Chapter 23 : Strongest Rival

[ Shu's POV ]

<• Floor 16 : Aisland •>
West Bound : Centoria
'Date and Time : December 19, 2019 [ 10:23 AM ]'

Royal Dragon Battalion's Fort •

Woah napakalaking base naman nito. Kelan tayo magtatayo ng ganito tol?.

Baliw ka talaga Tails.

Kasalukuyan kaming nasa tapat ng clan base nila Frejya. Halos mamangha kami dahil hindi ko akalaing sobrang laki nito kung ikukumpara sa base namin sa CFO. May mga taga bantay at naglalakad din sa paligid na nakasuot ng kanilang uniform tulad kay Frejya. May sumalubong naman sa amin na isang grupo ng RDB na pinangungunahan ng isang player na may navy blue ma buhok na mukhang kaedaran ni Warden.

Magandang araw Ms.Phantom. Nakangising bati nito kay Frejya.

Tinignan lang ito ng masama ni Frejya. Napansin ko na tinignan pa kami ng mga ito bago kami tuluyang lagpasan.

Hanggang tingin lang ba kaya niyo?. Wala sa loob na sabi ni Rence.

Napansin kong napahinto ang mga ito sa paglalakad matapos marinig iyon.

Ang sabi ko hanggang tingin lang ba kaya mo Xael? Dapat kasi pormahan mo na. Pag-uulit ni Rence na may konting kaibahan sa una. Muntik nakong matawa dahil doon.

Umayos ka ng pananalita mo bata. Baling ng naka navy blue na buhok kay Rence.

Tinignan lang siya ni Rence na nagtataka at tumingala na parang nag-iisip bago sumagot.

Sinong kinakausap mo?. Turan nito sa kaniya.

Halatang nainis naman doon ang lalaki. Maglalabas na sana ito ng sandata pero inunahan ito ni Frejya.

Tumigil na kayo [ Morgan ]. Kung ayaw niyong malaman ng Head Master ito.

Tch. May araw din kayo. Napabalik ang mga sandata nito at tuluyan ng umalis.

May araw daw tayo? Natural kitang-kita naman sa itaas eh may araw tal---Aray!. Napatigil naman si Rence matapos batukan ni Alex.

Alam niyo dapat hindi niyo na pinatulan yung mga yon. Napabuntong hininga na lang si Frejya saka tumalikod samin. Sumunod na kayo.

Nagsimula na siyang maglakad papasok kaya sumunod na kaming tatlo.

-----------------------------------------------------------------------------------

Habang naglalakad ay maraming nakatingin samin o kay Frejya na mga nagbubulungan.

Kumalat na siguro yung balita sa nangyaring aksidente. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kaniya. Seryoso at diretso lang ang tingin nito.

Kanina kapa tahimik pwede bang magsalita ka naman?. Usisa ni Rence sa kaniya.

Ano namang sasabihin ko?.

Bat hindi ka na lang mag kwento tungkol sa Head Master niyo?. Tanong ni Alex.

Kahit hindi niya sabihin samin halatang halata talaga na kinakabahan siya. Mabuti na lang at sinusubukan ng dalawa na pahupain ang tensyon niya.

Diba sabi mo nakakatakot siya?.

Oo kahit yung paraan pa lang ng pagsasalita niya kikilabutan kana. Pero magaling siya maging pinuno kahit ako bilib sa kaniya lalo pa siguro kung makikita niyo siyang lumaban. Mahabang turan nito.

Anong spec niya?. Tanong ni Xael.

Isa siyang Vanguard at sa pagkakatanda ko Berserk ang ability na ginagamit niya. Pero kung ikukumpara sa ibang Vanguard, napaka bilis niyang gumalaw at napaka unpredictable ng mga atake niya dahil sa pagpapalit palit ng weapon nito.

Sa mga narinig ko hindi ko tuloy maiwasang macurious sa taong iyon. Pero makikilala din naman namin siya ngayon kaya wala ding problema.

