CHAPTER 10

Elena's POV (May)

Tulala pa rin akong nakatitig sa pinto ng elevator ng bumukas ito at bumungad sa akin si Yummie at May na magkasama. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tinititigan ko si May, ang May na dapat ay ako. Blanko ang expression sa mukha niya bago ako pinagsabihan kaya dali dali naman akong pumasok. Una palang ay malakas ang kutob ko na may nangyari sa akin. Nung nakita ko sya kanina sa lobby ay doon ko lamang napagtantong tama pala ang hinala ko. Hindi talaga ako ang tunay na Elena Perez. Umubo ako ng peke saka lumingin kay Yummie na nasa likod ko.

"Yummie," pagtawag ko sa kanya.

Miss na miss na kita, Yummie pero hindi ako pwedeng bumalik sa pagiging May at kung sakaling tangkain ko man ay wala rin namang maniniwala tulad noong una kong sinubukan ipaintindi sa doctor at mga Perez ang totoo. Masaya na rin ako sa ganitong sitwasyon, sa pagiging Elena Perez. Literal na nasa akin na ang lahat; buong pamilya, nobyong mahal na mahal ako, kayamanan at mga taong iniidolo ako. Hindi ko maaaring ipagpalit itong lahat para kay Yummie. Patawarin mo ako Yummie at hindi kita kayang pillin ngayon, patawarin mo ako sa pagiging masamang kaibigan pero alam ko kung malalaman mo ang totoo ay magiging masaya ka para sa akin dahil parati mong sinasabi ko kaligayahan ko ang iyong tanging hiling.

"Bakit po Miss?" magalang na sagot ni Yummie.

Ngayon lang, namimiss na kasi kita best friend ko. Ilang beses among nagtangkang lumapit pero laging maling oras. Gusto lang kita makasama ulit kahit saglit lang. Sa tuwing may nangyayari sa araw ko ay ikaw ang lagi kong karamay. Gustong gusto kong sabihing ang daming nangyari ngayong araw, gusto kong ikwento lahat lahat pero hindi maaari.

"Pwede ba akong magpabili ng Vanilla Frappe sa Moon Cafe? Uuwi ka na ba?"

Nagulat ako ng biglang inis akong tiningnan ni Miss Elena. Hindi ko lubos akalaing kaya kong magbigay ng maowtoridad na aura. Iba talaga ang isang totoong Elena Perez. Kahit sa mukha ko ay randam mo pa rin ang pagiging strikta nya at nakakatakot.

"With all due respect, Miss Elena but it's the end of our shift and uuwi na kami. Marami ka namang pwedeng utusang iba, diba? Aside from that hindi kasama sa kontratang pinirmahan namin na we need to bow down to your every whim when you can do it on your own. This is not part of our job," mahaba niyang litanya na nagpatameme sa akin.

Nanlaki naman ang mata ni Yummie sa inasal ng iinaakala nyang best friend. Ang May na alam nya ay hindi kasing bangis ng May na nasa harapan nya. Alam kaya ni Miss Elena ang totoo? Alam kong sya si Miss Elena; sa tindig nya palang, pananalita at pananamit niya.

"Pasensya na po kayo kay May, Miss Elena pero huwag po kayo mag-alala bibilhan ko po—"

Saktong bumukas ang elevator at dali daling hinila ni Miss Elena si Yummie. Napabuntong hininga na lamang ako. Mas makabubuti naman siguro sa aming dalawa ang manatiling ganito. Matapang si Miss Elena at matalino, sigurado akong kaya nyang maging isang May. Iyong lagi inaapi at malas, kaya naman siguro ni Miss Elena yun.

Binura ko ang konsensya na nararamdaman ko, hindi ko rin naman alam ang rason kung bakit kami nagkapalit ni Elena at wala rin naman akong magagawa. Hindi naman siguro masamang maging isang Elena Perez. Kahit sinong tao, ayaw siguro maging si May Gonzales, at mas gugustuhing maging isang Elena Perez. Patawad Elena at napilitan kang maging isang May Gonzales.

"Miss Elena, uuwi na ho ba kayo?"

