Chapter 9 : Zerafus the Undead King

[ Shu's POV ]

Nang magsimula na ang barilan ay sabay sabay kaming gumamit ng aming ability.

Focus ON!

Booster ON!

Eagle Eye ON!

Trickter ON.

< Trickster >

- a kind of ability that gives you high agility to move easily and rapidly. Also, it gives you an ability to climb , somersaulting , tumble etc. to dodge or assassinate your enemy

Napatingin ako sa isang member namin. Kung ang kay Rence ay asul na aura sa kaniya naman ay puti.

RaAAaWWwwwRRrr!!!

Nabaling naman ang atensyon namin sa sigaw ng boss kasunod nun ay may lumitaw sa aming mga VS.

Name : Zerafus the Undead King
HP : 15,000 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Not Activated )
Regeneration ( Not Activated )

Mukhang totoo ang nakasaad sa libro. Tulad ng sabi ni DeathMark may cannon ito sa kanang kamay at sa magkabilaang braso naman may kadena na kung saan sa dulo ay may pakurbang talim. Kung ididiskubre ang itsura , sobrang taba nito at may parang gas mask na sira sa mukha , maputla ang balat at may sirang korona sa ulo nito. Ang mga paa naman nito ay may mga bakal na nakakabit ang ilan pa ay may patusok. Kung susumahin ang taas tingin ko dalawang palapag.

Okay mga GearMaster na may mga robot gamitin nyu na!. Utos ni DeathMark.

Nagkaniya kaniya namang sigaw ang mga GearMaster na may robot.

Manipulate ON! Summon : Alfredo / Steel Wing !!. Sigaw ng mga GearMaster.

Nagkaroon naman ng tatlong robot na nasa lupa at dalawang lumilipad. Yung Steel Wing parang maliit na dragon or draggy ito na robot na kulay black na may silver.

Lahat ng Robot ipang front sa boss pati yung mga Vanguard at yung mga Executioner naman na close range umatake kayo habang may robot na pinagkakaabalahan ang boss. Pati na din ang mga Assassinator. Yung mga Sharpshooter naman focus kayo sa mga alagad ng boss para hindi sila makalapit sa mga aatake sa boss!. Yung mga Medic maging alerto kapag may player na konti buhay!. Command ni DeathMark.

Hindi ko naiwasan na mapahanga sa pag command ni DeathMark. Kung titignan parang hindi na siya baguhan at mukhang nahasa na sa pagle lead.

Wargh!

Naalerto ako bigla ng may sumunggab sa aking harapan na zombie. Yumuko ako at naiwasan ko naman ang atake nito. Mabilis kong ipinuwesto sa baba ang aking steel sword sabay slash paitaas.

Namatay naman doon ang zombie pero hindi pa doon natapos ng napansin kong may tumalon sa aking likuran. Huli na ng napansin ko ang isang Hollow na papalapit sa akin. Nang malapit na ito ay nabigla ako ng may sumipa dito palayo sa akin saka pinagbabaril ito.

*bogsh*

Napatingin ako sa kaniya at isang ngiti ang nasilayan ko sa ilalim ng kaniyang hood.

*Ratatatatatatataatatt*

*Baaaannnggggg*

*Booggssshhh*

RaawwwRrr!!!.

Napatingin kami bigla sa pagsigaw ng boss. Galit na galit ito at dahil doon tinabing niya gamit ang kaliwang kamay ang mga nasa harapan niya. Nagsitalsikan naman ang mga Vanguard at yung mga robot naman ay nasira at naglaho. Hindi pa natapos doon ng pagbabarilin niya ang mga steel wing gamit ang cannon nito sa kanang kamay.

May napansin naman ako na isang player na pasugod kay Zerafus. Namukhaan ko ito agad at di ako pwedeng magkamali si Rence iyon. Napunta naman sa kaniya yung atensyon ng boss at pinagbabaril siya nito. Pero dahil sa ability ni Rence madali niya lang itong naiwasan. Nang makalapit na si Rence ay nag akma namang hahampas ang Boss pero hindi natuloy dahil sa isang malakas putok.

*Baaannnnggg*

Mabilis na tumama ang bala na iyon sa ulo ng boss kaya napahawak ito sa kaniyang mukha. Samantala si Rence kinuha ang pagkakataon na iyon para maka atake. Pinagbabaril niya ito sa katawan tapos ay nag reload ulit. Nang makarecover ang boss ay nabaling ang atensyon niya sa taong bumaril ng snipe na iyon. Natuon ang mga mata nito sa pwesto ng mga Sharpshooter kung nasaan sila DeathMark at Alex.

[ Warning ! Ground Impact ⚠️ ]

Tumalon ng mataas ang boss at nagkaroon ng pulang bilog sa pwesto nila Alex. Nagsi takbuhan naman sila paalis doon pero may iilan na nahuli at tinamaan ng skill.