Base sa sinabi mo ibig sabihin ba nun nakipag duel kana sa kaniya?.

Napailing si Frejya bago sumagot. Hindi pa atsaka wala akong kakayahang tapatan ang lakas ng Head Master. Matapos kong mapanuod ang mga laban niya dati napagtanto ko na sobrang layo ng agwat naming dalawa. Dahil kung tutuusin mas magaling pa sakin ang mga nakalaban niya.

Natigil ang kwentuhan sa kalagitnaan ng hallway dahil may dalawang member ang nakabantay sa daan. Lumapit yung isa kay Frejya at nagbigay pugay saka nagsalita.

Ms.Phantom ano pong kailangan niyo dito?. Tanong nito.

Pinatawag ako ng Head Master para mag-ulat tungkol sa aksidenteng nangyari sa mga member natin. Sagot ni Frejya.

Kasama po ang mga taong ito?. Tukoy nito sa aming tatlo.

Mga witness ko sila. Huwag kayong mag-alala akong bahala sa mga ito.

Hindi na nasagot pa ang mga bantay at pinadaan rin kami. Naglakad lang kami ng kaunti at ilang saglit pa ay tumambad samin ang isang malaking pinto.

Nakita kong huminga ng malalim si Frejya bago humarap samin. Nandito na tayo. Aasahan ko na wala kayong gagawing kabastusan sa loob. Kung maaari lang sana.

Napatingin kami ni Alex kay Rence at umiwas lang ito samin na parang nagpapatay malisya.

Makakaasa ka. Sagot ko.

Kumatok muna ito ng tatlong beses saka niya ng binuksan ang pintuan. Para kaming nasa korte dahil sa itsura ng lugar. Pabilog ang kwarto at may mga palamuti, weapons, bulletin board at furnitures sa paligid. At syempre hindi mawawala ang ilang mga bantay. Sa aming harapan naman may isang table doon na may background ito ng kurtina na may logo ng clan ng RDB. Sa gitna ay may upuan na nakatalikod samin.

Akala ko wala ka ng balak magpakita Ms.Phantom. Mabuti naman at may lakas ng loob ka na humarap sakin ngayon. Saad nung nasa upuan.

Natigilan ako nung marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali dahil kilala ko iyon. Dahan-dahan itong umikot paharap samin habang walang ngiti sa mukha nito. Napahikab lang ito at nagpagpag sa kaliwang balikat niya na madalas na ginagawa ng taong kilala ko.

Siya nga....

At may kasama ka pang mga bagong kaibigan. Seryosong dugtong nito.

Hayaan niyo po akong ipaliwanag ang lahat ng nangyari. Nakayukong wika ni Frejya.

Kitang-kita sa mukha niya na kinakabahan siya pero nilalabanan niya ito. Huminga siya ng malalim at sinimulan niyang ikinuwento ang mga nangyari. Kung paano nag traydor si Zohan at ang pag set-up nito na naging dahilan ng pagkamatay ng mga member nila. At iyong pag trap samin sa Relic para ipapatay sa mga PK.

So sinasabi mong kasalanan ni Zohan ang lahat kaya nangyari ito?. Tanong nito sa kaniya.

Hindi po. Maikling tugon ni Frejya.

Alam mo bang napaka laking isyu itong nagawa mo?.

Opo. Nakayukong tugon ulit ni Frejya. Kung nakinig lang sana ako sa mga ito hindi sana mangyayari iyon....

Pero...

Pero?. Takang sabi ng Head Master.

Nahanap naman po namin ang Guide Book na kakailanganin natin. Pagkasabi ni Frejya nun ay inilabas niya ang Guide Book at inilapag sa table.

Alam ko po na hindi kayang tumbasan ng librong iyan ang mga buhay na nawala. Kaya humihingi po ako ng kapatawaran sa mga pagkakamali ko. Tatanggapin ko po kung anong kaparusahan man ang ibibigay ninyo. Nabigla ako nung lumuhod si Frejya habang nakayuko ito.

