Chapter 14 : Nigh in Death
[ Shu's POV ]
<• Floor 6 : Zarth •>
West Gate : Mount Fragon
'Date and Time : November 11, 2019 [ 10:39 PM ]'
Sobrang dilim naman dito sa gubat kahit na naka night vision nako. Ani ni Cassandra.
Kasaluyan kaming naglalakad ngayon sa entrance papunta sa paanan ng Mount Fragon. Sabi kasi ni Teechi na doon daw makikita ang sikretong lagusan na usap-usapan sa Zarth.
Malapit na tayo. Saad ni Teechi na nasa unahan.
Teka lang guys. Napahinto kaming lahat sa sinabi ni Miracle.
Halos napatingin kami sa direksyon kung saan ito nakatingin. May dalawang kakaibang puno ang nakikita ko at sa gitna nito ay may malaking halaman. Pero ang nakakapagtaka ay yung pagkakaayos nito. Parang hindi natural na ganto ang itsura at tingin ko sinadya iyon.
Alam nyo ba ang nasa isip ko?. Tanong ni Miracle.
Huwag mong sabihin... . Teechi.
Ayan yung Secret Passage?. Dugtong ni Cass.
Hinawi naman nila Teechi ang halaman at isang lagusan ang tumambad sa aming harapan. Hindi kalakihan pero hindi din kaliitan yung tipong hindi kami mauuntog. Pero may halong kaba ang nararamdaman ko sa lugar na ito.
Hindi maganda ang kutob ko dito......
Teka papasok tayo diyan? Paano kung hindi yan yun?. Tanong ni Cass.
Tara na!. Pag aya ni Mira. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan.
Tama si Mira Cass kaya tara na. Sang-ayon ni Teechi.
~~~~~~~~~~
Ang hirap makaaninag kahit naka night vision mas okay pa sa labas eh. Ani ni Cass.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa pinasukan naming lagusan kanina. Tama ang sinabi ni Cassandra maging ako ay hirap din makakita.
May kung anong switch naman siguro dito noh para magkailaw yung paligid. Teechi.
Ewan pero malabong mahanap natin yun dahil s---------. Napatigil sa pagsasalita si Miracle dahil may parang nahawakan ito bigla sa pader at yumanig ang lupa.
Magsi handa kayo. Sabi ko at doon naglabasan naman kami ng mga sandata.
Agad din namang nawala ang pagyanig at nagkaroon ng mga ilaw sa mga pader.
Tingin ko wala namang masama kung ibabalik na natin ulit ang mga baril natin. Saad ni Mira.
Tama lang si Zekken guys mas maigi na nakahanda dahil maski ako di ko din sigurado kung anu meron sa lugar na ito. Teechi.
Tara na para makauwi na tayo. Nagtanguan lang sila sa tinuran ni Cass.
Nagsimula na kaming muli maglakad sa daang tinatahak namin. Kung nung una ay diretsong daan lang di kalaunan ay nagkaroon na din ng mga pasikot-sikot, may mga likuan kaming nadadaanan ngunit di namin ito tinahak bagkus diretso lang kami. Pero napahinto kami nang magawi kami sa isang pakanang daan na may kakaibang lamig.
Tingin ko ito ang tamang daan guys. Teechi.
Walang nagsalita at tinungo na lang namin ang daan na iyon. Ilang sandali pa lang nakakalipas ay napatigil kami dahil may pinto sa aming harapan.
Tama nga ko!! Tara guys baka nasa loob niyan yung treasure. Tuwang sabi ni Teechi.
Kumaripas ito papalapit sa pinto kaya sinundan na lang namin ito. Nang makarating ay mas malalang lamig ang nararamdaman ko.
May passcode yung pinto?!. Gulat na reaksyon ni Cassandra.
Nang tignan ko ito ay tama nga dahil bukod sa gawa sa bakal ang pintuan may passcode sa hawakan nito kung saan mga numero.
Ako na ang bahala madali lang sakin iyan. Buong loob na wika ni Teechi.
Lumapit ito sa malapit sa passcode at nagpipindut ng kung ano ano. Nabigla kami ng may lumabas na usok at may tumunog na ibig sabihin
ay nabuksan.
Ohh kita nyo easy lang diba?.
Paano nangyari yun na nabuksan agad ito ng panandalian lang.....Parang may mali talaga.....
Binuksan naman ni Teechi ang pinto at isang malamig na simoy ang sumalubong saamin. Ngunit hindi ito ang kumuha ng atensyon ko kundi dahil napatitig kami lahat sa gitna ng silid kung saan may treasure chest doon na gawa sa bakal.
Natuwa naman sila maliban sakin. Hindi ko alam pero ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.
