Chapter 22 : Guide Book

[ Frejya's POV ]

Tingin nyo andyan pa kaya sila?. Tanong ko.

Kasalukuyan naming tinatahak ngayon ang kaliwang lagusan na dapat pinuntahan nila Xael.

Wala na siguro dahil panigurado maiisip nila na magtatawag tayo ng back up para maambush sila sa lungga nila. Hindi nakatinging sagot ni Zekken sa unahan.

Pero kung sakali man maging handa pa din tayo sa mga pwedeng mangyari. Ani naman ni Tails.

Medyo ilang minuto na din ang nakakalipas mula ng pumasok kami sa kweba. Di kalaunan ay medyo natatanaw ko na ang bukana sa loob.

Ilabas nyo na ang mga sandata nyo. Utos ni Zekken na agad ginawa ng dalawa. Ginaya ko na lang din sila.

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad hanggang sa makaalpas kami. Bumungad saamin ang isang parisukat na silid. Maikukumpara na talaga ang itsura nito sa ancient period dahil sa structure ng lugar. Masasabi mo talaga na mukhang kinalulugaran ito ng mga relics hindi tulad sa kabila na parang may katayan na nangyari. Napakaaliwalas ng buong paligid at wala kang makikitang mga dugo o buto na kung anumang nilalang.

Sa harapan namin ay isang malaking pintuan ang nakatambad. Nagtinginan pa kaming lahat bago lapitan ang pinto. Sama-sama namin itong hinawakan at itinulak para bumukas ito.

Isang ugong ng bato ang aming narinig habang tuluyang nagbukas ang pintuan. Madilim ang loob ng silid halos wala kaming masyadong maaninag.

Night Vision On!. Command ni Xael at nag green ang mga mata nito.

May nakikita kaba?. Tanong ni Zekken. Halos dalawa sila ni Tails ay naka night vision na kaya inopen ko na din ang akin.

Wala eh pero susubukan kong gamitin ang ability ko. Tugon niya saka nag cast.

Eagle Eye On!.

So ano na tol?. Tanong ni Tails.

May naaaninag ako sa loob, parang may zombie o bato lang ata, hindi ko masabi kung anong klase dahil pigura lang nila ang nakikita ko. Sa di kalayuan may isang nakaupo. Hindi ko masabi kung player pero malabo naman yun kaya baka parang boss ito. Paliwanag ni Xael.

Magsi handa kayo papasok na tayo sa loob. Ani ni Zekken.

Nagsimula na kaming humakbang papasok sa loob. Sobrang dilim ng paligid at napaka hirap makaaninag. Mabuti na lang siguro may Sharpshooter sa grupo namin.

*Duuggggg*

Napahinto kami sa paglalakad nang makarinig kami ng ugong at malakas na *Klag* kung saan sumarado ang pinto sa aming likuran. Kasunod nito ay dahan-dahang nagkaroon ng liwanag ang paligid mula sa mga sulo na nakapaikot sa silid. Maliban siguro sa aming harapan na madilim pa din.

Napansin ko na nagkasahan sila Xael ng sandata habang nakatingin sa harap. Itinuon ko ang paningin ko doon at isang hugis trono ang naaaninag ko. May nakaupo doon. Hindi ko masyadong masabi kung player ba ito o zombie dahil tulad ng sabi ni Xael pigura o anino lang ang nakikita namin.

Nagliwanag naman ang buong paligid. Hindi ko alam pero may mga ilaw sa bawat gilid ang naglabasan. Sa paligid may mga iba't-ibang zombies ang nakakalat pero mga hindi na gumagalaw. May mga malalaking bato at poste sa paligid. Sa harapan namin biglang tumayo yung nasa trono at tumalon pababa. May kalakihan ito ng konti at tantya ko mga 7ft. pataas. Kung titignan mukha itong ordinaryong zombie na nakasuot na pang star wars at may hawak itong syringe na may laman. Bigla niya itong tinarak sa kaniyang sarili at sumigaw ng napakalakas.

