Chapter 17 : Resurrection Gear
[ Chirika's POV ]
<• Floor 11 : City of Piltover •>
Central City of Piltover
'Date and Time : November 30, 2019 [ 8:58 PM ]'
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Kuya Zekken sa Central City. Magmula daw ngayon ay Kuya na daw ang itatawag ko sa kaniya. Dahil sabagay mas matanda nga siya sa akin. Magsi 16 pa lang kasi ako ngayong December at siya naman ay 18 na.
Muntik ko ng makalimutan iAccept mo itong Party Request ko. Sabi niya at may lumitaw naman sa harapan ko.
[ Party Invitation Request ]
[ Accept ✔️ ] [ Decline ❌ ]
From: Zekken
Pinindut ko naman ang Accept at may lumitaw na panibagong character status bar sa ibaba ng akin. Halos malaglag ang panga ko sa nakita kong stats niya.
Lvl. 25
IGN : Chirika
HP : 150 / 150
AC : 0
Lvl. 58 [❇️]
IGN : Zekken
HP : 210 / 210
AC : 500
Ang taas na pala ng level mo Kuya. Manghang sabi ko.
Ngumiti lang siya bilang tugon atsaka nagpatuloy ulit sa paglalakad kaya sumabay agad ako. Narating naman namin ang East Part ng sentro ng piltover. Balak kasi muna umupa ng apartment ni Kuya para doon pag usapan ang plano namin. Sinuggest ko sa kaniya yung tinutuluyan ko pero nagprisinta na lang siya na ibang kwarto ang kaniya.
Chirika!. Nabigla ako sa tumawag saakin.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. At doon nakita ko si Yamato kasama nila Selena. Lumapit naman sila saamin ni Kuya.
Mabuti naman at ayos ka lang Chirika. Pag aalalang sabi ni Yamato.
Oo nga nag alala kami sayo baka kasi di ka nakaalis Death Forest. Sabi pa ng isang kasamahan ko na si Reeco.
Napakaswerte mo naman at nakaalis ka doon. Ngising saad ni Selena pero agad itong napalitan ng may napansin ito sakin. Ohh nasaan na ang alaga mo? Namatay ba siya?. May halong pang-aasar niyang sabi.
Totoo ba yun Chirika?. Tanong pa ni Yamato.
Napakuyom na lang ako habang nakatingin sa lupa.
Oo. Sagot ko. Pero ibabalik ko siya itaga mo yan sa bato!!. Tinignan ko ng masama si Selena. At isa pa hindi isang alaga si Ziro!!.
Nakakatakot ka naman. Panggap na turan ni Selena at humawak pa sa dibdib nito. Nagbago naman agad siya ng postura
Bueno ibabalik mo siya?. Takang sabi niya. Sa level mong iyan pupunta ka ng Mechanical City?. Tsk dito nga hindi ka makatagal. Trainee.
Wala akong naisagot sa mga sinabi niya. Tama siya dahil mababa pa lang ang level ko. Baka hindi ko kayanin kapag nagtungo ako sa Floor na iyon.
Hindi naman siya pupunta doon ng mag isa. Nabigla ako sa nagsalita. Kasama niya ko. Diba?. Ngumiti sakin si Kuya Zekken saka ulit tumingin sa kanila.
Sino ka naman? Isa ka din ata sa mga fans ng utak trainee na iyan. Nakapamewang na saad ni Selena.
Hindi na mahalaga kung sino ako. Atsaka kung pwede lang itigil mo na yung kakasabi ng utak trainee. Nag rereflect kasi sa pinapakita mo. Seryosong sabi ni Kuya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa. Tara na?. Aya niya sakin at tumango lang ako.
Nilagpasan na namin sila at pansin ko na sobrang sama ng itsura ni Selena dahil sa sinabi ni Kuya. Hindi ko alam pero ang sarap pala sa pakiramdam na may nagtatanggol sayo. Nakalayo naman din kami sa kanila.
Idol! Idol!
Idol Chirika!
