CHAPTER 01
10 years ago.
INCOMING CALL. Yan ang nakalagay sa screen ng kanyang phone.
“Ryle.” sagot nya agad habang nakangiti. Walang ibang tatawag pa sa kanya sa ganitong oras kaya’t alam n’yang ang kanyang boyfriend lang ang tatawag.
“Let’s end this, loveyy” sagot ng nasa kabilang linya.
Napakunot-noo siya at tiningnan ang phone, baka ibang tao ang tumawag sa kanya at nagkamali lang ito ng number na tinawagan.
Pagtingin nya’y boyfriend naman niya ang tumawag at wala ng iba pa.
“Ha?”
“Maghiwalay na tayo.”
Doon nagsink-in sa kanya ang sinabi nito kanina. Talagang gusto na nitong makipaghiwalay. Alam n'yang doon din hahantong lahat. He’s been cold these days and she’s ready for the possibility na mangyayari talaga yung kinatatakutan n’ya pero hindi naman niya napaghandaang ngayon na pala yun.
Napaupo siya sa kama’t muntik nang mabitawan ang phone.
“B-bakit?” bulong n’ya.
Alam niyang kahit bulong yun ay naririnig pa din naman yun sa kabilang linya.
“Hindi ako pwedeng magkagirlfriend. Pinapapapili ako kung girlfriend ba o mawawalan ako ng scholarship.” saad nito.
Doon umusbong ang namuong galit sa kanyang kalooban at tuluyang hindi na nga nakapagtimpi.
“Anong mawawala ang scholarship? That reason was bullshit Ryle, we’ve been together for almost 6 months and now maghihiwalay tayo dahil mawawalan ka ng scholarship? Sinabi mong you can excel your acads while having me as your girlfriend. Okay naman yung acads mo now ha? Magigrade 12 ka na ngayong pasokan.” mahabang talak n’ya sa katawagan.
“Hindi mo ako naiintindihan Zel.” nahahapong saad nito sa kanya. Now siya pa ang hindi understanding?
“Sinabi ng lola mo na okay naman ang scholarship mo kapag nag-aaral ka ng mabuti. Wag mong sabihin na bagsak ka? Alam nating dalawa na hindi ka babagsak, you know very well na ako ang gumagawa ng mga yan kahit na hindi tayo same ng school.” sagot nya dito.
“So ngayon ipapamukha mo sakin na matalino ka at ang bobo ko kasi ikaw ang gumagawa ng activities ko? Dapat noon sinabi mong ayaw mo pala akong tulungan hindi yung isusumbat mo din pala ngayon yan sakin.” sagot naman nito sa kanya.
Napamulagat nalang siya at napasabunot sa kanyang buhok. Nagiging immature na naman ito at naririndi na din siya sa pagtatapon nito ng tantrums. Kung saan saan na naman aabot ang away nila panigurado.
“Bakit hindi mo nalang amining you cheated on me noong nagpunta ka sa Bohol kaya’t nitong mga nakalipas na araw ay nagiging cold ka na? Huwag mong gawing rason yang scholarship mo dahil hindi ako tanga.” puno ng pagtitimpi nyang sagot.
Natahimik ang nasa kabilang linya. Now she knows that he really is cheating behind her back. Hindi man lang nito ginawang rason na maghihiwalay sila dahil nakahanap na ito ng iba. Ginawa pang rason ang scholarship. Huh talaga lang. He knows very well that she hates someone who cheats.
Naputol ang kanyang pagmumuni muni ng nagsalita ang kanyang ex-boyfriend sa kabilang linya. Oo ex-boyfriend na niya itong maituturing sa oras na napagdesisyonan nitong makipaghiwalay sa kanya.
“Did you open my Facebook account?” saad nito.
Natigilan siya sapagkat inopen nga n’ya ang account nito. Nakita niyang may kinikita itong babae sa isang bridge sa Dauis, tinawag nito itong new bridge.
Monitor na monitor nya ang pagsasagotan nito sa chat kung saan pinag-usapan pa nila kung gaano nila kagusto ang naganap na paghahalikan. Ang asim.
Napaiyak siya nang maalala kung bakit niloko siya nito. Pumunta lang ito ng Bohol, naghanap agad ito ng iba at hindi man lang nakipaghiwalay muna sa kanya. She wiped out her tears at sinagot ang kausap niyang manloloko. Magmumukha siyang naghahabol sa lalaki kung iiyak siya ng parang namatayan.
“Bakit mo naitanong? Kasi totoong you really cheated.” inis na sagot nya.