Kasabay nito ay may kung anong nangyayari sa katawan niya. Naging maskulado ito at kalmado. Halos lahat kami ay nagtaka dahil sobrang tahimik nito kung ikukumpara sa mga nakaharap namin. Naglabas ito ng espada na napaka kapal at kasing haba ito ng spear. Base sa disenyo parang Sci-Fi style ang weapon na gamit nito. Nag register naman sa mga VS namin ang pangalan ng zombie.

Name : Fallen Alius
HP : 1299 / 1299
Rank : SS
Ability :
Manipulate Weapons
Tornado Blade
Shock Wave
Haste

WARRGGHHhh!!. Matapos ng pagsigaw nito ay sumugod ito papunta samin. Nabigla ako dahil sobrang bilis ng kilos nito.

Focus on!.

Booster On!

Nagsi gamitan na sila ng ability kaya sumabay na rin ako.

Trickster On!.

Unang sumugod si Zekken habang nasa likuran niya si Tails.

*Baanngggg* *swooshhh*

Kainis. Rinig kong sabi ni Xael sa tabi ko. Tumutok ulit ito at nagpaputok ngunit nakakaiwas o nasasalag lang ito ng zombie.

Hindi ako pwedeng tumunganga lang....

Tumakbo ako patungo sa kalaban habang sila Zekken ay kinakaharap na ito. Humampas si Alius pababa ngunit sinalubong lang ito ni Zekken ng pataas at nagdikit ang sandata nito. Napaluhod si Zekken dahil sa bigat na ibininigay ng zombie.

Ngayon na!.

Dahil nakafocus ang zombie kay Zekken ay hindi nito napansin ang isa pa. Tumalon ng mataas si Tails at tumutok sa ulunan nito. Akala ko tama na ang lahat pero bigla na lang tumalon ng mataas ang zombie kumpara kay Tails.

Nagpula naman bigla ang sahig namin kasabay ng isang notification. Kaya't napahinto ako sa pagtakbo.

[ Warning! Shock Wave incoming.. ]

Mula sa itaas ay bumulusok pababa ang zombie habang nakataas ang sandata nito.

Tumalon kayo!!. Sigaw ni Xael saamin na nakapatong sa isang poste.

Agad kaming nagtalunan sa may matataas na bato sa paligid.

Pagkarating ng zombie sa ibaba ay malakas nitong hinampas ang sahig na nagdulot ng malakas na impact. Bukod pa doon ay nagkaroon pa ng  kuryente sa buong sahig. Doon ko napanson na nakatarak ang sandata nito sa lupa. Sinamantala iyon ng mga kasama ko at nagpaulan ng bala.

*Bannnnggg*

*Baaanngg*

*Ratatatatattatatatat*

Nabigla ako nung tumingin sakin si Alius at ibinato ang sandata nito. Nag ala ipo-ipo ang espada nito habang patungo sakin dahil sa mabilis na pag-ikot. Ito ata yung skill niya na Tornado Blade. Agad akong tumalon pababa sa sahig.

Huwag kang bumaba!.

Huli na ng marinig ko ang babala ni Zekken. Dahil pagkalapat ng mga paa ko sa sahig hindi ko napansin na may kuryente pa pala dito. Akala ko sa matapos niyang mahugot ang eapada mawawala na yung kuryente. Pero doon ako nagkamali.

*Bbzzzzzpppp*

AAHHH K-ka-kai-nis. Napasalampak ako sa lupa dahil sa dumaloy na kuryente sa katawan ko.

Napatingin ako sa status bar ko at patuloy na nababawasan ang HP at AC ko.

Lvl. 53    [⚡]
IGN : Frejya
HP : 172 / 200
AC : 245

Lvl. 58     [❇️]
IGN : Zekken
HP : 210 / 210
AC : 500

Lvl. 56
IGN : Xael
HP : 210 / 210
AC : 300

Lvl. 55
IGN : Tails
HP : 210 / 210
AC : 250

Biglang pinabalik ni Fallen Alius ang sandata nito. Pagkasalo ay sumugod ito patungo sakin. Pinilit kong igalaw ang katawan ko ngunit ang hirap dahil sa electric effect.

WARGGhhhHH!!!

Papalapit na ito sakin kaya wala akong nagawa kundi mapapikit na lang.

