Chapter 16 : Dragon Trainee
[ Thirdperson's POV ]
<• Floor 11 : City of Piltover •>
West Gate : Death Forest
'Date and Time : November 30, 2019 [ 07:28 PM ]'
Sa kalagitnaan ng Death Forest ay isang grupo ng mga player ang naroon. Tila nagsisigawan dahil may hindi sila napagkakasunduan.
Bakit ba pabor lagi sayo ha?!. Inis na sabi ng babaeng player na may brown na buhok na naka twin tail.
Bakit sino ba ang nag boboost sainyo diba kami din naman?. Turan ng babaeng may kulay lila ang buhok.
Ehh bakit sainyo lagi napupunta yung mga item? Hindi lang kayo ang nagpapakahirap dito!!. Sigaw ng naka twin tail.
Teka lang Chirika tingin ko okay lang naman kung sa kanila na yun dahil EXP lang ang habol natin. Pagpapakalma ng isa sa kasamahan ng naka twin tail na si Chirika.
See? Kita mo na Chirika kahit mga kasamahan mo pabor sakin. Ngising saad ng babaeng player.
Hindi okay yon Yamato!! Hindi porket ikaw ang party leader Selena ay ikaw lang masusunod!. Duro ni Chirika sa babaeng may kulay lilang buhok.
Alam mo kung ayaw mo sa patakaran ko mabuti pang umalis ka na lang. Saad ni Selena sa kaniya.
Grr! Fine! Aalis talaga ako!!. Gigil na sabi ni Chirika.
Tumalikod na ito at magsisimula na sana maglakad ngunit pinigilan agad ito ng babaeng player na si Selena.
Teka muna Chirika baka nakakalimutan mo saamin galing ang mga Trans-Disk mo. Ngising saad ni Selena.
Inis na nag swipe si Chirika sa kaniyang inventory at ibinaba ang mga Trans-Disk nito. Dahil na din sa inis ay pati ang mga Z-Coin na nakuha niya sa pagpapaboost nila ay nilapag niya na din.
Ayan isaksak mo sa baga mo!!. Hindi nakatinging sagot ni Chirika saka naglakad paalis.
Teka! Chirika!. Tawag ng mga kasamahan niya pero hindi niya na lang ito pinansin.
Samantala ang player na si Selena ay agad na kinuha ang mga item at Z-Coin na iniwan ni Chirika saka inilagay sa kaniyang inventory. Mas napangisi ito lalo habang nakatingin sa dinaanan ni Chirika.
Tignan lang natin kung makaalis ka sa kalagitnaan ng Death Forest na ito.............
...Dragon Trainee Chirika. Sambit ni Selena sabay talikod at nagsimulang maglakad.
~ End of POV
[ Chirika's POV ]
Hmp! Hindi ko sila kailangan kaya kong magpa level sa sarili kong paraan. Saad ko sa aking sarili.
Napabuntong hininga na lang ako sabay bigkas ng aking ability.
Manipulate ON!! Summon : ZIRO!!. Sigaw sabay taas ng aking kanang kamay.
Mula sa itaas ay may lumitaw na isang mech-cube na may pakpak. Nagliwanag ito at ilang sandali ay lumitaw ang aking alaga. Para itong dragon na sinlaki ng lizard, ang mga pakpak ay gawa sa purong metal na may dark blue at silver na kulay. May green siyang mga mata at ang bibig niya ay nakasara lang kaya kapag nagsasalita ito ay nagliliwanag lang ang bibig niya.
Ziro! Ziro! Ziro!
Lumapag ito sa ulo ko at ikinuskos ang ulo niya sa buhok ko. Isang Mecha-Draggy si Ziro na nakuha noon sa isang mission. Kaya Ziro ang pangalan niya dahil Ziro lang ang parating binibigkas niya. Kakaiba siya sa lahat dahil siya lang ang bukod tanging mecha-dragon na nag heheal. Karamihan kasi ay puro pang atake ang ability nila.
Kahit wala sila alam kong nandyan ka lagi para sakin Ziro. Sabi ko sabay himas sa ulo niya.
Ziro! Ziro!. Sagot niya kaya sinimulan ko na ulit maglakad.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Night Vision On!.
Kanina pa kami naglalakad ni Ziro ngunit parang pareho lang ang dinadaanan namin. Masyado na kasing madilim kaya nahihirapan nako makita kung saan kami dumaan kanina nila Yamato.
