Chapter 19 : Red Phantom

[ Shu's POV ]

<• Floor 16 : Aisland •>
Central City of Aisland
'Date and Time : December 15, 2019 [ 10:25 AM ]'

[ Grandzam Assembly Hall ]

Kasalukuyan akong nasa meeting ngayon ng front lines kasama sila Alex at Rence. Napag desisyunan ko na din kasi na sumama dahil alam ko na mas magiging mahirap na lalo ang mga susunod na floor.

Ang pinag uusapan namin ay hindi tungkol sa pag clear ng Floor 17. Kundi ang isang napakalaking grupo ng PK Clan na umuusbong ngayon. Pinapangunahan ang usapin na ito ng isang nangungunang clan sa front lines. Ang Royal Dragon Battalion na pansamantalang pinamumunuan ngayon ng kanilang Asst. Master na si Frejya. Alam ko naman na kilala niyo na siya nung una. Hindi ko lang akalain na sisikat at mapapabilang siya sa pinaka malakas na Clan ngayon.

Makinig kayong lahat. Pagtawag niya ng atensyon. Alam kong mahirap itong pinapagawa ko pero dahil hirap tayong hulihin sila mas maigi kung lulusubin na lang natin ang lugar na pinagtataguan nila. Seryosong dugtong ni Frejya.

Seryoso ba siya?!.....

Teka lang parang pagpapakamatay na iyang gusto mong mangyari eh. Giit ko.

Bakit? Tingin mo hindi pa ba pagpapakamatay ang makulong sa mundong ito?. Turan niya sakin na may seryosong tingin.

Okay may punto ka. Talaga namang 50/50 pa din tayo dito. Pero parang pinapadali mo lang kahahantungan natin eh. Isipin mo naman yung pwedeng mangyari kapag pinilit mo iyang plano mo. Paliwanag ko.

Kung isipin mo din kaya yung mga biniktima ng mga iyon. Anong gusto mo? patagalin pa natin ito hanggang sa maubos tayo?.

Tsk. Bahala ka sa plano mo. Napakrus na lang ako ng braso at iwas ng tingin.

Bakit ikaw may plano ka ba?. Inis niyang tanong. Minsan ka na nga lang pumunta ng meeting wala ka pang dalang plano tsss.

Mas maigi na iyon kesa naman sa plano na pagpapakamatay. Sagot ko.

Halos lahat ay nananahimik lang sa argumento naming dalawa. Walang makasingit na ibang player para makapag bigay ng opinyon. Maging sila Rence tahimik lang sa isang taabi maliban na lang sa isang lalaking player na may asul na buhok at hawak na shield.

Uhm ano? mawalang galang na po sainyo Sir at Ms.Phantom. Paano natin malalaman kung saan ang kampo ng mga PK Clan?. Tanong nito.

Itanong mo sa babaeng iyan. Turo ko sa nasa harap ko.

Iyan ang aasikasuhin ngayon ng RDB. Mag aannounce ako kapag may impormasyon na kaming nakuha. Tugon niya sa nagtanong na player.

Matapos nun ay pinag usapan naman ang tungkol sa boss raid na mangyayari at ang paghahanap sa Guide Book ng Floor 17. Hanggang doon lang natapos ang usapan at nag set sila ulit ng panibagong meeting na gaganapin sa mga susunod na araw.

Nang matapos na ay agad akong lumabas sa Hall habang nasa likuran ko ang dalawa.

Grabe yung pagtatalo niyo kanina ahh. Sabi ni Rence.

Ano ba ginawa mo dun bat ang init ng ulo sayo?. Tanong ni Alex.

Aba malay ko. Sagot ko na lang. Tara na nga.

Magsisimula na dapat kaming maglakad ng may marinig akong boses sa aking likuran.

Pwede ba kitang makausap bata?. Nilingon ko ito at isang lalaking player. Nang mapagtanto ko kung sino siya ay ngumiti ako.

Ikaw pala iyan [ Warden ]. Nagfistbump naman kami bago ko nilingon sila Rence. Susunod na lang ako sainyo team mag uusap lang kami. Tumango naman ang dalawa saka umalis.

Mukhang hindi kayo magkasundo ni Frejya kanina ah. Panimula niya saka naglakad kaya sumunod na din ako.

Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sainyo. Si Warden yung Vanguard na tumulong saamin ni Frejya nung kinakalaban pa namin ang First Floor Boss na si Zerafus.

Mukha nga hindi ko alam bat ganon siya makitungo saakin. Hindi naman siya ganun yung sinama namin siya sa party. Sagot ko.

Baka naman may sinabi ka na pwede niyang kinainis sayo. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Meron nga ba??.......Teka hindi kaya.....

Base sa itsura mo mukhang meron. Puna bigla ni Warden.

Ewan ko lang ahh baka dinamdam niya siguro yung pagtanggi ko sa pagsali niya saamin. Wala nakong naiisip na ibang rason kundi yun lang.

Ayun lang?. Tanong pa niya.

Ehh wala na ayun lang. Kibit balikat kong sabi at napailing lang siya.

Mahirap talaga intindihin ang mga babae bata. Sabi nito sabay tawa.

Agree ako dyan. Talagang mahirap. Sagot ko.

Pero iba din ahh hindi ko din akalain na sisikat siya ng husto at mapapabilang sa RDB. Saad ni Warden. Kaso sabagay bukod sa magaling na maganda pa. Ikaw bata wala ka bang interes sa kaniya?.

Huh? Ako?.......

Pasensya na pero bukod sa wala akong interes sa kaniya, may nagmamay-ari na nito. Turo ko sa kanang dibdib ko.

Kahit crush manlang?. Pangungulit pa ni Warden.

Wala talaga. Iling ko sagot.

Pero maiba ulit ako bata. Sasama ka pa din ba sa plano niya?.

May choice bako? baka magdaldal nanaman iyon kapag di ako pumunta. Natawa lang siya sa sinabi ko.

O sige mauna nako bata. Kung may kailangan ka dumaan ka lang sa Shop ko. Saad niya saka naglabas ng Trans-Disk.

Makakaasa ka Warden. Hindi ko napansin na nasa teleporter na pala kami.

Tumungo siya doon at saka sumenyas saakin ng pagpapaalam. Itinaas ko lang ang kanang kamay ko.

Teleport : Zinoan!!. At agad din itong nawala sa harap ko.

Nagsimula na din akong maglakad dahil wala na din akong ibang gagawin. Bigla namang humangin ng malakas kaya naramdaman ko ang lamig ng hangin. Dahil doon may nasagi naman sa isip ko.

Iyon ang magandang gawin ngayon lalo na sa lugar na yun...


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

<• Floor 16 : Aisland •>
West Gate : Roanoke Field

'Date and Time : December 15, 2019 [ 3:26 PM ]'

*wind*

*shhshsshshsh*

*yawn*

Ang sarap talaga magpahinga sa lugar na ito.

Kasalukuyan akong nandito sa Roanoke Field sa West Gate. Ang lugar na ito ay isa sa pinaka paborito ko dahil napaka peaceful ng paligid. Kahit may mga mobs na nandito ay hindi naman sila aggressive. Ang Roanoke ay parang isang malawak na farm kung saan nakakalat doon ang mga mobs na tinatawag na Collosal Cow at Dead Yokel. Bukod doon may mga puno din sa paligid kung saan may pahingahang nakahanda para sa mga player na nagpapa level sa lugar na ito.

At nandito ako sa isa sa mga puno at nakahiga sa lilim. Bigla namang humangin ng malakas kaya mas nakaramdam lalo ako ng antok. Kahit alam kong wala na ito sa safe zone ay panatag ako dahil makailang beses nakong nagpapahinga dito.

Mas dinamdam ko lalo ang simoy ng hangin at ang mga kaluskos ng mga dahon sa paligid. Ilang saglit pa ay ramdam ko na makakatulog nako.

Nakuha mo pang matulog sa kabila ng mga nangyari kanina huh.

Napadilat ako sa boses na aking narinig. Isang player ang nakatayo sa aking harapan habang nakapamewang at may masamang tingin. Hindi ko alam pero nawala agad ang antok ko ng makita ko siya.

Ano namang ginagawa mo dito?. Tanong ko. Bumangon ako tumungo sa puno saka umupo at sumandal.

Nag krus ako ng braso at tinignan ko lang siya na pinapahiwatig na inaantay ko ang isasagot niya.

