Chapter 5 : Z - World

[ Shu's POV ]

'Welcome to Z-World Soldier!!'

Isang boses ang aking narinig kaya't idinilat ko ang aking mga mata. Pagkatingin ko sa paligid ay nasa isa akong maliwanag na silid at sa harapan ko ay may isang lalaking sundalo na may baril ang nakangiti at nakatayo.

Tingin ko nasa Character Creation Room ako.

'Please swipe from left to right to start your character creation'. Sabi nung NPC.

Sinunid ko naman iyon at may biglang lumabas ng napakadaming hologram sa aking harapan. Sa gitna nito ay may salamin kung nasaan ko nakikita ang sarili ko.

Parang kapareho lang ng itsura ng character ko sa CFO ang itsura ko ngayon.

'You would like to change your appearance??'. Tanong ng NPC.

[ YES ] [ NO ]

Pinindut ko naman ang Yes at may lumabas sa gilid ng salamin na mga style ng buhok , kulay atbp. Ginawa ko lang ulit na Green ang aking mata at yung buhok ko ay pinahaba ko ng konti sa orihinal at black pa din.

'If you're comfortable now in your appearance , please press the [ OK ] button to proceed to our next step'

Ginawa ko naman ang sinabi niya at doon nawala bigla ang salamin at pumalit dito ay may anim na avatar ang nasa harap ko. Lahat sila ay may hawak na iba't ibang weapon o kung hindi naman may robot na kasama.

'These our the 6 Specialization that has a different abilities. Now, choose one specialization you think that is suited on your playstyle'. NPC.

[ Specialization ]

Executioner
- Focus
- Balance

Sharpshooter
- Eagle Eye
- One Shot

Assassinator
- Trickster
- Booster

Vanguard
- Force Field
- Berserk

Medic
- Healing

Gear Master
- Manipulate Robots or Drones
- Tracker

( A/N : Na post ko naman po dito yung details kaya kung nakalimutan nyo pabasa na lang sa previous chapt hehe. Pero yung mga description ng iba pang mga ability abangan na lang sa mga next chapt hehe )

Binasa ko muna yung lahat ng description ng bawat specialization. Medyo nahihirapan akong pumili dahil parang gusto ko din mag Assassinator , kaso rifle ang weapon ko at di ako pure agility. Gusto ko din sana mag Gear Master kasi parang kakaiba siya kaso baka di naman bumagay sa playstyle ko kaya pinili ko na lang din yung Executioner. Pinindut ko naman yung spec. na yun kaya agad namang nagsalita yung NPC.

'Next , choose one ability of the Executioner'.

< Focus >
- a kind of ability that gives you more concentration in the fight. It will also increase the rate of your accuracy and awareness or instinct when it comes to battle. Because of this ability, your mastery in melee weapons will get high permanently.

< Balance >
- a kind of ability that allows you to use different weapons like launcher and heavy weapons. Because of this ability , your character stats will be in balance. ( ex : when you're STR type, your stats will be change and become equal on what the second highest stats points you have. )

Nang mabasa ko yung description ng dalawa ay nakapagdesisyon agad ako. Pinindut ko agad yung nagustuhan kong specialization.

'Okay you choose the ability Focus'. The next step is enter your [ In Game Name ] '.

[ 4 letters up will required ] - ENTER

May lumabas naman na hologram keyboard at doon tinayp ko naman ang IGN ko sabay pindut ng Enter.

[ Zekken ] - ENTER

'Now you will be teleport on the Tutorial Room for some training. Goodluck Zekken!' Sabi nung NPC sabay lagay nitong kanang kamay sa kaniyang ulo na parang sumasaludo.

Kasunod naman nun ay nagliwanag ang buong katawan ko kaya napapikit ako at pinakiramdaman na lang ang pag teleport sa akin.

'Welcome to Tutorial Room Zekken!'.

Napadilat ako ng may narinig akong boses. Inilibot ko ang aking paningin at parang nasa isang Firing Area ako tulad ng sa CFO. At sa harapan ko may isang babaeng NPC naman ang tumambad saakin. Nakapang SWAT naman ito na suot habang may hawak itong handgun sa kaniyang kanang kamay.

