Chapter 60 : Greatest Info Broker II ( Secret Info. )
Louie POV
IKAW?!?!. Gulat na reaksyon ni Zekken ng iharap ko sa kanya yung info broker.
Ako nga at wala ng iba. Sagot ni Bugoy
Oo nga pala siya si BugoyPalaboy IGN niya sa game nato. Sa paghahanap ko ng information sa mga site ay nalaman ko na may infor broker din pala sa CFO. At nung nalaman ko ang pangalan niya ay hinanap ko ito sa game. Una parang ang weird ng itsura niya parang sa Men In Black lang yung suot saan kaya ang patay?? Joke haha pero simula nun ay nakipag kaibigan ako sa kanya para din magkaroon kami ng information ni Zekken. Pero nagtataka ako dahil parang magkakilala sila kaya di ko naiwasang magtanong.
Magkakilala ba kayo??. Tanong ko sa kanila
Oo Eiuol dahil siya ang idol ko sa larong ito. Ngiting sagot ni Bugoy kaya nman pala.
Teka lang muna paano?? Parang normal player ka lang na medyo weird napansin niya pala din yun haha tapos isa kang info broker?!. Sunod sunod na sabi ni Zekken
Hehe sorry na idol ayoko kasing malantad eh at baka malagut ako. Kamot ulong tugon ni Bugoy
Iba ka ahh pero kung makakatulong ka nga talaga samen ngayon pa lang nagpapasalamat nako. Malumanay na saad ni Zekken
Walang anuman din agad haha kahit wala pa idol. Bugoy medyo na O.P nako dito ah kaya nagsalita na din ako.
Mabuti pa pag usapan naten yan doon sa lamesang yun. Sabi ko sabay turo sa pang picnic na lamesa, sumang ayon nman sila at pinuntahan namen iyon at umupo.
Sige bugoy anu bang mga nalalaman mo sa larong ito??. Paunang tanong ni Zekken.
Marami idol pero anung info ba ang kailangan nyu at saka may bayad to pero dahil idol kita libre na lang. Tugon ni Bugoy.
Gusto naming malaman kung anung klaseng map ang paglalabanan namen bukas sa GBS. Singit ko nman sa kanila
Ah yun ba?? O sige nakakalap nako dun haha di bale sasabihin ko. Bugoy sabay nag swipe at may pinindut siya ng kung ano ano sa VS niya.
Pagkatapos nun may hinarap siya sameng picture ng map sa VS.
Ayan ang map na paglalabanan nyo sa GBS, ang tawag sa lugar na yan ay " Island of Death ". Seryosong sabi ni Bugoy.
Bakit tinawag yang Island of Death atsaka island?? Malaki ba talaga yang map??. Tanong ko
Kaya tinawag na Island of Death yan dahil ang lugar na yan ay may mga sikreto. Bugoy tapos inayos niya ang salamin niya.
Parang mga hidden trap??. Tanong nman ni Zekken
Tama ganun na nga tsaka kaya Island yan Eiuol dahil talagang isla yan nakalimutan ko ang sukat eh pero kung ikukumpara ko sa real world baka anim na Luneta park ang laki niya. Nagulantang nman ako sa sinabi niya. Anim na Luneta Park?!? As in Anim?!? Grabe.
Tanong lang ulit Bugoy hinati hati ba yan sa iba't ibang parte dahil kasi kung puro puno, lawa lang yan ay di ma eenjoy ng mga player yun. Napaisip ako sa simabi ni Zekken parang may point siya dun.
Tama ka idol hinati hati nga ito sa Anim na parte ang una ay "Lost City" kung saan ang syudad na ito ay parang binagyo na dahil puro wasak wasak na ito pero may mga secret sa lugar na yun example ng mga bomba na nakatanim, pangalawa nman ay "Desert" kung saan mainit syempre disyerto nga eh haha, pangatlo ang "Forest" syempre anu pa bang meron dun mga puno diba, pang apat nman ay karugtong ng Forest at Lost City ang "Bridge" dalawa ito kung saan kinokonekta ito papunta sa Desert, pang lima nman ay Kalapit ng Forest ang "Lost Garden o Ruins" maraming secret sa lugar na ito kaya dapat mag ingat at ang huli ay ang "Dark Village" na malapit sa Lost City lahat ng mga parte na yan ay may sikreto kaya dapat kayong mag ingat . Mahabang paliwanag ni Bugoy
May mga gusto pa sana akong itanong pero wala ng oras dahil matutulog pako. Zekken sabay tingin sa orasan niya di ko alam na relo pala yun kaso kakaiba.
Anytime ako idol basta ikaw haha. Ngiting sagot ni Bugoy
Salamat sa information Bugoy ipi PM na lang kita pag need ko ang tulong mo. Zekken at tumayo na ito at nag swipe sa harap nmen.
Walang anuman idol. Nakangiting sagot ulit ni Bugoy..
Sige paalam na muna sainyo Eiuol. Pagpapaalam niya samen at pinindut niya na ang log out.