Wala kang pakialam kung nandito ako. Sagot niya at nag krus din ng braso. Ang tanong diyan bat ka nagtutulog-tulog? kung tulungan mo kaya ang ibang player na hanapin ang guide book ng mapabilis ang trabaho.

Naglakad ito at pumunta sa isang bato na medyo malapit saakin at nasa lilim din ito ng puno. Umupo ito at nagdekwatro habang nakatingin saakin.

Tss. Wala ba akong karapatang magpahinga? Ganda ganda ng panahon sinisira mo. Inayos ko ulit ang sarili ko at humiga habang ang dalawang kamay ko ay nasa ilalim ng ulo ko.

Ayaw mo bang makabalik agad sa totoong mundo?. Malumanay na tanong niya.

Nagtaka ako ng nawala ang pagiging masungit nito. Pero isinantabi ko muna iyon at pumikit na lang.

Tinatanong pa ba iyan. Natural na oo ang sagot. Turan ko. Pero nandito tayo ngayon sa Z-World at ito ang mundong ginagalawan natin. Bakit hindi mo subukang mag enjoy at tanggalin iyang stress sa utak mo.

Biglang siyang tumahimik kaya hinayaan ko na lang ito. Muli ay naramdaman ko na ulit ang antok ko. Kaya huminga ako ng malalim at hindi ko napansin na nakatulog nako.

ZzzZzzzZzz..........

~ End of POV

[ Frejya's POV ]

Aba tinulugan ako. Puna ko.

*swoosshhhh*

Nabigla ako ng humangin ng malakas kaya medyo nilamig ako. Napatingin ako sa paligid at di nga mapagkakaila na maganda talaga ang lugar na ito. May mga dumaan naman na grupo ng player malapit saamin.

Kita mo nga naman nakuha pa nilang magpahinga samantalang tayo nagpapakahirap. Sabi nung naka shield.

Ehh si Red Phantom yan pre may magagawa ba tayo?. Saad pa nung isa.

Nakalayo na din naman agad sila. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nilang Red Phantom.

Hindi ko alam bat nila akong binansagan ng ganun. Tingin ko dahil sa kilos ko na parang phantom at yung red baka binase lang sa buhok ko. Nakakairita lang. Parang mamamatay tao lang kung pakikinggan. Ang nakakainis pa ay mas lalong kumalat iyon nung mapabilang ako sa Royal Dragon Battalion. Kung itatanong niyo kung paano, sinunod ko ang sinabi sakin ni Zekken. Nang mag offer sila saakin ay agad kong tinanggap.

Pero nakakadismaya dahil hindi nila ako tinanggap sa grupo niya. Alam kong personal masyado ang rason niya kaya ganun. Pero sa kabila ng lahat ng iyon nacucurious ako.

Ms.Frejya

Ms.Frejya

Ms.Frejya!!. Nabalik ako sa reyalidad ng may tumawag ng pangalan ko.

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. At tumambad sa kanan ko ang isang lalaking player na may brown na buhok at nakasuot ng Clan Costume kagaya ng sa akin. Nasira nanaman ang araw ko.

Anong ginagawa mo dito?. Tanong ko.

Pasensya na po Ms.Frejya pero sinusunod ko lang ang inuutos saakin ni Master. Kaya babantayan ko kayo para sa inyong seguridad. Anak ng pating naman.

Ilang beses ko ba sasabihin sayo [ Zohan ] na hindi ko kailangan ng tagabantay!. Sigaw ko.

Pasensya na ngunit hindi ko maaaring sawayin ang utos ni Master lalo pa't kasama ninyo ang player na yan. Tukoy niya sa lalaking malapit saakin na mahimbing na natutulog.

Itsura pa lang makikita mo ng hindi siya mapagkakatiwalaan. Sigurado ka ba talaga sa taong yan?. Tanong pa niya.

Napatingin ako sa direksyon ni Zekken at nakapikit pa din ito.

Oo. Maikling sagot ko. Pansin ko na nagbago bigla ang paraan ng pagsasalita niya.

Bakit? kakayanin ka bang protektahan niyan?. Mukhang pipitsugin baka hindi makatagal sakin yan. Tawang saad ni Zohan. Napatingin na lang ako sa kaniya ng masama.