'I will teach you some basic that you need to learn in this game'. Ngiting sabi niya.

'First, proceed to the target practice area'.

Pumunta naman ako doon sa may pwesto kung saan sa harapan ko may isang target na ilang metro ang layo sa akin at sa kanang side ko may nakalapag na handgun at kung di ako nagkakamali isa iyong M9 Baretta.

'Get the sub weapon near on your right side and try to shoot the target'.

Kinuha ko naman yung M9 at hinawakan ko ito ng dalawang kamay. Tinutukan ko ng maigi ang target kaso ang nakakapagtaka lang walang Circle na lumalabas.

'You can't see the Bullet Circle right? It is because your finger doesn't touch the trigger. When your finger touch the trigger the prediction or bullet line will appear'. Paliwanag ng NPC. Kaya idinikit ko naman ang daliri ko sa gatilyo at doon lumabas ang Bullet Circle. May kaibahan pala ito sa CFO tingin ko baka isa ito sa poproblemahin ko.

Kaso may isa pa pala akong problema....

Masyado nakong na no nosebleed kaka english ng mga NPC dito. Wala bang change language sa larong ito.

'Now, try to shoot the target with a bullseye'.

Huminga naman ako ng malalim at nag focus sa target. Dahil doon bigla naman lumiliit yung bullet circle. Nakatutok pa din ako habang inaantay ang tamang timing at nung nakita ko na papaliit na yung bilog ay bumaril ako ng mabilis.

Bang! Bang! Bang!

Matapos nun ay biglang pinatunog ng NPC ang daliri niya at dahan dahang lumapit yung target. Kitang kita na nabullseye ko yung target.

'Not bad for a newbie. I think , I don't need to explain to you about the Bullet Circle. We will proceed now to the last part of your training'. NPC.

At doon bigla namang nag tiklupan lahat ng meron kanina sa Firing Area. Yung mga target pati ang iba pang gamit nawala. Naging isang malinis na silid na lang ang lugar. Pero agad naman nagpatunog ng daliri yung NPC at may may kung anung lumabas ulit.

May isang player ang nasa harapan ko at may hawak itong baril. May lamesa din sa kaliwa ko kung saan may mga baril. Medyo malayo ng konti sa akin at tingin ko mga anim na hakbang lang. Kaso may napansin ako nung nag ilaw yung mata niya at napagtanto ko na hindi iyon player kundi isang BOT o AI. Tinutukan naman ako nito ngunit wala namang lumabas na prediction lines.

'Now, you can use your ability ( Focus ) on this training to eliminate the enemy'.

May lumabas bigla sa Vision ko sa ibaba ng aking life bar na bilog na may icon na tao na nasa loob ng crosshair.

How can I use my ability?. Tanong ko sa NPC.

'By saying its name with a keyword ( On )' . Sagot ng NPC kaya ginawa ko naman iyon.

Focus ON!. Bigkas ko at doon nag iba ang pakiramdam ko at may parang aura na pumalibot sa aking katawan.

'Every ability has a 1:00 minute duration. When the time is up , the ability will cooldown and not able to use again until the CD is not finished'. Pahabol ng NPC.

Kasunod naman nun ay nagkaroon ng napakadaming prediction lines at pinagbababaril ako nung BOT. Pero parang may mali or baka dahil sa ability ko lang yun. Kaso parang mabagal yung kilos ng BOT o namalikmata lang ako. Agad akong bumartikal ng paatras at naiwasan ko yung mga bala sunod nun saka ako nag sidestep pakaliwa para makuha yung handgun na kakalabas pa lang doon sa table.

Pagkatapos naman nun ay tinutukan ko ito. At doon ako mas lalong nagulat hindi masyadong lumalaki yung bilog pero mabilis ang paglaki at liiti nito. Mabilis ko namang kinalabit ang gatilyo at nagpaputok ng limang beses.

Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!

At doon naglaho naman bigla yung BOT. Nilapitan naman ako nung NPC habang nakangiti ito sa akin.

'Congratulations Zekken! You can enjoy your playing with the other players. You will be teleport now in the beginners area. Goodluck and have fun to your adventure soldier!'. Sabi nito saka nagliwanag ang buo kong katawan.