Tingin mo naliligaw tayo Ziro?. Tanong ko.
Ziro!
*Shwhshshh*
*Shwshwhshw*
Humanda ka Ziro!. Sabi ko sabay labas ng aking Uzi ko at Knife sa kaliwang kamay.
Umalis naman si Ziro sa uluhan ko at tila naghanda din. Patuloy pa din ang pagkaluskos ng mga halaman hanggang sa napansin ko na may tumalon mula sa kaliwa ko.
Agad kong iniharang ang knife ko at doon lang tumama ang atake niya. Isang wolf zombie ang nakakagat sa knife ko. Itinulak ko ito at habang nasa ere ay tinutok ko ang Uzi kk sabay kalabit ng gatilyo.
*Ratatattatatatat*
Warg---
*Boush*
Naglaho naman ang pinatay ko kasabay nun ay may mga nagliparan na uwak. Natulala ako ng may naalala ako bigla.
'Huwag kang gagamit ng baril kapag madilim na dahil mas aggressive lalo ang mga Hyper Jack'
Bat ko kinalimutan yung sinabi sakin ni Yamato. Inis kong sabi sa akong sarili.
Paano na ito?....
*Dug* *Dug* *Dug* *Dug*
Nabigla ako ng medyo yumayanig ang lupang inaapakan ko. Hindi lang iyon dahil palakas ito ng palakas na parang papalapit sa akin.
*Boggsh*
May isang puno naman ang bumagsak mula sa harapan ko. At tatlong Hyper Jack ang nasa bungad ko ngayon. Ang itsura ng mga ito ay malalaki ang katawan na mukhang taong java at may hawak na malaking pamalong kahoy. Nanlilisik ang mga pula nilang mata at tila naglalaway pa ang ilan. Kulay gray na din ang kanilang mga balat na parang kulang sa dugo. Medyo mahirap ito dahil sa pagkakaalam ko ay matagal mamatay ang mga zombie na ito.
Name: Hyper Jack
HP: 1000 / 1000
Rank: S
Ability:
Smash
Bash
Rage
WARGHHH!!
Sabay sabay naman sila sumugod saamin kaya agad akong bumaril sa direksyon nila.
*Ratatatatattataat*
Patuloy pa din sila sa pagsugod at di manlang iniinda ang mga bala ko. Nang makalapit ang isa saakin ay agad itong humampas paharap pero mabilis akong nakatalon paiwas habang si Ziro ay lumipad ng mataas. Matapos makaiwas ay may isa pa kaya gumulong ako sa ilalim nito sabay talon patungo sa likuran ng isang Hyper Jack. Itinarak ko sa batok niya ang knife kaya malaking HP ang nabawas sa HP Gauge nito. Napansin ko na may papalo sa likod ko kaya dali dali akong tumapak sa likuran ng sinaksak kong Hyper Jack at tumalon patalikod.
*Bogsshh*
ArGGHHH!!
Tinamaan sa ulo yung sinaksak ko kaya naghuhumiyaw ito sa sakit. Nang makalapat na ang mga paa ko ay nag reload ako at akmang kikilos pero natigilan agad ako ng may mapansin ako sa aking likuran.
*Swooosshh*
Nasa likod ko yung isa?!?......
Papalapit na ang pamalo niya saakin sa kaliwang side ko kaya iniharang ko agad ang sandata ko.
*Klang*
Nasalag ko naman iyon pero agad din itong inalis sa pagkakadikit ang pamalo niya saka ito inangat gamit ang dalawang kamay.
Waarrghh!!. Sigaw ng Hyper Jack.
Agad akong tumalon paatras kaya pagkapalo niya ay sa lupa lang ito tumama.
RAawWr!!.
*Swwoosshhh*
Nabigla ako ng meron nanaman sa likuran ko at hindi pa nakakalapat ang mga paa ko sa lupa. Mabilis akong hinataw ng isa pang Hyper Jack sa tagiliran ko kaya napatalsik ako sa isang puno.
*Bogsh*
AHHHH!! Sh*t!. Daing ko.
Pinilit kong tumayo at nabigla ako sa laking bawas sa natanggap ko.
Lvl. 25
IGN : Chirika
HP : 81 / 150
AC : 0
Basag na yung armor ko?!.......
Ziro! Ziro!. Lumipad papalapit sa akin si Ziro.