Huwag mo kong tignan ng ganyan hindi porket ikaw ang piniling Assistant ni Master ay magpapa alila ako sayo. Tara na!. Dahil kailangan ka pa sa HQ. Ani nito.

Ayoko kung gusto mo pumunta doon mag isa ka!. Sagot ko.

Huwag kang magmatigas dyan kaya sumama kana!. Inis na sabi nito at bigla akong hinawakan sa aking braso.

A-aray!!!. Bitawan mo ko nasasaktan ako anu ba?!. Hindi ko naman maialis ang pagkakahawak niya at hinigpitan pa niya ito lalo.

Huwag mong pilitin kung ayaw sumama sayo.

Nabigla ako sa nagsalita at napatingin sa pinanggalingan. Doon nakita ko si Zekken na gising na pero nakahiga pa din. Naramdaman ko na nawala yung higpit ng pagkakahawak sakin kaya kumawala ako at tumakbo malapit kay Zekken.

Tch. Angas mo din ahh. Sino ka ba ha?!. Matapang na sabi ni Zohan.

Pakialam mo kung sino ako. Tumayo ito at nag unat-unat na parang wala lang. Sarap ng tulog ko nang iistorbo ka.

Kung iyan ang gusto mo. Ngumisi si Zohan saka nagpatuloy. Tsk. sige papatutulugin na kita habang buhay.

Wala akong oras sayo. Nabigla ako nung tumalikod lang si Zekken at naglakad papalayo.

Nanggalaiti naman sa galit si Zohan sa hindi pagpansin sa kaniya. Kaya mabilis nitong nilabas ang sniper niya na VSK-90. Agad niyang ikinasa ito at itunutok kay Zekken.

Pwes dito magtatapos na ang oras mo!. Inis na sabi ni Zohan sabay kalabit ng gatilyo.

*Baannggggg*

Nabigla ako ng umikot paharap si Zekken na nakalabas na agad ang espada nito habang nakapormang hihiwa paibaba sa hangin.

*Swooshh*

*Tssiinggg*

Natulala ako sa nangyari maging si Zohan ay nagtataka kung paano niya iyon ginawa. Dineflect niya yung balak ng napaka bilis.

Tumayo ng maayos si Zekken habang nakatingin ito kay Zohan.

Huwag mong ubusin ang pasensya ko. Seryosong sabi ni Zekken saka ibinalik ang espada nito at umalis.

Habang naglalakad na ito palayo ay nanggagalaiti pa din sa galit si Zohan.

Grrr!!!. Huwag ka lang magpapakita saakin. Rinig kong sabi niya.

Pero ako pinagmasdan ko lang siyang makalayo hanggang sa nakadaan na ito sa portal. Hindi ko alam pero nag iba na lang bigla ang pakiramdam ko.

Zekken......

Nabigla ako at hindi ko namalayang mabigkas ang pangalan niya. Umiling na lang ako para mawala na lang ulit iyon sa isipan ko.

Hambog talaga ng lalaking yon. Hmp. Naglabas ako ng Trans-Disk mula sa aking inventory.

Makaalis na nga!.

Oyy teka lan-. Pipigilan pa sana ako ni Zohan pero agad akong bumigkas
.
.
.
.
.
.
.
Teleport: Mizoran!.

[ To be Continued.... ]

#####################################

So what's up mga ka CFO! Namiss nyo ba ko? Syempre hindi hahahahaha. Matagal na din na hindi nakapag sulat mula ng mafocus ako sa pag aaral. Pasensya na kung di ako nakakapag UD dahil hinahanda ko na sarili ko para sa college.

Kung sakali man dumating nako sa puntong iyon hindi ko alam kung makakabalik pako sa pagsusulat. Pero susubukan ko pa din kung kakayanin dahil nanghihinayang din ako na hindi matapos ito.

Pero yun salamat kung inaantay mo pa din ito kung hindi naman salamat pa din kasi binasa mo pa rin ang story na to. Sa mga nag FV at follow saken maraming maraming salamat sainyo!.

Hindi ko alam kung kelan ang magiging next UD pero try ko pa din magagawa ko. Yun lang guys and thanks again. God Bless to all!

[ TripletsX ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top