Maya maya pa ay parang hinigop ang buong pagkatao ko at doon nateleport na ako ng tuluyan kaya pinikit ko ang mga mata ko. Nang maramdaman ko na nakalapat ang paa ko sa lupa ay idinilat ko ang paningin.

Napatingin ako sa aking kamay at napansin ko na nakasuot ako ng gloves. Inilibot ko ang paningin ko at doon nakita ko na marami ding player na kakateleport lang sa lugar na malapit sa kinatatayuan ko.

Maya maya pa ay may narinig kaming boses sa kung saan. Kasunod nun may lumabas na malaking text sa itaas namin.

[ Welcome to PRIVATE CITADEL : The City of Beginners ]


*fireworks* *bogsh* *plaak* *boom*

Kasunod naman nun ay maraming fireworks ang nagputukan. Nagsigawan naman lahat ng player na nasa paligid ko na tila natuwa sa pag welcome sa amin. Di nako nakisali pa at agad akong umalis sa lugar na iyon at naghanap ng tahimik na lugar. Habang naglalakad ay madami akong nakikita sa paligid tulad ng Weapon Shop, Repair Shop at kung ano ano pa. Pero bago ako umalis na gitna ng Citadel ay pansin pa din dito ang isang parang tower sa di kalayuan. Napakataas , napakalaki nito at parang lagpas pa ito sa langit. Hindi koa ito pinansin pa ulit at naglakad na.

Sa paglalakad lakad ko ay nakarating naman ako sa isang gate. Hindi ito ordinaryong gate kundi napakalaking gate na akala mo nasa palabas ka ng Attack on Titan sa sobrang taas. Sa harap nito may parang portal at may napansin akong nakasulat sa gitna nito.

[ South Gate : Ambrosia Village ]

Lumapit naman ako doon sa gate at may lumitaw sa VS ko.

'You would like to enter in this Gate?' - Virtual Screen.

< YES > < NO >

Pinindut ko naman yun YES at maya maya pa ay nateleport din ako agad.

-----------------------------------------------------------------

Matapos ang pag teleport sa akin ay inilibot ko ang aking paningin. Tumambad sa akin ang isang lugar na puro kabahayan. Parang village nga ito pero kung ikukumpara ang lugar na kinatatayuan ko. Parang Dark Village sa CFO.


May nakita naman akong isang lumang bench kaya naisipan ko na umupo muna ako doon. At doon may napansin ako sa sarili ko.

Wala pa pala akong weapon bakit nag punta agad ako dito. Kamot ulo ko lng sabi sa aking sarili.

Nag swipe naman ako at ito ang nakita ko sa aking VS.

[ Inventory ]
[ Menu ]
[ Character ]

[ Log out ]

Pinindut ko muna yung character ko at ito yung tumambad sa akin.

[ Character ]

IGN : Zekken
Gender : Male
Level : 1
Clan : None
P.Weapon : None
S.Weapon : None
Specialization : Executioner
Ability : Focus
Costume : Beginner Set

Character Status :

HP : 100
AC : None

STR = 4
AGI = 2
INT = 1
LCK = 1
STA = 2

< Back|

Pinindut naman ko yung Back at sunod nun ay nagtungo ako sa inventory ko.

[ Inventory ]

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
- Rusty Sword
- COLT1798
- M16 ( Rifle )
- Medical Gun L ( 5 pcs )
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Z-Coin = 1,000

Agad ko namang inequip yung Rusty Sword bilang primary weapon ko. At yung Colt bilang sub weapon. Pagkapindut ko ng Equip sa mga weapon ko ay lumitaw ang Rusty Sword sa kaliwang side ko at yung COLT naman sa aking likuran. Bale ito na ang itsura ng Character ko.

[ Character ]

IGN : Zekken
Gender : Male
Level : 1
Clan : None
P.Weapon : Rusty Sword
S.Weapon : COLT1798
Specialization : Executioner
Ability : Focus
Costume : Beginner Set

Character Status :

HP : 100
AC : None

STR = 4
AGI = 2
INT = 1
LCK = 1
STA = 2

< Back|

Pinindut ko naman din agad yun back at sinarado ko na yung VS ko. Naglakad lakad naman ako sa lugar ng Ambrosia. Nakakatakot tignan ang bawat kabahayan sa lugar na ito at dagdag mo pa ang katahimikan na pumapalibot sa lugar na ito.

