Chapter 79 : DCMP

Mantha's POV

Nandito ako sa Park ngayun at kasalukuyang nasa GoM. Nakaupo lang ako dito sa pang picnic na mesa at nag mumuni muni lang.

Alam kong hindi kayo makapaniwala na Rank 45 nako ngayon. Pero alam kong gusto nyung malaman kaya ikekwento ako sainyo ang buong pangyayari hanggang mapunta ako dito sa GoM.

Flashback.......

Pagkalog in ko ay dito ako nag respawn sa Park. Nagsimula nakong maglakad papuntang Teleporter.

Sa Battle Area ang punta ko para makapaglaro sa mga rooms , ayoko namang lakarin yun dahil napakalayo.

-------lakad--------lakad----------lakad----------lakad----------lakad----------

After 10 Minutes.....

Sa paglalakad ko wala padin akong makitang teleporter. Nakakainis ang alam ko nasa gilid gilid lang yun eh. Huminto muna ako saglit at tumingin sa paligid.

Teleporter nasan kana...... T_T

Pero wala akong nakita. Kaya umupo muna ako sa bench dito sa Park.

Magsisimula pa lang ako sa first step ko bat ganto nangyayari. Napabuntong hininga na lang ako. At tumingin sa langit.

Makisama naman kayo please....gusto kong mawala itong sakit na nararamdaman ko......

Ting!

Nagulat ako ng may biglang lumabas sa VS ko. Pagtingin ko ito yung nakita ko.

• You have a Gift •

From : Brix...

[ Open ]       [ Not now ]

Brix?!??..... Sino to????.....

Hindi ko kilala kung sino yung nag gift saken kaya inopen ko na lang ito. At pagkapindut ko ng open ay namangha ako sa nakita ko. Isang siyang sub weapon at ang ganda talaga. At color blue pa ito na may maliliit na diamond na design parang customized weapon ang ganda talaga. Ayyt nakalimutan ko ito pala yung name.

Name : Dual Custom Mini Pigeon
Type : Sub-Weapon
Weight : Light

Dual Custom Mini Pigeon is an over-and-under shotgun with a short length barrel and top rib, allowing for much better firepower at longer distances than other sub shotguns. Because of it's very tight pellet spread, it is able to one-hit kill enemies up to medium range and inflict critical damage on enemies at long range.

( A/N : Yung itsura po ng baril parang Dual double Barrel po siya kaso may kaibahan lang sa stats , yung pic pala nasa Characters yung may hawak na dalawang barrel si Mantha yun po yun. )

Ang ganda ng description. Kaya pa nitong mang one hit , sobrang swerte ko. Kung sino man yung player na yun sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya.

Dahil sa excite ko ay inequip ko na agad yung bagong weapon ko kaya ito na ang profile ko.

Name : Yuna18
Gender : Female
Level : 48
Title : None
Clan : None
Primary W. : Type 89
Secondary : Dual Custom Mini Pigeon
Melee : Knife

Sunod nun ay nagsimula nakong maglakad papuntang teleporter at ng makalaro nako sa Battle Area. At syempre para masubukan na din ang bagong baril ko.

Pero nakakailang hakbang palang ako ng may biglang humarang sakin na lalaking player. Naka Agent Costume ito at nakataas pa yung buhok parang sa mga rakista. Kung sa madaling salita ampanget ng itsura niya. Mapanglait ba ?? Haha eh sa yun ang nakikita ko eh di manpang binagay sa damit yung buhok.

Napansin ko namang ngumiti ito sakin. Parang manyakis naman itong plaer na ito. Jeez.

Hi Miss pwede bang makipag kaibigan ??. Pangisi ngisi nitong sabi saken. Huh akala ata nito madadala niya ko sa ganyan.

HINDI PWEDE bakit ? Kaya umalis ka dyan sa dadaanan ko. Mataray kong sabi sa kaniya. Diniinan ko pa yung word na " hindi pwede ".

