CHAPTER 02
“WHAT THE FUCK!”
Kanina pa mura ng mura ang kuya n’ya habang nag-aararo habang nakasunod naman s’ya at pinupulot ang mga kamote na natatanggal dahil nadadaanan ng araro.
“Naririndi na ako sa pagmumura mo kuya ha. What if ikaw nalang yung baka tapos yung baka ang magmamanipula sayo? ” naiinis n’yang wika.
“Ikaw ba naman parusahan ng ganito. Degree holder ako pero bakit napunta lang ako sa pag-aararo. Putanginaaang putik. ” reklamo nito.
“Parang hindi mo naman nagawa ang ganito noon kung makapagreklamo ka.” inis n’yang sabi habang nilalagay ang napulot na kamote sa isang sako. Basket sana ang gagawin niyang sisidlan kaso ang laki ng sakahan nila na may mga kamote kaya hindi kasya ang basket lang.
“Student pa ako nun, ngayon hindi na. Graduate na ako.” depensa nito habang pinupunasan nito ang pawis sa noo.
“Tambay ka pa din.” pambabara n’ya kaya’t masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya.
“Hindi nalang sana siya umuwi kung ganito lang naman ang ipapagawa n’ya. Wala talaga siyang awa satin.” himutok na naman nito.
“This is a worst punishment.” oa nitong sabi.
Pasimple n’yang inikot ang mata n’ya sa kaartehan ng kuya n’ya at patuloy nalang sa ginagawa. Titiisin nalang n’yang makinig sa reklamo at mura nito.
“Manahimik ka nalang kuya, inuubos mo lang ang energy mo. Malapit naman na tayong matapos kaya pleaseee make my ears rest kuya.”
Ikatatlong araw na nila ito sa sakahan, nasa ibang sakahan naman nila ang ibang mga pinsan. Hindi pumayag ang kuya n’ya na hindi sila ang magsama sa isang sakahan. Baka daw gawin siyang alila ng iba niyang pinsan.
Ang oa talaga!
Nasapak tuloy ito ng isang pinsan nila. Wala silang choice kundi gawin ang inuutos ng auntie nila. Hindi pala ito inutos lang kasi sapilitang paggawa ang gusto ng auntie nila bilang punishment sa ginawa nila noong nakalipas na araw.
Nadatnan sila nitong lasing lahat, galing itong Paris kasama ang asawa nito na American National. Thirty plus na ang auntie n’ya at forty naman ang edad ng asawa nito. Mukha pa din namang dalaga at binata ang dalawa kaya hindi natsitsismis ang auntie n’ya na nakabingwit ng sugar daddy kasi hindi mukhang sugar daddy si Tito David.
Sa kanilang bahay ang auntie n’ya ang batas at paborito ito ng lolo at lola n’ya. Sino ba namang hindi magiging paborito kung spoiled sila sa asawa ng auntie n’ya. Good provider iyon at marunong rumespeto, bonus na yung pagiging foreigner nito para magustuhan ng grandparents nila.Gusto ito ng lolo nila kasi nga nakahanap ng may pera ang auntie n’ya.
“Picturan mo nga ako, yung pangPinterest ang datingan.”
Natigil na naman s’ya sa ginagawa n’ya.
She really can’t understand a guy to bring up such an idea.
Agaran n’yang kinuha ang phone at pinicturan nalang ang kuya n’ya. Wala siyang mapapala kung hindi n’ya yun gagawin, panigurado maririndi na naman s’ya sa pagkayapper ng kuya n’ya.
Nagpose naman ito, nagmumukha itong cowboy sa outfit nito. Hindi maipagkakailang may angking charisma ang kuya n’ya. Hindi n’ya tuloy maintindihan kung bakit iniwan ito ni Ate Trina.
“Hay sa wakas malapit na itong matapos, pwede na akong uminom ulit yessss”
Napasimangot s’ya at tiningnan ito ng masama.
Aba at may balak pa itong makipag-inuman sa sitwasyon nila ngayon.