Tumayo ka na dyan. Kahit papaano may nagawa ka pa ding maganda. Pero bilang parusa sa kawalan ng pag-iisip mo....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Magdu duelo tayo. Zekken. Diretsong saad ng Head Master habang nakatingin sakin.

D-DU-DUELO?!. Nabigla si Frejya sa kaniyang narinig.

Akala ko hindi mo na ko mamumukhaan. Tinignan ko ito ng seryoso. Dust.

Te-Teka?! Kilala mo siya Zekken?!. Gulat na tanong ni Frejya sakin. Halos naguguluhan na siya sa nangyayari. Diba po ako yung dapat maparusa---.

Shhhh tumahimik kana dyan Frejya. Si master ang bahala sayo. Pag putol ni Rence kay Frejya..

Per---.

Craige!!. Pagtawag ni Dust at may isang member na lumapit.

Yes sir!.

Ipahanda mo ang arena ngayon na. Magdu duel kami ng matalik kong kaibigan. Nakangising sabi nito.

Masusunod po!. Sagot nito at saka nagmadaling umalis.

Kaibigan mo na pala ako hindi ako nasabihan uh. Natawa lang siya sa sinabi ko.

Tumayo ito at naglakad patungo sa pinto. Bago tuluyang lumabas ay may sinabi pa ito.

Magkita na lang tayo sa Arena. Acer. Sabay sara ng pinto.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Dito pa talaga kayo nagkita Zekken. Tinadhana talaga kayo noh?. Saad ni Alex.

TEKA NGA LANG!!!! PWEDE BANG IPALIWANAG NIYO SAKIN KUNG ANONG NANGYAYARI HA?!. Inis na sigaw samin ni Frejya.

Mamaya na tara na dali punta na tayo sa Arena. Hinila naman ni Rence si Frejya palabas kaya sumunod na kami.

Habang naglalakad ay tumabi sakin si Alex.

Sigurado ka bang lalabanan mo siya?. Tanong nito.

May choice bako? Atsaka sabik sa bawi yun eh. Natawa lang siya at tahimik na ulit kaming naglakad papuntang Arena.

~ End of POV

----------------------------------------------------------------------------------------------

[ Frejya's POV ]

Nandito na kami sa Arena at sobrang daming tao ang nagdagsaan bukld sa mga ka clanmates ko. Malapit lang kasi ito sa RDB Fort. At hindi na kataka-taka dahil marami talagang nanunuod ng duel ni Head Master.

Kanina habang papunta dito ay kinuwento sakin ni Tails kung paano nila nakilala ang Head Master. Nakalaban na pala nila ito at dati pa ay ito na daw ang nag-iisang rival ni Zekken noon.

Hindi niyo talaga pipigilan si Zekken?. Tanong ko sa kanila.

Pigilan? Hahahahaha. Natawa si Tails sa sinabi habang si Xael ay umiling lang.

Alam kong malakas si Zekken pero ako na nagsasabi sainyo, iba ang lakas na meron ang Head Master. Hindi pa siya natatalo sa kahit anong duel.

Naalala ko pa sa bawat laban niya. Hindi umaabot sa kalahati ang HP niya bago matapos ang duel.

Naghiyawan ang mga tao nung may dalawang player ang lumabas sa magkabilaang entrance. Nagtungo ang mga ito sa gitna. Si Head Master ay may hawak na shield na hugis gem na pentagon na may logo sa gitna ng clan namin samantala si Zekken ay yung espada niya lang na naka weapon enhancer.

May alam ka ba sa Duel System?. Ngayon pa lang namin ito mae encounter eh. Tanong ni Xael.

Seryoso?! Tapos ang lalabanan pa niya ang Head Master?!.