“Binalaan na kitang wag na wag mong ioopen ang account ko. Binigyan kita ng password pero hindi ibig sabihin nun ay bubuksan mo. Wala ka talagang respeto sa privacy ng ibang tao noh Shenzel?” sabi nito sa malamig na tinig.
At doon na nga lumabas kung gaano karedflag ito kung nagagalit. Bakit ba binalewala n’ya pa yun noon nang makapagmove-on naman lang ang ginawa n’ya habang sila pa.
“Alam na alam mo yan na masama akong magalit. Gusto kong makipaghiwalay hindi yung tatalakan mo pa ako ng kung ano ano Shenzel.” naiinis na sabi nito sa kanya.
“Alam na alam mo din na ayoko sa manloloko.” malamig na sagot nya din.
“Kaya nga makikipaghiwalay ako diba?” sagot din nito.
Hindi man diretsahan pero inamin nga nitong niloko siya nito. Nakakatawa lang.
“Inamin mo nga na niloko mo ako.”
Natahimik ito sa kabilang linya at dinig niya ang pagbuntonghininga nito. At nag-iba ang boses nitong kanina lang ay may halong inis at irita.
“Loveyy, sorry. Hindi ko din alam kung bakit.”
Para siyang nakunan ng lakas sa pagsasalita nito ng ganun sa kabilang linya. Bakit pa ba nagsosorry ang isang tao sa kasalanan na sinasadya nilang gawin? Ang dali daling magsorry pero hindi marunong umiwas sa mga temptasyon kasi nga isang sorry lang alam nitong mapapatawad n’ya agad ito. Pwes hindi n’ya tanggap ang paumanhin at paghingi ng tawad nito. Tama na yung binibigyan siya nito ng mixed signals para malito siya na green flag ito kahit sa totoo lang mas madami pa itong red flags. Ginawa pa siya nitong color blind.
“I know that I don’t really deserve to be with you Shenzel. Siguro kung talagang para sakin ka hindi siguro sa oras na ito. Maybe after years pwede na.” saad naman nito.
“Hindi ako para sayo Ryle. Hindi ako bumabalik sa ex.” tanging sagot n’ya nalang.
Sa pahayag nya palang na hindi siya bumabalik sa ex ay hudyat na para matapos ang kung ano mang namamagitan sa kanila sa oras na iyon. Napagtanto niyang mas bata ito sa kanya para isipin kung gaana kahalaga ang magkarelasyon. Turning 19 na siya sa taon na ’to at turning 18 palang ito.
Bago pa makapagsalita ang nasa kabilang linya ay pinutol na agad niya ang tawag hudyat na pinutol na din niya ito sa buhay n’ya. Madadivert na naman sa ibang bagay kung tatagal pa ang usapan nila. Nakikipaghiwalay ito at payag naman s’ya, kung aabot ang usapan nila sa ibang bagay baka maisipan pa n’yang makipagbalikan. Yun ang iniiwasan n’yang mangyari. Ayaw n’ya ng bumabalik sa ex. Mukha siyang naghahabol kung ganoon.Ayaw n’ya din sa lahat ay hinahabol s’ya ng ex kasi nakakairita yun sa kanya. Istorbo.
Napahiga siya sa kanyang kama at nakatulalang nakatitig lamang sa kisame. Inalala nya lahat kung saan nga ba siya nagkulang. Tanggap niya ang red flags nito, minumura siya nito kapag nagalit pero bawing bawi naman nito kapag susuyuin siya.
Nasasayangan din siya sa mga oras na nakapiling ito. Malapit ito sa Diyos, nireremind siya nito na God will be the center of their relationship. Napatawa siya ng mapait, huh God his ass. Nilegal pa siya nito sa pamilya nito tapos maghihiwalay lang din naman sila dahil sa tanginang temptation na yan.
Isang buwan lang itong nanligaw sa kanya dahil dalawang taon itong nagpaparamdam sa kanya kung gaano ito naghihintay para maligawan siya. Napabuga na lamang siya ng hangin. So anong gagawin n’ya ngayon? Entertain guys again? Probably no, nakakadrain din pala. Magfifirst year college na siya sa pasokan, what a good gift naman kung ganung magiging single pala niyang iwewelcome ang college life.
Naishare pa naman niya nung enrollment ang lovelife n’ya doon sa magiging classmate n’ya tapos najinx lang naman pala. Masama talagang ipagyabang ang isang relasyon dahil madalas nauuwi sa hiwalayan. At kung bakit ba naman isa siya sa mga proud girlfriend kung maituturing.