୨୧
Natapos naman sila sa kanilang ginagawa sa sakahan bago pa magtanghalian. Pangatlong araw na nila sa sakahan kung kaya’t nagmumukhang lantang gulay na daw sila ani pa ng kuya n’ya. Pagkarating nila agad sa bahay ay talagang humilata na agad ang kuya n’ya sa sofa kaya’t nabigyan ng kurot ng auntie nila.
“Oh ano gusto n’yo bang sa sakahan na talaga titira sa susunod na gagawa na naman kayo ng nakakasakit ng ulo ko?”
“Ikaw White hindi ka na talaga nagtanda sa mga pinanggagawa mo, graduate ka na ng college pero asal high school ka pa din. Dinadamay mo na naman ang mga pinsan mo sa inuman na yan, kebabaeng tao nyan ni Shenzel.”
Tanghaling tapat pero naninermon na naman ang auntie nila ng paulit paulit at paulit paulit na naman din ang sagot ng kuya n’ya dito kaya’t napagpasyahan nalang niyang pumunta sa kusina.
“I’m so stressed, feeling ko bigla akong magkakaputi sa buhok.”
Maglalakad na sana siya papuntang kusina nang tawagin siya ng auntie n’ya sa kanyang buong pangalan. Masyadong makaluma ang pangalawa n’yang pangalan kung kaya’y kinikilabutan talaga s’ya kapag naririnig yun.
“SHENZEL VICTORIA ARNEJO”
“Po?”
“At plano mong umiwas? Upo.”
Hays mukhang araw na naman ito ng interrogation para sa kanya.
Wala siyang magawa kundi umupo nalang sa sofa habang ngumingisi ang kanyang kuya sa kanyang tabi. Mukhang masayang masaya ito dahil nabaling ang atensyon ng auntie n’ya sa kanya.
Parang gusto niyang sakalin ang kuya n’ya.
Umupo naman sa isang silya na gawa sa kawayan ang auntie n’ya at nakaharap na ito sa kanila, mali kundi sa kanya. Nagdadala ito ng kaba sa sistema n’ya kaya’t nagkukunwari siyang may tinatanggal na dumi sa kuko para lang maiwasan ang paninitig ng auntie n’ya.
“Kumusta naman ang preparation mo for college?”
“I’m done with the enrollment procedures auntie and may nahanap naman na po akong boarding house but good for 2 po kaya may makakasama akong stranger sa room ko.”
“Are you comfortable naman ba doon?”
Gusto n’yang isatinig na hindi kasi in the first place she doesn’t know who will be her roommate and what if it’s a kind of a bitch na magnanakaw ng gamit, sisiraan siya sa landlady para makick out sa boarding house.
What irks her more ay baka magdala pa ito ng boyfriend and magsisex while she’s sleeping on the lower deck.
Still ayaw n’yang malaman ng auntie n’ya na she’s not comfortable, nakakahiya naman kasing magdemand pa siya ng good for 1 na room eh mahal ang room rates tapos ito pa ang magbabayad ng expenses n’ya sa buong college life n’ya. Ayaw n’ya naman sa bedspacer na hanggang 6 people ang mag-ooccupy sa isang room, she can’t breathe normally with that.
“Yes naman po.”
“I’ll go with you to help you bring your stuffs sa boarding house and para makausap ko ang landlady ng boarding house mo. Babayaran ko siya ng advance for your stay during your first semester. By semester ang pagbabayad ko so that if ever babagsak ka ngayong semester ay diretso uwi ka dito at maging magsasaka nalang hanggang pagtanda.” mahabang litanya nitong sabi.
She really wants to finish a degree so that she can travel around the world, she wants her instagram feed filled with images with countries she visit.
Gusto n’ya ding guminhawa ang buhay ng mama n’ya so that no one can belittled her mother for having a five children pero wala man lang asawa.
Her grandfather really hates the sight of them pero matigas ang ulo n’ya kaya sa bahay nito siya tumira instead of staying with her mama and siblings. In that way, her grandfather can shut the hell up pero ngayon bumabalik na naman ito sa paninermon because his favourite rich daughter supports her for her education financially at may kaagaw na sila sa pera nito.
