CHAPTER 28
Elena's POV (May)
"Elena?" napalingon sa tumawag sa aking pangalan.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata.
"B-Ba't ka andito?" nauutal niyang tanong
Hindi ba dapat ako ang magtanong sa kanya niyan? Anong ginagawa niya sa Pilipinas? Ang alam ko na sa England siya. Sa lahat ng makakakita sa akin ay bakit siya pa?
"J-Jake," mahina kong bulong sa aking sarili.
Jake Javier, ang nakakatandang kapatid ni Luke. Ang alam ko, malapit sila sa isa't isa pero nagbago lahat noong nakilala nila si Elena at parehong nagkagusto rito.
"Where's my stupid brother?! Did he make you cry?!" galit niyang tanong.
Umiling lamang ako at tumingala sa kalangitan. Parang kanina lang ay napaka aliwalas ng ulap pero ngayon ay maitim na ang ulap, uulan siguro. Sumasabay ata ang panahon sa pagdadalamhati ko. The sky has always been there for me tulad noong gabing nagbago ang lahat sa buhay ko. Naramdaman ko ang pag-upo ni Jake sa aking tabi.
"I still like you Elena," hinawakan niya ang aking kamay "No, the right word is. I still love you, Elena."
Nagulat ako sa biglaang pag-amin niya. Alam kong may gusto siya kay Elena pero 'di ko inaasahan ang biglaang pag-amin nito. Gwapo naman talaga si Jake, maamo ang mukha at halata namang loyal sa pag-ibig. Sayang nga lang at 'di siya mahal ng taong mahal niya... tulad ko. Ang pinagkaiba naming, hindi ako kagandahan at wala akong maibubuga.
"Don't cry. I don't know what troubles you but I'm here for you Elena," malambing niyang wika saka pinunasan ang mga luha sa kaing mga mata. "If you just allow me, I can always snatch you away from him."
Napatitig ako sa kanyang mga mata. Tsokolateng kulay na mata na puno ng lungkot. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Nasira pa tuloy ang pagkakaibigan nila ng nakababata niyang kapatid ng dahil sa pag-ibig.
"Don't stare at me too long Elena, I'll have a heart attack, my heart is going wild just being near you," mahina niyang usal saka lumingon sa kanyang kanan.
Natawa ako sa aking nakita. Namumula ang kanyang tainga, ngunit ang ngiti sa aking labi ay napawi. Ang swerte ni Elena. Dalawang lalaki ang umiibig sa kanya. Effortless, samantalang ako. Hanggang panaginip lang ata. Sino ba naman kasing tanga ang magkakagusto sa isang May Gonzales?
"Makipagbati ka na kay Luke," bigla kong pag-open ng topic.
Nakita kong nanigas si Jake sa kinauupuan niya. Huminga ako ng malalim saka tumingala. Alam ko namang gusto nilang kausapin ang isa't isa pinangungunahan nga lang sila ng pride. Kahit anong mangyari, magkapatid pa rin sila.
"Hindi naman masamang lunukin ang pride," wika ko at nginitian siya. "Hindi naman 'yan bareta," pagbibiro ko.
Napatawa nalang ako sa sarili kong kakornihan. Lagi ko kasi naririnig 'yan kay Yummie, Yummie. Namimiss na din kita. Kamusta ka na kaya? Napalingon ako ng marinig ko ang mahinang tawa ni Jake
"This is the first time you haven't pushed me away, the first time you've opened up to me. This is the first time you've asked for a favor from me," nakangiti niyang wika ngunit kita ang bahid ng sakit rito.
Nakita ko ang nangingilid niyang luha. Tumingala siya sa langit na parang pinipigilan ang kanyang mga luha.
"You really love my brother that much?" mapait niyang wika.
Napayuko na lamang ako. Ayokong nakakakita ng taong umiiyak. Ayokong may nasasaktan. Ayos lang na ako ang masaktan 'wag lang iba. Ngunit kailangan kong maging totoo sa aking nararamdaman.
"Mahal na mahal ko siya," pag-amin ko.
Mahal na mahal ko siya pero kalian man ay hindi niya ako mamahalin. Dahil ang babaeng tinitibok ng puso niya ay si Elena Perez. Na sa akin ang pisikal na anyo ni Elena pero alam kong hawak ni Elena ang puso ng taong mahal ko.
"I love you so much that it hurts, it feels like a thousand knives are stabbing my heart. Kung yan ang ikasasaya mo. I'll do it, even if it's painful to see you happy with my brother," hikbing wika ni Jake.
