Chapter 4 : Game Start
[ Shu's POV ]
*Tok* *Tok* *Tok*
*Kring* Krrriiinngggg*
Nagising ako dahil sa lakas ng aking alarm clock malapit sa table kasabay ng mga katok sa pinto. Idinilat ko ang aking mata saka bumangon sa aking higaan. Pinatay ko muna ang alarm clock saka ko tumayo at tinungo ang pintuan.
Humikab muna ako bago buksan ang pinto. At bumungad naman sa akin si mama na nakatayo lang sa tapat ng aming pinto na may malaking bag sa lapag.
Anak aalis muna ulit ako , babalik ako sa Lola nyo. Sabi ni mama.
Bakit po ma?. Tanong ko.
Kailangan nila ako dun nak dahil may sakit ang Lolo ninyo.
Kung gayon sige po sabihin ko na lang kay kuya.
Salamat , o sya aalis nako dahil baka tanghaliin ako. May naluto na ako sa kusina at nakapag iwan na din ako ng pera sainyo. Basta wag ninyong kakalimutan ang bilin ko. Mahabang sabi ni Mama.
Opo ma ingat na lang kayo sa byahe. Tugon ko.
Sunod nun ay umalis na si mama sa tapat ng kwarto namin at tumungo na sa labas. Ako naman ay pumunta na ng banyo at ginawa ang kinagisnan ko. Pagkatapos nun ay nagtungo ako ng kusina at tama si mama dahil may mga nakahain na sa mesa.
Kumain muna ako saka ako tumungo sa sala namin. Dahil wala din naman akong ginagawa ay naisipan kong buksan na lang ang T.V namin. Palipat lipat lang ako ng channel hanggang sa mahinto ako ng tumapat na ito sa balita.
'Kasalukuyan pong inaanunsyo na kinabukasan mag sisimula na po ang sinasabing new version ng Cross Fire Online!' - T.V
Ano?!?! Bukas na agad?! Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas ng mawala si Cody ah!. Di makapaniwalang reaksyon ko.
'Ayon sa sinabi ng bagong owner ngayun na si Mr. Moltimer Reyes. Sisimulan na po ang game sa oras na 10:00 ng gabi bukas. April 10 , 2019 .' - sa T.V
Kailangan kong sabihan ang Legions ngayon. Sabi ko sa aking sarili.
Agad kong pinatay yung T.V at nagtungo sa kwarto. Pagkapasok dun ay dumiretso ako sa kama at kinuha ang kahon sa ilalim. Pagkakita ko pa lang ng CG ko ay sinet up ko na ito saka sinuot sa aking ulo at humiga sa kama. Ipinikit ko na ang mata ko saka binigkas ang key word.
Game On!!!......
--------------------------------------------------------
[ General Office ]
Pagkamulat ko ng aking mata ay narito agad ako sa G.O. Di nako nag aksaya pa ng oras at tinungo agad ang Clan Site.
Habang naglalakad ng mabilis ay ipinunta ko agad ang VS ko sa message.
[ MESSAGE ]
Sa lahat ng Vice Commander ko , pumunta agad kayo sa HQ ngayun na...
[ Send ] [ Cancel ]
Pinag se send ko naman ito sa lahat ng VC sa Legions. At di ko namalayan na narating ko na din agad ang Clan Site. Tinungo ko agad ang kung nasaan ang pwesto namin. Ilang saglit lang ay nakita ko ito kaya dali dali akong lumapit at may lumabas namang hologram na may handprint kaya inilapat ko ang kanang kamay ko doon.
Access : ✔️ - [ Mechanical Voice ]
Agad naman din akong nateleport at napunta sa HQ namin. Tumungo nako sa loob at wala akong nadatnan doon na ibang member ng Legions. Pumunta na ako sa mesa at umupo sa gitna at di kalaunan ay dumating agad ang mga Vice Commander ko.