YAAHHHh TULOOONNGG!!!.....

Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng sigaw ng isang babae. Agad kong tumakbo at hinanap ang pinanggalingan ng sigaw.

Tumakbo tumakbo ako sa bawat kabahayan at lumiko sa mga eskinita ng mga bahay. Maya maya pa ay may tumambad sa harapan ko.

ArGHhk Warhfkrks.....

Napahinto ako sa aking pagtakbo dahil isang ordinaryong zombie ang nasa harapan ko ngayon. Maya maya pa ay may lumitaw sa VS ko.

Name : Undead
HP : 600 / 600
Rank : C
Ability : None

Tsk. Agad kong kinuha ang handgun ko at itinutok ito sa kaniya saka nagpaputok ng madaming beses.

Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!

Lahat naman ng iyon ay tumama sa kaniya pero parang hindi manlang siya tinablan. Pero pagkakita ko sa stats niya nanlumo ako.

Name : Undead
HP : 530 / 600
Rank : C
Ability : None

Halos konti lang ang bawas ko sa kaniya. Tumingin naman ito sa akin at nandiri ako ng nakaluwa na ang isang mata nito. Napahakbang ako ng isang beses paatras habang nakatingin sa Zombie.

Paano ko matatalo ito?.....

YAAAAHHHHH!!!!!

Dahil sa sigaw na iyon ay may nasagi ako bigla at doon ko napansin ang Sword ko sa kaliwa ko.

Tama.....

Agad kong hinugot ito at humarap sa kaniya. At sakto naman ay sumugod yung zombie sa akin.

WARGHHh!!!.

AAHHHH! MAMATAY KA!!. Sigaw ko.

Nag akma naman itong kakalmot kaya't yumuko ako dahil doon ay naiwasan ko ang atake niya. Sinamantala ko ang tiyansa na iyon at hiniwa siya sa katawan at doon siya nahati.

WARG-- ArGH- . Putol putol na sabi ng zombie at kasunod nun ay naglaho ito bigla.

[ You killed the Undead !! Here's your reward ]

Exp gained : 25 exp
Z-Coin : 100

TULOOONNGGG!!!!. Mabilis agad akong tumakbo sa pinagmulan ng sigaw.

Pagkarating doon ay nakita ko ang isang babaeng player na may pulang buhok na nacorner ng tatlong zombie.

Andyan nako!!!. Sigaw ko at doon napatingin sa akin yung babae.

Tumakbo agad ako patungo sa babae at kasabay nun may lumitaw pa na dalawang zombie sa dadaanan ko.

Please dalian mo hindi ko na magagamit yung ability ko. Takot na sabi ng babae.

Bwiset kailangan kong bilisan....

At doon may naalala ako bigla sa sinabi niya. Yung Focus na ability ko. Malaki ang maitutulong nun para mapatay ko agad yung mga zombie. Hindi nako nagdalawang isip pa at ginamit ang ability ko.

Focus ON!!. Sigaw ko at doon na nagbago ang pakiramdam ko.

Nagsimula namang umatake yung nasa kanan na zombie at nag akma na hahawakan ako. Pero agad akong gumulong saka ipinuwesto sa ibaba niya ang sword ko. Hiniwa ko ito pataas at doon namatay ito pero kasabay ng paglaho niya ay sinundan ko ito ng pag slash pakaliwa patungo sa ulo ng nasa kaliwa na zombie at doon napugot ang ulo nito at namatay.

Pagkatapos nun ay tumakbo agad ako patungo sa babae. Nang mag aakma ng susugod yung nasa gitna ay tumalon ako ng mataas patungo sa harapan ng babae saka ko pinutol ang kamay nito.

ARGHHH!!. Daing nung zombie na naputulan ng kamay.

Nagsabay sabay naman ang mga ito sa pag sugod kaya sinabihan ko agad yung babae.

Yumuko ka!!. Sabi ko sa kaniya na agad niyang ginawa.