Nabalik ako sa reyalidad ng may nagsalita. Iba talaga pag may kapangyarihan ka, kung ako pa si May Gonzales ay siguradong iirapan nya lang ako. Lahat naman ng babaeng empleyado dito ay ayaw sa akin dahil kay Britney at ang mga grupo nya. Isang pagkakamali lang ay naging isang ulila na nila ako.

Wala akong lakas na loob magsumbong sa HR dahil sigurado akong mas lalo lang naman nila ako pag-iinitan.

"Hinihintay ko pa si Luke," tipid kong sagot.

Napaupo ako sa sofa na nasa may gilid ng lobby habang hinihintay si Luke. Si Luke na dati ko pang hinahangaan noong si May pa ako at si Luke na mahal ko na ngayon. Kahit alam kong mahal niya lang ako dahil nasa katauhan ako ni Elena ay ayos lang.

Masakit man ay titiisin ko makapiling ka lang, Luke. Isa si Luke sa mga hindi ko kayang mawala sa akin kung kaya't ayaw kong bumalik sa pagiging May. Napabuntong hininga ako na naman ako.

"Hi babe," Biglang naputol ang pag-iisip ko ng may biglang himalik sa pisngi ko.

"Babe," Ngumit ako sa kanya.

"Ba't parang ang lalim ng iniisip mo? You're overthinking again?"

Nginitian ko lang siya ng matamlay habang tumatayo at kinuha niya ang karga kong Hermes Birkins na bag. Naglakad kami papuntang parking lot.

"I'll drive you home, okay?" Sabi niya habang binubuksan ang pintuan ng front seat ng sasakyan niya, nginitian ko lang siya.

Pauwi ay nadaanan namin ang Moon Cafe. Nasa loob kaya sila? As usual marami pa ring customers ang Moon Cafe.

"Look, you don't have to think about what happened there over and over babe. Let things go. Kanina ka pa matamlay." Luke said while holding my left hand

Nangyari? Dito sa Café? May nangyari ba kay Elena dito na ayaw niyang maalala? Bigla akong nakaramdam ng konsensya.

"Wait. Stop." Napahinto naman si Luke agad sa tapat ng Café.

"Why babe?" Tanong niya na medyo nababahala.

"I have to go inside," sagot ko. Kailangan kong palabasin sina May at Yummie.

Kung may nangyari kay Elena rito na ikinakalungot niya ay malamang ay hindi siya komportable sa loob kasama si Yummie at baka may mga alaala siyang babalik na pwede kong ikapahamak at mawala lahat sa akin. Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko ang gulat sa mukha ni Aunty Lory. Nginitian ko lang siya, miss na kita Aunty kaso hindi kita pwedeng lapitan dahil magtataka ka rin.

"Miss Perez?" Tugon ni Aunty Lory.

"Napadpad ka rito, iha? Ayos ka lang ba?" Sunod niyang sabi nang 'di pa ako nakakasagot.

Hinahanap ko sila Yummie. Wala sila rito. Malamang ay nakaalis na sila o kaya hindi sila tumuloy rito.

"Si Yummie po?"

"Nakaalis na, medyo masama kasi pakiramdam ni May kaya nagmadali silang umuwi. Ikaw? Okay ka lang ba?" Pagtataka niyang sagot.

Nagpasalamat na lamang ako at lumabas na ako ng Café. Salamat naman at hindi na sila nagtagal pa at baka may maalala si Elena sa nakaraan niya. Iniisip ko palang na maaaring maalala si Miss Elena ay kumakabog na ang dibdib ko sa kaba.

"Babe, are you alright?" Sinalubong ako ni Luke paglabas na paglabas ko sa pintuan nung Cafe na puno ng pag-aalala.

"Ayos lang ako, babe. May importante lang sana akong ipapagawa kay Yummie due tomorrow at seven. Alam ko namang dito sila palagi ni May after work, 'di ba?" Sagot ko kay Luke upang hindi siya magtaka sa inasta ko kanina.

Puno pa rin ng pag-aalala ang mata ni Luke pero 'di na sya muling nagsalita at inalalayan nalang ako papuntang sasakyan nya. Pumasok na kami ulit at nagsimula na siyang magdrive. Tahimik lamang siya at pinapanood ko lang siyang magmaneho. Kung malaman mo ang totoo, mapapatawad mo ba ako Luke? Kung malaman mo ang totoo, will you still stay by my side?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top