Nabigla ako nung may lumapit na dalawang lalaking player samin. Ang isa ay mukhang rakistang ewan at yung isa kalbo. Di ko maatim yung itsura nila.
Pwede kaba sumali sa Party namin?. Tanong nung kalbo.
A-ano kasi. Hindi ako makasagot ng maayos. Masyadong nakakahiya kasi nandito si Kuya Zekken.
Sige na ohhh. Sali kana. Pilit ng isa.
A-ano kasi. Nakaisip naman ako ng paraan. Agad kong hinawakan ang kaliwang braso ni Kuya saka nag pekeng ngiti sa dalawa. Pasensya na siya na kasi yung kasama ko hehehe. Tara na Kuya. Sabi ko sabay hila agad sa kaniya.
Nakita ko sa mukha ni Kuya na nagtataka siya at naguguluhan. Kaya nung nakalayo na kami sa mga yun ay bumitaw nako at napayuko.
Pasensya na kuya dinawit pa kita. Paghingi ko ng tawad.
Wala iyon. Natatawang sagot niya. Hindi ko alam na ganyan ka pala kasikat halos patayin nako sa tingin dito eh.
Kuya naman ehh!!.
Biro lang. Bawi niyang sabi sabay tawa kaya napatawa na din ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
• Piltover's Apartment •
Nandito na kami ngayon sa kwarto ko kasama si Kuya Zekken. Ngayon daw kasi namin pag uusapan ang gagawin namin. Halos alas onse na ng gabi pero sabi ni kuya mas maigi daw iyon para wala daw ibang player na makarinig.
Tumungo sa lamesa si Kuya at may nilapag na kung anong bagay doon.
Halika dito Chirika. Tawag sakin ni Kuya kaya lumapit agad ako.
Umupo ako malapit sa kaniya at sunod nun ay may pinindut siya sa nakalapag na bagay. Nagliwanag ito at ilang saglit pa ay nagkaroon ng holographic map sa ibabaw ng lamesa. Halos namangha dahil sobrang ganda ng itsura nito.
Ito ang buong mapa ng Mechanical City. Sabi niya. Tumuro naman ito sa isang SE part ng map at may parang daan doon. Dito naman tayo pupunta dahil ito ang maikling daan para makapunta sa tinatawag na [ Mechanical Garden ]. Doon natin kukunin ang item na tinatawag na [ Resurrection Gear ] para mabuhay mo ulit si Ziro. Pero syem--. Nabigla ako ng tumigil sa pagsasalita si Kuya Zekken.
Kuya Ze--.
Sshhh. Pagpapatahimik niya saka biglang tumakbo sa pintuan at binuksan ito. Sino yan?!.
Ngunit walang tao sa likod ng pinto ngunit nakarinig ako ng mga yabag.
Bakit hindi ko naramdaman iyon?....
Muling isinara ni Kuya ang pinto at bumalik sa kinauupuan nito.
Paano mo nalaman na may tao doon kuya?. Tanong ko.
Simple lang iyon kapag mataas na ang INT mo mas lumalakas ang pakiramdam mo. Sagot niya.
Saglit na katahimikan ang namutawi sa buong kwarto. Pero agad din naman itong binasag ni kuya.
Alam mo ba ang tungkol sa mga PK Clan?. Seryosong tanong ni Kuya.
Napalunok saka tumango. Oo nababalitaan ko ang tungkol sa kanila. Ang pangalan pa nga daw ng clan na iyon ay POISONOUS.
Tingin ko isa iyon sa kanila. Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Kuya. Pero huwag kang mag alala nasa safe area tayo. Atsaka nandito naman ako. Nawala naman ang pagiging seryoso niya at ngumiti saakin.
Salamat kuya. Tugon ko sa ngumiti din.
Tumayo naman siya at kinuha ang holographic map. Sinara niya ito at lumapit saakin saka ginulo ang buhok ko.
Matulog kana dahil maaga pa tayo bukas. Ngiting sabi niya saka lumabas ng kwarto ko.
Agad akong nag ayos at tumungo na sa aking kama.
Magkikita tayo ulit Ziro....Pangako yan....