*BOOGGSSSHHHh*

Name : Zerafus the Undead King
HP :  10,250 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Not Activated )
Regeneration ( Not Activated )

Hindi pa doon natapos dahil biglang umilaw ang cannon nito. May berdeng liwanag ang namuo dito. Itinutok ito sa direksyon namin at kung hindi ako nagkakamali ito ang Acid Bomb.

Iwas!. Sigaw ko.

Agad itong binitawan ng boss at mabilis itong tumungo sa amin. Tumalon kami sa magkaibang direksyon para iwasan ang atakeng iyon.

*Boouusshh*

Hindi naman kami tinamaan nang sumabog ito. Akala namin ay ligtas na kami pero sa pagsabog na nangyari ay may kumalat na berdeng likido. Ang ilan dito ay tumama sa aking katawan at nakaramdam ako ng sakit at init.

[ ☣️ Acid Bomb Effect ☣️ - 5s ]

Nababawasan naman ang HP ko dahil sa effect ng acid. Nagulat ako ng halos mangalahati ang buhay ko.

Lvl. 20     [❇️]
IGN : Zekken
HP : 85 / 140
AC : 10

Lvl. 20
IGN : Xael
HP : 100 / 140
AC : 100

Lvl. 19
IGN : Tails
HP : 130 / 130
AC : 100

Lvl. 20
IGN : Frejya
HP : 140 / 140
AC : 100

Paano pa kaya kung hindi ko naiwasan iyon tsk. Sambit ko.

Tumalon muna ako paatras sa hindi pansin na lugar. Hindi ko akalain na kahit may 100 AC malakas pa din ang matatamo kong bawas. Nag swipe ako at tinungo ang Inventory ko.

[ Inventory ]

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
- Rusty Sword
- COLT1798
- M16 ( Rifle )
- Medical Gun L ( 25 pcs )
- Death Butcher Knife
- Bloody Apron
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Z-Coin = 18,250

Pinindut ko yung medical gun at gumamit ako ng dalawa. Matapos nun ay mabilis na napuno ulit ang buhay ko. Ibinalik ko naman ang Medical sa aking inventory at sinara ang VS ko.

Agad akong tumakbo sa labanan at unang kong nakita ang kasama naming naka cloak. Pasugod ito sa isang Zombie na may baril at may dalawang hollow na pasalubong sa kaniya.

Nang bumaril ang zombie ay mabilis itong bumartikal paharap at naiwasan niya yung mga bala. Pero hindi pa doon natapos dahil may dalawang hollow na sumunggab sa kaniya pero nabigla ako nang sinundan niya ito ng paggulong at may hinugot na maliit na patalim sabay talon sa paikot sa ere. Naiwasan niya yung dalawa at habang nakabaliktad pa ito sa ere mabilis nitong binato ang hawak niyang patalim na parang kunai na mahaba at malaki ng konti. Tinamaan ang isang hollow at sumabog. Kasunod nito nang lumapat ang mga paa ng naka cloak ay sumugod ito patungo sa natirang hollow. Nakipag sabayan din ang asong zombie at tumakbo din pasalubong sa naka cloak. Nang magkakalapit na ay mabilis na tumalon ang Hollow pero madali lang itong naiwasan ng aming member ng lumuhod ito at nagpadulas sa sahig. Pagkapunta sa ilalim ay itinutok nito ang kaniyang P-90 at pinagbabaril ang hollow na siya ikinamatay nito.

Tumungo ito sa patalim niya at kinuha ito. Pero agad kong napansin na may pasugod sa kaniya na isang zombie na naka Axe kaya nagmadali agad ako. Huli na ng napansin ito ng member namin dahil kakawala pa lang ng epekto ng ability niya. Bago pa umatake ang naka Axe ay kinuha ko agad ang VZ.61 Skorpion sa aking likuran. Mabilis ko itong itinutok at kinalabit ang gatilyo.

*Ratattatatatatatatatatt* *Klang* *Tsung*

Hindi man tumama lahat ay sapat na ito dahil sakin na napunta ang atensyon ng zombie. Tumakbo itong galit na galit patungo sa akin kasabay ng paglitaw ng notif sa aking VS.

Name : Dead Barbarian
HP : 680 / 1000
Rank : S
Ability :
Manipulate Weapons

Nang magkalapit ay mabilis itong humampas ng kaniyang Axe kaya gumulong ako pakanan sabay Slash sa kaliwang tagiliran nito. Naalerto ako ng umikot ito ng mabilis at ipinukol agad ang Axe niya. Hindi nako makakaiwas kaya't mabilis kong binitawan ang Skorpion at inihinarang ang steel sword ko sa kaniyang Axe.

