Chapter 73 : Is this the END??

Shu's POV

Pagkatapos ng pagsabog na nangyari ay nag itim ang paligid ko at napunta ako sa isang kwarto ngunit wala akong makita dahil ang dilim ng paligid at parang may spotlight lang na nakatutok saaken ( Parang mag dadrama ata ako dito ) . Pero lumipas ang ilang minuto ay nag liwanag ang buong katawan ko at nateleport ako bigla kaya napapikit na lang ako.

*Clap* *Clap* *Clap* *Clap*

*Bogsh* *Duugg* *Plaakk* *Boom*

*Crowd Voice*

Habang nakapikit ay marami nman akong narinig na ingay sa paligid kaya dahan dahan kong minulat ang dalawang mata ko. At doon nakita ko ang maraming player sa baba na nag papalakpakan, sinisigaw ang IGN ko, mga fireworks at makukulay na ilaw. Napagtanto ko na nasa stage pala ako kaya iginawi ko ang paningin sa paligid at sa kanang side ko nakita si Eiuol na nakangiti at kumakaway sa mga player. Lumingon nman ito saaken at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanya.

Naglakad ako patungo sa kaniya at ganun din siya , doon mas lumakas lalo ang sigawan ng mga players na nandito sa G.O . Oo nasa General Office pala kami ngayun ko lang nagets hehe, nakalimutan kong may stage din pala dito. At nang makalapit ay inilahad nito ang kaniyang kamay harapan ko pero bago yun tinignan ko muna ito at nagsalita siya.

Sana magkita pa tayong muli Zekken, kahit sa sandaling lang na magkasama tayo para saaken madami akong natutunan ng nakilala kita kaya masaya akong naging success ang misyon natin at mahuhuli na din natin ang Killer kaya maraming salamat Zekken. Mahabang saad ni Eiuol inabot ko nman yung kamay niya at nag salita din.

Di nman ako magtatagumpay kung hindi dahil sa tulong mo eh kaya salamat din sayo Eiuol. Tugon ko dito sabay ngiti pero may bigla nman akong naalala kaya agad ko itong sinabi.

Oo nga pala bago yun pano natin malalaman at mahuhuli ang Killer??. Agad kong tanong

Wala tayo sa tamang lugar Zekken kaya mas mabuti pang magkita na lang tayu sa Real World okay ba sayu yun??. Eiuol, Real world??? Di nman siguro masama.

Sige ip PM ko na lang ang address ko sayo bukas kaya mag online ka na lang at .... Lumapit ako sa kaniya ng konti at pabulong kong sinabi ang kasunod..  Kung sakaling magkita tayu ako nga pala Shuriken Velasquez yun ang totoong name ko. Saad ko dito

Ako nman si Louie Ackerman ikinagagala kitang makilala Shuriken. Ngiting sambit ni Louie

At pagkatapos nun ay may bigla nmang nateleport sa gilid namen. At nung nawala yung liwanag ay bumungad saamen sina GM Zane, GM Laila, GM Zed at GM Kaycee. Agad naman silang lumapit samin ni Eiuol at dinala kami sa gitna ng stage at sa gitnang bilog.

Sumunod nun ay iniwan kami ng GM sa bilog at bigla nmang umangat ang tinutungtungan namin ni Eiuol. At pagkatapos nun ay huminto ito sa pag angat at tantya ko dalawa hanggang tatlong palapag ang taas namin ngayun. May bigla nmang lumitaw sa harapan namin na malaking Holographic Screen at may bigla nmang lumitaw na isang lalaking nakasalamin na medyo matanda tingin ko nasa 30 years old pa lang siya. At nagsimula itong magsalita.