Napaigik siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Sa kakakape n’ya ito kaya ganun nalang ang naging reaksyon n’ya sa simpleng katok lang. Nanglalatang pinuntahan naman n’ya ang pinto’t binuksan ito. Lumantad sa kanya ang nakatopless na lalaki kaya’t pinitik n’ya agad ang matangos nitong ilong.
“Aray ko naman Shiniieee!” maarteng saad nito at pumasok nalang bigla sa kwarto niya at makapal ang mukhang dumapa sa kama n’ya.
“Kuya naman, may kwarto ka! Doon ka nga o di kaya maghanap ka nalang ng trabaho.” tanging wika n’ya nalang.
“Ayoko, i need a break my magandang pinsan.” ani nito habang nakadapa pa din.
“Degree holder pero tambay tsss.” asar n’yang sabi kung kaya’t agarang nakasimangot na humilata ito sa kama n’ya at nakatitig sa kisama ng kwarto n’ya.
“Kakagraduate ko lang Shinie, gusto kong makasama muna kayo kasi kapag nakahanap na ako ng trabaho hindi ko na kayo madalas makikita. Kadalasan nagsisick leave ang iba para lang makapiling ang pamilya. ” seryosong sambit nito’t umupo at sinenyasan siyang lumapit.
Lumapit naman siya at inakbayan siya nito.
“Wag ka munang maging adult agad ha, malungkot doon.” sabi nito.
Napangiti siya dahil nahahalata na concern ito sa kanya. Malungkot nga ba talaga doon? Nakangiting tiningnan siya nito’t hinalikan sa noo.
“Kapag nakapasa ako sa inapplyan ko na call center agency for my work experience bibigyan kita ng allowance.” patuloy na saad nito na ikinagalak n’ya.
First degree pinsan n’ya ito kasi magkapatid ang kanilang mama. Kuya figure n’ya ito at talagang close sila. Madalas pinipikon n’ya ito at isa itong Born Again Christian habang Roman Catholic naman siya. Mabait ito at malapit kay God. Kaya siguro sinagot n’ya ang kanyang ex boyfriend kasi nakikita n’ya dito ang kanyang kuya. Green flag ang kuya n’ya habang binibigyan naman siya ng mixed signals ng gago niyang ex.
“Thank you in advance nalang kuya ha. Kegwapo gwapo talaga ng number one kuya ko sa buong Cebu at love na love mo talaga ako hihi.” pacute n’ya na sabi kaya’t pinitik nito ang kanyang noo.
“Binola mo pa ako tss mukha kang pusa.” asar nito sa kanya.
“Kasi cutieee ako HAHAHAHAHAHAH ” natatawag saad n’ya.
Sumeryoso naman itong tiningnan siya habang natatawa pa din siyang nakatingin dito.
“Umiyak ka?” seryosong wika nito.
Napatikhim naman siya at nawalan ng imik. Walang takas siya panigurado. Masyadong observant ito at alam n’yang hindi siya makapagsinungaling kasi mahuhuli lang din naman siya.
“Nagbreak kayo ng secret boyfriend mo?” tanong nito. Kuryusong tiningnan siya nito.
Napatango nalang siya at napayuko. Bigla siyang nalungkot. Kuya n’ya lang ang may alam sa secret boyfriend kuno n’ya. Wala kasi siyang maitatago sa kuya n’ya kasi ito ang older brother figure n’ya. May platonic bond sila na wala sa ibang pinsan n’ya.
“Tara inom, tawagin ko lang ibang pinsan natin.” biglang saad nito at nakangiting tumingin sa kanya. Hindi n’ya tuloy maiwasang humikbi. May karamay na s’ya ngayon at good idea ang naisip ng kuya n’ya para naman hindi siya magmumukmok sa kwarto. Ayaw n’ya na magmumukmok lang sa kwarto dahil lang sa break up.
“Saka ka na magboyfriend kapag second year college ka na. Magboyfriend ka ng mas matanda sayo, binibaby kita tapos ginagawa ka lang na second nanay ng ex mo? Dapat sa susunod na magkaboyfriend ka eh yung mas lamang sakin para naman makakasigurado ako na nasa mabuting lalaki ka Shinie at yung nasa lugar ang pagkapossessive, hindi yung pati ako na kuya mo pinagseselosan.” patuloy nitong saad. Minsan nang pinagselosan ito ni Ryle kasi baka daw hindi naman talaga kapamilya itong si Kuya White.
“Malalaman mong para sayo ang lalaki kapag iniiyakan ka. Huwag mong hayaan na ikaw ang umiiyak, dapat ikaw ang iniiyakan.” patuloy nitong saad.