Ako na ang kukuha para makauwi na tayo. Tumakbo naman si Teechi patungo sa Chest kasunod ng dalawang babae.
Hindi ko alam ang sasabihin ko pero napasigaw ako ng di oras.
SAGLIT! Wag nyong gagalawin yan! Napatigil naman sila sa pagsigaw ko.
Bakit Zekken?. Tanong ni Mira.
Oo nga pare anu bang problema?. Teechi.
Basta hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito please umalis na tayo. Sabi ko.
Hayy nako Zekken kita mo to?. Turo ni Cass sa treasure chest. Abot kamay na natin tapos aalis pa tayo?.
Napailing si Teechi saakin saka nagsalita.
Huwag ka masyadong kabahan kukunin lang naman natin ito at aalis na din naman agad ta---.
*Engk* *Engk*
*Trap Activated!*
Sinasabi ko na nga ba!.....
Pagkabukas ni Teechi ng chest ay nagkaroon ng malakas na ingay at nag re red ang paligid.
Lumabas na tayo bilis!.
Agad kaming tumakbo patungo sa pinto ngunit nabigla ako ng makita ko na magsasarado ito kaya mabilis kong kinuha ang shield ni Teechi. Medyo mabigat ito kaya hinawakan ko ito ng dalawang kamay saka umikot at hinagis ito patungo sa pinto. Dahil sa bigat ay gumasgas ito sa lupa habang papalapit sa pinto at sa kabuting palad ay umabot ito.
*Klang!*
Napigilan ko ang pagsara ng pinto dahil kumalso sa ibabang parte ng pinto ang shield ni Teechi. Nagkaroon ng maliit na labasan sa pinto na sapat para makatakas kami.
Isa isa naman kaming lumabas pero nagpahuli ako. Napatingin ako sa likuran at nakita ko na nagkaroon ng bukas na lagusan sa kisame. Mula doon ay mga nagbagsakan na mga iba't ibang uri ng zombie. Pati din sa mga dingding ay nagkaroon ng mga lagusan kung saan may mga malalaking aso o wolf zombie ang lumabas doon.
Zekken tara na!. Tawag sakin ni Teechi.
Agad akong lumabas at sabay naming hinatak ang shield nito. Nagsara naman ang pinto at sa kabutihang palad walang naiwan doon.
Habol hininga kami ni Teechi na nakayuko habang hawak ang magkabilaang tuhod.
Guys. Nanginginig na tawag ni Cass kasunod nito ay nakarinig ako ng kasa.
*Tsikuk*
Napatingin kami sa harap namin at halos manlaki ang mata ko ng tumambad saakin ang mga kalaban na nakaharang sa daan. Inilabas ko naman ang espada't baril ko maging ang ibang kasama ko.
Teechi ikaw mag front susugod ta-.
Teka lang babawasan ko muna iyan!. Nabigla ako ng sumingit sa harap namin si Cassandra.
Naglagay ito ng bala sa kaniyang launcher at tumungo ang daliri nito sa gatilyo. Agad akong napatingin sa paligid at hindi kalakihan ang space dito kaya bago niya pa ito ituloy ay pinigilan ko na ito.
Huwag Cass!. Hindi naman naituloy ni Cass ang balak nito. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari kapag nagpasabog ka sa ganitong kasikip na lugar baka madamay lang tayo!.
Tsk. Tanging tinuran niya.
Warrfghh---.
*Baaanngg*
*Tsikuk*
Isang putok ang umalingawngaw sa aking tenga kasunod ng pagkasa dahil doon napatingin ako sa pinanggalingan nito. Seryosong nakatingin si Freek sa mga kalaban saka nagpatuloy sa pagbaril.
*Baaannggg*
Okay! Teechi sabayan mo ko, ikaw naman Cass tulungan mo si Freek at ikaw Mira support mo kami ni Teechi. Command ko.
Focus ON!
Berserk ON!
< Berserk >
- a kind of ability that gives you a high STR and AC. You can change also your sub weapon into melee or range weapons that can be suited with your shield.
Agad akong sumugod patungo sa kalaban at unang sumalubong saakin ay isang naka katana na zombie. Inangat nito ang katana niya na sinabayan ko din naman.
YAAAHHh!!!
*Tssinngg*
*Crrsshhkkk*
Pagkadikit palang ng sandata ay mabilis ko itong itinulak saka gumawa ng pa X na slash sabay atras at bigkas ng salitang.
SWITCH!.
Mula sa aking likuran lumitaw si Teechi na may pulabg aura habang may hawak itong Mace. Binangga nito ang lahat ng kalaban na nasa harap kaya tumalsik ang mga ito. Sunod nito ay tumalon si Teechi ng mataas habang nakaangat ang Mace nito. Pabulusok ito sa mga nagkumpulang kalaban at malakas na humampas dahilan ng paglaho ng ilan.
