Chapter 77 : Heart Break ( Back Up )
Shu's POV
Sige Lou mauuna nako kailangan ko ng umuwi. Pagpapaalam ko sa kaniya.
O sige basta yung plano ahh. Louie. Tumayo nman kami mula sa bench at nagharapan.
Salamat ulit sa pagtulong mo sakin kanina Louie.
Walang anuman yun... Sige hanggang sa muli Shu. Nilahad niya nman yung kanang kamay niya sa harapan ko. Inabot ko iyon at ngumiti.
Hanggang sa muli. Ngiting sagot ko. At pagkatapos nun ay nagtalikuran na kame. Kaya sinimulan ko ng maglakad patungo sa sakayan.
Para din sayo ito Mantha... Sana maintindihan mo ko....
Nang makarating nako sa sakayan ng Bus ay di nako nag atubili pa at pumasok nako sa loob. Umupo ako sa dulong part ng Bus at nag antay na makarating sa destinasyon ko.
End of POV
***********************************
"SCHOOL"
Mantha's POV
Nandito ako ngayon sa classroom namin at nakaupo sa upuan ko. Time check... 5:50 am na pero wala padin si Shu. Di ko maiwasang hindi mag alala, hindi ko alam kung bakit. Ito ata talaga epekto ng Love hays. Ilang araw din kasi ang nakakalipas nung hindi nako masyadong pinag kakausap ni Shu. Minsan nagtataka nako kung bakit pero tingin ko busy lang siya.
After Few Minutes...
Dumating nman si Shu nang 6:10 am late siya pero buti na lang wala pa si Maam. Naglakad nman ito patungo sa upuan niya at nung malapit na siya samin ay binati ko ito.
Morning Shu ... Nga pala bat ka late ??. Tanong ko. Pero wala manlang akong nakuhang sagot dahil di niya ko pinansin at umupo lang siya sa upuan niya.
Anu kayang problema nito ??.....
Bigla namang dumating si Maam kaya nagsi ayos nman kame. Mamaya ko na lang iisipin yun. At yun nagsimula ng mag klase si maam.
----------------------------------------------------------
*Kkrrrrrriiiinnnggggggg*
Bigla namang tumunog yung Bell at ibig sabihin ay Recess na namin. Umalis nman si Sir sa room kaya nagsi labasan na din ang mga kaklase ko. At naiwan ako dito pero di pala ako nag iisa.
Nakita ko namang tumayo si Shu kaya agad ko itong nilapitan.
Shu sabay tayu mag recess , tara !!. Pagkasabi ko nun ay hinawakan ko siya sa braso at hinila pero bigla naman niyang tinabing ang kamay ko.
Lumayo ka nga pwede ?! Ayokong sumama sayo !!. Mariing sabi ni Shu. Hindi ko alam pero parang may kumirot bigla sa dibdib ko.
Shu m-may nag-gawa bako n-na ikina-galit mo ??. Utal kong tanong sa kaniya pero hindi niya ito sinagot.
Nakita kong ngumisi ito na alam kong di niya naman kadalasang ginagawa.
Wala naman... ang hirap pala magpanggap Hahahaha. Bigla naman siyang tumawa ng parang demonyo.
Magpanggap?!. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
Alam mo... andali mo pa lang paikutin nakakatawa dahil tingin mo magkakagusto ako sa isang katulad mo. Pagkasabi niya nun ay nagulantang ako bigla.
A-anung i-ib-ig mong s-sabihin ??. Bigla ulit siyang tumawa nung nagtanong ako. Di ko maintindihan yung ginagawa niya parang anytime maiiyak ako.
Sorry ah pero hindi nman talaga ikaw ang gusto ko....di ko kasi type yung mga tulad mo , iniisip ko pa lang natatawa nako sa pantitrip ko sayo di ko talaga akalain na mahuhulog ka Hahahaha------
*Paakkkk*
Hindi ako nakapagpigil at nasampal ko siya. Yung kaninang anytime na sinabi kong iiyak ako ay talagang nangyari na.
Hindi ko alam pero sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung si Shu ba ito o hindi pero ..... Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito saken. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko sa kaniya , sobrang bigat ng pakiramdam ko at kasabay nun ang pag tulo ng mga luha ko.