At doon nagsimulang tumalak ito, natahimik lang ito nang sinabihan niyang kaya pala’y ito ang umiyak noong naghiwalay ito sa kasintahan noon. Sumama kasi ang dati nitong kasintahan sa isang lalaking may anak na kaya’t grabe itong nasaktan sa nangyari.
Siya naman ay sinamahan itong uminom hanggang umaga kaya’t inabangan sila ng sermon nang kanilang auntie. Partner n’ya ito sa inoman eh. Hindi naman ito bad influence sa kanya, hindi ito naninigarilyo at sumusugal tanging inom lang. Hindi naman ito nageeskandalo kapag lasing, hindi ito agresibo kundi nagd-drama lang at pinagagalitan din ito kasi siya madalas ang isinisama nito eh kababae niyang tao. Ang rason naman nito’y
para daw makontrol n’ya ang sarili n’ya at hindi tinitake advantage ng mga lalaki kapag dumating ang araw na lasing na siya. Dapat tinitrain ang kagaya n’ya for her safety.
Napapailing nalang ang kanilang auntie at mas-stress lang sa argumento kasi siya man din ay sang-ayon sa opinion ng kanyang kuya.
୨୧
“Trinnaaaaaaa”
Naririnding tinakpan n’ya ang kanyang tainga habang tinitingnan ang kuya n’yang ngumangawa.
Ang plano mag-iinom sila kasama ang mga pinsan nila para icelebrate ang pagiging single n’ya ulit. Lasing na ang ibang pinsan nila kaya natutulog na ito sa mga tent. Yung iba naman ay hindi na nakaabot sa sarili nilang tent kaya’t nakatulog nalang sa damohan.
Malaki kasi ang patag sa labas ng bahay ng lola nila, puro grass lang ang nandoon kaya hindi sila madudumihan at magandang maglagay din ng tent. May bonfire din silang ginawa at nagbabarbecue kani-kanina lang, tinakas lang nila yung karne sa ref at hindi naman siguro sila masesermunan ng lola nila kasi kasabwat nila ang kuya White n’ya.
Hindi kayang pagalitan ni lola ang Kuya White n’ya sa ngayon kasi degree holder na ito, may major achievement kaya advantage naman sa kanilang lahat.
Ang resulta mukha tuloy na nagcacamping sila kahit malapit lang naman sa bahay ang lokasyon nila.
Kanina ay nagkantahan lang sila, bonding nilang magpinsan yun. Nagguiguitar ang mga pinsan niya na lalaki habang silang mga babae ay nakikisabay sa pagkanta. Given na yun dahil musically inclined ang pamilya nila.
Kalaunan din ay napagpasyahan nilang mag-inuman.
At ngayon ay sila nalang dalawa ng kuya n’ya ang natirang hindi pa tulog. Ang sabi nito kanina, kesa daw iiyak iyak siya sa manloloko, mas mabuting magcelebrate sila para positive vibes lang.
Dami talagang pakulo ng kuya n’ya.
Ang nangyari ngayon hindi celebration kundi pagluluksa. Nakakasampong bote na sila ng mojito at lasing na nga ang kuya n’ya kaya ito nawitness na naman n’ya ito na hindi parin pala nakakamove on sa ex nito. Mahal nga talaga nito si Ate Trina.
Mahilo hilo naman s’ya. Alam n’yang lasing siya kaya’t hindi siya masyadong kumikilos, ayaw nyang mahilo. The more na nahihilo siya the more na nagmumukha siyang lasing. Pinikit nalang n’ya ang mata para maibsan ang pagkalasing habang dinig na dinig n’ya ang pagd-drama ng kuya n’ya.
“Sana may anak nalang ako baka sakaling ako ang sasamahan mo Trina.” umiiyak nitong sabi.
“Akala mo ba madali lang sakin na kalimutan ka? Hindiiiiiii, 3 years tayo eh. Threeee, tatlo, tres..”
“Akala ko kapag nilegal kita akin ka na talaga.”
“Baby graduate na ako, dapat ba anak ang diploma ko para bumalik ka sakin?” tuloy tuloy na wika ng pinsan n’ya habang pilit na binubuksan nito ang isang beer na hindi pa nainom kasi inuna muna nila ang GSM. Pangfinishing daw kasi ang beer kapag mojito ang una mong maiinom.
“Kuya matulog ka nalang gaya ng mga pinsan natin. Lasing ka na eh.” wika n’ya nalang.
“Hoy ikaw!” wika nito sabay turo sa kanya.
