Chapter 13 : Moon Squad

[ Shu's POV ]

<• Floor 6 : Zarth>
Central City of Zarth
'Date and Time : November 11, 2019 [ 10:16 AM ]'

• Cafe Shop •

Cheerssss!!!.

*Ting*

Nandito ako ngayon sa loob ng cafe shop kasama ang grupo na tinulungan ko kagabi. Bilang pasasalamat daw nila ito sa akin at maliit na celebration dahil unang beses pa lang sila naka kill ng Rank S zombie.

Maki cheers ka naman pare!. Sabi ng isa sa kanila na sa pagkakatanda ko ito yung naka shield.

Oo nga kung hindi dahil sayo di namin mapapatay iyon. Sabi naman ng isa pang kasamahan nilang babae.

Ahh ehh. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila.

Nahihiya ka pa ata kasi di mo kami kilala. Saad nung nasa gitnang table na katapat ko. Ako nga pala si [ Rednax ] ang leader ng grupong ito. Isang Executioner.

Ito naman si [ Freek ] isang Sharpshooter. Turo niya sa naka Sniper. Ngumiti lang ito sa akin.

Yung nakasabayan mong Vanguard. Turo niya sa naka shield. Siya si [ Teechi ].

Ikinagagalak kitang makilala pare. Sabi nung Teechi.

Ito naman si [ Cassandra ] Executioner din tulad ko. Yung babaeng may dilaw na buhok.

Hello. Ngiting sabi ni Cassandra.

At ang huli yung niligtas mo kagabi. Turo niya sa tabi nung Cassandra. Siya si [ Miracle ] isang Medic.

Salamat sa pagsagip sa akin kahapon kuya. Yukong sabi ng may IGN na Miracle. May pagka mahiyain siguro.

Dito nabuo ang grupo namin. At ang grupo na iyon ay tinawag naming........

MOON SQUAD!!. Sabay sabay nilang sabi.

Kaya pala pansin ko na sa mga suot nila ay may logo ng baril na ang background ay buwan.

Ikaw di ka pa namin kilala. Sabi ni Teechi.

Dali! Pakilala kana. Magiliw na sabi ni Cassandra.

Napalingon ako sa kanila at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Tila ba nag aantay ng napakagandang sasabihin ko.

Ahm. Zekken isang soloer. Maikling sabi ko.

Yun lang? Akala ko pa naman kasali ka sa mga bigatin na clan dahil sa skill mo. Saad ni Cassandra.

Kaso sabagay paano nga naman mahahalata eh nakapang beginner set ka pa din. Puna ni Teechi sa suot ko.

Solo player? Wala ka bang naging kasama kahit isa manlang?. Usisang tanong ni Rednax.

Meron pero magkakahiwalay kami ngayon dahil sa isang Misyon. Tugon ko.

Anung misyon naman iyon?. Tanong ni Teechi.

Hindi ko ito nasagot. Mas gusto ko kasi na kami kami na lang nila Rence ang nakakaalam sa bagay na yun.

Mukhang personal na masyado ang tinatanong nyo Teechi. Tumingin naman si Rednax sa akin. Huwag mo nang sagutin Zekken.

Napakibit balikat na lang ako at uminom ng kape.

Pero bago yun Zekken may request sana kami sayo. Kamot ulong saad ni Rednax.

Anong request?. Tanong ko.

Tumingin muna siya sa mga kasama niya at nag tanguan ang mga ito. Muli humarap ulit sa akin si Rednax at huminga ng malalim.

Tulungan mo kami......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. na magka bahay sa mundong ito. Seryosong sabi niya.

Bahay?.........

Tinignan ko sila at lahat sila ay nakatingin sa akin. Gusto ko sanang tumanggi ngunit ng mabaling ang tingin ko kay Miracle ay kita sa mukha niya na gustong gusto din nito.

Wala naman sigurong masama kung tutulungan ko muna sila.....

------------------------------------------------------------------------------

<• Floor 8 : Nagoya City •>
West Gate : Abandoned Park
'Date and Time : November 11, 2019 [ 07:06 PM ]'

*Ratatatatattataat* *Tsung*

*Bang* *Tsung*

Kasalukuyan naming kalaban ngayon ang isang zombie na may kataasan at may gamit na malaking shield at electric bat.

Teechi sundan mo ko para maka atake yung iba sa kaniya. Focus ON!.

Sabay kaming sumugod patungo sa kaniya. Hindi kasi namin ito matamaan ng malayuan dahil sa laki ng shield na gamit niya.

Nang malapit na ay nauna ako ng konti kay Teechi at dahil doon ay saakin napunta ang atensyon ng zombie. Mabilis kong inangat ang sword ko at umislash paibaba na siyang tumama sa shield nito.

*Tssiingg*

Dahil sa atakeng ginawa ko ay nagkaroon ng pagkakataon ang zombie kaya inalis nito ang shield sa harapan niya sabay angat ng electric bat nito sa kanang kamay. Nakahanda na itong ihampas sa akin pero nasa plano ko ang ginawa kong ito. Ilang saglit lang ay tuluyan na itong ginawa ng zombie.