FREJYA!!

Nabigla ako nung naramdaman kong may bumuhat sakin. Pagkadilat ko nakita kong akay ako ni Zekken.

Rence SALO!!!. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito pero bigla niya kong hinawakan sa baywang at inikot.

Teka teka anong gagawin moooOOO--AAAHHhhhHHHh!!. Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang ihagis niya ko paitaas.

Mula sa itaas ay pasalubong akong sinalo ni Tails at lumanding kami sa isang mataas na bato.

Zekken sa harap mo!

Napatingin kami bigla sa pagsigaw ni Xael sa direksyon ni Zekken. Siya naman ang naapektuhan ng electric effect. Nakita kong hinarang ni Zekken ang espada at baril niya ngunit alam kong hindi sasapat iyon. Sa huli direktang tumama yung swing ng Fallen Alius sa kaniya.

WAARrRGHHHHh!!!

*TANG!*

*Swoosshhh*

*BOOGGSSHHHH*

Tumalsik siya sa isang poste at gumuho ito dahil sa lakas ng impact. Nawala naman ang kuryente sa lupa matapos ang atakeng iyon.

Ano ba kasing ginagawa mo. Bakit ka bumaba?!. Reklamo sakin ni Tails.

*Baaannnnngg*

Hindi ito ang tamang oras para magsisihan!! ATAKE!!. Sigaw samin ni Xael.

*Baaannnggg*

*Ratatattatataatattaat*

Sakto namang nawala ang electric effect kaya nakatayo nako ng maayos. Nag heal ako gamit ang medical gun saka lumapit kay Tails.

Babawi ako. Sabi ko sabay kasa ng P90.

Dapat lang hehe. Nagtaka ako sa sagot nito. Nawala yung pagiging seryoso niya kanina.

Sabay kaming tumalon pababa at sumugod kay Fallen Alius. Nagliwanag ang mga mata nito ng mapansin kami kaya sinalubong din kami nito.

GGggRRAAaAHhHHH!!!

AAAHHHHHH!!!.

Itinutok ko ang aking P90 sabay kalabit ng gatilyo nito.

*Ratatatatatatatatattaattat* *Tsung*

Agad akong nag reload habang tumatakbo. Pagkatapos ay kinuha ko ang kutsilyo mula sa aking likuran. Nang makalapit ay nakaangat ang kanang kamay nito na may sandata. Agad akong mag sidestep pakanan kasabay ng isang putok.

*BAANNGG*

Tinamaan ang kanang kamay nito at dahil sa lakas ay nagkaroon ng usok. Nakaramdam ako ng paparating sa kanan kaya tumalon ako ng mataas.

*swooossshhh*

Naiwasan ko ang suntok sa kaliwang kamay niya. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon at ibinato ang kutsilyo na nasa kaliwang kamay ko sabay baril. Tumusok yung kutsilyo leeg nito.

AARrgHhHh!!. Napahiyaw ito sa sakit at nag akmang isiswing ang kanang kamay nito patungo sakin.

Huwag mo kong kalimutan halimaw.

Biglang lumitaw si Tails sa likuran nito. Kaya sa kaniya binaling ang pag-atake. Agad na humampas palikod si Fallen Alius ngunit gumulong lang sk Tails sa ilalim nito. At tumalon sa balikat niya at hinawakan ang kutsilyo at nag slash paitaas.

Nanggilaiti sa galit ang zombie at sinubukang hawakan si Tails pero tumalon ito. Pagkalapag ko sa lupa ay sasabay na sana ako sa pagsugod ng pigilan niya ko.

Dyan ka lang. Babawian ko lang ito. Sabi nito habang nasa ere.

Habang nasa ere ay hinagis niya paitaas ang kutsilyo sabay tutok ng dalawang MP7.

*Ratatatatataatatatatatattaatat*

Inabangan siya ng pag swing paitaas ng zombie ngunit kumuha lang si Tails ng kutsilyo sa kaniyang hita at ibinato sa uluhan nito. Hindi natuloy ang pag-atake at nabitawan ng zombie ang sandata nito.