Napalingon ako sa kanya. Umaagos sa kanyang perpektong mukha ang masaganang luha na puno ng kalungkutan at sakit. Alam kong nasasaktan siya, alam ko kung gaano kasakit ang katotohanang hinding hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo. I've always avoided him since I woke up inside Elena's body. He reminds me of Sebastian but it's time for me to move on and to face him... to clear things out. Para sa kanya at para kay Luke. Kahit dito man lang ay makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko.
"I will do it Elena but please..." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kanya. "Let me love you, please I know I have no chance but please just let me love you from afar. Please stop telling me not to love you. Kung kaya ko gagawin ko naman eh. But I just can't stop this feeling. Mahal na mahal kita at kaya kong magpakatanga makapiling ka lang."
Napaiwas ako sa kanyang nag-susumamong titig. Pareho lang kami, pareho kaming nagpapakatanga, parehong nagpapaka martyr kahit alam naming mali at hindi dapat. Kahit na mas nangingibabaw pa nag lungkot at sakit ay hindi namin mapigilan ang pag-mamahal na nararamdamamn namin. Umiibig lang naman kami, umiibig lang ako. Alam kong darating ang araw na babalik ang dati sa lahat.
"P-pero..." nag-aalangan kong wika
Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking labi at tumingin sa kalayuan. Muling nag-unahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Please stop Elena. I am not asking you to love me. I just want to love you," humihikbi niyang wika.
Sabi nila pag totoong mahal ka ng isang lalaki ay makikita mo 'to sa kanyang mga mata. At isa ako sa taong makapagpapatunay na totoo iyon dahil nakikita ko kung gaano kamahal ni Jake si Elena at kung gaano siya nasasaktan ngayon. I find it amazing that he even ask permission to love Elena... that's how much he respect her.
"Huwag mong hayaang mawala sa'yo ang lahat Jake. 'Wag mong hayaang pati si Luke ay mawala sa'yo," mahina kong usal.
Tumingin siya sa akin at mapaklang ngumiti. Kung malaman kaya ni Jake na hindi ako si Elena mamahalin kaya niya ako. Mapait akong napatawa sa aking isipan. Si Elena ang kaharap niya, si Elena ang mahal niya at hindi ako iyon. Wala namang magmamahal sa totoong May.
"You've changed a lot Elena," sambit niya sabay punas sa kanyang mga luha.
Hindi ako nagbago. Walang nagbago sadyang hindi lang talaga ako si Elena, at alam kong kahit kalian ay hindi ako magiging isang Elena Perez. Alam kong kahit kalian ay hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko. Hindi ko alam kung kalian ako magigising sa magandang panaginip na ito. Pero napagdesisyunan kong gawing isang magandang alaala ang lahat ng 'to. Sa ngayon, ako si Elena Perez. Ang babaeng mahal ng mahal ng marami at hinahangaan ng lahat.
"Madalas ka ng nagtatagalog," pagbibiro ni Jake
Napangiti na lamang ako sa inasal niya. Parang kanina lang ay umiiyak siya sa aking harapan. Pero alam ko, alam kong nasasaktan pa rin siya. Sana makahanap ka ng babaeng para sayo talaga Jake.
Napadaing ako sa sakit ng parang may biglang tumusok sa dibdib ko kaya napahawak ako dito. A-anong nangyayari? Madiin kong naipikit ang aking mata ng maramdaman ko muli ang sakit.
"What's wrong Elena?" nag-aalalang tanong ni Jake
Hindi ako makahinga,a nong oibig sabihin nito? Anong nangyayari? Napatingin naman ako kay Jake na puno ng pag-aalala. Nawala na ang kirot. Nginitian ko nalamang siya para di na siya muling mag-alala
"Ayos lang ako. Thank you," sincere kong wika.
Magsasalita na sana siya pero pinigilan ko na siya. Napatingin ako sa phone kong nagvavibrate. Misty ang pangalan ng caller kaya agad ko itong sinagot. Hindi pa man ako nakakabati ay nagsalita na ang kabilang linya.
"Room 101. Carlson Medical Center," wika niya saka pinatay ang tawag.
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko maintindihan pero parang may tumutulak sa aking pumunta sa sinasabi ng tumawag. Isinisigaw ng isip ko ang pangalan ni Miss Elena kaya mabilis kong hinablot ang aking purse at tumayo.
"Pasensya na. Kailangan ko ng umalis Jake," pagpa-alam ko saka nagmadaling umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top