Inangat nito ang kaniyang ulo at may namuong bilog na berdeng liwanag sa ibabaw ng bibig niya. Ilang saglit lang ay ibinato niya ito saakin at binalot nito ang katawan ko. Nadagdagan naman ang HP ko dahil sa ginawa ni Ziro.
Lvl. 25
IGN : Chirika
HP : 138 / 150
AC : 0
Kailangan na naming makaalis dito....
Agad akong nag swipe patungo sa aking inventory habang hindi pa nakakalapit ang mga Hyper Jack. Gumamit ako ng Medical Gun para mapuno ulit ang buhay ko. Matapos nun ay sunod kong hinanap ang mga Trans-Disk ko ngunit wala akong makita kahit isa manlang.
Paano na ito. Kainis!. Naalala ko na binaba ko pala lahat yon kanina.
Nakalapit naman ang isa sakin kaya agad akong tumalon sa isang puno sa likuran ko. Sunod nito ay tumalon ulit ako mula sa ibabaw nila saka ko tinutukan ng UZI ko.
YAAAHHH!!!. Sigaw ko sabay baril.
*Ratatattatatatataat*
*Swwoosshhhh*
WARGgHH!.
Pagkabagsak ko sa lupa ay nabigla ako sa bilis ng isang Hyper Jack. Pasugod ito sakin at handa akong banggain. Hindi agad ako nakakilos dahil sa pagkabigla kaya iniharang ko na lang ang mga sandata ko.
*Booggssshhh*
AHHHH!!
*Dugsh* *Dugsh*
Ang sakit......
Napatilapon at napasalampak ako sa lupa matapos akong tamaan ng isang Hyper Jack. Pinilit kong tumayo ngunit nahihirapan akong galawin ang mga katawan ko. Tinignan ko ang stats ko at halos manlumo ako sa nakita ko.
Lvl. 25 [💫]
IGN : Chirika
HP : 60 / 150
AC : 0
Na stun ako?!?.......
*Dug* *Dug* *Dug*
Napatingala ako sa yabag na aking narinig. Mas lalo akong nanlumo dahil nasa harap ko na ang tatlong Hyper Jack.
Wargghhh Grrr.
Itinaas nung nasa gitna ang malaking pamalo nito kaya napapikit na lang ako.
Mama......Papa......Sorry po.......
Hindi ko napansin pero naramdaman ko na may luha ng tumulo sa mga mata ko.
Warghh!!.
*Swwoosshhh*
ZIROOOOO!!!.
Napadilat ako ng marinig ko ang tinig ni Ziro. Papalapit na sakin ang pamalo ng Hyper Jack ngunit hindi ako tinamaan dahil humarang si Ziro sa harapan ko.
ZIROOO!!. Sigaw ko nung tumalsik siya at napasalampak sa lupa matapos tamaan ng atake ng Hyper Jack.
Z-Zi-ro Z-. Putol putol niyang sabi. Mas lalo akong naiyak ng makita ko ang sitwasyon niya.
Pinilit kong kumilos at sakto dahil nawala din ang stun sa stats ko. Agad akong lumapit sa kinalulugaran ni Ziro. Binuhat ko ito at niyakap ng mahigpit.
Ziro wag please! *hik* Kaya mo yan *hik* m-malakas ka di-diba?. Pagpapalakas ko ng loob.
Z-i-ro. Nabigla ako ng magliwanag ang buong katawan niya.
WAG Ziro! Please wag!. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya kasabay ng pag agos ng mga luha ko.
*Boouusshhh*
Halos manghina ako ng naglaho na siya sa pagkakayakap ko. Matapos nito ay may naiwan na isang cube sa lapag na may pakpak at sa gitna nito ay may parang octagon.
Hindi ko alam kung ano iyon pero nung nakita ko iyon ay mas lalo akong naiyak. Kaya kinuha ko ito at niyakap.
ZIROOOOO!!
*Dug* *Dug* *Dug*
Naramdaman ko na may nakatayo na sa likuran ko. Pero hindi ko na nagawang kumilos pa dahil alam ko na din ang kahahantungan ko.
Patawad Ziro. Mahinang sabi ko saka pumikit habang patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko.
Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa naiwang bagay ni Ziro. Naramdaman ko na nakahanda nakong atakehin ng Hyper Jack kaya hinanda ko na ang sarili ko.