*Crrrshshshkkkk*

Habang nagkikiskisan ang sandata namin ay nakita kong pinaulanan ng bala ang bandang mukha nito. Inalis nito ang pagkakadikit ng kaniyang sandata sa akin at umiling iling at sumigaw.

Napatingin ako sa aking likuran at nakita kong kakatapos lang mag reload ng naka cloak. Sinenyasan ako nito na umatake kaya ginawa ko agad iyon. Mabilis akong sumugod patungo sa naka Axe. Napansin agad ako nito kaya nag akma itong hahampasin ako. Pero bago niya patamain iyon ay mabilis akong tumalon paikot at naiwasan ang atake niya. Bumagsak ako sa uluhan ng sandata niya na nasa lupa. Iniangat niya ito ng malakas kaya't napalipad ako sa ere. Inabangan ng Barbarian ang pagbulusok ko pababa at nakahandang hihiwa paitaas. Pero ilang saglit lang ay may mabilis patalim ang tumusok sa kaniyang lalamunan kaya't nabitawan nito ang sandata niya.

Sa pagbulusok ko pababa ay iniangat ko ang sword ko at pinatama ito sa kaniyang ulo kasabay nun ay hinawakan ko din ang patalim na nakatusok sa lalamunan nito. Binuhos ko ang lakas ko sa pag slash hanggang sa tuluyan na itong bumaba at nahiwa ang kalaban. Naglaho naman yung kalaban namin kasunod nun ay ang paglabas ng notif. Kinuha kong muli yung skorpion at ibinalik sa aking likuran.

[ Personal Notification ]

You killed the Dead Barbarian. Here's your reward!

Exp gained : 400exp (⏏️)
Z - Coin : 2500 (⏏️)

[ Close ]

( A/N : ang ibig sabihin po ng simbolo na ito (⏏️) ay kapag nasa isang party ka. Automatic na naka divide na ang EXP at Z-Coin sa bawat party member. Ang hindi lang po mahahati ay yung mga item pero pwede naman nila itong itrade depende sa mapagkakasunduan. Yun lang hehe. )

RaaaaWwRRrr!!! ARGHHHH!!!.

Bigla namang sumigaw yung boss at lahat ay napahinto sa pag atake. Nagulat ako ng nasa 10% na lang ang HP nito. Nagsi tanggalan naman ang mga bakal sa paa nito at yung cannon sa kanang kamay niya. Bigla lumaylay sa magkabilaang kamay nito ang Death Chain niya na may pakurbang talim sa dulo.

Name : Zerafus the Undead King
HP :  865 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb ( Not required )
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Activated )
Regeneration ( Activated )

Hindi ko naiwasan mapasigaw ng nakita ko na dumadagdag ang buhay ng boss.

Guys sabay sabay sa pag atake para hindi na dumagdag pa ang buhay niya!!. Sigaw ko.

Nagsi kilusan naman lahat ng player at sabay sabay na sumugod at umatake sa boss. Pero tulad ng sinabi ni DeathMark mabilis itong kumilos at tumalon ng mataas.

Ground Impact Ilag!!

AHHHH!!

*BOOOGGSSshhHHh*

Nagkaroon ng makapal na usok dahil doon pero napansin ko na may umiilaw na kulay green sa bandang ulo nito. Napabalikwas ako ng kilos at sigaw ng mapagtanto ko kung anu iyon.

ACID BLAST !!! UMIWAS KAYO!!

Dahil hindi agad naging alerto ang ibang player. Madami sa kanila ang tinamaan , mapalad naman ang iba dahil nakapagtago ang mga ito sa likod ng Vanguard at mga robot. Dumami ang mga player na konti  ang buhaycat dahil doon biglang bumilis lalo ang kilos ng Boss.

Napansin ko na sina Alex at Rence ang kasalukuyang bumabaril ngayon sa boss habang nasa iba ang atensyon nito. Tumulong na din kami ng kasama ko at pinagbabaril din ang boss.

Name : Zerafus the Undead King
HP :  585 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb ( Not required )
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Activated )
Regeneration ( Activated )

Nang nasa 500 na lang ang buhay nito ay nakita ko si DeathMark na nag crouch at tinutukan ang Boss sa likuran nito. Kasunod nun ay sumigaw ito ng malakas.

One Shot ON!!

< One Shot >

- a kind of ability that gives you a high damage to kill your enemy fast and easily with a single shot. You will get an additional damage base on your stats points in STR.

Nagkaroon ng malaking crosshair sa unahan ng kaniyang baril. Kulay pula ito at tulad ng bullet circle lumiliit at lumalaki din ito. Ilang saglit lang ay kinalabit din agad ni DeathMark ang gatilyo na naglikha ng napakalakas na ingay.

