CHAPTER 25
Elena's POV (May) —
"Shit," rinig kong sambit ni Luke t'saka sinuntok ang pader na ikinalaki ng mata ko.
"B-Babe," nauutal kong tawag sa kanya pero 'di niya ako pinansin at umupo sa swivel chair niya at binuksan ang envelope na ibinigay ni Chase.
Ito ang unang pagkakataong makita kong magbago ang malambing na mga titig ni Luke. Sa tatlong buwan kong pamamalagi sa katawan ni Elena ay ang malambing at maamaong Luke lamang ang aking nasaksihan. Nakakunot ang mga noo niya at namumula sa galit ang maputi niyang balat.
"Deny their request," seryosong sambit ni Luke. Inis niyang naikunot ang bahagi ng papel na hawak niya.
Pasimple kong sinulyapan ang papel na hawak niya at binasa... 'Rodriguez Empire is requesting for a conference meeting with Perez Estate Company to discuss about future investments.' Mag-iinvest ang kompanya ni Chase sa kompanya namin? Ito na ba ang panahon na matitigil ang rivalry ng dalawang kompanya?
Hindi ba't magandang opportunity' 'to sa amin? Ano bang dapat gawin? What would Elena Perez do? At bakit naman naisipang mag-invest ng mga Rodriguez? Hindi ba't magkalaban sila?
"L-Luke... p-pag-isipan kaya muna natin—" 'di ko natapos ang sasabihin ko ng biglang padabog na tumayo si Luke.
Napaupo nalang ako sa sahig saka naitakip sa mukha ko ang palad ko nang tuloyang lumabas si Luke na halatang inis at galit. Hindi ko man gustuhin ay napaka hikbi nalamang ako. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako na lagi na lamang akong umiiyak at mahina. Ano bang dapat kong gawin? Ayokong pag-awayan pa namin 'to ni Luke pero sa nakaraang mga buwan ay bumaba ang sales at ranking ng kompanya dahil sa kapalpakan ko. Maaaring ito na ang maging daan para mabawi ko ang lahat ng kamalian ko.
Hindi ko na napansin kung ilang oras akong nagmukmok sa loob ng aking silid. Matamlay kong kinuha ang aking bag at lumabas para umuwi.
"Goodbye, Miss Elena."
Hindi ko na napansin ang pag-paalam sa akin ng sekretarya ko. Masyado akong lutang. Ano bang gagawin ko? Kung ako lamang ay hindi ko na gugustohing magkaroon ng ugnayan sa mga Rodriguez mas lalo na't hindi maganda ang epekto nito sa relasyon namin ni Luke.
"Ouch!"
"Aray!" sabay naming wika ng isang babae na nakabangga ko.
Napatingala ako at natigilan ng mapagtanto kung sino ang aking nakabangga... Ang pagkakataon nga naman. Si Miss Elena, I mean May pa ang nakabunggo ko. Iritable niya akong tiningnan bago nagsimulang pulutin ang mga papeles na dala niyang nahulog at nagkalat sa sahig. Pagkatapos ay mabilis din niya akong tinalikuran ako. Napakurap ako na pinagmasdan ang papalayong pigura niya... teka, siya ang totoong Elena. Alam niya ang tamang desisyon dito! Agad ko siyang hinabol at hinawakan ang braso niya. Napalingon siya sa akin at napaatras ako sa takot.
Mukhang mainit ang dugo ni Miss Elena sa akin, alam ba niya ang totoo? Pero kung alam niya ay bakit hindi pa rin niya ako kinausap.
"T-Teka! May..." pagpigil ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay pero binawi naman niya agad ito saka tumango bilang pag-galang. It feels awkward being respected seeing my own face by the real owner of this body. Marahas akong napabunting hininga muli, I won't make the first move.
Hihintayin ko na lamang na mismong siya ang lumapit sa akin patungkol sa sitawsyon namin. I mean, if she knows at hindi niya ako kinausap ay panigurado namang may rason siya 'di ba? She's the real Elena Perez afterall. Her every move have a reason and it's meticulously calculated for her benefits. As someone inferior, all I could do is follow her lead and try not to mess with her plans.
"What can I do for you Miss Elena?" tanong niya sa akin, blangko ang kanyang ekspresyon na 'di ko naiwasang lumunok kahit na tuyo naman ang aking lalamunan.
Kahit mukha ko ang nakikita ko. Kahit alam kong isang May Gonzales lang ang kaharap ko ay hindi ko maitatanggi ang malakas at maawtoridad pa ring presensya na inilalabas ni Miss Elena. Kumpara sa nakaraan ay napaka professional kumilos at manamit ng May Gonzales na na sa aking harapan, kahit sino ay makakapagsabi na ibang iba siya... wala na ang mahinang May Gonzales. Tuloyan ng pinatay ito ni Elena. Elena Perez will always be Elena Perez. At ako... kahit na sa katawan niya ako... I am nothing but just May Gonzales at the end of the day. Isang reyalidad na hinding hindi ko mabubura o mapapalitan.