Shu anu bang nagawa ko sayo ??......
Yun lang ba ?? Hahaha masyado ka talagang umasa na magugustuhan kita , pasensya na pero mas gusto ko si Angela kesa sayo..... salamat sa pakikipaglaro. Ngumiti pa siya pagkatapos niyang sabihin yun. At tuluyan nman siyang umalis ng classroom at dinala niya ang bag niya.
Naiwan akong mag isa dito habang patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko akalain na lolokohin niya lang ako , papaasahin at paglalaruan.
Napasandal na lang ako sa pader at umupo. Sinubsub ko na lang ang mukha ko sa magkabilaang tuhod ko habang nakayapak ang kamay ko sa dalawang paa ko.
Pa-ano mo *hik* naga-wa sa *hik* kin to Shu.
*Kkkkrrrriiiiinnngggggggg*
Bigla namang tumunog yung bell ibig sabihin tapos na ang Recess. Agad akong tumayo at pinunasan ko yung luha ko. Tumingin ako sa salamin dito sa room at inayos ang sarili ko. Medyo nagmugto yung mata ko.
Nagsidatingan nman yung mga kaklase ko sa room at umupo sa kani kanilang upuan. Nasa likod ako malapit sa pinto kaya walang masyadong nakakapansin sakin hanggang sa......
Huy! Mantha ano musta kayo ni Shu dito ??. May bigla nmang nagsalita sa likod ko at nung hinarap ko ay si Risse pala. Biglang nagbago ang ekspresyon ni Risse yung pagkakita niya sa itsura ko.
Ngumiti ako sa kaniya pero hindi nman niya ito pinansin.
Okay ka lang ba Mantha ?? Bat ganyan yung mata mo ??. Pag aalala ni Risse. Naalala ko nman bigla yung mga sinabi ni Shu kaya maiiyak na sana ako pero pinigilan ko. Kailangan kong labanan ito para di na siya mag alala pa.
Okay lang ako....masama lang pakiramdam ko kaya kung pwede sana ipaalam mo ko na uuwi muna ako. Sabi ko at pinilit kong ngumiti kahit masakit padin yung nararamdaman ko.
O sige antayin mo ko dyan pupuntahan ko si maam okay ??. Risse. Tumango ako bilang sagot at umalis na siya. Hindi ko na kasi kayang magsalita baka maiyak nako kung gagawin ko pa yun. Nahihirapan na din kasi akong pigilan. Umupo muna ako sa bandang likod malapit sa bintana.
Maya maya ay dumating nman si Risse na may dalang papel.
Mantha okay na , pumayag si Maam na umuwi muna ..... anu ba kasing nangyari sayo. Risse. Kung alam mo lang siguro kamumuhian mo siya.
Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya at nagsalita.
Salamat Risse tsaka wag ka mag alala okay lang ako. Ngumiti ulit ako sa kaniya kahit sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
Sure ka ahh basta sabihan mo lang ako kung may kailangan ka. Risse. Tumango ako bilang sagot sa kaniya.
Mauna nako Risse hindi ko na kaya eh. Sabi ko. Baka kasi bumuhos pa dito yung luha ko kapag nagtagal pa.
Sige ba byee , pagaling ka. Risse. Ngumiti lang ulit ako at lumabas nako ng classroom.
Naglakad nako palabas ng building. Pero habang naglalakad sa hallway ay nakita ko nman ang taong ayaw kong makita. Nakaupo lang ito sa tapat ng theatre kasama si Angela habang nagtatawanan pa ito. Nakita ko na napatingin saakin si Angela at napatigil sa pagtawa.
Siguro nga hindi talaga ako ang gusto niya....
Agad akong tumakbo paalis ng lugar na iyon. Ramdam ko naman na may sumusunod naman saakin.
Mantha sandali!
Napatigil ako sa kalagitnaan ng hallway dahil sa pagtawag saakin. Huminga ako ng malalim bago ko ito hinarap at si Angela ang tumambad saakin.
Uhm ano mantha gusto sana kita makausap tungkol kay---.
Hindi ko na siyang pinatapos dahil alam ko na kung tungkol saan iyon.
