Chapter 76 : Meet Up
Congratulations dahil sa walang pagsagot ng tama hahaha ang galing ahh. Joke
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Shu's POV
Hindi maganda ito..
Halos lahat sila may mga dalang pamalo bakal, kahoy tapos yung iba kutsilyo o balisong. Hindi ko kakayanin ito dahil sobrang dami nila. At ngayon palakad na sila patungo sakin.
Ehh... Teka lang pwede pag usapan muna natin ito??. Sabi ko
Pero wala manlang akong natanggap na sagot sa kanila. Sadyang seryosong tingin lang ang kanilang itinugon sa tanong ko habang naglalakad sila.
Teka baka gumana yun..
Nakaisip nman ako ng paraan at tingin ko gagana nman yun. Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan kong hinanda ang mga paa ko.
Te-teka.. Hoy! Buhay ka pa???!!!! Akala ko patay kana?!. Acting ko sabay turo sa bangkay ng kapatid nung isa.
Lahat nman sila ay biglang nagbago ang ekspresyon at tumingin sa kanilang likuran. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na yun.
Sige paalam!!. Pagkasabi ko nun ay lumabas agad ako ng pinto at sinara yun. Ginamit ko nman yung Arnis na hawak ko at ikinalso sa pinto para di nila mabuksan.
HULIHIN SIYA!!!!. Rinig kong sabi nung naka Bat.
Pagkalabas ko ay kamalas-malasan nga nman. Sarado yung Gate na malaki pero mukhang kakayanin ko nman talunin at akyatin ng mabilis.
*Blag* *Blag*
Bigla nmang kumalabog yung pinto at tingin ko tinutulak nila yun para bumukas.
Umatras ako ng konti at yumuko ng bahagya para makabwelo sa gagawin ko. Sunod nun ay tumakbo ako ng mabilis patungo sa Gate at nung malapit nako ay agad kong ipinatong sa bakal yung kanang paa ko at tumalon, kumapit nman ako sa tuktok na part ng Gate at umakyat. Pagkatapos nun ay tumalon ako pababa at pagbagsak ko ay gumulong ako.
*Bllaaaaaggggg*
Pagtingin ko sa likod ko ay nasira na yung pinto at nakalabas na sila. Nakita ko nman yung isa at may pinindut sa may pader at doon unti unting bumubukas yung pinto. Pinahirapan pako bwiset may switch nman pala dun.
Napatingin nman ako daan di ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa may narinig akong ugong ng motorsiklo.
*Brrrruuuuuummmmmm*
May rumampa bigla sa bandang likod ko pero ang alam ko pader lang yun. Pero may bigla nmang lumitaw sa itaas at nakita ko sa ere ang isang lalaki na nakasakay sa motor, naka leather jacket ito at may dalang lalagyan ng gitara sa likod di ko makita yung mukha dahil naka Cap ito at Mask sa bibig. Pagbagsak niya ay nag drift ito at humarap sakin, hinubad nman niya yung mask niya at nagulat ako kung sino ito.
Saka na ko magpapaliwanag, tara na sakay!!!. Mabilis niyang sabi kaya isinantabi ko muna yung pagkagulat ko.
Agad akong tumungo sa kaniya at sumakay sa likod nito. Kasunod nun ay pinaharurot na niya yung motor kaya napakapit ako ng maigi.
*Brrrruuuuuummmmm*
Habang umaandar ay di ko napigilan ang magsalita.
Salamat sa tulong. Sabi ko dito.
Maliit na bagay... Magkaibigan tayo diba kaya walang problema. Tugon niya saken.
Tsaka marami tayong pag uusapan.. Dahil alam ko na lahat. Dugtong niya. Pagkasabi niya nun ay parang nabuhayan ako.
Mabuti nman... Paandarin mo pa ng mabilis para di na tayo maabutan haha. Saad ko.
Oo ba!! Kumapit ka!!. Pagkasabi niya nun ay hinarurot na niya ang yung motor.
*Brrrrruuuummmmmm* Brruumm*
Wohoooooo!!!!. Sigaw namin dahil ambilis talaga.
Hahaha salamat talaga ulit....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Eiuol!!!. Sabi ko ulit sa kaniya.
Louie na lang tol Zekken!!. Malakas na sabi ni Louie.
O sige tsaka Shu na lang tol!!. Sagot ko at mas binilisan niya pa ang pag papaandar.
End of POV
Unknown POV ( Eto yung Killer )
Nandito ako ngayon sa aking Hideout habang pinapanuod ang isang video record ng CCTV sa bahay ko kanina hanggang sa makatakas siya.
Nireplay ko ulit yung Video at nung umakto na sa lalaking nakasakay ng motor ay pinause ko ito.
Panibagong sagabal nanaman ata yan boss. Rinig kong sabi ng Tauhan ko na si Tris.
Mukha nga pero ayos lang yan... Nasa atin nman ang huling alas. Iginawi ko nman ang paningin ko sa matandang lalaki na nakatali sa upuan.
Anu bang kailangan nyo saaken?! May kasalanan ba ko sainyo?!?!. Bigla namang sumigaw si Tanda. Kaya tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan niya.
Wala nman pero kay Hawk meron... Kaya pagbabayaran niya yun. Sagot ko sa kaniyang tanong.
Sino ba yang Hawk na yan ha?!?! Di ko nman kilala yang pinagsasabi nyo!!. Pasigaw ulit na sabi ni Tanda.
Alam mo kasi Tanda...malaki kasi ang maitutulong mo samin lalo na't anak nyo ang gusto ni Hawk. Bigla nman itong tumingin sakin ng sobrang sama. Yan ang gusto ko haha nakakaenjoy.