Teechi!!

Eto na!!.

*Swwoosshh*

*Taaannnggg*

Napangiti ako ng lumitaw sa likod ko si Teechi at sinalag ang atake ng zombie.

Ngayon na!! Fire!!. Utos ni Rednax sa mga kasamahan niya.

*Ratatatatatattatatat*

*Ratattatattaatatat*

ARRRGGHHh!!. Sigaw nung zombie kaya iniharang agad nito ang shield.

Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon at mabilis na pumunta sa likod sabay slash ng pa X. Dahil doon mas lalong nagalit ang zombie at umikot paharap saakin habang nakataas ang kanang kamay. Agad akong tumalon bago pa niya maihampas sakin ang bat nito.

Matapos makaiwas sa atake habang nasa ere ay na open ang likuran ng zombie kaya pinagbabaril nito nila Rednax kasunod ng isang pagsabog.

*Ratatatatatatattatatat*

*Psshung* *Boooggsshhh*

Ayos!. Tuwang sabi ni Cassandra habang may hawak na isang rifle na may grenade launcher.

Nagkaroon naman ng makapal na usok dahil sa pagsabog na iyon. Pero di kalaunan nang nilapitan ko ito ng konti ay may notif na nag register sa VS ko. Nabigla ako sa nakita ko dahil di ko akalain na buhay pa pala ito.

Name : Dead Guard
HP : 90 / 1000
Rank : S
Ability :
Manipulate Weapons

Mira ikaw na ang pumatay dalian mo!!. Sigaw ni Rednax.

Dahil sa sigaw ni Rednax ay nataranta doon si Miracle at di maisuksok ang magazine nito. Nakita ko na pabangon na ang zombie kaya mabilis akong kumilos patungo doon.

Naka handa ng kunin ng zombie ang sandata nito pero agad akong nagpadulas at sinipa ang Bat sabay ikot at sipa sa ulo nito. Napaatras naman siya kasabay ng pagkarinig ko ng kasa. Kaya agad akong yumuko at nangyari ang inaasahan ko.

*Ratatattatatattatatatatt*

ARrrGghhhhgjkk----!!.

*Booussshhh*

Napatay ni Miracle yung Dead Guard at mabilis itong naglaho. Tumayo nako at binalik na ang mga sandata ko.

Nice one Mira!!

Galing mo!!

Nilapitan naman si Miracle ng mga kasamahan nito kasabay ng mga papuri sa kaniya.

Congrats Mira. Bati ng kanilang leader.

Wa-wala yun pasensya nga pala kanina Captain kung nataranta ako. Yukong sabi ni Miracle.

Huwag mo ng intindihin yon ang importante nagawa mo pa rin ang sinabi ko. Ngiting tugon ni Rednax sa kaniya.

Woy ikaw Zekken!. Tawag sakin ni Teechi. Galing mo dun ahh.

Tinignan ko lang ito at palapit naman sila sa akin.

Tingin ko sapat na yung perang naipon natin guys. Sabi ni Rednax.

Okay ka lang ba talaga Zekken?. Tanong ni Cassandra saakin.

Oo nga bat ayaw mo makipag party sa amin para naman may hati ka kahit sa Exp manlang. Sabi naman ni Teechi.

Okay lang ako atsaka mas kailangan niyo yan. Sagot ko.

Kailangan? Hindi ba kalapit lang naman ng level mo yung sa amin ibig sabihin lang non kailangan mo din ng Exp Points. Singit naman ni Miracle.

Oo nga pala bago kami pumunta dito sa Nagoya sinabi ko kanina habang papunta sa gate entrance na malapit lang ang level ko sa kanila. Halos lahat kasi sila ay nasa level 20 at 21. Ang pinakamataas lang sa kanila ay si Rednax na level 23.

Kaya ko naman makapag level ng mabilis Miracle dahil solo player ako. Huwag mo ng problemahin pa yung sa akin.

Tama na guys hindi natin mapipilit si Zekken kung ayaw niya. Ani ni Rednax. Mabuti pa bumalik na kayo sa Zarth at hintayin niyo ko doon.

Bakit saan ka pupunta Captain?. Tanong ni Cassandra.

Sa Private Citadel dahil may nakalap akong info na may secret shop doon kung saan mas makakamura ako makabili ng bahay. Tugon ni Rednax.

Mag iingat ka doon Captain dahil usap usapan na may mga kumakalat na player killer sa buong Z-World. Alalang sabi ni Miracle.

Oo Mira salamat. Ngiting sabi ni Rednax. O siya tara na at umalis na tayo dito.

Mukhang okay na siguro......

Nagsimula naman silang maglakad pero nanatili lang akong nakatayo

Tingin ko dito na nagtatapos ang pagtulong ko sainyo Moon Squad.

Lahat naman sila ay napatigil at napatingin sa akin na may nagtatakang ekspresyon.

Anong ibig mong sabihin pare?. Tanong ni Teechi

Natulungan ko na kayo kaya sa tingin ko ang kailangan ko namang tapusin ay ang Misyon ko. Sabi ko.

Ayaw mo bang sumali sa grupo namin Zekken?. Tanong ni Rednax.