“Huwag na huwag kang mang-iwan ng lalaki dahil sa ibang lalaki ha. Matino kang babae Shinn, mana ka sakin eh HAHAHAHAHAHAH alam mo gusto kong siraan ng mukha at balian ng buto yang Ryle na yan. Hindi natin deserve iwan dahil sa ibang tao HAHAHAHAHAHAH hoy shinie dapwbkwlsnwkskdbskowsnbdk”
Tinakpan ko agad ang bibig nito at hinila papuntang bahay. Inignora n’ya nalang ang mga pinsan n’yang nakahiga lang sa damohan.
“Wag na wag kang mag-ingay pagkapasok sa bahay kundi sa CR ka matutulog kuya. Tulog na sila lola, masistress na naman yun sating lahat.” ani n’ya.
Tumango tango naman ito at nagsign ng silence at ngingiti ngiti din tapos sisimangot. Napailing nalang siya habang hirap na hirap sa pagguide dito. Mauubusan ata siya ng hangin dahil sa bigat nito.
Pagkapasok sa bahay ay ibinagsak n’ya agad ito sa sahig ng sala, napaaray naman ito pero hinayaan n’ya nalang.
Umupo s’ya sa sofa at humingang malalim habang unti unting namumutawi sa kanyang labi ang isang ngiti.
Ano kayang gagawin n’ya ngayon na single na s’ya. Panigurado balik K-drama agad s’ya nito bago pa dumating ang pasokan.
Three weeks from now iiwan muna n’ya pansamatala ang lugar nila para mag-aral kasi magfifirst year college na siya. Ano kayang mangyayari sa kanya doon?
Mas pinili n’yang sa CTU Moalboal mag-aral kaysa sa ibang universities lalo na sa mga universities na nasa city.
Pangalawang beses na siyang nakapunta sa Moalboal, noong interview niya during admission period at enrollment.
Masasabi n'yang isang maunlad na bayan ang Moalboal kasi may malls naman at fast-food chains. Madami ding mga iced coffee at milktea stalls sa bayan. Narinig n’ya minsan ang mga joke joke ng ibang nameet niya sa magiging school n’ya na “Dollar Capital of the South” kung tatawagin ang bayan na yun kasi madaming ATM na Euronet dahil na din sa maunlad ang turismo.
Masasabi naman n’ya na totoo yun based ng observation n’ya nung first time n’ya palang doong nakaapak. Iba’t ibang foreign nationalities ang nakikita n’ya.
How does it feel to live independently on that area kaya?
Wala siyang kamag-anak doon, everyone will be a stranger for her.
“Ang random na naman ng naiisip ko hayss” ani n’ya sa sarili.
Tiningnan n’ya ang kuya n’yang nakahiga sa sahig at siya’y napangiti. Buti nalang meron siyang kuya na marunong umintindi at laging nandyan para damayan s’ya. Alam n’yang hindi pa nga ito nakaget over sa 3 years na relasyon nito sa Ate Trina n’ya. Pero makakahanap naman ito ng iba panigurado, gwapo naman ang Kuya White n’ya at madaming nagkakagusto dito. Minsan na din siyang naaway ng Ate Trina n’ya nung hindi pa nito alam na magpinsan sila.
“Enough with this thoughts, nighty night everyone.” sambit n’ya at nagsign of the cross.
Akmang hihiga na sana s’ya sa sofa nang biglang may bumato sa kanya ng chocolate? Tiningnan n’ya kung saan nagmula ang chocolate at napatindig pero bigla ding napaupo sa sofa, mukhang bumalik ata ang hilo n’ya. Hinilot n’ya ang sentido n’ya at pumikit muna bago dahan dahang dumilat.
Nakita n’yang nakapamaywang ang kanyang auntie habang nakatingin sa kanya, lumipat ang tingin nito sa kuya n’yang tulog na tulog sa sahig at talagang humihilik pa ito.
Bumalik ang naglalagablab na tingin nito sa kanya.
Naalala n’yang nasa labas ang ibang pinsan n’yang kitang kitang na nakahiga sa damohan. Nandoon din ang mga kalat nila at mga bote ng mojito at may beers pa na hindi nabubuksan.
Patay na.
“SO NGAYON, GALING LABAS HANGGANG DITO SA LOOB NG BAHAY AY MGA LASING NA MGA PAMANGKIN KO PALA ANG MAGWEWELCOME SAKIN?”
“Aun—”
Bago pa matapos ang sasabihin n’ya ay sumigaw na ito at itinuro ang pinto.
“MATULOG KAYONG LAHAT SA LABASSSSSS!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top