Sa ngayon dalawa na lang kami ni Bugoy dito sa GoM pero may mga gusto pakong malaman.
Ikaw eiuol may maitutulong paba ako sayo??. Tanong nito saken
Oo meron pa. Seryoso kong sagot
Okie haha. Masayang tugon nito
At nagsimula na kaming mag usap para sa mga gusto kong malaman sa larong ito.
End of POV
Thirdperson POV
Lahat ng ating karakter ngayon ay na kasali sa GBS Tournament ay may kanya kanyang ensayo upang mapalakas ang kanilang sarili. Samantala ang ating bida ngayon ay naka higa lang sa kanyang kama habang nakatitig sa itaas niya.
Sana matapos nato. Sambit ni Shu at tinakpan niya ang kanyang mata ng kanyang kanang kamay.
Sa kabilang dako nman ay may isang lalaki na nasa harap ng kanyang computer habang nagkakalap ng impormasyon sa Site ng CFO. Ngunit inilipat niya ito sa mga larawan at dun nakikita niya ang picture ng mga karakter na si Prime at Shu ang larawan ni Efgreyr ay naka X na dahil patay na ito na siya nmang may gawa. Ngumisi lang ang lalaki at tinignan ang picture ni Shu.
Malapit na ang araw ng kamatayan mo Hawk at isusunod din kita Prime. Saad ng lalaki sabay ngisi na nakakatakot.
---------------------------------------------
Lumipas ang oras ay kinaumagahan na at ito na ang pinakahinihintay ng lahat ng Player ng CFO. Ang pagsisimula ng tunay na laban ng GBS Tournament kaya pagkaraan ng mga ilang oras ay malapit na ito magsimula. Pagkatapos ng klase ng ating mga karakter ay nag si uwian na ang mga ito at pagkatapos gawin ang dapat gawin ay pumunta sila sa kanilang tambayan dahil doon sila maglalaro. Pagkarating nila doon nag apiran sila at sabay sabay pumasok sa loob ng kanilang tambayan. Nag usap usap muna ang mga ito bago mag log in.
Team goodluck sana kayanin natin ito. Malumanay na sabi ni Shu
Kaya natin yan nag training tayo ng mabuti para paghandaan ang laban na ito. Clark
Tama kaya ipakita natin sa kanila kung ano ang mga kaya nating gawin. Nery
At higit sa lahat matuto tayong magtiwala sa mga kakayahan natin at wag basta basta susuko. Alex
Tama yan team kaya ano pang hinihintay naten tara na!. Pagyaya ni Shu kaya pumwesto na sila at humiga.
Team sabay sabay tayo pagbilang ko ng isa!! Dalawa!!...... Tatlo!!!!. Shu..
GAME ON!!!. Sabay sabay nilang bigkas
At neteleport na ang magkakaibigan sa Virtual game nagkita kita ang mga ito sa Park pagkatapos nun ay pumunta sila sa Teleporter para mabilis na makapunta sa G.O . Pagkarating ng ating mga karakter ay pumasok na sila loob kung saan marami ding ibang player ang naroroon. Lumapit nman sa kanila si Prime ng makita niya ang mag kakaibigan, nagkamustahan lang mga ito ngunit naudlot ng biglang nagsalita ang mga GM.
Goodafter noon Players!! Excited na ba kayo?!?. Tanong ni GM Laila
OO!. Sagot nman nila
O mukhang ready na sila Laila kaya anu pang hinihintay naten. Nagsenyas si GM Zane sa kanya kaya..
SIMULAN NA ANG GBS TOURNAMENT!!!. Sabay nilang sabi
*Clap* *Clap* *Clap* *Clap*
*Boggsh* **Bogssh* - Fireworks
Mga mga player nman na nag paputok ng baril at sinabayan ang pagputok ng mga fire works.
Kaya players sabay sabay tayong mag countdown. GM Laila na ginawa din nman ng lahat ng player
TEN!!
NINE!!
EIGHT!!
SEVEN!!
SIX!!
FIVE!!
FOUR!!
THREE!!
TWO!!
ONE!!
May pinindut nmang button ang GM na si Zane kaya biglang umilaw ang lahat ng player.
GOODLUCK PLAYERS AND HAVE FUN!!. GM Zane
At neteleport na nga ang player sa map na tinatawag na...
" Island of Death "
############################
Guys salamat po talaga dahil nag Rank 5 ang story ko thanks po talaga ngayon nman haha sa mga di nakasagot kasi walang nag comment xD haha oks lang pero nice try sa isang reader ko na si IamEnder di kita ma tag haha sensya.
Sorry kung bitin ah hahah kakatapos lang kasi periodical test kaya di ako naka UD agad agad pero sana nagustuhan nyo yung UD ko ngayon. At Bug0ypalab0y sana nagustuhan mo yung Role as Greatest Info Broker hahaha xD
Hanggang dito na lang muna guys salamat ulit
- TripletsX
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top