PROLOGUE

STARING herself at the mirror and admired her beauty makes her think that maybe she became this gorgeous para—

“Tumigil ka na sa ganda-gandahan mo d’yan Shi! Wala pa ding silbi ang ganda kung wala kang asawa”

Napatigil si Shenzel sa pagtitig sa kanyang mukha na nasa salamin nang may sumira sa kanyang pagbibigay hanga para sa sarili. Ito ang kanyang kaboardmate at matalik na kaibigan kung saan hindi niya alam kung bakit nandoon sa boarding house nila sa oras na iyon.

Nang malaman kasi nito na nandoon siya sa boarding house ay dali dali itong lumuwas galing Talisay City para lang makita siya.

Napangiti siya nang may maisip na what if, what if lumuwas ito kasi sino bang hindi makakamiss sa mukha niyang maganda. Dahil doon napangiti siya ng malapad.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan Shi? Hoy babaita ka kapag ikaw nabaliw, sayang ang ganda mo.”

Mas lalo pa siyang napangiti sa pagbanggit ng kanyang kaboardmate na maganda nga siya.

Tiningnan niya ito nang may ngisi sa labi at—

“ARAYYYY!YAWA! BAKIT MO’KO SINAMPAL BRUHA KA!”

Dinama niya ang kanyang mukha at tiningnan nang masama ang bruhang sumampal sa kanyang pisngi.

Paano kung masira ang mukha niya, hindi iyon maaari.

Dali-dali naman niyang chineck sa salamin kung may sugat ba ito. Nakita niya ang grabeng pamumula nito, sensitive pa naman ang pisngi n’ya.

“Kapag mamaga ang mukha ko at pumangit, babalatan ko yang mukha mo o hindi kaya isusubsub ko sa frying pan na mainit.” sambit niya nang makitang ngumiti nang nakakaloko ang kanyang kaibigan. Namumutawi sa mukha nito ang ngiting tagumpay sanhi nang pagsampal nito sa kanyang magandang mukha.

“Bakit ka ba naparito at iniwan mo ang asawa mo doon sa condo n’yo? Bumalik ka nalang doon, hindi yung iniistorbo mo ang aking beauty rest.” patuloy n’yang saad.

Napahiga naman ito sa kama n’ya. Naalala n’ya tuloy na dating double deck ang nakalagay doon imbes na kama.

“Eh kasi hindi mo sinabing babalik ka pala dito. Maganda naman doon sa bahay ng lola mo para magrelax pero andito ka nagtitiis sa boredom.” untag ng kaibigan n’ya sa kanya. 

“Samahan nalang kita dito para naman hindi ka mabagot.” sabi nito sa kanya at tumingin sa kanya. Napakunot noo siya kasi bakas sa mata nito ang kalungkutan pero inignora nalang niya iyon kasi umusbong sa kanya ang inis.

Nainis siya nang maalala kung bakit nga ba nasa boarding house siya ngayon. Mas mabuting dito muna siya magpapalamig ng ulo kaysa naman bumalik sa bahay ng lola n’ya. Marinig n'ya lang yung “anak” at “asawa” ay talagang mauubusan siya ng pasensya.

Sa edad na dalawampu’t pito’y wala pa din siyang maipakilalang lalaki sa harap ng kanyang pamilya at sabihin sa kanila na mag-aasawa na siya. Gusto niya tuloy isumbat na noong eighteen palang siya gusto na niyang may kasintahan kasi may prospect na siya pero sa edad na yon ay pinagbabawalan pa din siyang pumasok sa isang relasyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit bawal eh hindi na siya menor de edad.

Pero wala siyang magawa kundi maging sunod sunoran nalang kasi auntie niya ang nagbabayad ng kanyang boarding house at nagbibigay sa kanya ng allowance. Sa panahon na yun ang auntie lang niya ang may kakayahang pag-aralin siya ng college kasi walang permanenteng trabaho ang mama niya at wala din siyang tatay.