Ilang saglit pa ay may kung anong mabilis na nilalang ang tumalon kay Teechi. Hindi niya ito napansin agad dahil paangat pa lang ang ulo nito. Ilang dipa na lang ang layo at tatamaan na siya ng atake ngunit hindi ito natuloy.
*Ratatattatatatat*
*Baaannnggg*
Pinaulanan nito ng bala nila Cassandra kaya namatay naman ito, doon ko napagtanto na isang wolf zombie na pala iyon.
*Dugsh* *Dugsh* *Dugsh*
Napabaling ako sa aming likuran ng kumakalampag ng malakas ang pinto na pinasukan namin kanina.
Wala ng ibang paraan!......
Teechi! Wala na tayong choice baka masira pa yung pintuan sa likuran natin. Mag front ka at banggain mo lahat ng haharang at kayo Mira sumunod kayo, Freek ikaw na bahala sa likod!. Sigaw ko sa kanila.
Okay pareng Zekken!. Sagot ni Teechi saka ipinuwesto sa harapan ang shield nito at nagpalit ng sub weapon.
Kung kanina ay Mace ngayon naman ay naging baril ito na parang Minimi pero kasin laki lang siya ng VZ.61 Skorpion ko. Itinutok niya naman ito sa harapan habang nakahanda ang shield nito.
TARA NA!!.
Sabay sabay kaming tumakbo pasulong habang pinagbabaril at binabangga ni Teechi lahat ng nasa harap niya. Naka focus sa mga kalaban na nasa gilid at ibabaw si Cassandra samantala ang mga tumitilapon naman mula sa pagbangga kay Teechi ay ako ang tumatapos.
*tsigs*
ARGhh!! Sh*t!. Nabigla ako ng tamaan ni Teechi ng ilang dagger sa balikat nito.
*tsugs*
AHHh!!!. Napatingin naman ako sa pagsigaw ni Cass at maging siya ay tinamaan din.
MIRA!!. Tawag ko sa kanila.
O-oo ito na! Heal ON!. Agad na bigkas ni Miracle.
Itinaas nito ang kaniyang kanang kamay at may lumitaw sa kamay nito na isang device. At sa isang pindot ay biglang nagliwanag ang mga katawan namin ng berde.
< Heal >
- a kind of ability that grants you to heal you or your team with 60% on their HP and remove all debuffs on the character status. Any kinds of healing will be required like flags, chemibottle, healsmoke etc.
[ Medic - has a two ability/skill slot. It can be unlocked if the player will reach the required level (30). They will use it to attack the enemy or defend themselves. ]
Napatingin ako sa mga pinanggalingan ng mga dagger at tama ang hinala ko na mga Nano Assassin ang mga ito. Maliit ngunit maliliksi at mabibilis ang mga ito. Pero ang problema sa kanila ay yung mga dagger na binabato nila ay may poison effect.
Salamat sa heal ni Mira dahil doon natanggal din nito ang poison effect ng mga dagger.
Nako lagot!.
Mula sa reaksyon ni Cass ay lahat kami ay napahinto. Dumadami na ang Nano Assassin na nasa kisame't pader. Ilang saglit lang ay bumato ang mga ito ng mga dagger.
Magsi lapit tayong lahat kay Teechi ngayon na!. Agad kong utos.
Nagkumpulan kami kay Teechi at iniharang nito ang kaniyang shield. Sa kabutihang palad ay nasalag naman ito lahat.
Kailangan na nating makaalis dito!.
Bubuhos ko na lahat pareng Zekken kaya sundan nyo ko. Sabi ni Teechi.
Diretso lang at walang titigil kahit anung mangyari. Ani naman ni Cass.
GO NA!!. Sigaw ni Teechi at hinarap ang shield nito habang ang kapapalit niyang weapon na Mace.
Tumakbo kami pasulong habang pinagbabaril ang mga kalaban. Ang ilan naman sa mga dagger ay dinideflect ko habang tumatakbo.
*Tsug*
*Tsug*
AhHh / Sh*t!. Rinig kong daing nila Cass. Tinamaan sila ng mga dagger.
Tuloy lang!!. Sulong!. Sigaw ko sabay deflect ng ilang dagger na patama saakin.
*Tssingg*
*Tssing*
Natatanaw ko na ang lagusan palabas pero may problema. Mas dumadami lalo ang mga nasa harapan namin. Hindi lang ordinaryong mga zombie/mobs man lang kundi mga Nano Assassin ulit. Ilang sandali lang ay nagpaulan din ang mga ito ng mga dagger.
