CHAPTER 30
Elena's POV (May)
Ramdam na ramdam ko ang malamig na ihip na hangin sa balat ko. Gabi na pero walang bituin sa kalangitan. Na sa parking lot kami ng hospital at nakatalikod ako kay Luke, nag-iisip ng kung anong sasabihin.
"Elena," bakas sa tining niya ang pagkabalisa.
Hindi ko siya pwede takbohan. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Niyakap ko ang aking sarili para mainitan kahit konti man lang. Suot ko pa kasi ang manipis na itim kong dress at hindi pa nakapagpalit simula ng umalis ako sa kompanya.
"Please, let's talk Elena," nagsusumamong sambit sa akin ni Luke sa aking likuran.
Nagulat ako ng ipatong sa akin ni Luke ang coat niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Tumingala din siya sa kalangitan, tahimik ko lamang siyang tinitigan.
"I know you hate talking about stuff when you're mad. But please let me explain," wika nito saka humarap sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at itinuon na lang ang aking atensyon sa mga dumadaang sasakyan. Baka pag tinitigan ko siya ay hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Sana mapatawad mo ako Luke, sa panlilinlang ginawa ko. Ngayong nakikita ko ang tunay na pag-mamahal mo kay Elena ay natauhan akong kailan man ay hindi ko siya mahihigitan kahit pa na sa katawan niya ako.
"Wala ka namang dapat ipaliwanag eh," mahina kong usal.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kanya. Tinitigan niya ang aking mga mata.
"No, I have to. This is the first time that you actually agreed to talk to me and didn't ignore me. I don't want miss this opportunity para magpaliwanag sayo," desidido niyang sagot.
It's the first time Luke sapagkat hindi naman ako si Elena. Umiling na lamang ako. Wala naman kasi siyang dapat ipaliwanag dahil natural lang ang kanyang ginawa. Iba man ang nakikita ng ating mga mata, alam ng puso kung sino ba talaga ang itinitibok nito. Ipinatong ko ang aking ulo sa dibdib niya.
"Akala ko, kaya mo akong mahalin dahil ako na si Elena pero mali ako," humihikbi kong wika.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Patuloy na umaagos ang luha ko. Kailangan ko ng gisingin ang sarili ko sa katotohanang 'di niya ako kayang mahalin sapagkat mayroon ng ibang nagmamay-aaari ng puso niya.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Luke bago siya nagsalita, "What are you talking about? I love you and I will always love you, Elena."
Napatawa na lamang ako ng mapakla. Tama, hindi ako ang mahal niya kung hindi si Elena. You love her and will always love her. Wala akong lugar sa puso mo. Kasalanan ko naman, alam kong hindi ito panghabang buhay pero ito akong tanga. Nahulog pa rin at umasa sa imposible.
"Sa'yo na din nanggaling Luke, mahal mo si Elena at hindi ako 'yon," nauutal kong sagot bago humawala sa kanyang pagkakayakap.
Bumitaw ako sa kanya at tinitigan siya sa kanyang mg mata. Nakikita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Salubong ang kilay niya, napangiti na lamang ako... napaka gwapo pa rin.
"Alam kong alam mo, Luke," wika ko sabay turo sa kanyang puso. "Hindi man makilala ng mata, alam ng puso mo kung sino ang tunay na itinitibok nito."
Ibinuka niya ang kanyang bibig pero mukhang walang salitang lumalabas sa kanyang bibig.
"Patawarin mo ako Luke. Nagmahal lang naman ako," sambit ko sabay yuko. Nilalamon ako ng konsensya sa isang bagay na wala naman akong kontrol. "Hindi ako si Elena Perez, Luke."
"I don't understand Elena. What are you trying to say?" histerikal niyang tanong
"Ayoko ng lokohin ang sarili ko o ikaw. Gustohin ko mang ipagpatuloy ang magandang panaginip na 'to ay hindi maaari. Ayoko ng may masaktan sa dulo Luke," wika ko sabay himas sa pisngi niya gamit ang mga kamay ko.
