CHAPTER 38
Elena's POV (May)
Napabuntong hininga akong lumabas sa office. Napagpasyahan kong libutin ang mansion. Simula ng dumating ako ditto ay hindi ko naikot ang mansion dahil madalas ang training na ipinaapagawa sa akin ni Lola Diane.
"You are not allowed to leave this room until you finish all that paperwork," anunsiyo ni Lola Diane sabay labas.
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok. Ngayon alam ko na, ganito pala kahirap ang maging Elena Perez. Labis na pangungulila na ang aking nadarama simula ng akoy nakarating sa America kasama si Lola Diane. Tatlong lingo, tatlong linggong paghihirap at pangungulila.
"Anak ng tipaklong!" napasigaw ako ng maramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa aking katawan.
Tumingala ako at nakitang nakabusangot si Winter at inis na may hawak na balde si Misty.
"A-anong ginawa niyo?" nauutal kong tanong.
Prenteng umupos si Winter sa sopa at katabi naman niya ang nakadekwatro na si Misty.
"You're so boring Elena," nakangusong sambit ni Winter sabay yakap ng mahigpit sa manika niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Pinatay ko ang aircon dahil halos mayelo na ako sa lamig. Agad kong kinuha ang aking twalya at pinunasan ang basa kong buhok.
"After-effect of the accident? Come on Elena! This is so not you," pagmamaktol ni Misty.
Gustohin ko mang sabihin na hindi naman kasi talaga ako si Elena pero maniniwala ba siya? Maniniwala ba sila? Muli akong napabuntong hininga. Nakailang buntong hininga na ba ako? Nappatingin ako sa itim na pintuan. Nagsalubong ang kilay ko kapansin pansin ang pintuang iyon dahil iyon lamang ang nag-iisang pinto na kulay itim. Napagpasyahan kong pumasok roon.
"W-Wow," mangha kong bulong sa aking sarili
Katulad ng kwarto ni Miss Elena sa mansion sa Pinas ay nakaukit ang ginintuang paro-paro na disenyo. Ang kwarto ay puno ng mga litrato at painting. Inisa-isa ko ang mga ito. Napaka ganda talaga ni Miss Elena kahit noong bata pa siya. Mangha kong tinitigan ang iba't ibang painting na tansya kong gawa ni Miss Elena, napaka ganda at husay ng pagkakagawa. Mararamdaman mo ang damdamin niya sa panahong iyon ay kanyang ipininta.
"Luha?" gulat kong bulong sa sarili ko.
Napaka lungkot ng huling painting niya ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya, bakit? Anong nangyari? Napansin ko ang isang basag na picture frame sa ibaba nito. Pinulot ko ito at nakita ang isang magandang binibini kasama si Miss Elena.
"Did this help you, you know? Remember stuff?" Napalingon ako sa boses na nanggaling sa aking likod. Nagulat ako ng mapagtanto sino ang nasa aking harapan. "I knew you would be here," ngiti niyang saad.
"B-Bakit ka andito?" nauutal kong tanong.
"Don't worry, he's not here."
Dapat ba akong matuwa? Bakit lungkot ang nararamdaman ko? Nabalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang mainit na palad sa aking pisngi.
"It's the opposite, huh? Don't cry on me now Elena. I might not be able to do this," bulong niya bago ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ko mapigilang humagulgol. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero isa lang ang sigurado ako. I miss him, I miss Luke Javier and seeing this man, naaalala ko lang si Luke.
"Even if I'm not him. Alam ko, alam kong isang mapait na alaala ang naiwan sa silid na ito. Hindi mo naman kailangan pumasok dito," sambit niya habang hinahagod ang aking likuran,
Napatingin ako sa kanya. Mapait na alaala? Anong ibig niyang sabihin? Pinunasan niya ang luha ko at pinagtapat ang aming noo.
"Forgive me for this Elena,"
Lalo lang akong naguluhan. Anong ibig niyang sabihin?
"Jake, ano ba talagang problema?" hindi ko mapigilang tanong.
"I still love you, no matter what. Forgive me for this, I have no choice," bulong niya. "I just love you so much, so much that I'll do anything just to be with you."
Napatingin ako sa susi na nasa aking kamay. Anong ibig niyang sabihin? Para saan itong susi?
"I wanted to see you. I'm glad I did see you. I miss you and..." nagdadalawang isip niyang pinagpatuloy ang sasabihin niya. "He misses you too."