Pagkabulusok paibaba ay hinawakan niya yung nakatarak sa uluhan at itinuloy paibaba. Pagkatapos nito habang nakaupo ay nakaangat ang kaliwang kamay niya. Nabigla ako dahil may nasalo siyang panibagong kutsilyo.

Yung hinagis niya kanina......

Pagkasalo ay nag slash siya paitaas at pagkarating sa ere ay umikot ito sabay bato ng dalawang kutsilyo na siyang tumama sa magkabilaang balikat nito. Halos namangha ako sa bilis ng atakeng ginawa niya. Bumagsak naman ito malapit sakin habang nagpapalit ng magazine.

Turn mo na. Nabalik ako sa reyalidad nung sinabi niya iyon.

Kaya ako naman ang sumugod patungo sa kalaban. Kahit nanggigilaiti na ito sa galit ay mabilis niya parin akong napansin.

Trickster On!.

Agad nitong dinampot ang sandata nito at sumugod sakin. Pinagbabaril ko ito at nang magkalapit ay humampas ito sa direksyon ko. Kaya tumalon ng mataas habang nag re reload sa ere. Bumagsak ako sa likuran niya at nag swing ito pakanan kaya bumartikal ako patalikod sakto uluhan nito at sumipa palayo habang pinagbabaril ito.

Galit na galit na ito at tumalon ito ng mataas.

[ Warning! Shock Wave incoming.. ]

Ito nanaman....

Wala namang nagsabi na bawal kang pigilan sa paggamit niyan!!.

Nabigla ako nung may tumalon papalapit kay Fallen Alius. Napagtanto ko agad kung sino iyon.

Zekken!!.

Frejya! Tails! Mag-abang kayo sa baba. Utos niya samin habang naka focus ito papalapit sa zombie.

*Baaanng*

*Tsugs*

*Baanngg*

*Tsugs*

AAARRGGHHHh!!

Tinamaan naman ang kamay ni Fallen Alius kaya napababa ang sandata nito. Kasabay nun ay pagsalubong ni Zekken. Agad niyang tinarak sa gitna ang espada nito. Naghumiyaw sa sakit at nag akmang hahawakan si Zekken gamit ang kaliwang kamay ngunit isang malakas na putok ang nagpapigil dito.

*Baaannnggg*

*Tsikuk*

*Baaaannnggg*

Pwersahang umikot pakanan si Zekken at doon natanggal sa pagkakatarak at bumulusok pababa si Fallen Alius. Nagkaroon ng makapal na usok ngunit naaaninag namin ito.

Dumating na ang pagkakataon namin ni Tails at sabay kaming sumugod patungo sa kalaban na kasalukuyang bumabangon. Habang tumatakbo ay nabigla ako sa paparating.

Isang Tornado Blade ang mabilis na patungo samin. Hindi kami nakapag react agad dahil sa mas mabilis na ito kumpara kanina. Sinubukan kong tumalon pakanan para makaiwas ngunit nadaplisan ako sa aking braso. Samantala si Tails ay napasalag ng baril at direkta itong tinamaan.

*Ting!*

*swoosshh*

*BOOGGSSHH*

Katulad kay Zekken tumalsik din siya sa isang poste dahil sa impact.

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo habang kababalik pa lang ng sandata nito. Sumugod ito sakin at humampas sa direksyon ko.

WAARRGGGHH!.

*Swooossshhh*

*Tsing*

*Crrssshhkkkkkkk!*

Biglang lumitaw sa harapan ko si Zekken at pinigilan ang atake nito.

Kaya niyo yan!!. Rinig kong sabi ni Xael kasunod ng pagbaril nito.

*Baanngg*

AARGGHH!

Agad kong pinagbabaril sa ulo ang zombie sabay talon at sipa sa mukha nito.

AAHHHH!!. Pwersahang itinulak ni Zekken ang sandata nito at nakawala sa pagkakadiin.

Napaatras ang zombie ngunit sumugod kaya sinalubong ko din ito. Muli ay hinampas nito ang kaniyang espada sa direksyon ko gamit ang dalawang kamay. Ngunit tumalon ako para iwasan iyon saka bumaril.

