CHAPTER 13
Elena's POV (May) —
Nagdesisyon akong pumasok parin sa office kahit na sinabi ni dad na magpahinga na muna dahil wala naman akong gagawin sa bahay sapagkat nakakabagot lang magmukmok sa mansyon na tanging katulong lang ang kasama. Simula ng makita ko muli ang aking katawan ay hindi ako mapakali sa kaisipang maaring kahit anong oras ay mawawala sa akin ang lahat.
Pagpasok na pagpasok ko sumalubong sa akin ang isang pamilyar na babae na may kausap na lalaki sa front desk ng lobby. Habang papalapit ako ay napagtanto kong si May ang pamilyar na figure na nakita ko. Napahinto ako sa paglalakad at napatitig kay May. Ibang iba siya sa dating ako. Suot niya ay isang mahabang puting coat, puting pumps at puting dress na humahaba hanggang taas ng tuhod.
Nahati sa dalawa sa may gitna ang dating bangs ko at nakatali ang buhok ko ng basic topknot. Hindi ko mapigilang mamangha, hindi ko lubos akalain na may ganda din pala akong taglay. Nasanay ako na isang katatawanan sa opisina, walamg sumeseryoso at kailan man ay hindi ko naisip na mag-ayos. Hindi ko lubos akalain na magmukhang tao ang isang May Gonzales. Ito ba ang kakayahan ng isang totoong Elena Perez?
"Good morning, Miss Elena."
Mabilis akong napakurap ng mabalik ako sa reyalidad. Nginitian ko na lamang ang gwardyang bumati sa akin. Hindi pamilyar sa akin ang kasama ni Elena at dahil sa aking kyuryusidad ay di ko napigilang lumapit.
"May? Sino siya?" Pasingit kong tanong habang nag-uusap sila.
Nang makalapit ako ay pinagmasdan ko ang lalaking kausap niya at nasigurado ko na hindi ko nga siya kilala kahit na nung ako pa ay si May. Napaka gwapo rin ng lalaking kausap ni May, defined jawline, light brown hair at ang pinaka nakakaakit sa lahat ay ang kanyang asul na mata na tila ba isang malinaw na karagatan, nakakadagdag karisma nya ito.
"He's—" sasagot pa sana si May nung biglang nagsalita ang lalaki at nakangisi na nakatitig sa akin.
"Elena, my dearest." Teka, ano? Kilala niya ako? I mean kilala niya si Elena? Ha? Papaano?
Isang pilyong ngiti ang gumihit sa kanyang manipis na labi. Kinabahan ako sa inasta nya, nakangiti ang kanyang labi ngunit di ko nabasa ang kanyang mga mata. Agad kong iniwas ang aking mata, pakiramdam ko ay kung papantayan ko ang kanyang mga titig ay malulunod ako sa kailaliman ng kanyang asul na mata.
"E-excuse me? Sino ka? At bakit kilala mo ako?" Nauutal kong sagot.
Naramdaman ko ang lalong paglakas ng tambol ng aking puso. Isa sa mga ibinilin sa akin ay hindi dapat malaman ng iba na wala akong maalala patungkol kay Elena Perez. Hindi maaaring masira ang imahe ng kompanya at mas lalong hindi maaaring malaman ng iba, mas lalo na ang amin kakompetensya na may kahinaan na ngayon ang tinaguriang reyna ng business industry. Paano kung isang mahalagang kliyente pala ang kausap ko ngayon? Sino kaya 'tong lalaking 'to at bakit parang kilalang-kilala niya si Elena? Teka, paano kung alam na nila na ako si May sa katawan ni Elena at nagkapalit kami ni Elena ng katauhan?
"You don't remember me, darling? You must have hated me so much that you decided to erase my existence in your memory, that saddens me so much."
Malapit ba sya kay Elena? Mas lalo akong kinabahan at nataranta. Hindi, hindi ako pwedeng magpatalo. Liningon ko si May na naiinip na nakatingin sa amin. Elena, ikaw ba talaga ang nasa katawan ko ngayon?
"May, paalisin mo na 'yong bisita mo pagkatapos niyong mag-usap." Tanging nasabi ko at naglakad na ako papalayo sa kanilang dalawa at baka mapansin nilang namumutla ako.
Diretso na akong pumunta sa opisina ko at nakita kong nakaupo si Luke sa upuan ko. Nang mapansin nya ang aking pagpasok ay agad nyang tinanggal ang suot nyang salamin at gulat na napatingin sa akin.
"Babe! You're here. I thought you were going to rest, your dad asked me to do your paperwork in the meantime while you're resting." Sabay tayo niya at lumapit sa akin. "Why are you here? You shouldn't be forcing yourself again."
Hinalikan nya ang aking noo saka tinitigan ang aking mga mata. Pag-aalala ang nakaukit sa kanyang maamong tsokolateng mata.
"What's wrong, babe? You know I don't like seeing you really down," sambit nya bago ako hinila para sa isang yakap. "You know I'm always here for you, right?"
Mahigpit kong niyakap pabalik si Luke. Naamoy ko ang nakakakalmang pabango ni Luke na para bang dinadala ka sa isang malayong disyerto na may mga bulaklak at matamis na amoy ng usok. Sa magulong mundong ito ay nahanap ko ang aking katahimikan sa bisig ng aking sinta.
"Nakakabagot kasi sa bahay at namimiss kita," mabilis kong sagot.
Ang kaisipang hindi ko alam kung kailan mawawala sa akin ang lahat ng ito ay nakakatakot. Bakit pa kailangan maramdaman ko pa ang ganitong kasiyahan kung babawiin lang naman rin ito sa akin? Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Pero kahit ngayon lang, kahit kamuhian pa ako ng ibang tao oras na malaman nila ang katotohanan ay uunahin ko naman ang sarili ko. Uunahin ko ang lalaking narito na nagmamahal sa akin, ang pamilyang namamahal sa akin, patawarin mo ako Elena pero magiging makasarili muna ako. Ngayon lang habang nasa akin pa ang lahat ay susulitin ko to.
"Patawad," mahina kong naibulong sa sarili ko sabay pagpatak ng luha sa aking mata.
Kahit saglit lang, kahit ngayon lang hayaan mo akong mahalin si Luke, at hayaan mo akong maramdaman ang isang pagmamahal ng Luke Javier. Habang ako pa si Elena, magmamahal ako ng walang pag-aalinlangan. I will live the life I can't live when I was May Gonzales. Lumaki kang nasa iyo ang lahat, Elena kaya sana naman mapatawad mo ako sa kagustohang maranasan ang pagmamahal na kailan man ay di ko naranasan.
"Aww, you sweet thing. Come here." At niyakap niya ako ulit ng mas mahigpit. "I miss you too, babe. I really do."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top