Bakit ba sobrang taas ng tingin mo masyado. Sasabihin ko lang, hindi mo pa nakikita kung paano lumaban si Zekken. Singit ni Tails na naka krus ang braso.

May punto si Tails. Kahit na nakasama nako sa kanila lumaban pakiramdam ko mayroon pa siyang tinatago. Kailangan ko lang siguro magtiwala sa kakayahan ni Zekken.

Nag swipe ako at inopen ang VS ng Duel System ng maglalaban sa Arena.

[ Duel System ]

Map Changes: |On|   |Off|

Location: Locked

Duel Type:

|Round Mode|    |Time-limit Mode|

          [   ]                            [ 02:00 ]

Status Balance: |On|  |Off|

Safe Mode: |On|  |Off|

[• 70%]        [• 50%]        [• 30%]

[ Close ]

Ito ang kabuuang itsura ng Duel System. Ang Map Changes ay kapag ang mag du duelo ay gusto ng ibang mapa io On lang nila ito. At doon ma uunlocked ang Location. Kapag gumamit sila nito ay magkaroon ng teleportation at may maiiwan na live screen para mapanuod ng mga nasa labas ang laban. Pero kung naka Off naman ito ay kung saan sila naka pwesto ay doon sila mismo maglalaban tulad ngayon. Yung Duel Type naman siguro gets niyo kaya sa next nako. Tumango naman silang dalawa kaya tinuloy ko na ang pagpapaliwanag. Ang Status Balance para maiwasan ang level gap ng dalawang mag du duel. Ang gamit nito ay para pag balansehin ang HP at AC ng dalawang player. Sa pagkakatanda ko automatic na 100 HP at 100 AC ang set-up nito. Kahit naka equip ang mga original items mo. Madidis regard iyon kapag naka On ang Status Balance. Pero ang alam ko HP at AC lang ang naaapektuhan nito hindi ang Character Stats kaya pakiramdam ko may malaki pa ding advantage ito sa may player na may mataas na level. At last ang pinaka importante sa lahat. Ang Safe Mode ay para maiwasan ang pag PK dito sa game. Kapag naka off ito automatic na mamamatay ang player pero kung naka On naman ay hihinto ang pagbawas ng HP sa safe percentage nito. May tatlong choice ka naman na pwede pagpilian at kung sino man ang makaka reach ng alin sa tatlong iyon macoconsider na iyon na talo. Karaniwang ginagamit ito sa Time-Limit Mode.

Sobrang laki nga ng kaibahan nito sa Duel System ng CFO. Seryosong tugon ni Xael habang nakatitig sa VS ng Duel System.

'Magsisimula na po ang laban mga kaibigan! Kaya kung may mga hahabol pa sa pusta ninyo ay bilis bilisan niyo na!'

Nagitla ako nung may magsalitang announcer. Sinara ko na ang VS ko at tumingin sa gitna ng Arena. Bukod kila Head Master ay may dalawang player pa ang nandoon kung saan may mga hawak itong malaking board na may nakasulat na. 'Dust the Strongest Duelist' at 'Zekken the Rival Acer'

Acer?....

Anong ibig sabihin ng Acer bat siya tinatawag na ganun?. Tanong ko kila Xael.

Pasensya na pero hindi namin pwedeng sabihin eh. Mas mabuti kung kay master mo na itanong. Sagot ni Rence.

'Bago magsimula ang laban nais kong ipakilala ang mga magdu duelo'

'Sa kanan ko, alam kong kilala na siya ng lahat dahil sa napakaraming beses niya mga laban na ating napanuod. Ang tinaguriang Duel Champion, Strongest Player at Master ng Royal Dragon Battalion. DUUSSTTTT!!!'.

Maraming naghiyawan matapos ipakilala si Head Master. Muling umubo ang announcer at nagpatuloy.

'At sa kaliwa ko naman, hindi ko kilala ang isang ito pero ang sabi ay matalik na kaibigan ito ng Head Master at tinuring niyang Strongest Rival. Kung bakit malalaman din natin maya-maya. Muli ang challenger, ZEKKEN!'