Anung problema Shu bat nag patawag ka ata ng meeting??. Tanong sakin ni Alex saka umupo.
May ideya ako kung bakit ka nag announce ngayon Zekken. Sabi naman ni Prime. Tungkol ba ito sa new version??.
Hindi ako sumagot. Iba talaga si Prime pagdating sa mga gantong bagay.
Anung meron dun Prime ?? Bakit parang may kung anung problema ba dun sa game na yon?. Sunod sunod na tanong ni Trigger.
Tingin ko si Zekken na ang magpapaliwanag. Maupo muna tayo. Suhestiyon ni Prime na agad sinunod nila Trigger, Virus at Anne.
Hindi ba kayu nagtataka?? Simula ng mamatay ang Creator ang dami ng kakaibang nangyayari ngayon!. Sabi ko.
Pansin ko din yun Shu , pero baka natural lang ito or nasanay lang tayu dati na si Cody pa ang Creator. Ani ni Alex.
Tama ka dun Lex pero nakakapagtaka talaga. Noong una sa release ng game chip then itong start ng game ??.
Pero may punto pa din si Alex Zekken baka nga nasanay ka lang masyado na si Cody pa ang Creator. Tugon ni Prime.
Malay nyo sadyang binibilisan na talaga nila ang pagsisimula ng new version dahil marami ding players ang nag aantay dito. Singit naman ni Anne.
Pero--. Naputol ang sasabihin ko ng magsalita agad si Alex.
Alam mo Shu ganyan talaga ang buhay. May mga pagbabagong nagaganap , ang kailangan lang talaga nating gawin ay tanggapin iyon. Alex. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.
Mukhang tama siya......
O siya kung wala na ding pag uusapan pa gagawin na namin ang dapat gawin ngayun Zekken. Saad ni Virus.
Hays sige Virus. Walang ganang sabi ko.
Umalis naman agad sila Virus kasama si Alex, Anne, at Trigger. Bago pa man sumunod si Prime ay tinapik muna ako nito sa balikat sabay sabi ng. Masasanay ka din Zekken. Saka tumungo sa dinaanan nila Alex.
Ikinurus ko na lang aking mga braso at sinubsob doon ang aking mukha habang naiwang mag isa dito HQ. Hindi ko pa rin maiwaksi ang nararamdaman kong pagbabago ngayon sa CFO. Hanggang sa naisipan ko na lang din mag out.
Tumayo ako saka nag swipe sa aking harapan kasabay nun ay lumabas din ang aking VS.
[ Inventory ]
[ Character ]
[ Menu ]
[ Log Out ]
Pinindut ko na ang Log out at sunod nun ay pagpindut ng Yes. Matapos nun ay ipinikit ko na aking mata kasabay ng pakiramdam ng paglalaho ng aking avatar sa game.
~ End of POV
[ Thirdperson's POV ]
Kasalukuyan ngayong abala ang mga siyentista ng CFO sa kanilang laboratoryo dahil sa pagsasa gawa ng preparasyon o pagsisimula ng laro bukas.
Samantala sa gitnang parte ng napakalaking silid kung saan nagtatrabaho ang mga siyentista. Makikita pa din sa kalagitnaan nito ang pulang pinto na kung saan matatagpuan sa loob ang bagong namumuno sa sa pagpapatakbo ng buong Cross Fire Online.
Isa sa mga scientist ang pumasok mula sa pulang pinto habang may dala dala itong papel. Pagkapasok nito ay tumambad sa kaniya ang lalaking naka puting suit habang kasalukuyan itong nagmomonitor sa mga tauhan nito.
Mr. Moltimer tapos na po naming bilangin lahat ng player na maaaring maglaro sa bagong version ng CFO. Sabi ng scientist na may hawak na papel.
Iniabot niya ito kay Moltimer at kinuha naman ito agad saka binasa ang nakasaad sa papel.
