Chapter 7 : Apology
[ Mantha's POV ]
• Selis House •
Maaga akong nagising ngayon at naka ready na lahat ng gamit ko kaso ang aga pa. Alas 5:20 pa lang kasi ng umaga eh. Pero tingin mas okay na din ito kaya nagpaalam nako.
Pa alis na po ako.
Sige anak mag ingat ka dyan ah. Sagot ni Papa habang nagkakape sa sala. Lumabas nako ng bahay.
Habang naglalakad papuntang school ay naalala ko nanaman yung nangyari kahapon samin ni Shu.
Siguro masyado niya talagang pinagsisisihan yun.....
---------------------------------------------------------------------------------------------
• Macario High School •
Ilang sandali lang ay nakarating na din ako ng school medyo madilim pa dahil 5:35 am pa lang pagkatingin ko sa relo ko.
Nakita kong bukas na yung gate ng building namin kaya pumasok nako.
Iilan pa lang pala ang andito. Puna ko sa paligid.
Umakyat nako at pagliko na pagliko ko pa lang ay nakita ko agad si Shu na nasa tapat ng room habang nakatingin sa langit.
Hindi pa rin pala siya nagbabago......
Gawain niya na kasi lagi ang tumambay sa labas ng classroom kapag maaga pa. Noong second year kami ay madalas niyang gawin iyon.
Naglakad nako ng bigla siyang tumingin sakin at nag greet.
Morning. Maikling bati niya.
Good morning din. Bati ko din at pumasok nako sa room.
Tinignan ko kung may iba pa kaming kasama kaso mukhang dalawa pa lang kami dito kaya lumabas ako.
Nakita ko nanaman siya na nakatingin ulit sa langit. Pagkakataon na siguro ito para makapag sorry ako.
Kaya nilapitan ko agad siya at tinanong.
Ano namang ginagawa mo dyan? Malamig kaya dito. Pasimpleng tanong ko.
Sight-seeing diba obvious?. Sagot niya ng hindi nakatingin.
Lakas mo talagang mang asar noh.
Hindi ako nang aasar nagsasabi lang ng totoo.
Biglang natahimik ulit kami, tingin ko ngayon ang pagkakataon na iyon. Kaya pumwesto ako malapit sa kaniya at tumingin din sa langit.
Huminga muna ako ng malalim at hindi ko alam pero napayuko ako habang magkahawak ang dalawang kamay ko. Sorry talaga kahapon ah kung nasungitan kita at nagpahiwatig pako sayo.
Walang problema sakin iyon ano ka ba. Tugon niya. Huwag ka yumuko dyan atsaka hindi bagay sayo ang nakasimangot. Napatingin ako sa kaniya at nakangiti ito sakin.
Nagso sorry na nga ako eh tapos nang aasar ka pa.
Binibiro lang ito naman. Hindi ko tanggapin sorry mo dyan. Tawa niyang sabi.
Edi wag.
Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Konti na lang makaktikim na talaga ito sakin.
Anong tinatawa tawa mo?. Inis na tanong ko.
Wala cute mo kase magalit parang dati lang. Siya
Kaso buti na lang hindi kana namamalo noh ansakit kaya nun. Dugtong nito.
Naaalala mo pa pala yun.
Oo naman sabi nga sa nabasa ko, "Its hard to forget a someone who give you a happy memories". Sabi niya.
Natuwa ako ng bahagya nung marinig ko ang sinabi niya.
May request sana ako sayo kung pwede lang.
Ano naman yun?.
Ahhm a-ano....kasi....kung p-pwede lang tayo bumalik ulit sa dati?. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung kakapalan ng mukha ko pero wala na nasabi ko na.
Na alin?. Tanong niya. Kainis naman napaka slow naman nito.
Na ano......
Na maging magka close ulit tayo?.
Oo yun parang ganun. Napahinga ako ng konti nung nakuha niya ang gusto kong sabihin.
Yun lang pala eh. Okay lang naman. Sabi niya at papasok na sana sa room.
Wait lang shu. Tumingin naman siya sakin. Kung pwede huwag mo ng isipin yung nangyari dati dahil okay na rin nman ako eh.