Bago ko pa marinig yung sasabihin niya ay naglakad nako paalis. Pero nagulatako ng bigla akong hawakan sa braso ng manyakis na ito.

Saglit lang naman miss , kung ayaw mong makipag kaibigan edi......makipag date ka na lang sakin. Sabi nito sabay ngisi nanaman. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya

Date ??? Asa siya.

Bitawan mo nga ako!! Mas lalong di ako nakikipag date sa isang manyakis !! Grr. Inis kong sabi sabay hila sa braso ko. Binitawan niya naman iyon dahil kung hindi babalian ko siya kung nagkataon.

Grabe ka naman sakin miss , simple lang naman ang gusto ko eh bakit ayaw mo ba. Gwapo naman ako ah. Halos masuka ako sa sinabi niya. Gwapo daw san banda ??.

Ang kulit mo rin eh no di mo ba ko titigilan ha ?!. Pagalit kong sabi. Naiinis nako sa lalaking ito..

Hindi. Sagot nito sabay ngiti. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya kong unahan.

Okay ganto na lang miss , mag duel na lang tayo at kapag nanalo ka titigilan na kita , kung hindi naman makikipag date ka saken....ano Deal ??. Saad nito. Kung yun lang ang paraan para tigilan ako nitong manyak na ito pwes humanda siya.

Deal!. Sagot ko. Bigla naman itong natawa ng hindi sa malmang dahilan.

Hahahaha grabe miss , pumayag ka talaga ah kaya wala ng atrasan yan.......humanda ka na dahil makikipag date ka din sakin , hindi mo alam na Rank 45 itong katapat mo kaya sorry ah hindi ako magpapatalo Hahahahaha. Matawa tawang saad nito.

Medyo nagulat ako sa narinig ko. Rank 45 ibig sabihin magaling itong kalaban ko. Pero kahit ganun hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko.

Dito ko masusubukan ang kakayahan ng bagong weapon ko. At dito ko din sisimulan ang unang hakbang para makalimutan ko ang lalaking iyon.

Nag send naman ito ng Duel Invitation at may lumabas naman sa VS ko.

•Duel Invitation•

¤ Accept.  x  Decline

From : Geron_Pogi

Pinindut ko naman yung accept at bago kami mateleport ay nginitian pako ng manyakis na kalaban ko.

Ngayong nasa waiting room ako ay inayos ko na ang Bag ko bale ito yung itsura niya.

[ BAG 1 ]

Primary : Type 89
Secondary : Dual Custom Mini Pigeon
Melee : Knife

[ BAG 2 ]

Primary : Steyr TMP
Secondary : M9 Baretta
Melee : Knife

Sinet up naman yung Mode , Map and Rounds ng kalaban ko at bale ito yung lugar na nakalagay.

¤ Duel Start in - 10 ¤

Mode : Wipe Out
Rounds : 3 wins
Map : Colombia

( A/N : Ito din po yung lugar nung Duel ni Shu kay Bugoy sa chapter na " Duel with my Idol " , paalala ko lang hehe )

Nag antay lang ako ng countdown hanggang sa natapos ito at nagliwanag ang buong katawan ko. Kaya ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang pag teleport sakin sa Map.

------------

Pagkatapos ng ilang segundo ay idinilat ko na ang mata ko at nandito nako sa Map. Inequip ko agad yung Bag 1 ko at kumilos.

Pumunta ako ng Underpass dala ang Type 89 ko. Nakarating ako sa kalagitnaan ng Underpass pero wala akong nakitang kalaban. Nilingon ko ang paligid hanggang sa makita yung parang may paakyat na hagdanan at tingin ko patungo yun sa base niya.

Agad akong pumunta doon at nang nakalapit ay aakyat na sana ako ng may lumitaw sa harapan ko. Kaya nagtago agad ako sa pader.

