CHAPTER 11

Elena's POV (May) —

Tumingala ako sa kalangitan habang nababasa ng malamig na tubig ng ulan. Tahimik ang kalsada at walang sasakyang dumadaan dahil na rin siguro sa lakas ng ulan. Madilim ang paligid at tanging ilaw nalang ng streetlight ang gabay ko. Ang malakas na kulog lang at patak ng ulan ang maririnig sa paligid. Mukha yatang nakikisabay pa ang langit sa aking dalamhati. Napapikit ako ng mariin ng muling pumasok sa aking isipan ang huling sinambit ni Sebastian bago tuloyang nagkahiwalay ang aming landas.

"Pagod na pagod na ako, May, hindi ito ang gusto ko. Until when should I save you from your own chaos, May?" Bakas sa boses niya ang pagod. "No matter how much I tried to reach out to you, I just can't reach you. Habang tumatagal ay lalo ka lang lumalayo sa akin, napapagod din ako, May. Ayoko na. Maghiwalay na tayo."

I knew it. Alam kong mapapagod ka din, magsasawa ka rin. Alam kong tulad ng ibang naging nobyo ko ay iiwan mo rin ako, Seb. Ang mali ko lang ay ang umasa akong parati kang nasa tabi ko, na hindi ka mapapagod na paulit ulit akong iligtas sa sarili ko at tutuparin mo ang pangako mo sa akin. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako Seb at sinubukan mo akong intindihin.

Salamat at minahal mo ang isang tulad ko na isang katatawanan at isang dukhang ulila. Iba ka sa lahat ng lalaking minahal ko Seb, totoo ka. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa dinami rami ng babae ay ako ang iyong napili, mahal kita pero hindi mawala sa aking isip ang mga katanungan kung bakit ako kahit pa na paulit ulit mong ipinapaliwanag na minahal mo ako dahil mahal mo ako.

Patawarin mo ako at 'di ko nagawang pagkatiwalaan ang pagmamahal mo sa akin. Saka ko lang napagtanto ang totoo ng makota ang iyong nga luha ng birawan ang aking mga kamay.

Mahal pa rin kita at di magbabago yun kaya masakit sa akin na pakawalan ka, alam kong hindi ako ang nararapat para sa iyo. May babaeng magpapasayo at hindi ako iyon. Pagod na rin ako, Seb, pagod na pagod na akong mabuhay, hinihintay ko lang na bitawan mo ang kamay ko. Sa lahat ng lalaking minahal ko ay ikaw lang bukod tanging minahal ako ng totoo, ikaw ang naging rason para ipagpatuloy ko ang aking buhay na puno ng kalungkotan.

Ngayong wala na tayo, ngayong ginawa mo na ang aking gusto hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasasaktan ako pero kung sa ikabubuti mo ito ay tatanggapin ko. Sigurado akong walang magluluksa sa pagkawala ng isang tulad kong talunan at walang saysay. Sa gitna ng aking pag-iisip ay tila ba nag slow-mo ang aking mundo na napalingon sa aking kanan; isang nakakasilaw na ilaw ang papalapit sa akin. Napangiti ako sa nakitang rumaragasang sasakyan, sa wakas ay makakawala na rin ako sa walang hangganang paghihirap at sakit.

"Baby? Your secretary mentioned to me na medyo matamlay ka raw kahapon sa office. Are you okay, anak?"

Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ang nag-aalalang boses ni dad. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin ang huling memorya ko noong ako pa ay si May Gonzales. Pero, hindi mawala sa isip ko. Buhay pa ako, buhay pa ang totoong katawan ko. Buhay pa si May Gonzales. I knew it simula pa lang ay alam kong may mali, hindi lang ito isang normal na memory mix up.

Ang muli naming pagkikita ang proweba sa aking mga hinala. Simula ng magkita kami muli ay binabagabag na ako ng konsensya at mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Noong una akong nagising ay pinaniwala nila akong after effect lang ng aksidente ko ang lahat. Ginusto kong mamatay pero hindi ako namatay, inisip ko na baka isa itong paraan para sabihin sa akin ng nasa itaas na mabuhay kahit pa sa katawan ng ibang tao.