Umikot ako pakanan at pinatama ang slash ko sa zombie na nasa kaliwa ko. Nag akma namang kakagatin ako ng nasa kanan kaya ipinuwesto ko ang sword ko sa aking kanang braso at ito ang nakagat niya. Itinulak ko naman ito ng napakalakas pakanan kaya nahati ang kaniyang ulo. Pero sa di inaasahan ay nahawakan ako ng isa pang zombie na pinutulan ko ng kamay. Kinagat nito ang braso ko kaya't napasigaw ako sa sakit.

AARGHH. Kainis. Sambit ko.

Napatingin ako sa itaas ng aking VS at nakita ko na nabawasan ang HP ko.

IGN : Zekken
HP : 75 / 100
AC : None

Agad kong siniko ng malakas yung zombie na nasa likuran ko kaya't napaatras ito. Humarap naman ako sa kaniya sabay taas ng aking sword. Napatingin naman sa akin yung zombie kasunod nun ay inislash ko ito pababa.

*Zziiiiinnggggg*

ARRGHH--- WArGH---. Sigaw nung zombie kasunod nun ay naglaho naman ito.

[ You killed 5 Undead !! Here's your reward ]

Exp gained : 125 exp
Z-Coin : 500

[ Congratulations. You level up to LEVEL 2 !! ]

Napahinga naman ako ng maluwag ng matapos kong mapatay lahat ng kalaban. Agad naman naging normal ang pakiramdam ko hindi tulad kanina ng ginamit ko ang ability ko. Ibinalik ko naman ang aking sword sa kaliwa ko at humarap doon sa babae.

Okay ka lang??. Tanong ko.

Ah oo okay lang ako maraming salamat sayo ah. Sabi nito.

Wala yun pero kung ako sayo umalis kana dito. Delikado ang lugar na ito para sayo kaya mas maigi sa Citadel ka muna. O sya sumabay kana sa akin. Sabi ko.

Sige. Sagot niya kaya nagsimula nakong maglakad at sumabay naman siya sa akin.

Habang naglalakad ay tahimik lang kaming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hindi ko tuloy naiwasan na mapatingin sa kaniya at nakita ko na nasa likod lang ang mga kamay nito habang nakatingin sa lupa. Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa daan at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa portal.

Oh nandito na pala tayo sa portal kailangan pa ba kita samahan?. Pambasag ko sa katahimikan namin saka siya hinarap.

Hi-hindi okay na ko alam ko na din naman papuntang sentro ng Citadel. Salamat talaga sa pagtulong sakin ahh. Sabi niya sa akin na parang nahihiya.

Welcome maliit na bagay lang yun. Sige magpapa level pako eh ingat ka na lang. Pagpapaalam ko at naglakad na patungo sa Village.

Sandali lang. Nagulat ako ng hinawakan niya yung kanang kamay ko kaya napatingin ako dito.

Anu yun miss?. Tanong ko.

Pwede ko bang malaman ang pangalan mo ??. Tanong niya sabay yuko. Napaka mahiyain naman pala nito.

Zekken ang pangalan ko. Sagot ko.

Zek...ken Zekken. Mahinang sabi nito.

Ah eh may problema ba?. Takang tanong ko nung dahan dahan niyang sinabi yung IGN ko. Pero nagulat naman ako sa sumunod na nangyari.

[ Frejya ] ( silent J ) naman ang pangalan ko. Humarap siya sa akin. Hindi bale tatandaan ko ang pangalan mo Zekken maraming salamat ulit!. Masayang dugtong niya.

Ngumiti na lang ako dahil doon sa mga sinabi niya.

Ikinagagala din kitang makilala Frejya. Tugon ko at doon naglakad naman siya patungo sa portal.

Paalam sana magkita ulit tayo Zekken. Pagpapaalam niya sabay ngiti kaya ngumiti na lang din ako.

At doon nagtungo na siya portal at nateleport na ito patungo sa Private Citadel. Napansin ko na bawas pa pala yung buhay ko kaya nag swipe ako at tinungo ang inventory ko.