*Ratatatatatatatatatatatat*

Arrghh-WAARGHhh!!

XAEL!!.

OO!.

Nag-akmang iaangat nito ang espada ngunit napigilan ito dahil sa dalawang magkasunod na putok at nabitawan ang sandata nito. Naka-isip ako ng ideya nang makita ko yung dalawang kutsilyo na nakatarak kaya binitawan ko ang P90. Pagkalapit ay sabay kng hinawakan ang dalawang kutsilyo at gumawa ng krus na hiwa paibaba sabay sipa palayo at nakaramdam naman ako ng paparating sa likuran ko kaya umikot ako pakanan sabay sabi ng....

Switch!!

Kasunod nito lumitaw si Zekken habang nakaporma ang espada nito.

TAPOS KANA!!.

Nag slash ito pa horizontal sabay talon  ng mataas patungo sa halimaw.  Nakataas ang espada nito gamit ang dalawang kamay sabay slash paibaba.  At ang huli ay umikot ito pakaliwa sabay tarak sa gitna ng kaniyang espada.

Warg--Arrgh-Acckkkk-----.

Nagliwanag ang buong katawan nito kaya nagtalunan kami paatras. Kasunod nito ay isang malakas na pagsabog ang nangyari.

*BOOGSSHHH*

[ Personal Notification ]

You defeated Fallen Alius. The Guardian of the Relic. Here's your reward!

Exp gained : 5,000 exp (⏏️)
Z - Coin : 12,000 (⏏️)

[ Close ]

[ Congratulations. You level up to LEVEL 54 !! ]

Matapos makita ang VS ko ay hindi nako nagtaka. Ang player lang na nakakalast hit ang nakakakuha ng mga items. Hindi naman ako nanghihinayang dahil deserve naman nila iyon. Sinara ko na ang VS ko matapos nun.

YES!!! Wohooo nanalo tayo!.

Tuwang-tuwa yung tumalsik ohh.

Mga sira talaga kayo.

Napatingin ako sa kanila at sa kabila ng mga nangyari nagtatawanan lang ang mga ito. Nabigla ako nung napansin ako ni Zekken kaya napaiwas ako ng tingin.

Nays teamwork. Sabi nito sakin habang nakalahad ang kamay.

Pasensya kana kanina ahh nadala lang ako hehe. Pagsingit ni Tails.

Okay lang. Salamat. Maikling sagot ko saka inabot ang kamay ni Zekken.

Oyy ayun na yung box ohh. Tara tignan na naten.

Napatingin kami sa tinuturo ni Xael banda sa trono. May isang box ang nagliliwanag doon. Sabay-sabay naman namin iyong pinuntahan. Nilapitan ni Zekken ang Box at nagkaroon ng panibagong register sa VS niya. Hindi ko ito makita dahil nahaharangan ako ng dalawa noyang kaibigan. Kaya sa huli hindi ko na pinilit pa na tumingin.

Pinagmasdan ko na lang ang paligid habang abala sila sa pag-uusisa ng laman ng box.

Frejya.

Napatingin ako sa pagtawag ni Zekken at may itinaas itong isang bagay mula sa kanang kamay niya. Halong pagkabigla at tuwa matapos kong makita ang hawak niya. Hinagis niya ito sakin na agad kong sinalo.

Hindi ako makapaniwala na dito namin makikita ito. Sinuri ko ito at inikot ngunit walang duda na ito talaga iyon.

Isa nga itong......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Guide Book!.

[ To be Continued...... ]

########################################################

Hello sainyo!!! HAHAHAHAHA sa tinagal tagal ng story na ito ngayon na lang ulit nakapag UD. Hindi ko alam pero natuwa kasi ako nung may mga nakita akong mag message at comment dito. Iyon siguro ang kailangan ko para ganahang makapag sulat hahahahaha.

Kaya ito na yung pa thank you ko sainyo. Sana nagustuhan niyo yung laban na naganap. Btw palaging mag-iingat lalo pa't quarantine ngayon guys. Sana gabayan tayong lahat at maging ligtas sa napapanahong sakuna na ito. Yun lang at maraming salamat ulit!

Ciao!

[ TripletsX ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top