"A-are you trying to break up with me Elena?" gulat at nauutal na tanong ni Luke
Nabigla ako sa sinabi niya. Wala naman akong balak makipaghiwalay sa kanya pero naisip ko ito ang tamang paraan. Kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko. Sa kanya at kay Elena.
"Sundin mo ang puso mo Luke, hindi ako ang mahal mo," wika ko sabay ng pag-agos ng mga luha ko. "Masakit at mahirap mang tanggapin na hindi mo ako kayang mahalin..."
Hindi ko kayang ipagpatuloy ang sasabihin ko. Tinnakpan ko ang aking bibig para pigilan ang malakas kong pag-iyak.
"What are you talking about?! I love you Ele-" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sa malakas kong sigaw
"Huwag na tayong maglokohan pa Luke! Alam mo kung sino ang itinitibok ng puso mo. Alam kong nararamdaman mo yun! Please tama na. Itigil na natin 'to." Kinagat koa ng aking labi para pigilan ang aking paghikbi. "Ako ang tunay na May Gonzales."
Mahabang katahimikan ang sumakop sa amin. Tanging ingay lang ng dumadaang sasakyan ang naririnig sa paligid. Kunot noo akong tinitigan ni Luke. Sino ba naman kasing maniniwalang nagkapalit kami ng katawan ni Elena? Pero kailangan kong tapusin ang kahibangan ko.
"Elena, if this is about earlier. I'm telling you it's just a misunderstanding" sambit ni Luke at mukhang binalewala ang aking pag-amin.
"Walang kinalaman ang nangyari kanina Luke. Ginawa mo lang ang sinasabi ng puso mo. Hindi ako ang Elena na minahal mo at tanggap kong hindi mo ako kayang mahalin," sagot ko ng may pagdidiin sa bawat salitang lumalabas sa kaing labi. "Na sa loob ang totoong Elena na minahal mo."
"Love, stop kidding. I love you, please..."
"Hahanap ako ng paraang, Luke," wika ko sabay halik sa kanyang pisngi. "Paalam, aking mahal."
"I don't understand what this is about Elena! This is not a good joke!" bakas sa boses ni Luke ang kaba at nang makita niya na seryoso ako ay naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi ko alam kung kaya kong mawala ka sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa sarili ko at ginawa 'yon pero believe me I love you, Please, Elena."
Binawi ko sa kamay niya ang pagkakahawak niya sa akin. Alam ko. Alam na alam kong mahal mo siya.
"Ginagawa ko lang ang tama Luke. Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita pero tama na. Hindi na tama ang ginagawa ko. Pero tandaan mo ito Luke, mahal na mahal na mahal kita at hindi magbabago 'yon," wika ko at ngumiti ng mapakla.
"I don't get what you mean. Kung mahal mo ako ba't mo ginagawa 'to? Please, 'wag mong gawin sa akin 'to. 'Wag mo akong iwan," nagulat ako ng tuloyang bumagsak ang mga luha sa mata ni Luke.
Pinunasan ko ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti. Mahal na mahal ko ang lalaking ito pero dapat ko ng itigil 'to. Hindi lang ako ang nasasaktan. Pati si Elena at siya ay nasasktan ko sa pagpapanggap ko.
"Babalik din ang dati sa lahat. Hindi ko alam kung kalian pero sa panahong yun babalik na ang babaeng tunay na itinitibok ng puso mo." Wika ko sabay tingin sa aking harapan
Gustuhin ko mang sabihin na hindi ako si Elena at ako si May ay hindi pwede. Alam kong hindi siya maniniwala. Sino ba naman kasing tanga ang maniniwala dun? Baka isipin pa niyang gumagawa lang ako ng excuses para iwanan siya. Hindi ko pwede gawin yun dahil babalik siya. Babalik si Elena at ayokong masira pa ang relasyon nila. Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Luke
"Please, I love you. Don't do this to me," nagsusumamong wika ni Luke
Naramdaman kong lumakas ang aking paghikbi. Mahal na nahal din kita pero alam kong hindi ako ang mahal mo.
"Babalik naman ako eh. Pero sa panahong iyon ay babalik na talaga ang babaeng minahal mo," sagot ko ng hindi siya nililingon.