*Ratatataaatat* *Tsung*

Pagkatapos nun ay gumanti din ako kaya lumabas ako at pinagbabaril siya.

*tigitig*tig*ting*teng*tig*ting*teng*

Pero agad naman itong nakapagtago at nakaiwas sa mga bala ko kaya nagtago ako.m. Bigla naman akong nakarinig ng FS at ang bilis nito.

Humanda kana miss !!! HAHAHA. Tingin ko papunta siya saken at hindi pako nakakapag reload.

0__________0

Dug...dug.....dug....dug

Bigla akong nataranta at hindi ko masuksok yung magazine ng type89 ko. Pero bigla ko namang naalala yung sub weapon ko.

Kinuha ko ito sa magkabilaang tagiliran ko. At mapapansin mo ang kulay nito na Blue at Skyblue na may Diamond na disenyo. Lumabas ako at tinutukan siya pero tuloy pa din ito sa pagsugod sakin habang hawak ang katana niya.

Saluhin mo itong manyak ka!!.....

Tingin mo mapapatay mo agad ako sa baril na yan ?!?! Naka Armor ako kaya balewala yan dahil mahina lang ang damage ng Double Barrel !!!. Tumalon ito bigla at patungo na ito saken kasabay nito ang pag ngiti nito na pang demonyo.

Bigla akong natauhan ng makita ang ngiti na iyon.

S-shu.....

* iling *

Hindi mantha sinaktan ka niya kaya dapat lang sa kaniya ito.....

Mamatay ka !!!!!. Sigaw ko at pinutok yung dalawang baril ko ng sabay.

*TAGGGSSS*

Arrghhh!!!. Biglang naglaho yung kalaban ko ng tamaan siya ng bala ko.

Napatay ko siya?!?!.....

Hindi ako makapaniwala na naonehit lang siya ng baril ko. Bigla naman akong nateleport sa Base ko at pagtingin ko sa itaas ng VS ko ay 1-0 na ang score. Pero hindi muna ako matuwa dahil hindi pa tapos ang laban.

Pumunta naman ako ng mid at nakita ko naman siya na nasa tower at nagulat ako ng tinutukan ako nito kaya nagtago ako sa Box.

*Baaannnngggg*

Naka sniper siya.....

Tinapon ko muna yung Type89 ko at hinawakan ko ang Dual Custom Mini Pigeon ko. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tumakbo ng mabilis papunta sa tower kung nasaan siya.  Bigla naman itong bumaril kaya't nag side step ako pakaliwa, bumaril nanaman ito kaya nag sidestep ulit ako sa kanan. At nang medyo malapit na ko ay tinutok ko sa itaas kung nasaan siya yung DCMP ko at pinutok ko yung nasa kanan ko at tinamaan naman siya. May tig dalawang bala kasi ang DCMP ko bale apat na bala ang kabuuan nito.

Arrghh madaya ka!!. Rinig kong sambit nito.

Inilabas ko ang granada ko at hinagis sa itaas ng tower at nasama ito sa pagsabog

*Boogggssshhhh*

Agad naman akong nateleport sa Base ko. At pagtingin ko sa VS ko ay 2-0 na. Kaya kumilos nako at nagtungo sa tower ko. Tinignan ko yung paligid pero hindi ko siya makita sa kahit anung part ng map.

At tingin ko nasa Underpass ito kaya umalis ako ng Tower at pumunta sa daanan ng Underpass dito sa Base ko. Huminto lang ako sa hagdanan at nag antay habang nakasandala sa pader. Hawak ko ang DCMP ko dahil mas mabilis itong makapatay.

Maya maya ay bigla akong nakarinig ng yapak. At nagbilang ako sa isip ko.

*Tuk* * tuk* *tuk* *tuk* *tuk*

3............2....................1..............!!!0....

Dahil marunong naman akong gumulong sa game na ito ay ginawa ko iyon sabay tutok sa kaniya. Tanging gulat na ekspresyon lang nakikita ko sa mukha habang nakatutok ang DCMP ko.