Kay shu ba?. Seryosong tanong ko sa kaniya. Pinipilit ko kalmahin ang sarili ko at hindi ipahalata kung anu ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi siya makatingin saakin pero tumango ito bilang sagot.
Kaya pala masaya ka kanina dahil alam mo na pala. Nabigla siya sa sinabi kong iyon na pataray. Maging ako din ay di ko napigilan ang sarili ko.
H-hindi sa ganon Mantha pero syempre hindi lang din ako makapaniwala na gusto ako ng taong gusto ko din. Nakayukong sabi niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Pinilit ko na maging kalmado pa din kahit na parang nanginginig na ang mga tuhod ko.
Well maging masaya sana kayo. Sige mauna nako. Sabi ko sabay mabilis na tumakbo paalis dahil baka bumagsak ako ng di oras.
Napalingon ako kung saan nakapwesto si Shu ngunit hindi ito nakatingin saakin bagkus ay nakangiti lang ito kay Angela na pabalik sa kaniya.
Bigla nanaman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. At feeling ko di ko na kayang pigilan pa kaya hinayaan ko na lang itong umagos sa mukha ko. Hindi ko na sila nilingon at diniretso ang daan patungo sa labas ng building.
At nung nakalabas nako ay may nakasalubong nman akong Teacher. Yun pala yung Math namin.
Ohh anung nangyari sayo iha ??. Puna ni Maam ng makita ako.
Agad ko nmang pinunasan ang luha ko at tumingin kay maam.
W-wala po ito maam n-napuwing lang po ako. Palusot ko. Please nman gumana ka.
Ahh ganun ba sige sa susunod ipapalinis ko sa mga janitor itong side na to o sige mauuna nako dahil may klase pa ko. Maam Math. Salamat nman at gumana.
Sige po maam. Pagkasabi ko nun ay agad akong umalis at naglakad patungo sa Gate ng school.
----------------------------------------------------------
" House "
Time : 10:35 am
Nakarating nman ako sa tapat ng bahay kaya kumatok nako sa pinto.
*tok* *tok* *tok*
Nagbukas nman ito at bumungad nman sakin si Kyle.
Oh napaaga ata uwi mo Mantha may nangyari ba ??. Tanong niya saken.
Wala Kyle....masama lang pakiramdam ko kaya kung pwede wag mo kong iistorbohin sa kwarto ko. Pumasok nman ako sa loob ng bahay ng hindi nakatingin sa pinsan ko.
Tumungo nako sa itaas pero bago yun nasa hagdan pa lang ako ng biglang may sinabi si Kyle.
Alam kong may problema ka....pagbibigyan kita pero sa susunod kailangan mo ding sabihin yan maliwanag??. Kyle. Hindi ako sumagot at tinuloy ko na ang pag akyat ko.
Nang makarating sa kwarto ko ay pumasok ako at ni lock yung pinto. Inilapag ko nman yung gamit ko at tumungo sa drawer ko malapit sa kama.
Hinila ko naman yung kaha at doon nakita ko yung bear na kulay blue. Kinuha ko iyon at umupo sa kama habang tinitignan yung Bear. Hindi ko napansin na tumulo ulit yung luha ko.
A-nung bang *hik* da-dahilan b-bakit mo *hik* ginag-awa ito Shu. Sambit ko habang patuloy padin ang pag tulo ng mga luha ko. Napahiga na lang ako at niyakap ang isang unan sa tabi ko.
Shu bakit.... :'(((
End of POV
Shu's POV
Nandito pa din ako sa school at kasalukuyan pa ding nasa theatre kasama si Angela. Hindi nako bumalik sa classroom matapos ng ginawa ko kay Mantha.
Sa ginawa kong yun parang gusto kong sapakin yung sarili ko sa inis. Pero kahit ayaw ko kailangan kong gawin yun para sa Ama niya.
Akong bahala Shu, tutulungan kita sa problema mong iyan at mananatili yung sikreto. Ani ni Angela.
Oo nga pala sinabi ko sa kaniya yung sikreto tungkol sa Ama ni Mantha na hawak ng Killer ngayon. Aksidente ko kasing nasabi yun kanina yung umiyak ako dahil sa ginawa ko kay Mantha.
Sigurado ka ba na tama lang yung ginawa ko sa kaniya kanina?. Alalang tanong niya. Parang napaiyak ata siya habang tumatakbo nun.