Napangiti siya ng mapait nang maalala kung paano siya nakapagtapos ng college despite of all struggles, malaking tulong sa kanyang pagtatapos ang kanyang auntie.

Bigla nalang siyang napasimangot ng maalala ang kanyang auntie na kinukulit siya tungkol sa pag-aasawa.

Guilty ang kanyang auntie dahil tingin nito ay ito daw ang dahilan kaya wala siyang ganang maghanap ng mapapangasawa kasi pinagbabawalan siya nito noon. Sa pagiging desperada ng auntie niya ay sa kung saan saang disco sa nalalapit na lugar sa kanila siya nito isinasama at pilit nilalasing para naman may lakas siya ng loob makipaglandian.

Mukha siyang binubugaw ng auntie n’ya!

Nakaramdam tuloy siya ng uhaw sa alak ng sumagi sa isip n’ya yon.

Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone na nasa tabi, kakaalas syete palang ng gabi. Tiningnan naman niya ang kanyang kaibigan na nakahiga sa kama at mukhang bagong tulog pa kaya sinipa n’ya ito’t nahulog sa kama n'ya.

Napabalikwas ito ng bangon sa sahig at tumingin sa kanya nang masama.  Akmang magsasalita ito kaya’t sinapawan nya na agad ito.

“Sa Panagsama tayo ngayon.” sabi n’ya dito.

Mukhang nagloading pa ata ang utak nito at kalaunan din ay kumislap ang mata. Napalundag ito sa tuwa.

“Seryoso ba yan? Ohmy Shi, sige sige. Ngayon na ba? Excited na akooooo, nauuhaw ako sa alak. Gusto kong uminom hanggang umaga.” maligayang saad nito pero bakas pa din ang lungkot sa boses nito.

“May problema ka Jamie.” agarang sabi n’ya. Hindi iyon patanong pero napatango ang kanyang kaibigan. Randam nga niya kanina pa na may problema ang isang ito, hindi nga lang niya binigyang pansin masyado.

Kung ano man yun ay sa tingin niya’y kailangan nga nilang uminom ngayong gabi at mag-enjoy. Baka sa oras na yun may makita din siyang prospect na maging asawa pero hindi naman niya priority iyon ngayon.

Kung magiging rich gorgeous tita siya ay okay lang naman.

Okay nalang. Ang mahalaga ngayong gabi ay makaliwalil siya.

Dali-dali siyang lumabas sa boarding house at sumakay sa sasakyan ni Jamie. Wala siya sa mood para magdrive ngayon kaya’t nakisakay nalang siya sa kaibigan n’ya.

“So saang bar tayo sa Panagsama ngayon?” tanong ni Jamie sa kanya.

“Kahit saan.” tipid niyang sagot.

“Sa Isla Bar nalang tayo.” sabi nito sa kanya. Wala sa isip niya ang pumili ng bar, ang naisip nya lang ay uminom.

“Libre mo Jam.” makapal na mukhang sabi niya dito nang may ngisi sa labi.

Biglang napabreak naman ito at gulat sa sinabi n’ya. Hindi ito makapaniwala kaya mas ngumisi pa siyang tiningnan ito.

“Bruha ka, ikaw nag-aya tapos ako pa manglilibre? Saan ka kumuha ng lakas ng loob, tanginaneto.” himutok nito.

“Kapag maganda ka dapat malakas din ang loob mo.” sabi ko nalang.

Hindi nalang ito umalma at pinagpatuloy ang pagdadrive. Hindi naman yun makapagtanggi sa kanya kasi sigurado siyang mas gustong uminom ng kaibigan niya. Nagmukha tuloy siyang tinake advantage ang problema nito pero ipinagsawalang bahala nalang n'ya yun.

Mga alas otso ng gabi nang nakarating sila ng matiwasay kahit pa may minor traffic sa parte kung saan may nakalagay na “Welcome to Basdiot”.