"C-coffee," sambit ko na nagpataas muli ng kanyang kilay. "C-can I invite for a coffee break?"
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago siya sumagot at pumayag. Tahimik niya akong sinundan patungo sa isang malapit na coffee shop. Muntik ko na siyang dalhin sa Moon Cafe dahil sa nakasanayan, mabuti na lamang at naalala kong ayaw niya doon. Agad kaming nag-order at naghanap ng mauupuan. Paano ko ba 'to sisimulan?
Dumating na ang aming order at wala niisang nagsalita sa amin. Paano ko ba sisimulan? Paano ko ba itatanong?
"Miss Elena?"
Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin niya ang hiram na pangalan ko. Bakit Elena pa rin ang tawag mo sa akin? Talaga bang hindi mo alam ang katotohanan o nag mamaang-maangan lamang siya?
"Say... Ele—I mean May," sandali akong nag-isip habang iniikot ang kutsara sa kape ko bago nuling nagsalita, "what if may malaking opportunity para mas lumago ang kompanya niyo ang dumating..." sinalubong ko ang kanyang mga mata saka nagpatuloy. "Let's say... Ikaw ang CEO. What would you do? Sa pagtanggap mo ng once in a lifetime opportunity na 'to maaaring mas lalaki ang tiyansa na mas mapalago ang kompanya mo pero maaaring mag-away kayo ng mahal mo."
"Obviously, I would accept it," walang paligoy-ligoy niyang sagot sa akin. She was giving me the look like I was stupid for even asking. "Personal and business matters are supposed to be separated," litanya niya bago lumabas ng coffee shop.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ayokong mag-away kami ni Luke pero tama si May, urgh it feels awkward saying my name. Napatanaw na lang ako sa kalayuan. Hanggang kalian ba ako magpapanggap?
Hindi ko maiwasang mangamba na darating ang araw na babalik ang lahat sa normal. Na maaaring maghiwalay kami ni Luke. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. 'Di ko na napigilan ang mga luha na tumulo sa aking mata. Nasanay na ako na kasama siya, nasanay na ako sa baging buhay ko na ito.
Kung babawiin lang naman din pala sa akin ang lahat ng ito ay bakit ipinaranas pa sa akin kung paano magmahal ang isang Luke. Hindi ko naiwasang mahulog sa kanya.
"Luke..." mahina kong bulong sa aking sarili.
Nagulat ako ng may panyo sa aking harapan. Napatingala ako at nakita ang isang sopistikada at magandang babae na kulot ang dulo ng buhok, berde ang kulay ng mata at may pinkish lips. May pagkakahawig sila ni Miss Elena
"Crying in public is a no-no for us Elena," sino itong mala-perpektong binibini sa aking harapan?
Malaki at mabilog na mga mata, kulay asul na mga mata tulad ng kalangitan, freckles around her cheeks at isang manipis na hugis ousong labi. Inirapan niya ako saka nilabas ang phone niya at pinakita sa akin ang nilalaman nito
"Dad told me everything. I can't believe you got yourself in an accident!" masungit niyang wika sa akin.
Para siyang mini-Elena. Hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan niya. Kapatid ba siya ni Elena? Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya. Kung kapatid nga siya ni Elena ay nasa lahi na nga ba ng Perez ang ganitong taglay na kagandahan?
"Hello? Are you just going to continue looking like an idiot there?" inip na sambit ng binibini sa akin. "You are seriously wasting my time. If you're just not stupid, wait I can't call you stupid. All people are going all crazy calling you the little Miss Perfect..." Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi tila nag-iisip bago muling itinuon ang atensyon sa akin. "Anyways you are still stupid for me in your current situation and your dumb decision causing your accident. Don't hope that lady would be ever coming back." Puno ng galit at sama ng loob ang kanyang mga salita sa huling isinambit.
Hingal na hingal siyang kumuha ng tubig na inabot ng waiter sa kanya.
"Anyway, now you know that I'm here. I know you know wait," tumigil siyang muli at ginulo ang buhok. "This know and know are confusing me anyway going back. Basically, I just came here to inform you to get yourself ready Elena." Mapaglaro niyang sambit habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.
Teka? Bakit ko ihahanda ang sarili ko? Hindi ko maintindihan. Tumingin siya sa kulay pink niyang relo saka tumayo.
"You better go back to your company. She's really on fire today. Who knows, when you get there a second later. You'd find the company you care so much about... in total chaos" wika niya ng nakangiti na nagbigay kilabot sa akin
Patalon talon pa siyang lumabas at kumakanta ng linyang, "She's blank. I know this would be fun."
Sino ba ang babaeng 'yon at ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga saka tinawag ang driver ko at nagpahatid sa bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top