As long as she’s still studying, she will act nonchalant towards those people who gave nothing but insults.
“Thank you auntie.”
“Just be responsible as a student, alam mo naman na ikaw ang inaasahan ng mama mo bilang panganay. I only want the best from everyone of you kahit nakakaubos ng pasensya kayong mga pamangkin ko.” wika nito sabay tingin nito sa kuya n’ya kaya’y napaayos ito ng upo.
“White, you can go with me kapag luluwas na si Shenzel.”
“Of coursee, I also want to meet her roommate and give her my warnings.” sabi naman ng kuya n’ya habang tinaas taas ang kilay nito.
She really rolled her eyes on what her kuya’s statement.
“Magbubuhat ka ng gamit n’ya White at hindi magbibigay warning sa roommate n’ya, magiging uncomfortable yung roommate n’ya if ever you’ll do that.” suway ng auntie n’ya.
As if she’s comfortable too with having a roommate.
“Aalis na din kami papuntang Spain after kong maicheck if you’re really okay with your boarding house. And you White, you should at least find a job if you have plans with your life. Your other cousins have stable job right now, i hope you’ll decide for the sake of your future.”
“Auntie wala pa kasing hiring, you know very well that here in our country mahirap makahanap ng trabaho kasi walang backer.”
“Hiring sa Japan.”
“Gusto ko dito sa Pilipinas.”
“Pero you’ll end up being unemployed here, magiging tambay ka lang.”
“I’ll think about it Tita. I dislike the thought of me working abroad.”
“Kaya madalas nag-aaway kayo ng Mama mo. Walang masama na magtrabaho sa abroad, mas malaki ang sahod.”
And the same arguments goes on.
Her kuya really don’t likes going to abroad, he wants to live in the countryside. He wants simple life to be exact and do nothing. Of course he needs to work but he wants to rest just for now that’s why it pressured him the most if he was told to find job. Madalas magtalo ang kuya at ang mama nito kaya’t nandito ito ngayon sa bahay ng lola n’ya. Ganyan palagi ang nangyayari kapag may pagtatalo sa bahay nito. While siya, nagsisleep over siya sa bahay nito kapag naririndi na siya sa pagpaparinig ng lolo n’ya.
“Auntie, hayaan mo munang magpahinga si kuya, fresh graduate pa naman siya baka mapressure.” tanging saad nalang niya dito.
“Nireremind ko lang naman Shen para naman marealize n’ya na mas magiging maayos ang buhay n’ya kapag sa abroad magtrabaho.”
“Auntie hindi mo ba kami papakainin? Gutom na kaya kami dahil sa pinag-uutos mo samin sa sakahan. ” maktol na sabi ng kuya n’ya kaya’t naputol ang usapan nila. Sadyang pinutol ng kuya n’ya iyon.
୨୧
Lulan ng sasakyan ng auntie n’ya papuntang Moalboal ay hindi niya maikubli ang pagkamiss sa kapaligiran at tanawin na makikita n’ya sa bahay nila. Sa pagiging kulay luntian na kanyang namulatan tungo sa lugar na magmimistula siyang dayo lamang.
Ginawang driver ng auntie n’ya ang kuya n’ya kaya’t nagdemand ito na magpatugtog, saliw sa tugtog na About You by The 1975 ay nag-uusap naman ito ang ang Tita nya habang siya’y inaabala ang sarili sa pagtitingintingin sa labas ng bintana. What will really happen to her after leaving her hometown? Is her degree program really meant for her? Can she really endure the homesickness? Her home was her mother and her siblings. Siguro naman masasanay din s’ya, para din naman ito sa kanila.
Nagvibrate ang phone n’ya, unregistered number called her, hesitant but still she picked it up.
“Hello.” she said but no one’s on the line.
Two minutes passed but wala pa din siyang narinig n a sagot sa kabilang linya.
