din akong maintindihan. Nagpatuloy lamang sila sa pagtatalo ng bigla silang tinapunan ni Lola Diane ng kutsara. Nakita kong nanlaki ang mata ng dalawa, kahit ako ay nagulat.
"We are in front of the food girls. Where are your manners?" kalmado pero nakakatakot na saad ni Lola Diane. Matalim niyang tinuonan ng tingin ang dalawa. "Next time I won't miss."
Mabilis naman na napaupo ng maayos ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Isang alaala na namana ng muling lumabas sa aking isipan.
"Tay, nagluto na po ako ng paborito niyong adobo. Kain na po tayo," nakangiti kong salubong kay Tatay na kakapasok lang ng bahay.
Matagal akong tinitigan ni Tatay saka tumingin sa adobong hinanda ko. Hula kong galing na naman siya sa sabungan at mukhang natalo na naman siya base sa galit na ekspresyon niya.
"Saan mo nakuha ang mga sangkap na 'yan? 'Wag kang dumagdag sa problema ko, problema ka na nga dadagdagan mo pa ang pagiging pabigat mo," walang emosyong sagot ni Tatay.
"Hindi po! Naglinis po ako sa bahay nina senyora Maria at binigyan nila ako ng sangkap bilang kapalit at kaonting panggastos natin," depensa ko sa aking sarili
Tiningnan ako ni Tatay mula ulo hanggang paa. Matagal niyang tinitign ang kamay ko kaya agad ko itong tinago, puno kasi ng sugat ito dahil sa paglilinis at pagluluto ko. Lumapit siya sa hapagkainan at tinitigan ang niluto ko. Nagbunyi ang kalooban ko, sasabyan na ako ni Tatay kumain. Ito ang unang pagkakataon na sasaby siya sa akin kumain at kakainin ang niluto ko. Matagal ko itong pinangarap!
"K-Kunin ko na po ang mga plato!" masaya kong pahayag
Nagmadali akong tumungo sa kusina pero napatigil ako ng may narinig akog nabasag, paglingon ko ay nasa sahig na ang niluto ko, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang pagbanta ng aking mga luha na tumulo.
"Huwag mo akong pakainin ng basura!" galit na saad ni papa saka dumeretso siya sa kwarto
Patakbo akong kumuha ng bagong plato at pumunta sa nabasag na pinggan. Hindi ko napigilang lumuha ng pinulot ang mga manok na nasa sahig. Tatlong linggo kong pinag-ipunan 'to at walang pahinga akong nagtrabaho kahit pa na may mga takdang aralin akong kailangan sagutan para lamang mabilhan si Tatay ng manok. Narinig ko kay Lolo na paborito niya ito kaya nagpaturo ako magluto pero.. hindi ko akalaing...
"T-Tay.." napahibi ako sa aking pag-iyak. "Gusto ko lang naman makasama kayo kahit saglit." iyak kong bulong sa sarili.
"Elena, are you listening?"
Nabalik ako sa katinuan ng marinig ang boses ni Lola Diane. Tatay, nasaan ka na kaya? Ayos ka lang ba? Miss na miss ko na po kayo. Sana sa susunod na magkikita tayo matatanggap mo na ako. Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga at tumayo sa aking kinauupoan.
"W-Wala na po akong ganang kumain," pahayag ko saka tumayo. "Mauuna na po ako," pagpapaalam ko bago tuluyang umalis.
At sa pagtalikod ay sabay noon ang pagtulo ng mga luhang nagbabadyang tumulo kanina. Kahit mapait man ang mga alaala ang mayroon ako kasama si Tatay ay hindi ko siya kayang kamuhian. Mas nais ko pa siyang makita muli, ilang taon na ba ang nakalipas? Tay, gusto kitang makita muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top