Hindi ko alam kung ano ang rason o kung ano ang dapat kong gawin pero sa mahigit tatlong buwan kong pagiging Elena Perez na anak ng isang napakakilala at isa sa pinakamayamang businessman sa bansa na si Elandro Perez at nobya ng anak ng isang tanyag na abogado sa buong bansa na si Luke Javier ay napagtanto ko na hindi talaga patas ang mundo.

"What's the matter, Elena? Should I call Dra. KZ? Kanina ka pa tahimik at parang may malalim na iniisip. If you're thinking of your lost memory, you don't have to force yourself, anak."

Hinawakan ni Dad ang kamay ko at nag-aalalang inalalayan ako paupo sa sofa ng kwarto ko. Napatitig ako sa kukha ni dad, puti na ang kanyang buhok ngunit at may wrinkles na pero di mo maipagkakailang gwapo siya at sa kanya nakuha ni Elena ang matangos na ilong nito.

Mapagmahal na ama at kompletong pamilya, isa sa mga bagay na mayroon si Elena na wala ako. Hindi talaga patas ang mundo pero lahat ng pinapangarap ko noon ay nasa akin na ngayon. Isa ba tong paraan ng tadhana para bumawi sa lahat ng paghihirap na ipinadanas niya noong ako ay si May Gonzales pa?

"Okay lang po ako, Dad. Medyo stress lang siguro sa office," kalmado kong sagot upang hindi na siya mag-alala pa.

Kailangan kong tigilan ang pag-iisip tungkol sa nakaraan, hindi na ako si May. Ako na si Elena Perez at ang hinaharap ang kailangan kong atupagin. Walang magagawa nag pag-iisip ko sa nakaraan.

"Oh, are you sure? Please, baby, take care of yourself. I almost lost you once," nag-aalala niyang sagot habang nakatitig sa mga mata ko, "I lost her, I can't lose you too."

Napakunot ang noo ko sa sinambit ni Dad. Magsasalita pa sana ako ng tumayo sya at malambing na isinuklay ang kamay niya sa aking buhok.

"It's just been three months since the accident. It's better to you forget the past, may rason kung bakit 'di mo maalala ang nakaraan mo. This is for the best," pagpatuloy niya sabay halik sa noo ko. "I just came to check on you before leaving for an emergency meeting sa isang branch natin sa Italy. You should rest."

Ngumiti ako bilang sagot bago tuloyang lumabas si dad sa kwarto ko. Kahit pa busy ang ama ni Elena sa trabaho ay nagagawa pa rin niyang siguradohin na mabuti ang lagay ko. Napaka swerte mo talaga, Elena. Muli akong humiga sa kama at naalala ang pagkikita namin ni May. Anong ibig sabihin ng pagbabalik ng katawan ko. Bumalik ka ba para bawiin ang lahat sa akin? Napabuntong hininga akong muli at hinilot ang aking ulo.

Pwede bang huwag muna ngayon? Pwede bang bigyan mo pa ako ng isa pang araw? Hindi pa ako handa, huwag mo muna kunin sa akin to parang awa mo na. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Sana hindi na mawala ng lahat ng 'to sa akin. Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko kaya agad kong kinuha ito sa bedside table ko at tiningnan ang caller. Napangiti ako ng makita kung sino ang tumatawag, as expected si Luke nga.

"Good morning, my Queen," bati niya pagkasagot ko ng tawag.

Napangiti ako ng marinig ang boses ni Luke. Hindi lang masayang pamilya, isang gentleman at lalaking mahal na mahal pa ako ang meron ka. Nasa sa 'yo na talaga ang lahat Elena.

"Good morning, babe. Hindi ka ba nagsasawa na parati mo akong tinatawagan eh magkikita naman tayo sa opisina mamaya?"

Sa pamumuhay ko bilang Elena Perez ay walang palyang eksaktong alasingko ng umaga araw-araw ay tumatawag si Luke. Limang taon na pagsasama, hindi ba't mapapagod sila sa ganitong set up?

"I will never get tired of you, my Queen, your voice will always be the first thing I want to hear when I wake up even for a lifetime. I love you."

Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha. Ayoko pa tong matapos, ayoko na bumalik bilang isang May Gonzales. Mas lalo na ngayon na unti-unti akong nahuhulog kay Luke.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top