Patawad din sainyo Mama.....Papa......
*Swwoosshhh*
WARRGgh----.
ARGGHh!!!
RaAw-Rr---.
*Boush*
*Boush*
*Boush*
Nagtaka ako dahil ng hindi dumating ang atake ng Hyper Jack. At nakarinig ako ng paglalaho. Idinilat ko ang aking mga mata at tumambad sakin ang isang lalaking player na parang mukhang Assassin at may hawak ito na espada na may berdeng talim.
Pero hindi ko doon itinuon ang atensyon ko kundi sa naiwang bagay ni Ziro. Hindi ko ulit napigil ang sarili ko at naiyak nanaman ako.
Zirooo!. Patuloy lang ako sa pag iyak habang akap akap pa din ang bagay na mula kay Ziro.
Ahm Miss? Okay ka lang ba?. Napatigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang isang tinig ng lalaki.
Tumingala ako at nakatingin ito saakin. Una ay nagtataka ito ngunit napalitan agad ng mapansin niya ang hawak ko.
Isa ka palang GearMaster. Sabi nito.
Nagpunas ako ng luha atsaka tumayo. Nagpagpag ako ng damit saka siya hinarap. Doon ko napansin na matangkad pala siya saakin at parang mas matanda saakin ng konti.
A-ano salamat nga pala sainyo kuya. Sabi ko saka huminga ng malalim para pigilan ang pag iyak ko.
Wala iyon. Tugon niya. Ano nga palang ginagawa mo sa lugar na ito?. Agad niyang tanong.
A-ano k-kasi mahabang istorya kuya. Sabi ko.
Edi ikwento mo makikinig ako. Sagot niya habang tumitingin sa paligid. Masyadong delikado sa lugar na ito lalo na sa SPEC mo.
Saka nako mag kekwento kuya marami pakong aasikasuin. Paliwanag ko. Napansin ko na tumingin siya sa hawak ko.
Pasensya na hindi ko nailigtas ang alaga mo. Nag-init bigla ang ulo ko.
Hindi ko alaga si Ziro! Kaibigan ko siya!. Sigaw ko. Ayoko sa lahat ay tinatawag na isang alaga si Ziro.
Okay Okay sorry ulit. Easy ka lang. Taas kamay niyang sabi.
Huli ko na naisip at napagtanto na siya pala ang nagligtas saakin.
Sorry po pala kuya sorry kung nasigawan kita. Paghingi ko ng dispensa.
Ano bang nangyari sa kaniya?. Turo niya sa hawak ko.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at sinubukan kong mag pigil ulit.
N-namatay siya. Maikling tugon ko. Dahil sakin.
Napayuko ako ng maalala ko ang mga nangyari kanina. At nakaramdam ulit ako bigat sa aking dibdib.
Nang mamatay ba siya ay iyan yung naiwan niya?. Tanong niya ulit. Hindi ko alam bat madami siyang tinatanong.
Oo ito na lang ang magiging alala ni Ziro saakin. Sagot ko.
Chineck mo ba kung may pangalan ang item na iyan?. Nagtaka nanaman ako sa tanong niya.
Item?...
Hindi ko alam pero pinindut ko ang naiwang bagay ni Ziro. At nabigla ako ng may lumitaw sa ibabaw nito. Ang pangalan ng item ay [ Ziro's Gear Cube ].
Ano ito?. Tanong ko.
Parang iyan ang puso ni Ziro. Ano daw? Puso?.
Ibig sabihin nun pwede siyang mabuhay ulit?. Tanong ko.
Oo. Maikling tugon niya. Naglakad lakad ito sa paligid saka nagpatuloy sa pagsasalita. Karamihan sa mga robot ng GearMaster lalo na sa mga low level ay kapag namatay ito ay di na pwedeng iresurrect. Kaya kalimitan bumibili na lang sila ng bago. Pero hindi lahat ng robot ay ganon dahil may iba na pwede pang buhayin muli tulad ng sayo.
Tumingin siya sa akin at sa hawak ko.
Hindi ka naman nag iisa dahil maraming GearMaster din ang nabiyayaan ng ganyan. Halos lahat sa kanila ay nasa Mechanical City. Saad nito.
Ibig mong sabihin makakasama ko ulit si Ziro?. Tanong ko.
Oo naman. Natuwa ako sa narinig ko.