Oo. Hindi ko nakatinging sagot. Mas maigi na din yun.
Baka umiyak ka nanaman ulit ah. Talagang masakit ang makitang nasasaktan ang taong mahalaga sayo. Sabi nito sabay tapik sa balikat ko.
Nung nakita ko siyang umiyak parang ang bigat ng mundo ko at parang sinasaksak ako ng paulit ulit habang nakikita siyang ganun.
Kaya mo iyan Shu. Ngiting saad ni Angela.
Maraming salamat Angela di bale babawi ako sayo pag nag success yung mission kong iligtas ang Ama niya. Sabi ko at ngumiti.
Walang anuman pero di ko maipapangako na sikreto talaga dahil darating din ang oras na malalaman niya ang totoo. Angela. Tama siya dahil hindi ko ito maitatago ng matagal.
Okay lang basta bantayan mo siya ah para sakin. Tugon ko.
Oo Shu !! Akong bahala. Ngiting sabi niya. At may bigla namang tumunog.
*Kkkkrrrriiiiinnnngggggg*
Uwian na pala namen , sa totoo lang ito ang unang experience ko na mag cutting class. Pero kailangan kong gawin yun kahit labag sakin.
Mauuna nako Angela dahil magpaplano pa kami. Pagpapaalam ko kay Angela. At naglakad nako pero di pako nakakalayo ay humarap ulit ako.
Sige mag iingat ka Shu sana magtagumpay kayo!!. Sabi ni Angela habang kumakaway sakin. Tumango ako sabay talikod ulit at naglakad na palabas ng school.
Habang naglalakad ay iniisip ko parin ang gagawin naming pagligtas sa Ama ni Mantha. Pero may bigla naman akong nakita sa gilid ng pader na isang lalaki na nakasandal at yung isang naka sumbrero na nakatayo sa tabi nito. At hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang mga ito.
Alam nanamin ang gagawin mo Hawk. Saad ng lalaking nakasandal sa pader. Tumingin ito sakin ng seryoso kasunod nun ang pagsasalita ng nakasumbrero.
Hayaan mo sana kaming tulungan ka pre. Sabi nito.
At tama nga ang hinala ko si Brix yung nasa pader at sa pagkakatanda ko si Devil yung nakasumbrero.
Pabayaan nyo kong harapin ito ng mag isa kaya please lang wag na kayong mangialam. Marahan kong sabi sa kanila.
Guys!! Sorry late ako!!. May bigla namang sumigaw sa bandang likuran ko. At pamilyar sakin ang boses na iyon. Humarap ako kung saan ko narinig ang boses na iyon at tumambad sakin ang isang lalaki.
Teka kilala ko ito...
Oww long time no see Idol Hawk. Ngiting saad nito ng makalapit saamin.
Teka ikaw si -- . Naputol yung sasabihin ko ng unahan niya ako.
Yep ako nga... Si Asura ang ex member ng Legions na tagahanga mo. Masaya nitong sabi. Halos lahat sila ex clanmates ko.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Asura ng magsalita si Brix.
Alam mo Hawk lahat tayu dito kaibigan ni Efgreyr kaya sana naman hayaan mo kaming tumulong. Brix.
Handa kaming mamatay mabigyan lang ng hustisya si Master , pamilya tayu diba ?? Bat mo haharapin ito ng nag iisa ha?!. Medyo pagalit na sabi ni Devil. Yumuko na lang ako habang pinapakinggan ang mga salitang iyon.
Please Hawk. Pagmamakaawa ni Asura.
Patawad.... pero ayokong may mamatay nanaman ng dahil sakin. Saad ko ng nakayuko. Napakuyom na lang ako sa kanang kamay ko habang di makatingin sa kanila.
Tch! Anu ba Hawk !!!. Nagulat ako ng kwelyuhan ako ni Asura habang masama ang tingin sakin.