Eksaktong 25,000 players po ang naturang bilang nilang lahat pero ang siguradong makakasama lang po o makakalaro ay 20,000 lang po. Pagpapatuloy ng scientist.
Kung ganun naman pala mas mabuti na din iyon. Agad niyo ng tanggalan ng Access ang 5,000 player upang hindi na sila makasali pa sa laro. At sa 20,000 naman..... . Itinupi naman ni Moltimer ang papel saka tumingin sa mga scientist na kasalukuyang nag eeksperimento sa kaniyang likuran. May nakatakda na para sa kanila. Dugtong nito saka ngumisi ng nakakakilabot kaya't napaiwas ng tingin ang scientist na nagdala ng papel.
Makikita sa loob ng silid ang pag eeksperimento ng mga siyentista sa Z-Chip at may kung anong kinokonekta sa mga ito.
Installing the ZV-385.......
.
.
.
.
.
.
Success!!....
.
.
.
.
.
Connect the ZV-385 to Z-Chip......
.
.
.
.
.
.
[ Completed ! ].
Isang mechanical voice naman ang narinig ng lahat ng nasa loob ng silid na siyang dahilan upang mapangiti lalo si Moltimer.
Ngayong tapos na ang Virus at maaari na itong iconnect sa mga Z-Chip nila. Maisasagawa ko na rin ang lahat ng pinaplano ko!!. Saad ni Moltimer kasunod ng mala demonyong pagtawa nito.
At ipaparanas ko sin ang sakit na naranasan ng aking anak, batang ACER. Mag hintay ka lang. Dugtong nito habang nakatitig ito sa napag eksperimentuhang Z-Chip.
Maya maya pa ay may pumasok sa loob ng silid na isang ding scientist. Napabalikwas ng tingin si Moltimer ng magsalita ito.
Mawalang galang na po Mr.Moltimer may gusto pong kumausap sainyo sa labas. Sabi nito saka yumuko ng konti bilang paggalang.
Paki sabi na abala ako ngayon. Importanteng tao ba iyan??. Ani ni Moltimer saka tumingin ulit sa Z-Chip.
Opo dahil anak po ninyo ang nais kumausap sainyo. Sagot ng scientist.
Pagkarinig naman nun Moltimer ay nag iba naman bigla ang kaniyang naging desisyon.
Nasaan siya ngayon?. Tanong nito.
Nasa opisina po ninyo siya Mr. Tugon ng scientist.
Kaya agad na umalis si Moltimer at tinungo agad ang kaniyang opisina sa labas ng laboratoryo. Ilang sandali lang ay narating niya din agad ang pinto ng kabiyang opisina. Hindi na ito nagdalawang isip pa at binuksan nito ang pintuan. At doon bumungad sa kaniyang ang isang binatang lalaki na nakaupo malapit sa kaniyang mesa.
Napatingin ang binata sa pintuan kung nasaan si Moltimer at napatayo ito.
Dad. Panimula ng binatang lalaki.
Kamusta na ang nag iisang anak ko??. Tanong naman agad ni Moltimer sa kaniyang anak saka ito nilapitan at niyakap. Agad din naman itong nag hiwalay.
Okay lang ako Dad, pero may gusto po sana akong irequest sainyo. Sagot ng lalaki na may malungkot na tono sa boses nito.
Alam mo namang malakas ka sa akin eh. Kahit ano pa yang gusto m---
Gusto ko po maglaro sa Z-World. Napatigil sa pagsasalita si Moltimer sa sinabi ng kaniyang anak.
Anak alam mo namang--
Alam ko Dad p-pero.... pero hindi ko kakayanin na manood na lang!. Gusto kong makabawi sa kaniya , gusto kong talunin ang batang ACER na yun sa larong iyan!!. Pagputol ulit ng binata sa kaniyang ama.
Ayokong pati ikaw mawala pa saakin anak. Hindi ako papayag. Hindi. Pailing na sabi ni Moltimer na ikinagalit bigla ng binata.