Ma-ma-MADAYA KAA!!!!. Siya sabay tutok sakin pero agad kong kinalabit ang trigger ko.

*TAGGGSSS*

Ba byee. Cute kong sabi sa kaniya. At naglaho naman ito bigla.

Agad din naman akong nateleport pero hindi sa Park kundi sa Battle Area mismo. May bigla naman akong narinig na Announcement.

ANNOUNCEMENT PLAYERS !!!

Rank 45 has been defeated by Rank 20852 , so Rank 20852 will promote to 45 and Rank 45 will demoted to Rank 20852 , Congratulations !! Yuna18 !!!!. Announcer.

Medyo nagulat ako sa Announcement, hindi ako makapaniwala na ako na yung Rank 45 nako. Nagulat ako ng may nagtanong saking batang player.

Ahm ate anung IGN nyu po??. Tanong niya tingin ko nasa 13 pa lang ito.

Yuna18 ang IGN ko bakit bata??. Sagot ko na sinundan din ng tanong.

Kaso bigla naman akong nakarinig ng bulungan at nabigla ako ng maraming nagkumpulan na players malapit sakin.

Wala lang po.... Kayo po pala yung player na sinabi sa Announcement. Sabi nung bata at doon nako nakarinig ng bulungan.

Grabe ang galing niya no pre !. Player 1.

Oo nga eh plus ang ganda pa hanep!!. Player 2

Ang astig niya kung ikukumpara sa ibang babaeng player. Player 3.

Bigla namang nag iba yung bulungan ng may isang player na nagsalita.

Mga pre ! Si Zekken ohh angas ng costume ohh. Player 4.

Pagkarinig ko nun ay nag poker face na lang ako. Bigla namang nagsi gilid yung player habang naglalakad ang sinasabi nilang Zekken.

Diba siya yung Rank 15. Player 5.

Napatingin ito sakin at tingin ko hindi lang sakin pati na din siguro sa DCMP ko na naka equip pa din sa magkabilaang tagiliran ko hindi ko natanggal kanina.

Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Hindi ko alam ang nararamdam ko pero naiinis ako sa kaniya. Pag nagkataon siya naman ang isusunod ko sa Manyakis na yun. Hindi ko na lang pinansin ang inis ko at naglakad nako at ganun din siya. At nung magkalapit na kame ay bumulong ako na saktong maririnig niya.

Tatalunin din kita.

Hindi ko alam pero yan ang lumabas bigla sa bibig ko. Gusto ko mang bawiin pero mukhang hindi na pwede. At nung naglagpasan kami ay tinuloy ko lang ang paglalakad ko. Pero huminto ako ng medyo malayo nako sa Battle Area.

Huminga ako ng malalim at napakibit balikat na lang. Tingin ko pagod lang siguro ito.

Makapunta na nga lang sa GoM hayss. Sambit ko.

End of Flashback........

Ngayon alam nyu na kung bakit ako naririto. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang kausapin kaso parang may pumipigil saaken. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo.

Gusto ko na din magpahinga kaya mag la log out nako. Kaya nag swipe ako at pinindut yung log out.

Do you want to log out??

{ Yes }     { No }

Pinindut ko na yung Yes at pumikit nako. At ilang segundo lang ay pagdilat ko ay nakabalik nako sa real world.

Hinubad ko yung CG ko at inilapag sa Table ko malapit sa kama habang nakahiga pa din. Tinignan ko lang yung kisame habang iniisip yung kanina. Napailing na lang ako dun at napa salita na isip.

Dapat mo na siyang kalimutan Mantha..... Dahil hindi naman talaga ikaw ang gusto niya.....

End of POV

#################################################

Yooow Guys ayos ba UD ko???? Sana nagustuhan nyo hahahaha ayoko na ng marami pang sasabihin kaya ba byee na agad haha.

See u on the next chapter :D!!!!

- TripletsX

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top