Pagkapasok palang nila sa barangay na yun ay nafifeel na nga niya ang excitement sa pag-inom ng alak.

Napatawa nalang siya sa kanyang naisip, mukha siyang hindi nakainom ng alak sa loob ng ilang taon kung makafeel ng excitement. Pagkapark palang ng sasakyan nila medyo malayo layo sa Isla Bar ay napangiti siya at tinanggal ang seatbelt.

Lumabas siya sa sasakyan at tiningnan ang paligid.

Gaya ng dati ay sobrang dami pa ding taong pumupunta dito. May nakita pa nga siyang Pinay at foreigner na naglalaplapan habang naglalakad habang abala ang lalaki sa paghawak sa pang-upuan ng babae.

Napangiwi siya, nagiging liberated na pala ang lugar na ito.

Nawala nalang ang ganung tanawin nang hinila siya ni Jamie, natanaw naman niya sa gilid ang Basdiot Community Stage. Hanggang sa hindi niya namalayan na nasa harap na sila ng Isla Bar. Pumasok naman sila doon at hindi na pinansin ng bouncer na mukhang familiar. Familiar lang siguro ang lahat para sa kanya, sa dami ng kilala niya sa bayan na iyon ay hindi na siguro niya matandaan ang iba pa.

Pumunta agad sila sa bar counter at nag-order ng drinks. Pinili niya ang pinakamahal na alak at ngumisi sa kanyang kaibigan na nakatitig na ng masama sa kanya. Tumango nalang ito at walang magawa.

Bumulong bulong pa ito na kapag hindi kasya ang cash nito’y mapipilitan itong magcash out sa euro net sa labas lang ng bar na ito.

Pagkabigay ng order sa kanila ay nagpasalamat siya sa bartender at nagulat siya kasi kilala niya iyon.

“Fox?” saad ko.

“Uyy Shinn, broken ka noh kaya ka naparito.” pambungad na asar nito sa kanya.

Nakasimangot na tiningnan niya ang lalaki sa harap nya. Common friend niya ito noong nag-aaral pa sila at kasama niya sa platoon noong nagROTC sila. HM student ito noon kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit nagbabartending ito ngayon.

“Paanong maging broken yan eh wala nga yang boyfriend, walang asawa, at walang dilig.” agarang sabi naman ng kaibigan niya kaya nabaling ang tingin nya dito.

Foxx chuckled and tiningnan siya.

Paniguradong aasarin siya nito kaya’t iniwan nya na agad ang counter at dinala ang alak na order n’ya. Tinungga nya agad iyon, wala na siyang pakialam kung may nakatingin sa kanya habang ginagawa niya ang pagtungga. Aware naman siyang hindi habit ng isang babaeng maganda na katulad niya ang pagtungga ng bote pero nawalan na siya ng paki sa oras na iyon.

Mas okay na yun ang ginagawa niya para naman maturn off ang mga lalaking gustong lumapit sa kanya. Wala siyang time para mag-entertain. Hindi din niya bet na ang magiging asawa niya ay yung nameet lang niya sa bar.

Sa isip pa niya ay hindi iyon maaari, nakakahiya na kapag kinuwento niya sa magiging anak niya na sa bar niya nakilala ang daddy nila ay baka magiging bad influence pa siya sa mga anak. Baka magbabar din ang mga ito para makahanap ng asawa. Naisip pa lang niya na ganun ang mangyayare ay parang ayaw nalang niyang mag-asawa pero at the same time kawawa naman siya kung ganun.

Napag-iiwanan na siya ng panahon.

Nakipagsayawan siya sa mga tao sa bar na iyon at nakisalamuha sa mga foreigners na babae at lalaki. Sanay na siyang makipagsalamuha sa mga foreigners kaya nakapag-adjust naman siya agad. Tinanggap naman niya ang mga pinapainom ng mga ito sa kanya. Kitang kita naman niya na hindi yun hinaluan ng kung ano mang party drugs or what. Sa oras na iyon hindi naman nawala sa kanya ang trust issues.