DAD !! AYOKO NA NG GANITO, NAHIHIRAPAN NAKO SA NARARAMDAMAN KO!. Sigaw ng binata na bigla ding bumaba ang tono nito.
Tingin ko ito lang ang paraan upang matapos na ito at ng mapatunayan ko na ako ang nararapat sa babaeng iyon hindi siya. Dugtong nito saka napayuko.
Pero hindi ko naman hahayaan na madamay ka sa mga sasapitin ng mga PLAYER na yon. Ani ni Moltimer.
Bakit dad, pati ba kayo hindi naniniwala na makakasurvive ako sa larong iyon?! Pati ba ikaw na sarili kong Ama walang tiwala sa kakayahan ko?! Parang naging kapareho nyo na din ang mga tao sa dating ko SCHOOL kung ganon!. Napaiwas ng tingin si Moltimer sa kaniyang anak at napahawak sa ulo nito.
Hindi mo kasi naiintindihan anak, napaka delikado ng larong iyon para sayo. Alam ko malakas ka kaya ka nga nakakasama sa mga Rankings pero hindi na basta basta ang larong iyon. Paliwanag ni Moltimer.
Pare pareho lang kayo!!. Galit na sabi ng binata saka naglakad palabas ng opisina ni Moltimer.
Habang si Moltimer ay napabuntong hininga nalang habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas ang kaniyang anak.
Ngunit sa kabilang dako naman ay kasalukuyang naglalakad ang anak ni Moltimer paalis ng building. Nasa isip pa din nito ang nangyaring pag uusap nila ng kaniyang ama. Nang makalabas na siya lumingon ito ng bahagya sa building.
Hindi mo ko mapipigilan kung anu man ang gusto kong gawin. Sambit nito saka nagsimulang maglakad.
-------------------------------------------------------------------
[ Date: April 10, 2019 ]
Hindi din nagtagal ay dumating na din ang araw na pinakahinihintay ng madaming player lalo na ang mga galing sa CFO at yun ay ang araw na pagsisimula ng laro. Karamihan sa mga player na kasali dito ay puro excitement ang kanilang nararamdaman dahil sa bagong mundo na kanilang gagalawan.
Samantala sa kabilang dako ay kasalukuyan nasa Tambayan ngayon ang magkakabarkada na sila Alex, Rence, Clark, Nery at Shu. Magkakasama itong nag aantay ng pag uumpisa ng laro na kasalukuyang inaanunsiyo ngayon sa telebisyon na nasa kanilang harapan.
'At ito na po ang araw na pinaka hinihintay ng lahat ng player! Ang pagsisimula ng laro na kung tawagin ay Z-WORLD!! Mag uumpisa na po ito mamayang alas 10:00 ng gabi. Pero bago po iyon narito po sa aming studio ang kasalukuyang namamahala sa buong CFO Corp. walang iba kundi si Mr.Moltimer Reyes!' - T.V
Habang papalakad palapit sa upuan si Moltimer sa telebisyon ay tinitigan lang ito ni Shu ng maigi. Habang nakatingin ay hindi nito naiwasan magsalita sa kaniyang isip.
Parang kilala ko ito.....
Agad namang napansin ni Alex ang pagtitig ni Shu sa T.V kaya pinagdikit nito ang kaniyang dalawang daliri at pinatunog ito malapit sa tenga ni Shu na siyang ikinagulat nito. Napalingon naman si Shu sa kaniya na agad niyang sinundan ng tanong.
Okay ka lang ba?. Grabe ka makatitig sa T.V eh. Tanong ni Alex.
Wala hindi lang kasi ako makapaniwala na ngayong araw na magsisimula ang laro, parang kelan lang kasi tayo nakabili ng Chip. Sabi ni Shu sa kaniya.