Ngumiti siya saka sumagot. Maraming salamat balang araw malalaman mo din yung rason ko.
Sabay na kaming pumasok sa room at marami na ding nagdatingan na estudyante.
Habang wala pa si ma'am ay nakita ko si shu na natutulog nanaman. Hindi ko napansin na nakatitig nako sa kaniya nung bigla akong gulatin ni Clarisse.
Hoy Mantha ano yan? Grabe ka makatitig kay kenken ah matutunaw na siya uyy. Sabi ni clarisse.
Anong problema?. Tanong ni Shu na biglang bumangon at tumingin samin.
Kasi kenken si mantha.. HMMMMMPPP. Tinakpan ko yung bibig ni risse
Wala lang yun shu matulog ka na lang dyan. Sabi ko
Maya maya ay dumating na din si ma'am at nag discuss lang siya. Nag next teacher na din at yung adviser namin na si Ma'am rose.
Okay class bago tayo magsimula gusto ko lang ianunsyo na magkakaroon tayo ng bisita sa darating na school festival natin sa October 10. Sabi ni Ma'am.
Isa ang school natin sa maswerteng napili na magpapa tournament sa larong CrossFire. Pupunta ang ilang staff ng CF Company dito para isaayos ang mga kailangan. Kaya sa mga gustong sumali "first come first serve". Paliwanag ni Ma'am.
Nagsigawan naman lahat ng lalaki samin dahil sasali daw sila.
Tinignan ko si Shu kung anong reaksyon niya pero parang wala lang sa kanya at nagsalita pa si ma'am.
Base sa papel na binigay sa amin. Ang tournament ay binubuo ng limang member bale 5vs5 ang labanan. At ang mode na nakalagay dito ay RANDOM. Ang maaaring magparticipate lang sa event na iyon ay mga estudyante lamang dito sa loob ng school. Maliwanag ba ang pagkaka explain ko? Pagpasensyahan niyo na kung may hindi kayo naintindihan dahil binabasa ko lang ang nasa papel. Kung may tanong kayo ay dumiretso lang kayo sa faculty. Mahabang saad ni Ma'am.
Matapos nun ay nagdiscuss na si ma'am at nag bell na din. Narinig ko na naguusap usap na yung mga kaklase ko tungkol sa tournament.
Maya maya ay biglang umingay at may sumigaw na isa na "Ang 3 kings nandyan na!". Na parang kinikilig na ewan.
Nakita ko si Shu na nagtakip ng tenga kaya natawa ako. Alam ko kasing ayaw na ayaw niya ng maingay.
Nagulat ako nang may pumasok sa room namin habang may nagtitilian sa labas. Isang lalaki ang patungo sakin at kilala nyo na kung sino ito.
Hi Miss Sungit pwede ba tayong kumain ng sabay? Libre ko. Aya ng hambog na si Jhon Carl sakin.
Ayoko tsaka iba na lang yung yayain mo dahil may kasama ako. Sabi ko. Agad kong hinanap si Clarisse pero nawala siya bigla sa tabi ko.
Noong tumingin ako sa paligid ay nakita ko siya sa pinto. Nagsenyas lang ito sakin habang nakangisi. Lagot ka talaga sakin mamaya..
Sus nag rarason kapa kahit wala ka namang kasama. Tara na kasi at huwag ka ng maarte. Pilit niya. Nabigla ako nung hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit.
Hihilahin niya na sana ako nang may biglang tumabing ng kamay ni Jhon Carl o J.C at ibang kamay ang humawak sakin, paglingon ko si Shu ang gumawa nun at nagkatinginan ang dalawa.
Huwag mong pilitin ang ayaw pre tsaka ako ang kasama niya kaya umalis ka na lang kung pwede?. Seryosong sabi ni Shu.
Sino ka naman para pigilan ako ha?. Hindi mo ba ko kilala ha?.
Pakialam ko kung sino ka. At yung ibang tao dyan pwede ba magsi alis na kayo?! Walang sine dito. Nagsi alisan naman ang ilang estudyante na nakikichismis at ilan na lang kaming natira dito sa room.
Pero teka mukhang namumukhaan kita. Parang may kamukha kang player dati. Sabi ni JC habang may pilit itong inaalala.