Parang tumigil ang takbo ng oras ng marinig ko ang huli niyang sambit. Alam ko... alam kong si Luke ang tinutukoy niya. Naglakad siya papuntang pinto.
"You better leave this room. Gustuhin ko mang matagal kang makasama pero ang usapan ay usapan. I'll be visiting you again," sambit niya bago ako tuluyang iniwan
Napatingin ako sa susi sa aking palad. Bakit andito si Jake? Anong usapan? Napabuntong hininga na lamang ako muli, nothing makes sense anymore. Bumalik ako sa aking silid at humiga hanggang sa tuloyan na akong dinalaw ng antok...
Ang mga matang nais akong patayin, ang mga matang araw-araw kong nakikita, ang mga matang bumabasag sa aking puso.
"Isa ka talagang salot! Bakit?! Bakit ka ba nabuhay?!" galit na singhal sa akin ni Tatay. "Kung ang kapalit mo lamang ay ang buhay niya ya mas gugustohin ko pang hindi ka na nabuhay! Inagaw mo ang buhay ng mahal ko! Mang-aagaw ka!"
Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa bote na mga alak at ininom ang bote ng alak na nasa lamesa bago malakas na umiyak at ibinaon ang ulo sa lamesa.
"Ta-Tay," nauutal kong tawag sa kanya.
Mas masakit nakikitang umiyak si tatay mas masakit keysa sa mga salitang bumabaon sa sugatan kong puso. Lumaki akong ganito ang pakikitungo ni Tatay sa akin, pinapakain niya lamang ako dahil obligasyon niya ako. Sanay naman na ako, alam ko naman na na hindi niya talaga ako mahal at kinasusuklaman niya ako pero naiintindihan ko siya. Galit siya dahil maagang nawala ang nanay dahil sa akin. Hindi ko siya masisisi, binuhay niya pa rin ako kahit labag sa kanyang kalooban. Sinubukan kong lumapit pero malakas niya lang akong itinulak dahilan para mapasubsob ako sa sahig.
"Kasalanan mo! Kasalanan mo kung bakit wala na siya sa akin ngayon! Malas ka talaga! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkanda-leche leche ang buhay ko!" galit niyang singhal sa akin
Patuloy na lamang na tumutulo ang aking mga luha habang tumititig sa mga matatalim na tingin ni tatay. Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinwelyohan niya ako. Nagpupumiglas ako sa hawak niya at walang tigil na umuubo. Hindi ako makahinga... hindi. Kahit gaano kagalit si Tatay sa kain ay umaasa pa rin akong kahit limang pursyento lamang ay may bahagi ako sa puso niya. ANak niya pa rin ako at sabi ni Lolo lahat ng magulang ay mahal ang kanilang anak.
"Ikaw nalang sana ang namatay!" lalong humigpit ang hawak niya sa akin, habol hininga akong nagpupumiglas. "Buhay pa sana siya, buhay pa sana ang babaeng pinaka mamahal ko!" hikbi niyang sigaw
Malakas niya akong itinapon sa sahig. Araw-araw ganito ang nadadatnan ko sa bahay. Lasing si Tatay, magagalit siya sa akin at gabi-gabing umiiyak. Kung wala ako siguro masaya siya, masaya sila ni Nanay. Pero 'di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Nais kong makita ang ngiti ni Tatay, naniniwala ako sa kanya, kay Lolo at sa pagmamahal niya sa anak niya.
"Sorry po, sorry po, sorry po," paulit-ulit kong bulong habang humihikbi.
Hindi ko ginustong mamatay si Nanay, mahal na mahal ko sila ni Tatay. Kung sana ako nalang ang namatay noon. Nagulat ako ng may boteng tumapon sa tabi ko kaya naman nagkasugat ako at ramdam ko ang paghapdi ng aking balat.
"Mababalik ba ng putanginang sorry 'yan si April?! Wala kang karapatang umiyak! Tsk, simula ng dumating sa buhay ko minalas na ako," sambit niya bago umalis
Wala akong nagawa kung hindi ligpitin ang basag na bote habang pinipigilan ang aking paghikbi. Oo, wala akong karapatan umiyak. Tama si Tatay. Nagulantang ako ng marinig ang malakas na tunog sa labas ng bahay. Patakbo akong lumabas at nakitang nakaupo sa lupa si Tatay
"Tay!" patakbo kong sigaw
Duguan ang labi ni papa, inilabas ko ang panyo sa aking bulsa pero malakas niya lamang tinabig ang kamay ko.