“What do you need po? If wala, ibababa ko na po.” ani’ya. Hindi n’ya pinamimigay ang number n’ya kaya she don’t know why an unregistered number suddenly called her. Akmang ibababa n’ya when she heard a voice on the line. It’s unfamiliar yet familiar.
“I miss your voice...”
Ryle.
Anong kailangan nito sa kanya?
“So?”
Binabaan n’ya agad ito ng tawag bago pa ito makapagsalita sa kabilang linya. She cut him off na and now tatawag ito sa kanya? For what na naman?
She wants to prove herself that no one can ruined her, not even guys like him can do that. It’s a coincidence that she lost in touch with the idea of having a serious relationship after their sudden breakup.
Weeks after their breakup, she realized that having him was heavy for her to carry. She has many responsibilities coming on her way as she will step to another phase of education.
“Sino yun?” her kuya asked looking at her in the rearview mirror.
“A nutcase.” she simply said. Nagets naman agad iyon ng kuya n’ya.
Tumingin nalang siya sa labas ng bintana ng sasakyan at nakikisabay sa kantang Backburner by NIKI.
Makulimlim ang kalangitan kaya’t paniguradong uulan, bago pa niya masarado ang bintana ay umulan nga, nasa Badian na sila ng mga oras na iyon. They are in the road in the middle of a forest sanctuary ata. Hindi naman napupunta sa loob ang ulan kaya hinayaan nalang niyang nakabukas ang bintana. Ang gaan ng ambiance habang may music sa biyahe. This is what she really likes and her body urges her to sleep.
Nagising nalang siya ng sinabi ng auntie n’ya na malapit na sila sa Moalboal. Before she able to answered 'okay' , their van was in front of an arc saying “Welcome to Moalboal” and its tag name “Dagway sa Paraiso”.
“Finally.”
“We will buy groceries for you Shen. Pero kakain muna tayo before mamili.”
“Okay auntie.”
Nalampasan na namin ang isang mall, the healthcare center, police station and then the we are welcomed by the buzzling street of my new place. The curved road with different establishments sa gilid, the municipal hall, and a fast food ‘Jollibee’ near the municipal hall.
Her kuya decided to order on that fastfood rather than in Mcdo since it is located far near her boarding house. Nagdrive thru lang sila kasi mas gusto ng auntie n’ya na itake out lang para sa sasakyan na kainin. It’s too tiring na sasali sa pila sa loob kasi malayo din ang biyahe kasi more than two hours pa naman ang biyahe nila.
“Anong gusto mong kainin?” Tanong ng auntie n’ya.
“Burger steak and coke float po, yung mixed and match nalang sana para hindi po masyadong mahal.” mahina niyang sagot. Hindi naman siya masyadong gutom sa mga oras na iyon at mas gusto n’yang bumili nalang ng ulam at kanin sa isang carenderia, yung hindi naman mahal.
“Anong mixed and match?” reklamo ng kuya n’ya at bumulong sa kanya. “You should at least choose the spicy chicken for now kasi puro processed foods nalang kakainin mo sa boarding house panigurado.”
Napailing naman ito tila disappointed sa kung anong inorder n’ya. Kapag kasi kasama n’ya ang kuya n’ya at auntie ay hindi nito hinahayaan na pumili siya ng mura.
“For now, wag ka munang magmixed and match Shenzel. I told you about magtipid pero ngayon huwag muna okay.” her auntie said and smiled to her genuinely kaya tuloy ay nahihiya.
“Si White nalang ang mag-oorder, I’ll just take a nap saglit.Don’t mind the price okay. ” patuloy nitong sabi at ibinigay sa kanya ang wallet nito kaya’t tumango nalang siya dito at nagthank you.
She really don’t want someone to pay something that is expensive just for her. Hindi n’ya alam kung paano babawi agad agad.
“Don’t tell me iniisip mo na kailangan mong bumawi sa mga ginastos ko sayo?” biglang sabi nito.