[ Inventory ]

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
- Rusty Sword
- COLT1798
- M16 ( Rifle )
- Medical Gun L ( 5 pcs )
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Z-Coin = 1,600

Agad kong pinindut yung item na medical gun at lumitaw ito sa aking kanang kamay. Agad kong tinurok ang medical gun sa aking braso at pinindut ang gatilyo nito. Nakaramdam ako ng ginhawa ng matapos ang pagkaturok sa akin at dahil doon napuno ulit ang aking buhay.

Ibinalik ko naman ang Medical Gun sa inventory ko at sinarado ang aking VS. Nagsimula nakong maglakad muli papuntang village. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong nagliwanag.

Teka anung nangyayari?!. Tanong ko sa aking sarili.

Hindi kaya.......

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko sa aking isip ng maglaho ako bigla sa Ambrosia Village.

Force Teleport. Sambit ko.

Maya maya pa ay nagtaka ako ng napunta ako sa sentro ng PRIVATE CITADEL at hindi lang kundi ang ibang player din ay na teleport din dito. Halos lahat ay may nagtaka sa nangyari at bakit napunta kaming lahat dito sa Citadel.

ANU BANG NANGYAYARI SA LARONG ITO?!?!. Inis na reaksyon ng isang player na malapit sa akin.

Nagpapa level pako eh. Sabi pa ng isa.

'Kamusta na ang mga dakila kong manlalaro'

Ilang saglit lang ay may boses kaming narinig at lahat ay napatingin sa paligid kung saan ito nanggaling. Bigla naman nagkaroon ng napakalaking hologram screen sa itaas kung saan may isang hugis tao at itim ang nasa screen yung parang mga di pa na uunlock na character sa mga game.

'Welcome sa Z-World players!! Alam ko na lahat kayo ay nagtataka kung bakit kayo na Force Teleport sa Private Citadel. Dahil may mahalaga akong iaanunsiyo.'

Lahat ay tahimik at taimtim na nakinig sa sinasabi ng lalaking nasa screen sa itaas.

'Ako si Moltimer Reyes ang namamahala sa kabuuan ng larong ito. Nais kong malaman ninyo na hindi na ordinaryong game ang pinasok ninyo dahil sa larong ito hindi na makakaalis pa! Pinangarap ko noon na maghari sa isang mundo at ngayong natupad na ang gusto ko ihanda niyo na ang sarili ninyo dahil kayong 20,000 players ang magiging alagad ko HAHAHAHAHA!.'. Mala demonyo nitong sabi kaya may iba na natakot.

20,000 lahat kami???......

Teka nasaan yung Log Out button dito?!?!. Reaksyon bigla ng isang player.

Kaya lahat kami ay napa swipe at halod manlumo ako sa aking nakita.

[ Inventory ]
[ Menu ]
[ Character ]

[ XXXXX ]

Wala yung log out button at nung tinangka kong pindutin ko yung puro X ay walang nangyayari. Halos lahat ng players ay nagkagulo dahil sa pagkawala ng log out. Ang iba ay nagalit at may iba pa na napaiyak dahil gusto nilang umalis sa larong ito.

'Lahat ng Z-Chip nyo ay naka program na kapag nag start na ang game ay tatanggalin nito ang Log Out button. Pero wag kayong mag alala makakalabas din naman kayo dito kung makakasurvive kayo HAHAHAHAHA'. Ani ni Moltimer. Napakuyom ako sa sinabi niya.

'Para makalabas kayo sa game na ito. Kailangan niyong i clear ang 30 Floors dito sa buong Z-World sa pamamagitan ng pagpatay sa mga Boss sa bawat floor na nasa Z-Tower. Ang Z-Tower na nasa north side ang magiging daan ninyo upang makapunta sa next floor'. Sabi nito at doon nagliwanag bigla yung parang tower sa north na agad ding nawala.

'Pero may isang tanong dyan. Paano kung mamatay kayo sa Game na ito? Well tignan niyo ang mangyayari sainyo.'

Matapos niyang magsalita ay nagkaroon ng madaming hologram screen sa paligid niya at may mga taong umiiyak , mga pulis at kung ano-ano pa. Pero isa lang ang pumukaw ng atensyon ko kundi yung isang screen kung saan may isang player ang nakasuot ng CG at tila parang nagwawala ito.

'Ilan lang iyan sa mga sinapit ng mga ibang player na nagpumilit lumabas sa larong ito.'