Hello sainyong dalawa Zekken, Eiuol. Pagbati ng lalaki

Hello din po sir. Magalang na saad ni Eiuol

Hi din po. Sabi ko nman

Bago yun alam kong di nyu pa ako kilala at ng ibang player na narito at naglalaro ng CFO, Ako nga pala si Cody di ko na sasabihin ang aking apelido dahil kailangan maging sagrado iyun by the way ako ang taong gumawa ng CrossFire na virtual game kaya parang ako na din ang creator ng larong ito yun lang pinakilala ko lang sarili ko hahaha. Saad ng Creator

Balik tayu sa kanila pagkasabi niya nun ay tinignan niya kami ng maigi na akala mo pinag aaralan. Congratulations sainyong dalawa at isa lang nman ang ibig sabihin kung bakit kayong dalawa ang nasa platform na iyan dahil magaling kayo, simula ng pinanood ko kayo ay namangha nako sa pakikipaglaban nyu lalong lalo ka na Zekken at tumingin nman ito saaken ng sabihin niya ang IGN ko di nako mag papaligoy ligoy pa kaya nga tanggapin nyu ang Reward ninyo. Pagkasabi niya nun ay agad nmang nagliwanag ang katawan namin ni Eiuol at may lumabas sa world notifications.

" Event History "

< First GBS Tournament >

Winner : Zekken and Eiuol

Kasunod nman nun ay ang pag litaw ng notifications sa aking VS. Kaya binuksan ko ito at yan ang tumambad saaken.

Creator:

Congratulations Zekken!! Here's your reward by being a winner in the first GBS Tournament , thanks for your joining/participation!! :)

-OK-

Pinindut ko nman yung okay button at nakita ko nman ang mga reward ko at nagulantang ako sa nakikita ko ngayun.

Reward •

- 2,500,000 GP
- 100% GP Boost ( 100 days )
- 100,000 EXP
- 100% EXP Boost ( 100 days )
- SVD56 Black Star ( Handgun ) ( Permanent )
- Armor Set ( Head, Chest etc. ) ( 100 days )
- Change Name Card
- CF Card ( Special )
- Weapon Customized Card ( Primary Weapon Only )
- Edit Title Card

WTF?!! Ang ganda ng mga reward na nakuha ko talagang sulit ang pagsali ko. Lahat ng items na nakuha ko mapapakinabangan ko talaga malaki ang maitutulong saaken nun lalo na yung Weapon Customized Card.

Nakatingin pa din ako sa Reward na nakuha ko pero parang nawala bigla ang focus ko ng magsalita si Creator.

Kung ibabase sa itsura nyu alam kong nagustuhan nyo ang reward na napunta sainyo pasensya na dahil hinati namin yan dahil dalawa kayong nanalo pero tingin ko wala nmang kaso iyon eh dahil parang sapat na sainyo yung natanggap ninyong dalawa. Saad ni Sir Cody

Maraming salamat dito Sir malaking tulong ito saaken. Pagpapasalamat ko kay Creator Cody

Maraming salamat din po Sir. Sabi nman ni Eiuol

Walang anuman haha bago yun nag papasalamat ako sa lahat ng player na nakipag participate o sumali sa kauna unahang GBS sa CFO taon taon tayu magkakaroon nito kaya wag kayung mag alala at sana'y nag enjoy kayo sa Tournament na iyon hanggang sa muling pagkikita dahil may mga aayusin pa ang mga GM ngayun kaya ifoforce log out namen kayo yun lang at maraming salamat , Paalam Players. Mahabang sabi ni Creator Cody at nawala nman siya sa Holographic Screen.

Agad nmang nag liwanag ang lahat ng player na nasa G.O ngayon. At may countdown nman na lumitaw sa VS ko.

Force Log Out in ......
3.........
2.........

Paalam Zekken haha. Huling saad ni Eiuol, ngumiti ako at tumango bilang tugon.

1...........

*Black Out*

At tuluyan nmang nagdilim ang aking paningin ng matapos ang countdown. Iminulat ko nman ang aking mata at nandito ulit ako sa aking kwarto. Hinubad ko na yung CG sa ulo ko at bumangon. At doon nakita ko ang Team ko na nag kekwentuhan pero natigil sila bigla ng mapansin nila ako. Tuwang reaksyon ang nakita ko sa kanila at agad nila akong nilapitan. Nagulat ako ng bigla akong dinaganan.