"I don't understand. Minahal? I've always and will always love you, Elena," sambit niya saka hinila ako sa isang mahigpit na yakap.
"Hintayin mo siya, hintayin mo si Elena." Mahina kong wika
"No, no. Please, I promise I will not upset you again. I promise, I won't do anything stupid again. Please don't leave me. I love you so much please, please," hikbing wika ni Luke
Pilit kong kumawala sa yakap ni Luke. Tama na, babalik naman siya eh. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya. Sandali lang naman to, panadaliang sakit Luke. Ginagawa ko lang to para kapakanan mo at para makabawi kay Elena na tumulong sa akin.
"This isn't goodbye Luke. Babalik naman si Elena na mahal mo eh," pilit kong sambit.
Kumawala ako sa kanya at naglakad palayo. Yumuko ako na pilit pinipigilan ang aking mga luha. Naramdman ko ang mahigpit na hawak ni Luke sa wrist ko. Sinundan niya pala ako. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhos siya sa aking harapan.
"I still don't understand why you're doing this Elena but please don't break up with me. Please, wala naman akong dapat hintayin 'di ba? You're here and you said you love me. So why are you doing this. I love you, I will say it again and again Elena, until you believe me. So please don't do this to me, don't do this to us Elena'" nagmamakaawa niyang sambit
Umiling na lamang ako. Mahal na mahal mo talaga si Elena at napaka sakit nito para sa akin. Kailangan kong gawin to dahil ayoko ng lokohin ka o ang sarili ko.
"Alam mong hindi ako ang mahal mo Luke, nararamdaman mo naman 'di ba?" umiiyak kng wika
Mas lalong humigpit ang paghawak niya sa aking kamay. Yumuko siya at inilapat ang kanyang labi sa aking kamay.
"No, I love you Elena," wika niya at ramdam ko ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking kamay, "I'm sorry please don't leave me. I didn't want our conversation to end like this. Please let me explain."
Pilit ko siyang itinatayo pero hindi ko magawa. Tama na. Parang awa mo na. Ano bang dapat niyang ipaliwanag? Bakit ba hindi siya naniniwalang ako si May?
"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo Luke, mahal kita at hindi ko kayang nakikita kang nagkakaganyan" pagpupumilit ko parin sa kanya
"Don't break up with me if that's the case. Please don't let this go on any longer. You are my one and only. Please understand that I absolutely love you,"pagmamakaawa niya.
"Ngayon lang 'to Luke. Babalik naman ang lahat sa dati kaya tiisin mo muna ang lahat, gagawin ko naman ang lahat para sayo. Para kay Elena," sambit ko
Umiling lang siya ng umiling at patuloy pa ring lumuhod sa aking harapan.
"Hindi ako ang dapat mong sabihan ng mga salitang yan Luke. Alam at ramdam mo kung sino ang itinitibok ng puso mo ngayon. Linlangin ka man ng iyong paningin. Ang puso mo, alam nito. Alam kong alam mo Luke, ayaw mo lang paniwalaan pero dapat mong tanggapin Luke. Wag kang magpalinlang sa nakikita mo Luke," wika ko habang pinupunasan ang mga luha sa aking mata.
"Please don't do this." Pagsusumamo pa rin niya
Umiling lang ako at binawi ang aking kamay saka tumalikod muli sa kanya.
"Please, 'wag mo na ipaulit muli ang mga sinasabi ko Luke kasi nasasaktan na ako. Mahal kita kaya gagawin ko 'to," umiiyak kong sambit.
Muli niya akong niyakap. At patuloy na humikbi. Nang makita ko kanina ang mga titig niya kay May ay alam ko ng hindi ko na dapat ipagpatuloy ang aking pagpapanggap. Hindi lang ako ang nasasaktan pati si Luke.
"I love you, I love you, I love you." Paulit ulit na wika ni Luke na nakayakap sa aking likuran.
Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. Marahas kong pinunasan ng aking luha.
"Sundin mo ang ititibok ng puso mo," huli kong sambit saka tumakbo palayo.
Mahal kita Luke kaya kahit masakit ay papakawalan na kita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top