Huwag mo na isioin yun ang importante yung ngayon. Maiba ako ganun pa din ba yung IGN na gagamitin naten?. Alex
Oo / Naman para hindi nakakalito / Yun pa din saakin. Sagot nila Rence.
Ilang oras lang ang lumipas napagpasiyahan na din na umuwi ang magkakaibigan dahil mag na 9:30 na ng gabi. Sabay sabay itong lumabas ng kanilang tambayan at nang matapos i lock ay naglakad na ang mga ito sa magkakaibang direksyon.
Samantala si Shuriken ay kasalukuyan pa ding naglalakad sa isang medyo madilim na daan tungo sa kaniyang bahay ng may bigla itong naramdaman sa paligid. Napahinto ito at pinakiramdaman saka lumingon sa paligid. Ngunit wala siyang nakita na kahit ano dahil na din sa dilim ng paligid kaya't napag desisyunan nito na magpatuloy muli.
Ilang minuto lang nakarating na ito sa kanilang bahay kaya dali dali nitong tinungo ang loob.
Nandito na ko kuya. Saad ni Shu.
Napansin niya agad na walang tao sa kanilang bahay dahil baka lumabas pa ang kapatid niya. Kaya tinungo na lang nito ang kaniyang kwarto kasunod nun ay nagpalit ito ng pambahay na damit. Matapos nun ay humiga muna ito sa kaniyang kama habang nakatingin sa itaas.
Medyo nainip na din si Shu kaya't kinuha na nito ang kaniyang Cursed Gear sa ilalim ng kama at ang box na nasa drawer nito kung nasaan ang game chip. Agad na sinet up ni Shu ang CG saka binuksan ang Box. Tumambad sa kaniya ang maliit na chip parang SD Card na may letrang Z sa gitna nito. Kinuha niya naman agad ito pati na din ang kaniyang CG.
Dali daling hinanap ni Shu ang lagayan ng game chio hanggang sa nakita niya ito sa may gilid ng kaniyang CG. Hindi na nagdalawang isip pa si Shu at inilagay na doon ang Z-Chip kasunod abg paglabas ng isang boses.
CursedGear 1547856 acquired a New Game Chip....
.
.
.
.
.
.
.
.
Installing Z-Chip...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Success!!.....
.
.
.
.
.
.
.
.
Connecting account to Z-World.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
[ Completed ! ]. Mechanical Voice
Okay ayos na din sa wakas. Tuwang sabi ni Shu at doon napatingin siya sa orasan sa kwarto.
Nakita niya naman na 9:58 pm na kaya sinuot na nito ang kaniyang CG saka humiga sa kama. Nakatingin lang sa itaas si Shu habang nag aantay ng tamang oras ng pag log in hanggang sa nag 9:59 pm na. Ipinikit na ni Shu ang kaniyang mga mata at nagbilang sa kaniyang isip hanggang sa umabot na ng 10 segundo.
10
.
9
.
8
.
7
.
6
.
5
.
4
.
3
.
2
.
1
.
0
Date and Time : April 10, 2019 [ 10:00 PM ]
Goodluck sakin. Ngiting sambit ni Shu saka binigkas ang.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
GAME ON!!!
[ To be Continued.... ]
###########################################
Pasensya sa napaka tagal na UD hehehe inunti unti ko kasi iyan dahil nahihirapan talaga ako mag isip pero sana nagustuhan nyo hahahaha. Kung bitin man pasensya na trip ko kasi yung ganun.
Humihingi din pala ako ng sorry sa mga nag aantay ng isang story ko na GEIST sa totoo lang nahihirapan nako ituloy yun dahil puro FPS nanaman nasa utak ko. Pero susubukan ko pa din lahat ng makakaya ko guys para makabawi sainyo. Salamat pa din sa mga nag FV sa CFO , Z-world , Geist at sa mga nag comment thanks talaga pagpalain sana kayo hahaha.
Ayoko na pahabain basta kitakits on the next chapt.....byeeee..
[ TripletsX ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top