Oo nga welcome ka naman samin eh. Cassandra.

Umiling ako ng mabagal bilang pagtanggi sa sinabi nila.

Hindi naman sa ayaw ko pero hindi talaga ako pwede sumali sa grupo niyo sana'y maunawaan niyo.

Madami namang nalungkot sa sinabi ko. Tila nanghihinayang sa pag alis ko sa kanila. Lalo na si Miracle kaya niyakap na lang ito ni Cassandra para hindi matuloy sa pag iyak.

Kailangan pa man din namin ng tulad mo. Nanghihinayang na sabi ni Teechi.

Mali ka Teechi. Sabi ko. Dahil una pa lang hindi niyo naman talaga ako kailangan sa grupo niyo. Bukod sa kumpleto kayo may offense na long at mid range at defense na close range at healer. May strategy at teamwork din kayo.

Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang buwan na tila nagbibigay ng liwanag sa kadiliman sa buong Park.

Kung tutuusin napaka ganda ng Team niyo kung ikukumpara sa iba kaya bilib ako sainyo.

Tama siya atsaka hindi sa lahat ng oras ay sa kaniya tayo dedepende kaya nga may captain tayo. Nabigla silang lahat ng magsalita ang tahimik na si Freek. Ngumiti naman si Rednax sa narinig.

Muli ay tumingin ako sa kanila at lahat sila ay nakatingin saakin.

Hindi bale di naman ako makakalimot dahil pwede niyo akong iPM kung kailangan niyo ng tulong.

Pero bago ka umalis sa amin Zekken. Singit ni Cassandra. Pwede bang sumama ka sa amin mamaya para sa huling sandali?. Kahit hanggang bukas lang ng umaga Zekken please?

Gusto ko iyang naisip mo Cass basta ba antayin ninyo ako makauwi sa Zarth dahil medyo matagal iyon. Sabi ni Rednax.

Sige na Zekken sumama ka na please?. Pagmamakaawa ni Miracle.

Bahala na.....

Sige payag nako.

YES! / Yun salamat pare!. Tuwang reaksyon nila Cassandra at Teechi.

O tara na guys at umalis na tayo. Sabi naman ni Rednax.

Yes Captain!. Sagot nilang lahat.

--------------------------------------------------------------------------------------

<• Floor 6 : Zarth •>
Central City of Zarth
'Date and Time : November 11, 2019 [ 10:09 PM ]'

Tagal naman dumating ni Captain. Inip na sabi ni Cassandra.

Kasalukuyan kaming nag aantay ngayon dito sa sentro ng Zarth.

Nakakabagot naman. Teechi.

Wala ba tayong pwedeng gawin?. Tanong ni Miracle. Tutal sabi niya naman matatagalan pa siya doon.

Nag isio naman silang tatlo habang si Freek ay tahimik lang habang may kung anong bagay ito na binabasa.


Alam ko na! Bakit hindi na lang natin puntahan yung sinasabing secret passage dito sa Zarth. Teechi.

Secret Passage?....Dito sa Zarth?.....

Narinig ko din yung tungkol dyan. Singit ni Cassandra. Malay niyo may makuha tayong mga item o treasure sa lugar na iyon.

Edi matutuwa sa atin si Captain niyan. Teechi.

Kaso ang problema hindi natin alam ang eksaktong lugar kung saan natin makikita iyon. Miracle.

Huwag niyo na problemahin yun dahil alam ko kung saan ito matatagpuan. Buong loob na sabi ni Teechi.

So tara na?. Aya ni Cassandra.

Tara. Sagot ni Miracle. Ikaw Freek di ka sasama?.

Imbis na sumagot ay tumingin lang ito at tumayo. Ibig sabihin ay sasama siya.

Ikaw pareng Zekken?. Tanong ni Teechi.

Oo sasama ako. Sagot ko.

Natuwa naman silang lahat sa narinig saka sama samang naglakad paalis ng sentro. Hindi ko alam pero imbis na matuwa sa plano at gagawin nila ay iba ang nararamdaman ko. Nang marinig ko pa lang ang Secret Passage mukhang may kung anong kakaiba at bukod doon may kutob ako sa lugar na iyon.

Sana lang hindi tama ang nasa isip ko.....

[ To be Continued.... ]

###############################################

So ayun guys musta na? hahahaha pasensya na sa napakatagal na UD nawa'y maintindihan niyo sana ako. Sobrang tambak po ng school works ngayon lalo pa't nagsabay ang business plan proposal, research at iba pang mga test. Ang hirap na talaga maisingit sa sched ko ang pagsusulat hindi tulad ng dati.

Pero sana nagustuhan niyo itong dalawang UD ko at ipagpatuloy niyo pa rin ang pagbabasa at suporta sa story ko. Sa mga umaasa sa GEIST humihingi po ako ng sorry dahil hindi ko na matuloy sobrang napokus din kasi ang mga idea ko sa Z World. Pasensya na talaga :'( pero susubukan ko pa din kung makakaya ko na maituloy para sainyo.

Hanggang dito na lang at kitakits sa next chapt mga repapips!! Byee....

[ TripletsX ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top