CHAPTER 16
Elena's POV (May) —
Nahilot ko ang ulo ko habang lumalabas sa aking office, papunta sa elevator. Si Luke na ang gumawa at tumapos ng mga paperworks na nasa table ko kaya't pinagpahinga ko na rin muna siya at nagdecide siyang bumalik sa office niya para tapusin din yung mga reports niya. Papunta ako ngayon sa lobby dahil nakalimutan kong may files pa pala akong ipapa-fax.
Napakastressful palang maging CEO ng isang napakalaking kompyana o baka naman naninibago lang ako dahil isa lang akong hamak na office girl dati na muntik pang matanggal sa trabaho nung ako pa si May. Nakakalungkot isipin.
Pagbukas na pagbukas ng elevator door sa lobby, nakaharap ko si miss Ele—May ngunit nakatalikod siya at may kinakausap or shall I say sinisigawan. 'Yong lalaking kasama niya kaninang umaga, 'yong Chase. Bigla kong naalala yung nangyari kaninang umaga. Kilala nung Chase na 'yon si miss Elena. Kilala niya ako. Ngunit bakit magkakilala sila ni May? Alam na kaya nila ang sikreto ko? Napaparanoid na ako. Hindi ko mapigilang magsungit dahil sa takot na namumuo sa akaing dibdib.
"You shouldn't shout inside the building May," strikta kong tugon sa kanya at lumingon siya sa akin. Tinignan niya lamang ako ng blangko at parang hinihintay niya lamang na lumabas ako sa elevator kaya'y dire-diretso na akong lumabas at nagtungo sa front desk ng lobby.
"Hi Miss Elena," napalingon akong mula kay Miss Ele—May na kaninang nasa may elevator. Wala na siya ron. Bigla akong natauhan at narealize kong ako pala ang kausap ni Cassy, ang front desk clerk.
"Uh—eh, hi," nauutal kong sagot dahil napatulala ako kanina sa pag-aakalang si May ang tinatawag niyang miss Elena.
Dahil siya naman kasi ang tunay na Miss Elena. Napaparanoid na talaga ako! Hindi ko naman binalak na mangyari ito, hindi ko din alam kung bakit kami nasa sitwasyong ito at hindi ko alam paano 'to aayusin. I shouldn't be this nervous pero napaparanoid pa rin ako. There's nothing I should be guilty about!
"Hi Cassy. E-mail mo naman to sa Sec 3 at 9, para maprocess na nila yung mga data na kailangan nila for their files. At paki-fax na rin n'yan kay dad, gusto niya kasing makita yung draft na gawa ko," tugon ko kay Cass na nakangiti.
"Sige ho miss. Right away," nakangiti naman niyang sagot.
Everything is really different when you have power and beauty. Mas mabait ang lahat sa'yo. They will smile for you and respect you. Mahina kong tinampal ang aking pisngi para putulin ang mga bagay bagay na gugulo na naman sa isipan ko. Pagkatapos kong makausap si Cass ay napagdesisyonan kong puntahan na lamang si Luke sa office niya. Wala na rin naman akong gagawin. Matapos ng nangyaring conference kanina, nawalan na ako ng ganang magtrabaho.
Hindi ko na alam kung papaano ko maibabangon ang kompanya. Hindi ko to gawain dati. Isa lang akong hamak na records manager dati, 'yon lang ang trabaho ko ngunit simula nung mapunta ako sa katawan ni miss Elena, ako na ngayon si Elena.. halos lahat ng trabaho sa lahat ng sections, napunta na sa akin. Napakastressful. Nakakapagod ngunit kailangan kong pagbutihan kong gusto kong manatili tong lahat sa akin. Hindi pwedeng mawala lahat ng 'to sa akin. Ako na ngayon si Elena Perez.
"Babe?" Nagulat ako nung marinig ko si Luke na nasa harapan ko na pala. Nasa office na niya pala ako. Hindi ko man lang namalayan na nakasakay at nakalabas na pala ako ng elevator.
"Uh, yes. Sorry. Medyo may iniisip lang." Marahan kong sagot sa kanya habang yakap-yakap niya ako.
"Huwag kang mag-alala, babe. Pinag-iinitan ka lang nung Fernandez na 'yon. You did a good job back there babe. At tsaka ilang buwan ka naman ring nawala, naaksidente ka kaya kailangan mo pang makapag-adjust ng unti-unti," Paglalambing niya habang nakayakap parin sa akin. Ang sweet tala ng boyfriend ko.
Nang ipikit ko ang aking mga mata ay muling pumasok sa kaing isipan ang naging kaganapan kanina.
"So eto na ho yung draft na gawa ko. Simple lang ho, pero binase ko yan sa lahat ng praktikal na galaw at gusto ng mga tao ngayon. Moderno na kasi ang gusto nila kaya napag-isipan kong siguro—" hindi ko pa man natapos ang aking sasabihin ay may pumutol na sa akin.
"So what do you intend to do Elena? This? That' s a very shallow idea, Elena. You could have come up with something better than this and you know that. You can even come up with the best ideas. What happened to you? CEO ka na at pinagkatiwalaan ka ng daddy mo at naming lahat na magpatakbo nitong kompanya and it seems to us na hindi ka man lang nag-eeffort sa mga presentations at idea mo. Babagsak ang kompanya sa ginagawa mong kapabayaan!" Mahabang sumabat ni Mr. Fernandez
Ricardo Fernandez, isa sa board members ng kompanya na may malaking hawak ng shares. Siya ang espiya at mata ng Lola ni Elena. Lahat ng board members ay nandito. Nandito rin si Luke dahil siya ay nasa financial section ng kompanya. Ibinuka ko ang aking bibg ngunit nabigo ako ng imbes na salita ay luha ang tumakas sa aking mga mata. Parang kakainin niya na ako ng buhay at kung papalpak ako ay buhay ko ang kapalit.
"I believe this meeting is adjourned," narinig kong sabi ni Luke. At unti-unti nang nagsitayuan ang board memvers, pati rin si Mr. Fernandez ay lumabas na. Hindi na ako nakapagsalita pa.
"Alam ko na, treat kita para mapasaya kita babe." Napabalik ako sa kasalukuyan nung narinig kong nilalambing parin pala ako ni Luke upang hindi na ako malungkot.
"Marami ka pang gawain, babe. Tapusin mo na muna 'yan," pag-aalala kong sagot.
Ayoko kasing hindi na naman matapos ni Luke yung mga gawain niya dahil lang sa akin. Siya na rin kasi yung gumawa at tumapos nung papers ko sa office ko kaya't hindi niya natapos yung mga gawain niya. Bigla kong naramdaman ang labi niya na nasa labi ko na pala. Hinalikan niya ako. Smack lang naman pero ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Mas importante ka kaysa sa kahit anong gawain d'yan, babe," sabi niya sabay kindat.
Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko. Napangiti na lamang ako sa inasal niya. Ang sweet-sweet talaga ng nobyo ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan akong hinila papasok sa elevator, pinindot niya ang 'G', galing sa 15th floor ay medyo matagal kaya tahimik lang kame ni Luke habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top