Maya maya pa ay may ipinokus siyang isang screen sa amin kung saan may magulang at kapatid na umiiyak. At may inilabas sa labas nh bahay nila na isang bangkay kaya't napaiwas ako ng tingin.

'Namatay ang player na ito dahil tinangka ng pamilya nito na sirain ang CG. Ang hindi nila alam naka program din ang Chip na kapag may na detect itong sira ay kusa itong sasabog at syempre kasama ang ulo ng maswerteng player'. Sabi nito saka tumawa ng mahina.

Halos lahat ay nagsigawan at nagkagulo lalo sa sinabi ni Moltimer. Pero hindi pa doon natapos dahil may isa pa siyang ipinokus na screen kung saan yung player na nakasuot na CG na nagwawala.

'Ang sinapit naman ng player na ito ay dahil kakamatay niya lang kanina sa game. Ang Z-Chip ay naka program din na once na mamatay ang player sa larong ito. Sisirain ng chip ang utak ng may suot ng cursed gear. At dahil doon maaari kong makontrol ang lahat ng mamamatay sa larong ito at isa pa doon maaari ko ding pagharian ang buong bansa !! Kaya kung gusto niyong mabuhay , kung gusto niyong makaligtas simple lang ang dapat ninyong gawin. At yun ay......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang tapusin ang larong ito. HAHAHAHAHAHA.

'Bago iyon may pa surprise ako sainyo sana magustuhan ninyo ang inihanda ko mga manlalaro!!'. At doon nawala naman bigla yung mga screen sa itaas at may mga nagbagsakan naman mula sa itaas.

*Bosgh* *Bogsh* *Dugsh* *Dugsh*

Mga zombie yung nag bagsakan mula sa itaas at halos mapalunok dahil sobrang dami nila at ang iba pa dito ay malaki pa sa akin.

RAAawwRRr!!!

WARFGHF!!! ARRGGFHK!!

Mukhang ito na ang totoong simula ng larong ito. Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa mga zombie na naglalakad papunta sa akin. Napansin ko na may mga ibang player na tumungo malapit sa akin na tila handa din na lumaban. Napatingin ako sa kanila at nag tanguan naman sila sa isa't isa saka humarap sa mga kalaban.

Agad kong hinugot ang Rusty Sword ko at handgun na ngayon ay nasa kaliwang kamay ko. At ilang sandali lang ay sumugod silang lahat sa mga kalaban na may kasamang sigaw habang ako ay nakatingin lang sa kanila.

Makakaligtas ako.......
Para sa pamilya ko........
Para sa mga kaibigan ko........
At para sa taong mahal ko......

May isang zombie naman ang napatingin sakin at sumugod. Kaya hinigpitan ko ang hawak ko sa aking sword. At doon tumakbo ako pasugod din sa kaniya.

YAHHH!!!!!. Sigaw ko sabay tutok sa zombie at binaril ito.

Bang! Bang! Bang! Bang!

ARGHH!!... WaARFGHH!!!!. Hindi ito natinag at sumugod padin kaya sinabayan ko ito at ng malapit na ay itinaas ko ang aking sword sabay....

YYYAAAAAHHH!!!!!!......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*Ziiiiiinnnggggggg*

Kaya ko to. Bulong ko sabay takbo pasugod sa mga kalaban.

[ You killed the Undead !! Here's your reward ]

Exp gained : 25 exp
Z-Coin : 100

[ To be CONTINUE.... ]

########################################

Yoow guys hahahahha ayos ba?? Pasensya na kung di na masyadong bago yung ma trap sa game atleast di naman mamamatay diba?? Hahahaha. Btw salamat sa mga nagbababasa at nag aantay ng UD ko. Dahil mabait kayo 4k words mahigit yan hahahaha. Pasensya na kung may mga mali man sa english ko di po ako masyadong kagalingan dun eh. Pero sana nagustuhan nyo pa din yung chapt na ito at sana wag niyo ioagkait ang hinihiling kong comment at FV sa story.

Basta yun salamat ulit at godbless ayoko ng pahabain pa para magkita kita ulit tayo sa next chapt babyeeee....

[ TripletsX ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top