Master!!

Shu Congrats!!

Yan ang bungad nila saaken at doon nagkaroon ng tawanan ng mapansin nila na ang pangit ng sitwasyon namin.

Salam-at Te-am pero bag-o yun umalis mun-a kayo di ako makahi-nga. Putol putol kong sabi dahil apat ba nman ang nasa ibabaw ko eh.

Nag alisan nman sila at umayos ng upo sa aking harap kaya bumangon nako at umupo din.

Phew! Buti nman kala ko papatayin nyo ko eh haha. Matawa-tawang saad ko

Sorry master haha. Clark

Pasensya na Shu natuwa lang kami masyado hehe. Singit naman ni Rence

Anu nga pala mga reward na binigay sayo shu??. Tanong ni Alex

Madami eh basta saka ko na sasabihin gusto ko ng magpahinga. Tugon ko sa kanila.

Ahh sige master. Clark , kaya tumayo nako at kinuha ang CG ko.

Sige team uwi nako. Pagpapaalam ko

Sige pre ingat na lang. Sagot nman ni Nery

Kaya lumabas nako at umalis na sa tambayan namin. Umuwi nako sa bahay at medyo madilim na din at tingin ko mga pasado 6pm na.

-----------------------------------------------

"House"

Nang makarating sa bahay ay agad akong pumasok sa loob at doon nadatnan ko sila kuya na nanonood ng TV sa Sala habang si Mama ay nasa kusina ,aakyat nako papuntang kwarto ng bigla akong narinig sa news.

Isang maganda balita sainyo mga kaibigan lalong lalo na sa CFO Gamer dahil sa pagtatapos daw ng GBS Tournament ay maraming magagandang weapons at mga event ang gagawin ng CFO Corp. na pinagungunahan ng gumawa ng Virtual Game na si Mr.Cody . Sabi ng reporter sa News

Mukhang maganda yun ah..

Sumunod nun ay umakyat nako patungo sa kwarto sa itaas. Nang makarating ay pumasok nako sa loob at nilagay sa box yung Cursed Gear ko atsaka humiga sa kama.

*Tenenten ,tenenetenenten  - Ringing*

Bigla nmang tumunog yung cellphone ko sa table malapit sa kama kaya agad akong napabangon at kinuha yung cp ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag pero unknown lang ang nakita ko pero sinagot ko na baka sakaling kilala ko.

Hello??. Panimula ko ngunit walang sumagot.

Hello?? Sino ba to??!!. Medyo inis kong sabi

Magbabayad ka Hawk. Pabulong na sagot sa kabilang linya pero narinig ko at dahil doon kinutuban na agad ako.

Hindi kaya....

Pahihirapan kita ng husto hanggang sa magmakaawa ka sa harap ko at sisiguraduhin kong hindi ito matatapos hangga't hindi ka mamamatay sa kamay ko!!. Pagalit na saad ng sa kabila.

Hayup k- . Sasagot sana ako ng biglang..

*Toot* *toot* *toot* *toot*

Bwiset!! Arggghh!! . Inis kong sambit sa aking sarili sabay higa ulit.

Akala ko pagkatapos nun ay magiging okay na ang lahat... Pero hindi pa pala Ibig sabihin hindi pa ito ang katapusan hangga't hindi niya nakakamtam ang inaasam niyang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
KAMATAYAN.

###############################

Hi guys hahaha salamat nakapag UD din ako sana nagustuhan nyu ang chapter na ito kahit na panget hahaha. Btw sana kahit matagal ako mag UD ay suportahan nyu padin ang CFO ko dahil malapit na din itong matapos konting tiyaga na lang hahaha hirap din ng walang wifi di maka UD ng mabilis kaya pagpasensyahan nyu nako ah.

Sige hanggang dito na lang muna guys see u na lang sa next chapter.... Sayonara :)0

- TripletsX











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top