Pinikit ko na ang mata ko at agad din akong nakatulog. At kinabukasan ay agad din kaming nagtungo sa mechanical city.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
<• Floor 14 : Mechanical City •>
Center Town of Mechanical City
'Date and Time : December 1, 2019 [ 10:30 AM ]'
Kakateleport lang namin ngayon sa Mechanical City at kasalukuyang nasa teleporter pa din.
Nan*yawn*dito na din tayo sa wakas. Inaantok na sabi kuya.
Napakrus na lang ako ng braso. Paano ba naman siya itong nagsabi sabi ng maaga daw bukas pero tinanghali ng gising. Halos kalampugin ko na nga yung pinto ng kwarto niya eh.
Iginawi ko na lang ang paningin ko sa paligid at halos mamangha ako sa nakikita ko.
Ang ganda naman dito. Yun agad ang lumabas sa bibig ko.
Ang buong lugar ay puno ng mekanismo. Maging ang mga gusali, park, mga NPC ay robot din. Parang pinaghalo makaluma at makabagong teknolohiya ang itsura ng buong paligid.
Tara na sa South Gate Chirika. Aya ni kuya. Tumango lang ako bilang sagot.
Nagsimula na din kaming maglakad patungo sa South Gate ng Mechanical City. Habang naglalakad ay mas lalo akong namamangha sa mga nadadaanan namin. Ibang iba kasi ito sa Machina Hamlet.
Maiba ako ginamit mo na ba sa primary mo yung weapon enhancer?. Tanong ni Kuya Zekken habang naglalakad.
Oo nailagay ko na sa Uzi ko ganda nga ng itsura eh. Sagot ko.
Ang Weapon Enhancer ay isang item kung saan pinapalakas nito ang weapon mo. Nakukuha at nabibili daw ito sa current floor. Tulad ng weapon ni kuya nagkaroon din ng style na green sa aking baril. Bukod sa pinapalakas ay pinapatibay din nito ang weapon mo kaya hindi ito basta basta masisira.
Narating naman namin ang tapat ng south gate. Akala ko doon kami dadaan ngunit kumanan sa isang daan si kuya. Sinundan ko lang ito at nabigla ako ng huminto din siya agad.
Nandito na tayo. Sabi ni Kuya.
Tinignan ko ang nasa harapan namin at tumambad saakin ang isang portal sa gitna.
Dyan tayo papasok?. Tanong ko.
Oo hindi ba sabi ko sayo dadaan tayo sa short cut. Sagot niya.
Hindi na lang ako nagsalita pa at tumuloy na lang kami sa portal. Bago pumasok ay pumikit muna ako saka humakbang papasok sa loob.
----------------
Rio! Rio!
Oyy ang cute naman ng partner mo!.
Ilang mga boses ang aking naririnig ng maramdaman kong nakapasok na kami. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Woooow. Ang.....dami.....nila. Napatakbo na lang ako dahil sa mga nakikita ko.
Nasa isang garden kami kung saan maraming mga GearMaster ang nakatambay kasama ng mga robot nila. Iba't ibang klase ang nakikita ko dito mayroon Fox, Eagle, Lion na may pakpak at kung ano ano pa.
Tingin ko matutuwa dito si Ziro. Yun na lang ang tanging nasabi ko.
Natural lang dahil halos madami siyang kauri dito. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Kuya. Tara na. Aya niya at tumango lang ako bilang sagot.
Naglakad naman kami patungo sa isang daan. May isa pang portal kaming dadaanan.
Chirika. Nabigla ako sa pagtawag sakin ni Kuya Zekken.
Anu yun kuya?. Tanong ko.
Maging handa ka dahil sa oras na pumasok na tayo diyan wala na tayo sa Safe Zone. Seryosong sabi nito.
Okay. Tangong sagot ko.
Agad din naman kaming pumasok sa loob ng portal. Noong una akala ko ang Mechanical Garden ang magandang lugar sa lahat pero hindi pala. Dahil sobrang ganda lalo ng lugar na kinatatayuan ko ngayon. Natural ang mga puno ngunit may konti kaibahan tulad ng mga paru-paro at ibon na robot, sa ilog naman may mga robotic fish din.
