CHAPTER 37

Elena's POV (May)

Wala sa sarili akong tumititg sa magandang tanawin sa likod ng aking upuan. Napaka traffic at madaming tao ang balisa sa ibaba. Asan ba ako magsisimula? Ilang araw na din ang nakalipas simula ng lumayo ako ng kusa kay Luke at 'di ko maipagkakaila na nangungulila na ako sa kanya at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa aking bulsa kaya agad ko naman itong kinuha ngunit nang nalaman ko sino ang tumatawag ay nanlamig ako.

"What took you so long to answer Elena?! You know I hate waiting for Pete's sake!" naiinis niya na wika.

Diana Marie Perez ang ina ni sir Elandro, sa madaling salita ang lola ni Elena Perez. Hindi maganda ang una naming pagkikita kaya naman natatakot ako sa presensya niya. Napaka strikta niya at walang pakialam sa mga apo niya at tanging ang kompanya lang ang kanyang iniisip.

"S-sorry," mahina at nauutal kong sagot.

"Give me a valid reason Missy. What's this news about you and Luke breaking up?" ma-awtoridad niyang tanong.

Para akong napipi, hindi ko alam ang isasagot. Nakakaintimidate ang kanyang aura. Para siyang isang terror na professor o mahahalintulad mo siya sa leon, napaka bangis at nakakatakot. Kahit ano mang oras ay kayang kaya ka niyang lamunin ng buhay.

"Ginagawa ko lang ang tama, Lola," sagot ko

Narinig ko siyang marahas na bumuntong hininga, halata mo ang pagkairita niya sa aking sagot.

"And you think this is the right thing, Elena? The Javier is one of our trusted partners, you know this will affect both of our companies don't you?" irritable niyang sagot. "I warned you before but you persisted on your relationship and now you give me these bullshits?!"

Hindi ko maiwasang mapatanong. Lahat ba ng Perez lagi nag-eenglish? Si miss Elena, si Misty, si Winter at si Maam Diana. Marunong naman silang magtagalog. Minsan napapatulala nalang ako kasi hindi ko maproseso agad ang kanilang sinasabi.

"Elena," malamig na sambit ni lola sa kabilang linya

Napasinghap ako, nakalimutan kong kausap ko nga pala siya.

"I know Luke is the reason the company is still in good shape as a result of your irresponsible stupidity. I know he's been assisting you since you returned. I know how you failed your presentation and how he would assist you. Missy, you've exhausted my patience. Pack your belongings; you're returning to the United States. I'll be there tomorrow morning, and we'll be gone for good," mahaba niyang wika bago pinatay ang tawag.

Hindi ako magtatakang angat ang mga Perez. Kayang kaya nilang basahin ang mga galaw at isip mo, hindi dahil sa may kapaangyarihan sila ngunit dahil sa taglay nilang talino. Nakakatakot talaga sila. Sinubukan kong tawagan si Luke, kahit papano gusto ko siyang makausap bago ako umalis. Alam kong hindi ko masusuway ang utos ni Ma'am Diana. Ngunit cannot be reach ang kanyang phone. Hindi ko maiwasang mapaluha.

"Siguro nga ay hindi na ako makakaapag-paalam sayo Luke," mahina kong sambit saka tumingin sa labas ng aking bintana.

Pumatak ang aking mga luha habang nakatitig sa magandang buwan sa kalangitan

"Mahal na mahal kita Luke, paalam."

Nang imulat ko ang aking mata ay nasa isang hindi pamilyar na ako na lugar, malayo sa lugar na kinalakihan ko. Napaka lamig ng temperatura at kita naman ang snow sa paligid. Kasing lamig ng yelo ang pakikitungo ng tinaguriang pamilya ko ang kapiling ko ngayon.

"Elena, I will only let you return if I am satisfied with your performance. You've truly let me down. Is this the result of your accident? You've softened to the point that the perfect Elena I mold has vanished. Missy, I'll train you again," malamig na wika ni Lola.

Hindi naman sa naging mahina si Elena, sadyang hindi lang ako si Elena. Hindi nawala ang perpektong Elena. Kung sasabihin ko ba ito ay maniniwala ka?

"Opo Lola," mahina kong sambit.

Sakay kami ngayon ng isang limousine. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas ngunit di ako dinalaw ng antok. Unang beses akong nakasakay sa isang limousine. Tahimik akong nakatingin sa labas ng aking bintana.

"Call me Madam from now on Elena," walang emosyon niyang wika.

Napatingin ako sa kanya, nakatakip na ang kanyang mga mata at prenteng nakaupo sa kanyang kinauupuan, may nakalagay din earbuds sa kanyang tainga. Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa labas. Hinawakan ko ang maliit at malamig na bintana.

"Ilang kilometro ba ang layo mo ngayon sa akin Luke? Nangungulila na ako sa'yo," bulong ko sa sarili ko.

Muling pumatak ang aking luha. Masaya naman nung una para akong nasa isang fairy tale. Ako ang prinsesa at siya ang aking prince charming ngunit nagising nalang ako isang araw na isa lang palang magandang panaginip ang lahat. Masaya pero mali. Hindi ako pinalaki ni Lolo na sumira ng buhay ng iba. Isang alaala ang rumagasa sa kaing isipan...

"May, apo. 'Wag ka ng umiyak. 'Wag mo pakinggan ang mga sinasabi ng mga klasmeyt mo. Maganda ka, hindi lang sa labas pati na rin sa loob. May busilak kang puso at napaka bait na bata," malambing na wika sa akin ni Lolo.

"P-pero sabi nila panget daw ako at mahirap. Ayaw daw nila ako maging kaibigan kasi madungis daw ako at masakit sa mata. Lolo, lagi nila akong sinasaktan gusto ko din gumanti," humuhikbi kong sumbong

Umiiling na niyakap ako ni lolo. Hinagod niya ang aking likod saka humiwalay at tiningnan ako sa mata.

"Walang magandang maidudulot ang paghihiganti apo. Ayos lang magalit pero ang magpadala sa galit ay hindi. Maging mabait ka sa mga taong hindi mabait, kailangan nila 'yon," seryoso niyang wika. "Alam kong iniisip mo na napaka hindi patas ng mundo pero lagi mong tatandaan Apo, huwag mong hayaang patigasin ng mundo ang busilak mong puso."

"Sana naging maganda nalang, sana mayaman nalang ako, sana—" hindi natapos ang sasabihin ko ng isinubo ni lolo sa aking bibig ang isang prutas sabay na ngumiti.

"Ang tunay na kayamanan ay hindi mahahanap sa salapi at ang tunay na kagandahan ay hindi mahahanap sa pisikal na anyo lamang. Lagi mong tatandaan 'yan apo," naakangiti niyang wika

"Patawad po Lolo," mahina kong sambit bago ipikit ang aking mga mata...

Nabulag ako, nakalimutan ko ang turo mo sa akin. Mahabang panahon kita nakalimutan dahil sa sariling selfish na kaligayahan. Nakamit ko ang mala-prinsesa kong pangarap at nawala sa aking isipan ang iyong mga wika. Patawarin mo sana ako. Gagawin ko ang aking makakaya para maitama ang pagkakamali ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top