AHH!! Bwiset kayo!!!. Tinamaan naman sa balikat si Teechi.
*Ratattatatatatatat*
*Bang*
*Tsing*
YAHHHH / Kaya natin to!!. Sabay sabay naming sigaw.
Konti na lang.....
Konti na lang.....
Konti na lang.....
*Tsugs*
*Tssinng*
*Tsugs*
AHHH!!. Tumama saking balikat ang isang dagger na hindi ko nasangga. Agad kong tinanggal iyon ngunit may effect pa din ang poison sa status ko.
Lvl. 26 [☣️]
IGN : Zekken
HP : 78 / 150
AC : 10
Ang lakas ng bawas sa HP ko.... basta bahala na........
Agad akong tumalon sa balikat ni Teechi at tumalon ulit patungo sa mga nasa kisame na Nano Assassin.
YAaHHH!!
*Ziinngg* *Ziinngg* *Ziinnggg*
Namatay agad ang mga ito bago ako bumagsak sa lupa. Nasa unahan nako ni Teechi kaya nagpatuloy ako pasulong habang hinihiwa ang mga nasa harapan ko.
*Tsugs*
Sh*t.....tinamaan nanaman ako....
Muli nanamang nabawasan ang Hp ko pero hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy pa din. Hanggang sa narating ko na ang bukana ng lagusan. May isang naka Axe ang nasa tapat nito pero imbis na huminto ay sinugod ko agad ito.
Waarrghhh!
Sumugod din ito sa akin at nang malapit na kami magkasalubong ay inangat na nito ang Axe at ipinukol agad sa direksyon ko. Kaya agad akong nagpadulas sa ilalim nito sa pagitan ng mga paa niya. Sa sahig lang tumama ang atake nito kaya sinamantala ko ang pagkakataon.
Mula sa likod ay agad kong tinarak ang sword ko saka umislash paitaas. Kasunod nito ay pa X slash at umikot pakanan para sa huling atake.
YAHHHH!!. Sigaw ko saka hinawakan ng dalawang kamay ang sword ko.
Tumama ito sa katawan niya at itinuloy ko ito hanggang mahiwa ito sa kalahati at tuluyang naglaho. Papalapit na din sila Teechi at ang iba pa.
Ilang sandali lang ay lahat kami ay nakalabas ng lagusan ngunit patuloy pa din sa pagsugod ang mga kalaban. Tumungo naman sa harapan namin si Cass at itinutok ang launcher niya dito at kasunod nito ang malakas na pagsabog.
*Tsuk*
*Booggsshhh*
Yumanig ang lupa dahil sa pagsabog at ang lagusan naman ay gumuho ang kisame kaya natabunan nito ang daan.
Para wala ng mabiktima pa. Maangas na sabi ni Cass saka hinipan ang launcher nito na may konting usok pa.
Napasalampak naman kami sa lupa dahil sa mga nangyari.
Heal On. Nanghihinang sabi ni Mira at agad na napuno ang mga HP namin.
Buti na lang at nakaligtas tayo haaayyy. Pagod na sabi ni Teechi.
Muntik na tayo dun kung hindi dahil kay Zekken baka kung ano na nangyari. Saad ni Cass habang nakasandal sa isang bato.
Ngumiti ako at umiling ng konti saka nagsalita.
Hindi dapat ako ang pasalamatan ninyo kundi siya. Sabi ko saka tumingin kay Miracle.
Nagtanguan naman silang lahat habang si Miracle ay napayuko sa hiya.
Ang ganda ng buwan ngayon. Napatingala ako ng sabihin iyon ni Teechi.
Napangiti ako ng mapagtanto ko ang grupo nila.
Nababagay talaga sa kanila ang pangalang iyon....
Napatingin ako sa kanila at nagkukulitan at nagtatawanan ang mga ito. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay nagawa padin nilang maging masaya. Talaga nga namang sa dilim ng kasadlakan mayroon pa din liwanag ng pag-asa at kasiyahan.
Moon Squad. Mahinang bulong ko sa aking sarili.
[ To be Continued..... ]
#################################################
Yow what's up mga ka CFO passnsya sa napaka tagal na UD hehehehe. Busy na masyado si Kuya Trip nyo kaya di na makapag sulat. Pakonti konti lang ang kaya ko sana maintindihan ninyo.
Sana nagustuhan nyo yung UD and salamat kung patuloy nyo pa din inaabangan ito at binabasa. Nawa'y pagpalain kayo at advance merry x-mas sainyo.
Hanggang dito na lang muna ulit at see you to the next na matagal na UD haha. Ba byeeee....
[ TripletsX ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top