“Of course kailangan mo talagang bumawi, pero hindi sa akin kundi para sa sarili mo.” patuloy nitong sabi at hindi n’ya naman nagets kung bakit para sa sarili n’ya. So ang ending ang kuya niya ang pumili kung anong ioorder, iniiwasan nito ang mixed ang match kasi nakakabother daw kasi sakay sila ng can tapos mix and match promo lang oorderin nila.
Nagsuot ng airpods ang auntie n’ya at for sure iidlip na muna ito gaya ng sabi nito kani-kanina lang habang ang kuya n’ya naman ay naghihintay ng order nila. Ibinigay naman niya ang wallet sa kuya n’ya.
She did not bother to look what’s inside the wallet for she knows madaming pera ang auntie n’ya. For sure may another wallet din ito kung saan nakalagay ang ATM cards nito.
Lumabas ng sasakyan ang kuya n’ya kasi may biglang tumawag dito, mukhang about sa passport kaya hindi nalang siya nagtanong kung sino. Saka bakit lumabas pa ito? Para hindi malaman ng auntie nila na biglang nagbago ang ihip ng hangin sa paligid ng kuya n’ya at mukhang may plano na pala itong mag-abroad.
Saka pwede palang lumabas ng sasakyan kahit nasa drive thru?
She can’t really understand her kuya sometimes.
Bumusina naman ang nasa likod nila.
Can’t they wait? How rude!
Hindi naman ito kalsada, can’t they understand that in drive thru you need to he patient enough just like kung paano pumila sa loob ng fastfood na ’to.
Napangunahan na naman siya ng inis kaya’t nilusot niya ang katawan sa labas ng bintana sabay tingin ng masama sa itim na sasakyan na nasa likod nila.
Tinted ito kaya hindi niya alam kung sino ang nasa loob ng sasakyan na iyon. Wala siyang pakialam kung may posisyon ba ito sa pamahalaan or wala. That someone inside the car is really really rude.
Three times na itong bumubusina kaya naiinis siya.
Hindi na talaga siya makapagtimpi.
“Hoy bakit kaba laging bumubusinang tangina ka! Kanina ka pa ah.”
Bumusina ito ulit kaya feeling n’ya biglang umakyat ang dugo n’ya sa ulo n’ya.
“PUTANGINA MOOOOOO SANA MAUBUSAN KA NG GAS!”
She then raised her two middle fingers at talagang iwiniwasiyas niya ito para makita talaga ng kung sino mang maligno na nasa loob ng sasakyan na iyon.
“Fvck you ka ha.”
Bumalik siya sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan at maya maya din ay inilabas ang balikat at kamay n’ya then raised her middle finger para makita ng nasa likod na sasakyan.
Pumasok ang kuya n’ya at itinanong kung sino yung sumigaw, parang siya daw kaya’t itinanggi naman niya agad.
Two minutes after ay inabot na sa kanila ang order nila at nagsimula nang nagdrive ang kuya n’ya palabas, bago pa makalayo ang sasakyan nila ay tiningnan n’ya ang itim na sasakyan na kasunod nila.
Nakaopen na ang bintana nito kaya’t kita niya ang braso nitong nasa bintana. Mukha itong makisig tingnan dahil ang healthy ng braso nito. Nasense niya na mukhang nakatingin ito sa gawi nila kahit hindi naman niya kita ito sa loob.
Tinaas n’ya ang isang kilay n’ya at pinakita ang nakataas niyang middle finger habang papalayo ang sasakyan nila doon at pumaikot papuntang national road.
“Bakit ka namamakyu d’yan? Nakakahiya, paano nalang kung may kumuha ng litrato sayo? Babae ka pa naman.”
Sinuway siya ng kuya n’ya, napansin pala nito ang ginawa n’ya.
“Ayyy hindi ka pala babae.”
Tiningnan n’ya ito ng masama yung tipong tingin n’ya palang mukhang sinaksak na ito ng sampong beses.
May another pet peeve na naman siya. Mga taong bumubusina ng wala sa lugar.
Inis na inis siya, nangangalaiti talaga siya sa inis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top