Kung anong sigaw at hiyaw kay Head Master ay siyang kabaliktaran nito sa kaniya. Hindi nako nagtaka dahil karamihan sa mga audience ay mga clanmates ko.

BOOOOO!! Mapapahiya ka lang dyan mabuti pang umalis kana!

Hangga't maaga umayaw kana!!

May pa Acer ka pang nalalaman!

Iba't-ibang pang iinsulto pa ang mga sinasabi ng mga audience ngunit parang wala lang ito kay Zekken. Maging ang dalawang kasama ko ay tahimik lang kahit na pinag- bubuntungan na ng asar ang master nila. Nagsalitang muli ang announcer na nagbigay hudyat ng laban.

'3........2.........1....... DUEL START!'

At doon nagsimula na ang duel. Nakita kong gumamit ng ability ang Head Master.

Berserk On!.

'Mukhang tatapusin agad ng Champion ang laban mga kaibigan'

Mula sa kanang kamay ng Head Master ay naglabas ito ng isang Desert Eagle. Itinutok niya ito kay Zekken na kasalukuyan lang na nakatayo at nakatingin sa kaniya. At doon nagpaputok ng isang beses ang Head Master.

*Baannnggg*

*Tsssiingg*

Lahat ay nagulat nung itinaas ni Zekken ang espada nito at na deflect ang bala. Tinignan ko sina Tails at Xael na tahimik na nanunuod.

Kaya ba panatag kayo dahil kaya niyang mag deflect ng isang bala.

Manuod kang maigi. Turo ni Xael sa Arena.

Hindi pa siya gumagamit ng ability pero kaya niya ng ideflect ito. Isa lang ang ibig sabihin non. Nasanay na ang reflexes niya dahil sa device na ginagamit niya dati. Alam mo naman siguro ang gamit ng Ability niya diba?. Saad ni Tails habang nanunuod.

Oo. Ang 'Focus'  ay isang ability na kung saan nagbibigay ito ng mataas na accuracy at awareness sa isang player kapag lumalaban ito. Sagot ko.

Tama. Tumingin si Tails sakin. At isa pa, hindi lang isa ang kaya niyang ideflect.

Huh??........

Makikita mo.

At doon tumingin muli ako sa Arena. Nagpaputok ng sunod-sunod ang Head Master patungo kay Zekken. Nag fighting stance ito at saka kumilos.

*Bang* *Bang* *Bang* *Bang* *Bang*

*Tsing* *Tsung* *Tsung* *Tsing* *Ting*

Nabigla ako maging ang audience nung na deflect niya lahat ng iyon ng ganun kabilis na parang walang kahirap hirap. At tulad ng sabi ni Tails wala pa halong ability iyon.

Paano pa kaya kung naka On na ito....

'T-T-Totoo ba itong nakikita ko?! Dineflect niya lahat ng bala ng ganun kabilis!?!'

Tumayo ng maayos si Zekken saka naglabas ng itim na handgun sa kaliwang kamay nito.

Kung tapos kana umatake.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ako naman. Seryosong sabi nito habang nakatingin kay Head Master.

Focus On!.

Pagkasabi niya ng kaniyang ability ay sumugod na ito. Agad na nagpalit si Head Master ng espada at sinalubong si Zekken.

At doon nag clash ang sandata ng dalawang player na kinilala ngayon bilang Strongest Player laban sa kaniyang.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Strongest Rival.

[ To be Continued...... ]

########################################################

Isang malaking pasensya kung nabitin ko kayo. Atleast may nameet na sila na taga CFO. Sana patuloy kayong mag comment at FV para ganahan ako mag update hahahaha. Di bale magandang laban naman ang magaganap sa next chapter kaya abangan niyo na lang. Salamat ulit ng marami at god bless sainyong lahat!.

Tripz Out...Psshhkk!

[ TripletsX ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top