Anung kinalaman ng ni Jane dito... Ikaw!!.... Sa oras na may mangyaring masama sa Anak ko malilintekan ka saking bata ka!!. Banta sakin ni Tanda. Woah nman akala niya ata natatakot ako.
Wag mo kong ganyanin Tanda dahil anumang oras pwede kitang todasin.... Kaya manahimik ka dyan!! pasalamat ka na lang siguro dahil buhay ka padin ngayon. Pagkasabi ko nun ay wala nakong narinig pa mula sa kaniya. Kaya tumalikod nako.
Bantayan nyo siyang maigi at sa oras na makatakas yan... mauuna kayong mamamatay kay Hawk. Matapos kong sabihin yun sa mga bantay ko ay lumabas nako ng kwarto.
Masusunod po Boss. Bago tuluyang lumabas ng pinto ay yan ang narinig kong sagot mula sa kanila.
Maghihirap ka din Hawk.... Tulad ng naranasan ko noon....
End of POV
Louie POV
Nandito kami ngayun ni Zekken sa isang Park at nakaupo kami sa bench. Pinarada ko lang yung motor ko malapit samin in case lang na dumating yung mga yun. Habang nagpapahinga kami ay nagtanong nman agad siya saken.
Paano mo ko nakilala at nalaman na nandun ako?? Tsaka di ka manlang nagsabi na darating ka. Shuriken.
Simple lang tsaka bago ka pa dumating ay nandun na talaga ako at di nako magtataka na ikaw yan Zekken dahil di naman magkalayo ang itsura mo sa Game. Sagot ko sa kaniya.
Huh paanong nandun ka??. Takang tanong nito.
Okay sige ike kwento ko sayo lahat ng nangyari bago ako pumunta dito. Paliwanag ko sa kaniya.
At yun kinuwento ko kung paano ko nalaman ang personal info. ng Killer. Kaya nakapunta ako sa lugar na yun dahil yun yung address na nasa info. bukod dun bago ako pumunta dun syempre nagdala ako ng baril para may panlaban ako kaya pumunta ako sa taong tinutukoy ni Efgreyr sa sulat na nagbebenta ng baril at binigyan ako ng Sniper.
Pagkatapos kong ikwento lahat ng naranasan ko ay naintindihan niya nman lahat.
Ibig sabihin baril pala ang laman niyan. Tukoy niya sa lalagyan ng gitara.
Oo tama ka syempre para di halata. Marahan kong tugon.
Pero maiba tayo... Kung nalaman mo nga ang personal info...ibig sabihin.... . Pagkasabi niya nun ay alam ko na ang nais niyang ipahiwatig sakin kaya sumagot ako.
Mali ang iniisip mo na alam ko na ang pangalan ng Killer.... Nang makita ko kasi ang Name dun sa info ay sinearch ko ito sa mga iba't ibang social media account tulad ng FB pero nung nakita ko yung taong yun hindi pala siya CF Player... Meaning Fake name ang ginamit niya except sa ibang info. Mahabang paliwanag ko sa kaniya.
Kainis. Rinig kong bulong ni Shu.
Oo nga pala base ss nakita ko kanina... Nakipag meet ka sa kaniya ibig sabihin ba nagkita na kayo?. Ako nman ang nagtanong sa kaniya.
Hindi kami nagkita.... tanging boses lang ang narinig ko nung mga oras na yun. Sagot nito. Napahawak nman siya sa magkabilaang kamay at yumuko.
Nakipag deal din ako sa kaniya nun dahil isa na din daw yun sa pagpapahirap niya saaken. Nagtaka nman ako sa sinabi niyang yun. Papahirapan muna?? Bago patayin.
Anung deal nman yun??. Agad kong tanong.
Kailangan kong saktan ang damdamin ng taong mahal ko ngayon. Nagulat nman ako sa sinabi niya. Ang hirap nga nun.
Bakit hindi kayo magkunwari at sabihin ang deal na yan sa kaniya??. Suggest ko, pwede nman kasi yun.
Hindi pwede.. hawak nila ang Ama ni Mantha at sa oras na ginawa ko yun at nalaman ng Killer papatayin nila yun panigurado. Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Ibig sabihin may hostage sila mukhang mahirap ito.
Kaya labag man sa kalooban ko kailangan kong gawin yun para sa Ama niya dahil ayokong may sumunod kay Efgreyr.... Ayokong may mamatay ng dahil saken. Nakayukong saad ni Shu.
Hindi pwede na wala akong gawin. Nangako ako kay Bryan na tutulungan ko siya hanggang sa makakaya ko. At para bigyang hustisya na din ang pagkamatay niya.
Nakaisip nman ako ng paraan kung paano namin maililigtas ang Ama ng taong mahal niya.
Shu may tanong ako sayo. Sabi ko sa kaniya.
Anu yun??. Sagot niya habang nakayuko parin.
Handa ka bang mamatay mailigtas lang yung Ama ni Mantha??. Tanong ko. Nanahimik nman ito saglit pero sumagot din nman.
Oo handa ako. Seryosong tugon niya.
Pwes may plano ako kung paano natin siya ililigtas pero gagawin mo padin yung deal maliwanag??. Sabi ko.
Oo sige Louie gagawin ko. Shuriken.
Okay ito ang plano.........
End of POV
#############################
Yow guys hahaha sana nagustuhan nyu yung UD ko at salamat sa mga sumusuporta sa CFO. Malapit na konti na lang xDD hahahahaha.
Plug muna tayooo haha
Title : The Cold Hearted Gangster
Author : ApacibleMovers
Yooow zir yan na ahh , basahin nyu guys ganda niyan pati yung author xD
Basta abangan nyu lang palagi at pasensya na di ito Long Long UD kasi di kinaya eh hehehe basta bawi ako sa next chapt. Sige hanggang dito na lang muna.... Byeee
- TripletsX
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top