"Huwag mo akong hawakan!" sigaw na singhal niya sa akin.
"Limang buwan na ang utang mo Fred, nagagalit na si Bossing," sambit ng isang lalaki na sabay labas ng sigarilyo at inapoyan ito. "Huling pagkakataon mo na ngayon. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo... magbabayad ka o papatayin ka namin."
Nanlaki ang mata ko sa aking narinig lumapit ako sa kanila at lumuhod. "H-Huwag niyo pong patayin si Tatay, nagmamakaawa po ako." Umiiyak kong pagmamakaawa
Matagal akong tinitigan ng nakakatakot na lalaki bago ibinuga ang usok ng kanyang sigarilyo at nagsalita, "O, sige. Itong bahay nalang ninyo ang ibayad niyo pagbibigyan namin kayo. Ang kulang sa—"
"Hindi! Hindi ako papayag! Ito lang ang alaalang iniwan sa akin ni April! Hindi ako papayag!" pagputol ni Tatay saka lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko saka kinaladkad patingo sa mga lalaking naniningil ng utang. "Siya nalang kunin niyo. Gawin niyo ang gusto niyo sa kanya," malamig niyang tugon. "Hindi ko pwedeng gawing panggarantiya ang bahay. Mas mahalaga pa ito keysa sa buhay niya."
"Ayos pa ba yang utak mo? Ano naman ang magagawa ng isang sampung taong gulang? Mas matutuwa pa siguro si Bossing kung dalaga yang anak mo. Pero palamunin din naman ang bagsak niyan," sagot naman ng estranghero.
Ganoon nalang ba 'yon? Kahit bata lamang ako ay alam kong binibenta na ako ni Tatay pero kahit ganon mahal ko pa rin siya pero ayokong mawalay sa kanya. At kahit mga estranghero ay ayaw akong tanggapin. Hindi ko talaga masisisi si Tatay.
"Tsk, kahit saan ka pa mapunta pabigat ka talaga. Wala ka talagang kwenta mas mabuti pa talagang hindi ka nabuhay. Malas ka talaga," mapait na sambit ni papa.
Ramdam ko ang pagkirot ng aking dibdib, gusto ko lang naman maranasang mahalin ng sarili kong magulang pero bakit kahit iyon ay ipinagkakait sa akin? Bakit pa ba ako nabuhay?
Isang malakas na sampal ang naramdaman kong tumama sa aking pisngi. "Wake up, idiot! Oh, wait. I can't believe I'm calling Elena an idiot"
Elena? Kaninongg boses 'yon? Nasaan ako? Bakit ang dilim? Nasaan si Tatay?
"I feel smart, am I right Misty?"
"Could you please stop Winter? You're annoying!"
Idinilat ko ang aking mga mata. At doon ko napagtantong nananaginip pala ako. Isang mapait at masakit na alaala.
"This is the first time I've seen you weep; are you having nightmares about Luke? I never expected you to cry so hard. So you do have a heart!" gulat na sambit ni Misty.
Never cry? Hindi naman robot si Elena, tao din naman siya bakit parang pinapalabas nila na pusong bato si Elena?
"What were you dreaming about?" walang emosyong tanong ni Winter.
"That's invading privacy, Winter. And I told you it's about Luke, well not like Elena would ever tell us her dream," sarcastic na tugon ni Winter
Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Lola Diane. Napaka lamig ng kanyang mga mata. Parang binabasa ang aking isipan.
"Uh-oh. I guess it's bye-bye for us now Winter," mahinang bulong ni Misty saka hinila palabas si Winter.
Galit na lumapit sa akin si Lola Diane, "I didn't waste my time creating this Elena. I have thought that you no matter what or who you're up against. Don't expose your frailty."
Sinampal niya ako nng malakas kaya naman napahawak ako sa mahapdi kong pisngi. Ganito ba? Ganito ba ang buhay ni Elena? Ito ba nag kapalit ng lahat ng natatamasa niya? Ano bang pinagkaiba namin?
"Wipe those tears, you are a disgrace to Perez. Do not further taint the Perez name," puno ng diin na sambit ni Lola Diane sabay pabagsak na isinara nag pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top