Napansin kong natigilan ng konti si Shu sa sinabi niya.
Kung player man ako dati wala ka ng pake doon. Shu
Bumulong yung isa sa 3 Kings kay J.C. At sa pagkakatanda ko Adrian ata name niya.
Ah natatandaan na kita ikaw pala yung batang player sa CF na kasama sa Top 30 Acer noong 2010.
Napawoah naman ang ilan sa mga nakarinig. Ilan sa bulungan na narinig ko ay sikat daw noon ang 30 Acer. Hindi ko alam na kasali si Shu doon. Ni hindi ko nga din alam ang tungkol sa ganun.
Paano ka naman nakakasiguro na ako nga yung tinutukoy mo?. Tanong ni Shu.
Dahil may info ako tungkol sa UGS. Naging parte din ako sa sistemang iyon. Eh ikaw din diba?.
Hindi naman makasagot si Shu pero seryoso pa rin siyang nakatingin kila JC.
Nagulat ka ba sa mga alam ko?. Sige may gagawin ako para maalala mo naman kami. Maangas na sabi ni JC.
Nag silent sign tapos nag gun sign siya sa kamay niya. Itinutok niya ito kay shu at kunwari ay pinaputok. Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Shu sa kamay ko.
Naaalala mo na ba ha?...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...Hawk?. Nakangising saad ni JC.
Hindi ko na maintindihan kung ano yung sinasabi nila. At yung bagay tungkol sa UGS at dapat aminin.
So isa ka pala sa Silent Killer. Seryosong tugon ni Shu. Isa sa mga grupo ng mga mandaraya noong 2010. Mahinang sabi ni Shu.
Natatandaan mo na pala kami. JC. maya maya ay bumulong ulit yung Adrian.
Magkikita ulit tayo Hawk at hinahamon kita na sumali sa CF tournament. Turo niya kay Shu at nagsi alisan na sila.
Hawak pa rin ni shu yung kamay ko simula nung nag usap sila. Nagulat ako nung hinila niya ko at pumunta kami ng canteen.
Tahimik lang kaming naglalakad at nung nakarating kami ay nagtanong ito.
Anong kakainin mo libre ko. Sabi niya ng naka ngiti sakin pero alam kong hindi tunay iyon pero sinakyan ko na lang.
Himala manlilibre ka?. Sabi ko na lang.
Ayaw mo?. Tsaka minsan lang to.
Ikaw na bahala.
Nag order na siya at sabay kaming kumain. Sa totoo lang natuwa ako dahil ito ang unang beses naming magsabay na kaming dalawa lang. Pagkatapos kumain ay niyaya niya nako na umakyat na sa taas.
Tara na. Aya niya.
Sige. Sagot ko at agad kaming naglakad paalis.
Nang nakarating na kaming dalawa ay sa room ay tinignan kaming dalawa ng mga kaklase namin.
Kayo na ba?. Sabi ng isa kong kaklase.
Bigla kaming kinantyawan ng asar ng iba pa naming mga kaklase. Medyo nahiya ako dahil doon. Pero yung kasama ko imbis mahiya rin ay sinakyan pa.
Hindi pa kami easy lang kayo. Sabi niya na parang inaasar ako kasi natatawa siya.
Lumipas ang oras ay nag uwian na din sa wakas nakita ko si Shu na aalis kaso pinigilan ko ito nung wala na yung iba kong kaklase.
Shu wait lang. Huminto naman siya at pagkaharap niya ay niyakap siya ng mabilis.
Ba-bakit!?.
Salamat sa araw na to ah. Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.
Nagulat ata siya sa ginawa ko dahil hindi niya inexpect na gagawin ko iyon.
Napailing siya ng konti at ginulo ang buhok ko saka sumagot. Welcome ikaw pa malakas ka sakin eh.
Medyo nainis ako ng konti na ikinatawa niya naman. Matapos nun ay sabay na kaming umuwi.
To be continued......
###############################################################################
Natapos din ang chapter na to please suportahan nyo po ang story ko ah paki vote na rin para mas ganahan pako
Salamat sa pagbasa at pagtiyaga sa story god bless
Next Chapter : The Past
[ Edited: 10/19/20 ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top