Tumawid naman kami sa isang maliit na pa curve na tulay. Nang makalagpas ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
Didiretsuhin lang ba natin to kuya?. Pagsisimula ko.
Oo. Maikling tugon niya.
Nanahimik na lang din ako dahil wala akong maisip na pag uusapan namin.
*shshshshhsh*
Napahinto ako ng makarinig ako ng kaluskos ng mga damo. At bigla namang may kumapit sa paanan ko.
Ano ito?!. AHHHHH!!.
Napadapa ako ng hilahin nito ang paa ko. Inangat ako nito sa ere at doon lumitaw ang isang halaman na may mga ngipin at vines. Nasa 8 ft. ang taas ng halimaw na nakakapit saakin. Saka ko napagtanto na sa itong halamang zombie.
Tulong Kuya Zekken!!. Pikit kong sigaw dahil nakabaliktad nako.
Mahina lang iyan Chirika kumpara sa mga Hyper Jack. Kaya mo yan. Sagot niya.
Name : Chomper Z
HP : 780 / 780
Rank : S
Ability :
Vine Grip
Poison Shot
Pero kuya!!!.
Huwag ka lagi dumipende sa kasama mo dahil hindi sa lahat ng oras nandyan sila. Nagitla ako sa sinabi niya. Gusto mo ba talaga laging natatawag na Trainee?.
Tama siyaa...
Pinilit kong abutin ang kutsilyo sa aking likuran. Nang makuha ko ito ay inabot ko ang Vines na nakakapit sa aking paa at hiniwa ang mga ito.
Warrkkchh!.
Dahil nga nasa ibabaw ako ng Chomper Z ay pabulusok ako sa kaniya. Binuka nito ang bunganga niya at handa nakong kainin. Kaya mabilis kong nilabas ang Uzi ko at pinagbabaril ito.
Wrackk-Ehck!. Sumara naman ang bibig nito kaya itinutok ko sa unahan ang kutsilyo ko.
*Tsugs*
WARRRGGHh!!. Sigaw ng Chomper ng sumaksak ang kutsilyo ko.
Gumalaw galaw ito pero hinigpitan ko ang kapit ko sa aking kutsilyo at mas binaon ang pagkakatarak dito.
YAAHHHH!!. Buong lakas kong sigaw at biglang tumigil sa paggalaw ang Chomper at nagliwanag ito.
*Bouusshhh*
Pagbagsak sa lupa ay tumingin ako kay Kuya. Nakangiti lang ito habang pumapalakpak ang mga kamay.
Kaya mo naman pala eh. Saad nito. Magmadali na tayo dahil baka abutin tayo ng hapon.
Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at sabay kaming naglakad. Nagpatuloy lang ang ganoong pangyayari palaging may biglaang atake na nagaganap minsan yung iba kinakaya ko pero may iba na hindi. Medyo nabibigla pa din ako dahil one hit niya lang lagi yung mga monster na nakakaharap namin. Pero bukod doon nagkwento siya tungkol sa nangyayari sa Front Lines. Maraming proseso daw ang ginagawa sa pagki clear tulad ng meeting, boss raid at kung ano ano pa. Tinatamad daw kasi siya minsan kaya sa mismong araw ng pag clear lang siya pumupunta.
Paano yun Kuya? Edi wala kang alam sa boss kung sakaling lalaban kayo. Umiling iling ito sa sinabi ko.
Hindi dahil may dalawa naman akong kasamahan na pumupunta sa mga iyon. Sagot nito.
Ahhh may mga kaibigan ka pala pero bakit hindi mo sila kasama?. Tanong ko ulit.
Tulad ng sabi ko sayo kanina kasama sila lagi sa meeting at boss raid.
Sandali namang tumahimik ulit. Wala na kasi akong maisip na topic na pwede namin pag usapan.