Naubos naman niya ang isang bote na dala dala niya despite of the time, mga magdadalawang oras na atang nakastay lang siya doon sa mga bagong nakilala niya kaya’t bumalik siya sa counter at nag-order nalang ng beer. Medyo nahilo din siya kasi malaki yung isang bote at naubos pa niya ang laman nun.

Habang dala ang beer ay mahilo hilong nakihalo siya sa mga nagsasayawang mga tao. May nakahipo pa nga sa dibdib nya at nakitang babae yun kaya hindi niya nasapak. Makalipas ang ilang minuto ay nakalabas naman siya sa bar. Naglakad lakad siya sa labas at dinama ang maalat alat na hangin. Medyo malapit lang kasi eto sa tabing dagat. Medyo hindi tuwid ang kanyang lakad pero tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad. Nakaipit sa bewang at arms niya ang dalawa pang canned beer habang sa kamay niya ay may isa din siyang canned beer na nakabukas at iniinom yun.

Dinig na dinig naman niya ang tugtog sa isa pang bar na nadaanan niya. Nakalayo layo na pala siya sa Isla Bar. The Tiptoe by HYSB filled her ears sa mga sandaling yun.

The last time na naglakad lakad siya dito ay may kasama siya.

Napangiti siya ng mapait ng makita niya ang sarili niyang naglalakad lakad na para bang siya ang pinakamagandang babae sa lugar na yun habang tinitingnan siya ng kanyang kasama na punong puno ng pagmamahal.

Nilagok n’yang lahat ang laman ng canned beer at sinimulang buksan ang panibagong canned beer at tuloy tuloy niyang ininom ito. Hindi niya alam na may isang butil na palang luha na tumulo sa kanyang mata.

Nakaramdam siya ng kahugkahan sa kanyang puso ng unti unting nawala ang scenariong iyon.

“Kulang pa ata tong nainom ko, i need refill.”

Akmang iinumin na sana niya ulit ang canned beer bago pumunta sa malapit na bar at doon nalang mag-inom kaysa bumalik pa sa Isla Bar nang may ilaw galing sa isang sasakyan na mukhang paparating ata sa harap niya.

Hindi niya namalayan na nasa gitna na pala siya ng kalsada.

Pinikit nalang niya ang kanyang mata at inisip na kung hindi sa kabaong ang kahahantungan niya ay paniguradong sa hospital.

Lumipas ang ilang minuto ay wala namang sumagasa sa kanya pero napadilat siya ng may nagsalita sa kanyang harap. Damang dama pa niya ang hininga nito sa noo niya.

“What the hell are you thinking baby.”

Baby ba yun or lady? Napadilat siya’t napatayo ng tuwid at bumungad sa kanya ang mamula mulang labi ng lalaking boses pamilyar para sa kanya. Dinig na dinig pa din naman niya ang tugtog sa malapit na bar kung kayat alam niya na hindi pa siya patay sa oras na iyon.

Tumingala siya at saktong naghinang ang kanilang mata.

Sa mata palang nitong kasing itim ng buhok nito’y alam na alam niya sa sarili niya kung sino ito. Tumibok ng mabilis ang kanyang puso na para bang may kung anong martilyo na pumukpok dito.

Napakurap kurap siya't hindi sinasadyang binasa ang labi ng kanyang dila. Bigla atang nawala ang kanyang hilo at nanunuyo naman ang kanyang labi.

Kitang kita niyang napalipat ang tingin ng mata nito sa kanyang labi at may kung anong dumaang emosyon sa mata nito na bigla din namang nawala.

Napatitig naman siya sa Adam's apple nito at napansing tumaas baba. Napaigting din ang panga ng lalaki at bigla nalang siyang pinangko at naglakad ito papalapit sa sasakyan.

“Damn, we need to talk.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top