May namatay na satin !! Tingin mo makakaya mo itong malampasan ng mag isa ?!?! Alam mo kung hindi kami tutulong marami pang mamamatay at marami ding mabibiktima kung hindi natin siya mapipigilan agad!! Tapos haharapin mo ng mag isa ?!?! Tingin mo ba laro pa din ito ?? Na matatapos mo ito ng agad agaran ?! Hawk buhay na natin nakasalalay dito at hindi ito matatapos hangga't di ka niya napapatay kaya please..... Hayaan mo kaming tulungan ka Hawk!! Para kay Master!!. Hindi ako makatingin habag sinasabi ni Asura ang mga yun. Hinawakan naman ni Brix si Asura kaya napabitaw ito sa aking uniform. Napayuko na lang ako sa mga oras na iyun.
Tama siya..... sa panahon ngayun mahirap lumaban ng nag iisa lalo na't kung malakas talaga ang kalaban mo....pero......aysst hindi pinagungunahan lang ako ng takot kaya siguro ako nagkakaganito kailangan harapin ko ito ng buong tapang ... Kung sila handang isakripisyo ang buhay nila ng walang takot dapat ganun din ako.....
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanilang. Agad namang nagsalita si Brix ng pag tingin ko pa lang.
Isipin mo yung sinabi ni Efgreyr dati Hawk. Bigla naman akong natauhan ng sinabi iyon ni Brix. At may nag flashback nman sa isipan ko.
Alam nyo Legions hindi lang tayu basta magkaka miyembro lang dahil sa Clan na ito isa na tayong pamilya.... Lagi nyong tandaan na lagi tayong magtulungan sa bawat laban....kahit malakas ka wala ka pading kwenta kapag nag iisa...dahil.....walang malakas sa nagkakaisa - Efgreyr
Natulala ako habang inaalala ang mga salitang iyon. Napayuko akong muli sa kanilang harapan. Sa ngayon lalaban ako kasama sila at dapat magtulungan nga kami.
Inangat ko ulit ang ulo ko at tumingin sa kanila. Ngumiti ako ng bahagya at saka nag seryoso ulit ng ekspresyon.
Pumapayag nako sa gusto niyo , kaya mag log in kayo ngayon at magkita kita tayu sa Park dahil may isa pa tayung kasama maliwanag ?. Sabi ko sa kanila. Napangiti nman sila dun at tumango.
Salamat Hawk. Devil.
Maraming salamat Hawk or Shu na ba ??. Ngiting sabi ni Brix.
Shu na lang tol.tugon ko
Idol pasensya na kung nasigawan kita at nakwelyuhan di ko lang napigilan ang sarili ko eh. Pagpapaumanhin ni Asura.
Okay lang atsaka salamat dahil dun natauhan ako. Ako
So pano kita na lang tayu sa Game Shu at aalis na kami. Brix.
Sige Rex tama ?? Kitakits na lang. Natawa lang ito sa sinabi ko. At nagsimula na silang maglakad. Hindi pa sila nakakalayo ng biglang sumigaw si Asura.
Ingat idol at salamat ulit !!. Ngumiti na lang ako at tumalikod na din ako at nagsimula ng maglakad.
Sana magtagumpay kami sa mission na ito....
End of POV
#################################
Yan guys naayos ko na hays sayang yung unang gawa ko nitong chapt na ito. Mas maganda yun kaso dahil sa bug nag kanda leche leche na bwiset. Pasensya na ngayon lang UD ndahil nawalan ako ng gana nug nangyari yung Bug pero nagsulat din kagad ako dahil alam kong inaabangan nyu itong story ko.
Sana sa simpleng pag vote and comments lang gawin nyu para mganahan si Autho please guys.... At sana irecommend nyu din ito sa mga kakilala nyu. Sana patuloy nyu pading subaybayan ang CFO dahil malapit ng matapos ito. Pero bago yun may request ako sainyo.....
Basahin nyu sana ang dalawang Story ko kahit naka HOLD lang please... At sabihin nyu saken kung anu yung nagustuhan nyo. Votes and comments na din haha bale ito sila.....
Title : Tiger Swordsman
Genre : Science Fiction , Fantasy , Spirits , Action , Romance
Title : Promise : Cross My Heart
Genre : Teen Fiction , Comedy , Romance
Yan mag PM kayo sakin ah kung alin yung nagustuhan nyu or sa comment nyu na lang ilagay oks ?? Maraming salamat ulit sainyo mga ka CFO see u on the next Chapt :D
- TripletsX
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top