Malapit na tayo. Turo ni Kuya sa daan. Kaya sa huling sasabihin ko makinig ka. Naging seryoso nanaman siya ulit. Huminto siya at humarap saakin.
Tignan mo ko. Ginawa ko naman iyon. Ngayon sabihin mo nakikita mo ba ang character bar ko sa labas ng avatar ko?. Tanong niya.
Tumingin ako sa bandang kanan niya at nandoon ang name at hp nito na may parehong kulay na green. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
Alam mo ba ang mangyayari kapag gumawa ka ng isang krimen dito sa Z-World?. Krimen?. Tungkol nanaman siguro ito sa PK Clan.
Umiling ako bilang sagot. Kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita.
Lahat ng character bar natin na nakalabas sa ating avatar ay green hindi ba?. Ibig sabihin lang non na wala ka pang ginagawang krimen. Magbabago ang kulay nito kapag nakagawa kana. Una ay magiging Kulay [ Orange ] ang bar mo kapag nakapatay o nakagawa ka ng krimen. Pero temporary lang ito at nawawala sa loob ng isang linggo. Ang sunod naman ay [ Red ] kung saan ilang beses na itong pumapatay ng kapwa player. Inaabot naman ng buwan o taon bago mawala ang marka na ito. At ang huli ay [ Black ] kung saan ito mismo ay permanente na at napaka delikado dahil sa pinaka maraming krimen na ginawa. Mahabang paliwanag ni Kuya. Nakaramdam naman ako ng takot sa mga narinig ko.
Nabigla ako ng hawakan niya ang magkabilaang balikat ko.
Hindi kita tinatakot Chirika gusto ko lang na maging ligtas ka kaya ko sinasabi ang mga iyon. Dahil tulad ng sabi ko sayo kanina hindi sa lahat ng oras nakadepende ka sa mga kasamahan mo. Nawala na din naman ang pagiging seryoso niya at ngumiti.
Ngumiti na lang din ako atsaka huminga ng malalim. Tama lang iyon kailangan may alam din ako sa mga bagay bagay para aware ako sa mga nangyayari.
Tara na. Pag aya ni Kuya at tumango lang ako.
Naglakad na ulit kami at ilang saglit lang ay may natatanaw ako sa dulo. Naexcite ako at nakaramdam ng tuwa sa nakikita ko.
Ayun na ba yon kuya?. Tanong ko.
Oo. Dali puntahan mo na. Sagot niya.
Agad akong tumakbo sa isang maliit na altar na nasa gitna. Nang makalapit ay may parang maliit supply crates na lumulutang sa ibabaw nito.
Ang ganda. Hindi ko pa rin maiwasan mamangha.
Kunin mo na dahil makukuryente ako kapag ako ang kumuha niyan. Singit ni Kuya na nasa likuran ko agad.
Agad kong hinawakan ang crates at nagliwanag naman ito. Bigla itong bumukas at isang nagliliwanag na gear ang umangat mula sa loob ng crates. Ito na ata yung sinasabi ni Kuya Zekken.
Inabot ko ito ng aking kamay at nang mahawakan ay nawala na din ang pagliliwanag ng altar at bumalik sa parang lalagyan ang crates.
Humarap ako kay kuya at iniharap siya kaniya ang hawak ko. Nakuha ko na!!. Napangiti lang siya sa sinabi ko. Pinindut ko ito at may lumaban naman sa ibabaw ng item. Ang nakalagay ay [ Resurrection Gear ].
Malapit na maghapon kaya bilisan na natin Chirika. Saad ni Kuya.
Opo kuya!. Tuwa kong sagot at nagsimula na kaming maglakad.
Maibabalik na kita Ziro......
[ To be Continued.... ]
########################################
Pasensya kung walang masyadong action hindi bale bawing bawi naman sa next chapt hehehe. So ayun sana naging oks sainyo nyo yung UD and salamat sa mga bagong reader na nag add sa RL at nag fa follow sakin. Thank you guys.
Hindi muna ako magpapahaba ng sasabihin kaya hanggang sa muli. Ba byeeee....
[ TripletsX ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top