CHAPTER 33
Elena's POV (May)
Asan ba ako magsisimula? Paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon. Pabalik-balik ako ng lakad sa office ko... nag-iisip kung ano ang dapat gawin ng biglang may kumatok na pumukaw sa aking atensyon. Ano nga ba ang dapat kong gawin? May dapat ba akong gamit?
"Miss Elena, may bisita po kayo," rinig kong sambit ng aking sekretarya na si Jane.
"Pakisabi na lang na may ginagawa pa ako," simpleng sagot ko.
Naglakad ako patungo sa aking lamessa at umupo sa aking swivel chair sabay tumingin sa bintana sa likuran ng aking lamesa. Ayaw kong may makakita sa akin, maga pa rin kasi ang mata ko kakaiyak. Masyado ko ng binababa nag imahe ni Miss Elena, kailangan ko na itong bagohin.
Isang baritonong boses ang nagpalundag sa aking pusong sawi ang tumawag sa aking bagong pangalan, "E-Elena."
Nanigas ako sa aking kinauupuan. Ang tinig na iyon, hindi ako pwedeng magkamali. At tila na sa isang pelikula ako ay parang bumagal ang aking paligid sa aking paglingon sa boses na sabik na sabik akong makita.
"L-Luke," nauutal kong tawag sa pangalan niya.
Nakita kong magulo ang buhok niya at maga din ang mata, umiwas ako ng tingin. Ang sakit makitang nagkakaganyan siya. Tumalikod ako sa kanya at pabalik na sana kinauupuan ko ng bigla niya akong yakapan.
"I miss you Elena," mahina niyang bulong sa akin.
Muling tumulo ang aking mga luha. Miss na din kita Luke pero pasensya hindi ako si Elena. Hindi ako ang babaeng hinahanap mo.
"I miss you, please come back to me, baby" pagmamakaawa niya.
Napatakip ako ng bibig ko, lumalakas kasi ang paghikbi ko. Umiling lang ako.
"Ano ba ang minahal mo sa akin Luke?" lakas loob kong tanong
Mas lalong humigpit ang yakap niya at amoy na amoy ko ang pabango niyang nahaluan ng amoy ng alak. Naglasing ba siya?
"I love everything about you," sambit niya sabay haplos sa aking mga pisngi.
Huminga ako ng malalim. Kailangan kong ipaintindi to kay Luke, mahirap at masakit pero ito ang tama. Agad kong iwinakli ang kanyang kamay at tiningnan siya ng malalim.
"Tulad ng ano? Buhok ko ba? Mata? Pagkatao? Ano Luke?" tanong ko sa kanya, secretly wishing that he'll say he likes me as I am today. He likes the Elena in front of him as May.
"I love everything about you, the way you act so strong and oblivious about stuff. Your confidence and even your cheeky character," he said as he chuckled sabay lapit at hinalikan ang aking noo. "You know this, you know this more than anyone else. But if I need to say it all over again, I will. I will assure you, I will remove all those insecurities. I love you, Elena, I love you as you are."
Muling tumulo ang mga luha ko. Mahal nga niya si Elena, hindi lang sa pisikal kung hindi pati ang katangian nito. Wala akong pag-asa simula pa lang. Tunay na pag-ibig... wala akong laban doon. Hindi ako umimik at ramdam ko ang mga titig ni Luke sa akin.
Muling nagsalita si Luke na nagpadurog lalo sa aking puso, "Your enigmatic personality, I love everything about you, I love every time you reveal a new aspect to me. I absolutely love—"
Tama na, sobrang sakit na. Para lang niyang isinampal sa mukha ko na hindi niya ako kayang mahalin dahil mahal na mahal niya si Elena
"When the right time comes, babalik ako sa'yo," pagputol ko sa kanya. Sa panahong iyon ay hindi na isang impostor ang iyong kaharap.
Hindi ko naman siya masisisi kung naguguluhan siya sa desisyon ko. Alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Tama na naranasan kong mahalin ng isang Luke Javier, ang lalaking pinapangarap ko at palihim na minamahal.
"When will the right time come Elena? I can't, I can't wait any longer. I miss you so much and it's killing me every second," bakas sa boses niya ang basag at pagkapaos. ,ahigpit niya akong niyakap.
Napahawak ako sa kamay niyang nakayakap sa akin. Mahal na mahal kita Luke kaya ginagaw ko 'to. Hintayin mo si Elena, babalik siya. Hintayin mo siya. Wala kaming patutungohan kung patuloy kaming ganito. Kailangan kong gumawa ng paraan.
"I'll give you a month," malamig kong wika.
Naramdaman kong lumuwag ang yakap niya kaya humarap ako sa kanya at tinitigan ang nakakahipnotismo niyang mata. Nakita ko ang pagtataka nito.
"For what?" nalilito niyang tanong.
Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Sa ngayon, sundin mo ang itinitbok ng puso mo. Hindi lagi ang utak ang pinapagana Luke" matamlay akong ngumiti. Sinabi ko na sa'yo ang katotohanan, ngayon na sa kamay mo na ang desisyon. Pinapalaya na kita. "Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. You have to accept the truth Luke."
"What's your reason Elena please tell me," nagmamakaawa niyang tugon
"Sinabi ko na sa'yo ang katotohanan Luke. Hindi akoa ng babaeng mahal mo, hindi ako si Elena," sambit ko saka tumalikod sa kanya. "Ngayon, na sa iyo na kung maniniwala ka ba sa sinasabi ko o patuloy magbubulag bulagan. Pwede ka ng umalis sa office ko Luke."
"Elena, please," pagsusumamo niya pero umiling ako. "Why are you making things hard for us Elena?"
"Isang buwan Luke. Sa ngayon mangyaring gawin mo kung ano ang sinasabi ng iyong puso, hindi ang iyong utak at mga mata. Minsan kasi nakakatanga ang reyalidad," sambit ko saka umupo sa swivel chair ko. "Isang buwan sa piling niya at isang buwan kasama ako..." paliwanag ko. At sa isang buwan na magkasama sila, kailangan kong humanap ng paraan, kailangan kong hanapin ang sagot. Inikot ko ang aking upoan at humarap kay Luke. "Pagkatapos noon, you have to decide. Not what your brain says pero ang laman ng puso mo. Doon mo sabihin sa a kin kung sino ba talaga ang mahal mo."
"No, Elena. Why are you pushing me away? I love you and—" hindi ko na siya pinatapos
"I am not pushing you away Luke, ginagawa ko lang ang tama. Follow my condition or you can never get near me again," sagot ko, pilit na pinagbibigyan ng diin ang mga salitang binibitawan ko.
Natahimik si Luke kaya naman ay inikot ko ang aking upoan para talikoran siya. Hindi ko hinayaang makita niya ulit akong nasisira. Kailangan kong panindigan ang aking pasya. Narinig ko ang pagsara ng pinto at sabay noon ay pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
A/N: I'm very sorry for the late uploads. I have been very down lately but yeah, hope you enjoy this chapter. Thank you for always supporting Crossover <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top