Pero bago iyon bakit hindi ka nag teleport nung nasa gitna ka ng laban edi sana ligtas ngayon si Ziro. Wala ka bang Trans-Disk?. Tanong niya.
Napayuko ako bago sumagot. Wala ehh naibaba ko kasi kanina sa mga kasamahan ko na iniwan ko kanina.
Kung ganon. Nabigla ako ng mag swipe ito at nag pindut sa kaniyang VS.
May lumitaw naman sa harapan ko na isang notif at pagkapindut ko ay ito ang lumabas.
[ Trade Request ]
[ ✔️ ] [❌]
From: Zekken
Pinindot ko ang check at lumitaw naman ang Trade Form sa harapan ko.
[ Trade Form ]
You:
< Item List >
1.
2.
3.
Balance Z- Coin : 0
[ Accept ] [ Cancel ]
___________________________________
IGN : Zekken
< Item List >
1. Trans-Disk ( 30 pcs. )
2. Weapon Enhancer ( Primary )
3.
Balance Z-Coin : 10,000
[ Accept ] [ Cancel ]
Accept mo na. Sinunod ko na lang siya at pinindut din ang Accept.
Matapos nun ay sinara niya na ang kaniya VS kaya ganun din ako.
May tanong lang ako kuya. Napatingin ito saakin at parang inaantay ang sasabihin ko.
Bakit mo ginagawa ang mga ito?. Tanong ko. Halatang nabigla siya sa tanong ko.
A-ano kasi. Hindi niya naman matuloy ang sasabihin niya.
Ano? dali sabihin mo na kasi. Sabi ko.
Kung sabibihin ko mapapangako mo ba na hindi ka tatawa?. Dami pa arte nito.
Oo na promise hindi ako tatawa dali sabihin mo na. Sagot ko.
Ano kasi. Bukod sa ayaw ko may nakikitang tao na nahihirapan. Napahawak ito sa mukha niya at umiwas ng tingin. Ang cute mo kasi tapos nung tinawag mo kong kuya parang naging kapatid agad turing ko sayo.
Huh? Ano daw? Pfftt....
Hahahahaha. Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya.
Nangako ka. Napatigil ako sa pagtawa ng sabihin niya iyon.
Sorry hindi ko napigilan. Sabi ko. Tanggap ko na cute ako pero yung kapatid dahil tinawag lang kitang kuya nakakatawa yun.
Ehh sa hindi pako nakakaranas magkaroon ng kapatid na babae na mas bata sakin. Bunso kasi ako samin. Paliwanag niya.
Kaya pala maging ako din kasi ay hindi pa nakakaranas. Solong anak lang kasi ako ng mga magulang ko.
Wala namang masama kahit dito lang....
Pwede mo naman akong ituring little sister eh tutal gusto ko din maranasan magkaroon ng kuya. Ngiting sagot ko sa kaniya.
Wala ng bawian yan ahh. Natawa ako sa tinuran niya.
Oo promise. Sagot ko.
Oo nga pala di pako nakapagpapakilala sayo. Ako nga pala si Zekken isang Executioner. Sabi niya.
Chirika naman ang pangalan ko kuya Zekken at isang GearMaster. Napangiti siya sa narinig at ginulo niya ang buhok ko.
So ngayon tutulungan kita na buhayin ulit si Ziro. Pag usapan natin iyan sa Central City. Saad niya. Tumango lang ako.
Naglabas siya ng dalawang Trans-Disk at ibinigay saakin ang isa. Pinindut namin ito at sabay bumigkas.
Teleport : City of Piltover!. Sabay naming sabi kasunod nito ay agad din kaming nateleport.
[ To be Continued....... ]
###########################################
Two in a row hahahhaha. Nagustuhan niyo ba ang UD guys?. Pasensya at ngayon lang nakabalik si author hehehe. Btw advance merry x-mas sainyo and happy new year. Maagang pamasko ko na sainyo ito hahaha.
So ayun nagpapasalamat ako kung patuloy mo pa din itong binabasa ay sinusubaybayan naway pagpalain ka. Sa mga silent or active readers thanks sainyo di bale susubukan kong isingit lagi ang pagsusulat para sainyo yiieeut hahaha.
Basta ayun thanks and god bless to all of you guys. Hanggang dito na lang at kitakits sa next chapter!! Ba byeee.....
[ TripletsX ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top