CHAPTER 22

Elena's POV (May) —

Napabuntong-hininga na lamang ako ng hindi pa rin sinagot ni Luke ang tawag ko.

"Sweetie what's wrong?" Napatingin ako kay sir Elan—Dad.

'Di pa rin talaga ako sanay na tawagin siyang Dad. Si Sir Elandro. Dati pangarap ko lamang ito... ang magkaroon ng tatay na mahal ka at aalagaan ka. Sinong mag-aakalang ang pangarap na imposible ay naging posible? Kung ito ang kapalit ng buhay na naranasan ko noon ay masasabi kong sulit ang lahat ng pinagdaanan kong nagpadurog ng puso ko.

"Wala naman po Dad," sagot ko na nakangiti.

Nagulat ako ng umiling siya at lumapit sa akin tsaka ngumiti at niyakap ako.

"Don't force yourself to smile, Elena. Now tell Daddy what's wrong," Malambing niyang wika.

Napanguso nalang ako sa sinambit ni Dad tsaka humiwalay sa yakap niya. Wala naman sigurong mali kung yayakapin ko na din ang bagong buhay ko. Ibinigay sa akin 'to ng Diyos, isa siguro ito sa paraan niya upang bumawi sa lahat ng pinagdaanan ko.

"Ginagawa mo naman akong baby eh," nakanguso ko pa ring sambit.

Ang sarap pala sa feeling na magkaroon ng tatay. Mapait na alaala lang ang mayroon ako sa aking nakagisnan na pamilya. Maagang nawalan ng ina, amang may galit sa akin at kamag-anak na hindi ako tanggap. Napakaswerte mo talaga Elena, na sa sa'yo na ang lahat. Ngunit ng dahil sa isang aksidente ng 'di ko malamang dahilan, ng dahil ako na si Elena Perez ngayon at ang lahat ng dating pinapangarap ko lamang ay nagkatotoo na.

"Dad, ang mom?" hindi ko maiwasang itanong.

Simula ng maging Elena ako ay tanging si sir Elandro lang ang lagi kong nakakapiling at si Luke. Nakapagtataka, nasaan nga ba ang ina ni Elena? Nakita ko ang pag-aalinlangan ni sir Elandro.

"H-hindi mo ba maalala anak?" wika niya habang nakatungo.

Napatulala ako. Hindi ko maalala? Hindi ko nga maalala dahil hindi naman ako si Elena, napunta lamang ako sa katawang 'to nung nasagasaan ako ni Miss Elena sa kanto habang naglalakad ako pauwi. Iyon ang panahong naisipan ko ng sumuko ngunit sinong mag-aakalang magigising ako sa katawan ni Miss Elena?

"H-hindi kasi Dad eh. Siguro medyo epekto 'to nung nadisgrasya ako kaya may mga nakakalimutan akong mga kaunting detalye ng buhay ko," tanging sagot ko kahit na alam kong wala namang pag-asang may maaalala ako dahil hindi naman talaga ako si Elena.

"Uhh, is that so baby? Oh. She died while giving birth to you," sagot ni dad sa akin na parang hindi siya sigurado sa gusto niyang sabihin. Nagsisinungaling ba siya? Hindi siya sigurado sa sinasabi niya e. Hmm, pero hindi naman siguro... baka malungkot lang siya kasi naalala niya 'yong nangyari at apektado pa rin siya sa pagkamatay ng asawa niya.

"P-patay?" bulong ko sa sarili.

Patay na pala ang mama ni miss Elena? At akala ko pa naman din perpekto at buo ang kanyang pamilya. Tsk. Nakakapanghinayang naman at namatay siya na hindi man lang pala nakilala ng husto ni Elena.

"Let's not talk about it baby. So what is my princess having trouble about?" Pag-iiba niya ng topic habang pilit na nakangiti.

Nalungkot na naman ako ng maalala ko ang away namin ni Luke. Hindi ko naman ginustong mangyari 'yon. Nagulat nga din ako sa rebelasyon na ex-fiancee pala ni Miss Elena si Chase, I mean ex-fiancee ko pala si Chase. Ako na si Elena ngayon at kailangan kong tandaan ang mga tao at kung ano pang mga detalye sa buhay niya upang mapanindigan ko ang pagiging Elena Perez.

"Nag-away po kasi kami ni Luke at ako ang may sala," malungkot kong batid kay dad.

"Did you apologize?" Tanong sa akin ni dad na hawak pa ang kamay ko.

"Iyon nga po ang problema. Ayaw niya sagutin ang tawag ko at ayaw niya rin ho akong kausapin," nangingilid na ang aking mga luha habang nagsusumbong kay Dad.

Ginulo ni Dad ang buhok ko saka ngumiti, "Normal lang 'yan sa dalawang taong nagmamahalan anak, ganyan na ganyan din kami ng mommy mo at halos parati rin kaming nag-aaway pero sa huli hindi ko naman matitiis ang mommy mo."

Bakit siya mukhang malungkot na pinag-uusapan ang tungkol kay Mom? Nakakurba man ang kanyang mga labi ay kita mo naman sa kanyang mga mata ang pighati. Halatang mahal na mahal niya ang nanay ni Elena.

"Ano ba ang dapat kong gawin Dad?"

"Isa kang Perez. You'll know what to do," wika ni dad na nakangiti tsaka ako kinidatan at lumabas na ng kwarto ko.

Napasabunot ako ng buhok ko. But that's the thing! I am not a Perez. Ano nga ba ang gagawin mo Elena? Napagdesisyunan kong mag-ayos na lamang para makapasok na ako sa office. Wala man akong gana ay kailangan ko parin na pumasok.

"May, seryoso hindi ka na galit?" Pagpasok na pagpasok ko sa lobby nga building ay boses ni Yummie ang narinig ko.

Kasama niya si miss Elena, I mean si May... na abalang may binabasa sa isang folder.

"Yeah. Kaya please stop annoying me already," sagot niya na nakatingin pa rin sa binabasa niya.

Nagkibit-balikat lamang si Yummie ngunit ipinagpatuloy niya na lamang ang pangungulit kay May. Sabay kaming napasakay ng elevator paakyat sa mga offices namin at tahimik lamang akong nakikinig sa pangungulit ni Yummie kay miss Ele—May. Ngunit 'di nagtagal ay napansin nga ako ni Yummie.

"Good morning po miss Elena," Magalang niyang bati at nginitian ko lamang siya.

"May, bumati ka naman," rinig kong bulong niya kay May.. na dapat ako.

"Good morning," walang gana niyang bati sa akin.

Nakarating na din ako sa office ko saka pinagpatuloy ang mga documents na dapat kong asikasuhin. Ngunit hindi ako makapagconcentrate dahil si Luke ang nasa isip ko. Napagpasyahan kong puntahan na lamang siya ng mapanatag ang loob ko.

"Si Luke?" Tanong ko sa sekretarya niya nung makarating ako sa office niya.

"Pumunta po sa Section C, 4th floor miss Elena," magalang niyang sagot sa akin.

Section C? Anong ginagawa niya doon? Biglang nag-vibrate ang phone ko. Isang message. Nang makita ko ito ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Isang litrato ni Luke at ni May. Magkasama sila? Kailan to? Alam na ba nila na si May ay ang tunay na Elena at ako'y nagpapanggap lang? Alam na kaya nila ang tunay na nangyari? Bigla akong nanlamig dahil sa mga tanong ko sa aking isipan. Hindi, hindi, hindi.. napaparanoid lang ako. Napabuntong-hininga na lamang ako ng hindi pa rin sinagot ni Luke ang tawag ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top