*BAAAANNNGGGG!!*

Nagkaroon ng makapal na usok sa uluhan ng boss. Hindi namin makita kung anung nangyari hanggang sa makita ko ang VS ko. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

Name : Zerafus the Undead King
HP :  29 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb ( Not required )
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Activated )
Regeneration ( Activated )

T-t-twenty nine?!?.....

PAANONG---!?. Gulat na reaksyon ni Deathmark

Dahil sa pagkagulat ay mabilis na kumilos ang boss habang napansin ko na nag reregen nanaman ito.

Akala mo magagawa mong ma last hit ang Boss?! Pwes hindi ka nagtagumpay sa plano mo dahil ako ang mag la last hit sa kaniya!!!.

Napatingin ako sa sumigaw na iyon at sa pagkakatanda ko siya si Jester na nakisingit sa stage kanina. Tumatakbo ito patungo sa boss gamit ang isang Rusty Sword.

HUMANDA KA ZERAFUS!!. YAAaHH!

Napansin naman ito ng boss at kasalukuyan na itong nakatuon sa kaniya.

WAG!!! UMATRAS KA!!. Pasigaw kong sabi pero nagpatuloy pa din ito.

Mabilis na ibinato ng boss ang dalawang chain nito na may pakurbang talim. Pero nakakamangha dahil naiwasan ni Jester ang atake ng boss. Samin naman tatama ang dalawang chain kaya umiwas kami sa magkabilaang direksyon.

Napatingin ako sa boss at nagulantang ako ng umilaw ang mga mata nito at parang humigpit yung kadena. Kasabay nun ay may lumitaw sa VS ko.

[ Dodge!! Slice of Death ] - VS

Biglang bumalik ang sandata nito at sasalubong sa aking likuran ang talim nito. Mabilis akong bumartikal at naiwasan ang atakeng iyon.

Umilag ka!!.

Jester!!

Napatingin ako ng sumigaw yung mga ibang player. Pagkakita ko papalapit na sa likuran ni Jester ang talim ng chain. Sinubukan nitong salagin ang atake sa pamamagitan ng paglagay ng Rusty Sword sa likuran nito. Sa kabutihang palad ay naiwasan niya iyon at napaikot sa ere.

Napamangha kaming lahat sa ginawa niya pero hindi pa pala doon nagtatapos. Habang nasa ere ay pagkaharap ni Jester ay nanlaki ang mata nito ng naka akma ng aatake ang Boss. Mabilis na inislash ng boss si Jester habang nasa ere na siyang dahilan para tumilapon ito.

Mabilis itong nilapitan ng mga kapwa player namin. Tinungo ko agad iyon at nakita ko na naghihingalo na ito. May bakas ng hiwa sa katawan at bumababa na ang HP nito. Dali dali akong lumapit sa tabi niya sabay swipe at tungo sa aking inventory.

Jester kaya mo yan mabubuhay ka dito!. Sabi ko sabay kuha ng Medical Gun.

Anu ba tulungan niyo siya!!. Baling ko sa nakapaligid na agad din nilang ginawa.

Itinurok ko ito sa kaniya ngunit hindi tumalab dahil tuluyan pa din bumababa ang HP niya hanggang sa napansin ko yung simbolo ng toxic sa itaas niya.

Medic sino yung Medic dito?!.  Tanong ko. May mga iilan naman ang nag taas.

Pasensya na pre cooldown pa ang mga ability namin. Sagot ng isang medic.

Napatingin ako ng maramdaman ko na kinalabit nito ang kamay ko.

Sa-sa-sala-mat n-na lang sa-i-yo ba-ta. Ngumiti pa ito hanggang sa tuluyan ng naubos ang HP niya.

Doon tuluyan na itong naglaho na parang bula. Halos lahat ay nalungkot dahil wala silang nagawa para tulungan ang isa sa kasamahan nila.

Sh*t!!.

RaaawWWwwwRRR!!

Nawala bigla ang lungkot na bumabalot sa amin dahil sa sigaw ng boss. Nagsi handa ang mga nasa paligid ko at sumugod hanggang sa naiwan akong mag isa.

Nakatingin lang ako sa mga player at sa boss na kasalukuyang naglalaban ngayon. Pero sa panunuod ko isang tanong ang pumasok sa isipan ko.

Paano namin matatalo ito??.

Wag kang mag alala. Napatingin ako sa nagsalita.

Yung naka cloak na member namin ang nagsalita. Tumabi ito sa kaliwa ko at humarap sa labanan.

Tutulungan kita. Misteryosong dugtong nito.

[ To be Continued.... ]

######################################

Ayos ba?? Pampabitin nanaman no ? hahahahaha. So sa previous chapt sana naintindihan nyo yung mga sinabi ko doon. Pero sana sa bawat pag describe ko ay naiintindihan nyo at naiimagine nyo kahit walang pic.

So di ko na papahabain at magkita kita na lang sa next chapt ba byeee.

[ TripletsX ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top